Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01

Xavi's POV

"Ar, uuwi ka?" Tanong ko kay Arven habang nag-aayos ng mga gamit ko na dadalhin pauwi sa bahay.

Nag-angat ng tingin si Arven mula sa kaniyang tablet at umiling. Napakamot ito sa batok.

"Hindi muna, wala pa akong pamasahe." Ani nito, napatango lang ako bago isinara ang bag ko.

"Sige... wait nakita mo phone ko?" Tanong ko bago kinapa ang mga bulsa ko para tingnan kung andon pa ang cellphone ko.

Umiling si Arven bago nag hanap-hanap sa paligid. Ibinaba ko ang bag ko sa sahig at naghanap sa kama ko. Maski si Arven ay naki hanap na rin. Sa unan at ilalim ng kutson.

"Shit, nawawala pa nga!" Pagmamaktol ko nang hindi ko makita ang aking hinahanap.

"Hindi ko naman isinilid sa bag ko diba?" Tanong ko kay Arven at tumango ito.

"Pero check mo rin." Ani niya. Napabuntong hininga ako at tumango bago muling isinampa ang bag ko sa kama.

Akmang bubuksan ko na ang bag ko nang marinig kong tumunog ang phone ko.

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Arven. Maski si Arven ay nanlaki ang mata.

"Tingnan mo sa ilalim ng kama mo." Ani niya at agad akong napatango.

Pupunta ako sa may ulunan ng aking kama bago hinigit pa kaliwa ang kama ko. Doon ay nakita ko sa pagitan ng kama namin ni Arven ang cellphone ko sa sahig.

Napahagalpak ako ng tawa. "Ang bobo talaga Xavi." Ani ko sa sarili ko. Pinapanood lang ako ni Arven at napatawa pa ito nang bahagya nang marinig na pagalitan ko ang aking sarili.

Ibinalik ko sa dating posisyon ang kama ko bago napaupo dito.

Tingnan ko ang notification sa phone ko.

Samira Uarde added you to "The Simps"

My brows furrowed and my mouth formed a small 'o'. Samira or Sam is my batchmate from the other section. We're classmate in 9th-11th grade. We are close yes but I have this different feeling to this group chat she just added me.

"Ar, alam mo 'tong group chat na kasama si Sam? The Simps?" Tanong ko kay Arven, nilingon niya ako. Ini-adjust muna niya ang kaniyang salamin bago umiling.

"Hindi eh." Sagot niya at tumango lang ako. Hindi ko na inusisa pa ang group chat. Wala naman akong sasabihin eh.

"Alis na ako, baka gabihin pa ako sa biyahe." Ani ko bago tumayo at binuhat ang aking bag.

Papalabas na ako nang dorm nang makasalubong ko si Yen at Aila.

"Oh... aalis kana?" Tanong ni Aila habang nakaturo sa bag ko.

"Di ka sasabay?" Dagdag pa niya.

Napatikom ang bibig ko at umiling.

"Mag bu-bus kasi ako. Tsaka okay lang naman na mag-isa ako. Sa tanda kong 'to! Jusko!" Ani ko at tumango si Aila.

"Sige... ingat!" Ani niya bago ako tinapik sa balikat at nilampasan na ako.

"Ingat gaga!" Pang-aasar ni Yen, napairap ako at lumabas na ng dorm room namin.

Bumaba na ako ng dorm, kumuha ako ng dorm pass at pumirma sa log book at saka ako naka-alis. Pero bago ako makalabas ng gate ay magpapapirma muna ako sa isa pang guard at saka pwede na.

Sa first gate ako nag hintay ng bus papuntang grand terminal. Halos 30 minutes din akong nakatayo doon at naghihintay.

Bandangg 5:30pm ay may dumaan na bus. Halos mataranta ako na makita ang sign board na diretso ito sa Tagkawayan, home town ko.

Agad ko itong pinara. Katulad ng usual na bus ay nilagpasan muna ako nito bago tumigil. Napatakbo pa tuloy ako.

Sumampa ako ng bus at umupo sa unang available na bangkong nakita ko. Agad akong nilapitan ng kondoktor.

"Saan kayo Maam?" Tanong niya..

"Wait lang kuya..." Sagot ko habang naghahabol pa ng hininga.

Matapos niyo akong patakbuhin! Kakaupo ko lang, kuya sandale. Ilang metro rin 'yung tinakbo ko!

"Tagkawayan kuya, isang studyante." Ani ko at tumango ang kondoktor. Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pamasahe.

Pagkabigay sa akin ng ticket ay agad ko rin ini-abot ang bayad. Umalis na ang kondoktor dahil wala naman na akong sukli.

Nakahinga na ako nang maluwag. Ipinatong ko muna ang bag ko sa katabi kong bangko. Mabuti nalang at hindi pa puno ang bus.

Pumasok ang bus sa grand terminal. Nang mag park ito sa terminal ng mga bus ay agad akong napatayo. Iniwan ko lang ang backpack ko na wala namang mahalagang laman sa bangko bago bumaba.

Kailangan kong bumili ng hapunan. Dahil panigurado na gagabihin ako sa daan. Naglakad ako papuntang sa isang stall ng Shawarma. Beef shawarma with cheese ang binili ko. That's what I usually buy whenever I'm going home. For me it's easy to eat and not so much hassle dahil nakabalot lang ito sa papel.

Pagkatapos ay tumawid ako sa kabilang gilid para bumili ng milk tea. Dark choco, 75% sugar, my 'go to milk tea'. Nang matapos ako sa pagbili ay naglakad na ako pabalik ng bus.

I plug in my earphones and started to eat.

Habang kumain at nakikinig ng music ay nag s-scroll din ako sa Facebook newsfeed ko.

When I finished eating I started drinking my milktea. I don't care kung anong nangyayari sa paligid. Basta nakikita ko nalang mula sa peripheral vision ko na ang dami nang sumasakay sa bus.

Mga bandang 6:30pm ay muling umandar ang bus. Sa oras na ito ay may babae na akong katabi. Pero I have no problem with that naman. As long as 'wag niya lang akong kausapin tungkol sa mga weird na bagay. Though she can talk to me, I'll answer but I'll make it a civil talk.

Habang tumatagal ang biyahe at nag ce-cellphone pa rin ako ay nagsimula na akong mahilo. Isinilid ko ang aking phone sa body bag ko bago ito niyapos. Nakatulala lang ako sa bintana hanggang sa dahan-dahan nang bumagsak ang pilik mata ko.



Iminulat ko ang mata ko, napakamot ako sa aking braso at tumingin sa paligid. Asan na ba kami?

"Uhm... miss asan na po tayo?" I ask the lady beside me.

Nilingon niya ako. "Lopez na po, malapit na sa Calauag." She replied. I mumbled a small thank you before looking outside the window.

I started bouncing my legs. Naiihi na ako.

Dahil 'to sa milktea na ininom ko. I waited for few more minutes before I saw the triangle sa Calauag. That's means titigil ang bus na 'to sa terminal ng bus at makakaihi na ako.

Once the bus stopped by the terminal I immediately stand up at nakisabay sa daloy ng tao na lalabas ng bus. Napatakbo ako papunta sa restroom at doon ay nag dispose ng maruming tubig sa katawan.

When I finished I feel so relaxed. I went back inside the bus and once again plug in my earphones. The rest of the ride I just stare outside the window.

I was in the middle of spacing out when my phone started beeping. I pick it up and look at the notifications. It was from the group chat.

From Samira the biggest simp👁👄👁:
Hey! Have I introduced you to my batchmate?

From sanaol:
Who?

From Marthaa:
Not yet.

I pursed my lips as I read their replies. I don't know these people. I don't know who is Martha. The one with the nickname 'sanaol' don't have a clear profile picture.

From Samira the biggest simp👁👄👁:
She's Xaviana, grade 12 din. She's my batchmate. Be nice to her! I'm warning you!

Napatawa ako nang bahagya sa message ni Sam. Why does it seem na I can hear her voice through her message.

From sanaol:
Ah, okay, I know her.

From Marthaa:
Hi Xaviana! Are you single?

My eyes started blinking for some seconds. I pursed my lips and move my both thumb towards my keypad. But I don't know what to reply.

Bahala na nga!

To The Simps:
Hi! Xavi nalang, yup I'm single and ready to pringle!

I pursed my lips and waited for their replies. I lean on the chair rest and put my phone on my lap. When it beeped I pick it up once again.

From Marthaa:
Good, cause everyone here is single. Welcome to the club!

I giggled a little and started typing.

To The Simps:
Thanks for welcoming me, nasa biyahe ako atm. Bye bye!

I turn off my mobile data and turn off my phone. I put it inside my body bag before looking at the window, spacing out.

Ganito talaga ako sa biyahe. It's either I'm eating, asleep or spacing out.

I arrive din Tagkawayan by 11pm. I was the only left in the bus which scared me. 1 driver and three other male kondoktors are there. Gladly I make it home safe.

Once I step out of the bus I immediately saw our van.

My mom waved her hand and I waved back.

My dad is the one to approach me first and get my bag form my hand.

"Kanina pa kayo diyan?" I ask while adjusting my school uniform.

"Mga 10:30." Sagot ni papa at tumango ako. We once again cross the street. Pumasok na ako ng sasakyan at napasandal.

Umuwi na kami ng bahay at doon ay may naghihintay sa akin na carbonara na luto ni mama. Dala na rin ng gutom ay kinain ko na agad ito. May nakita rin akong fresh milk sa ref at maski 'yon ay hindi nakaligtas.

Nang matapos akong kumain ay nagbihis na ako nang pantulog. At saka ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Hindi muna ako kinumusta nila mama. Alam nila na hindi ako makakasagot ng ayos dahil sa pagod.

I was about to sleep when I remember the group chat. I pick up my phone from my night stand and the group chat is already at the top.

To The Simps:
I'm home na, goodnight!

From sanaol:
Night.

From Marthaa:
Goodnight Xavi!

I smiled and put my phone back down and drift to dreamland.

The next day I woke up around 5:30am. As much as I want to sleep more, my body alarm keep telling me to wake up.

I sat up on my bed and just stare on the wall. I was like that for few moments before I decided to brush and fix my hair.

Then after fixing my hair I open my curtains and my windows to let fresh air in.

I grab my phone and check my socials. Then I scroll to TikTok until my mom called me for breakfast.

"Pagod ka pa sa biyahe?" My mom ask me..

I take a bite of the hotdog and shake my head.

"Nope, kaso inaantok pa hehe." I said and my mom chuckle.

"Anong oras ka nagising?" She ask..

I pout. "5:30am, ang aga nga eh! Pero sanay na akong gumising ng maaga sa dorm kaya ayun. Hindi na ako makatulog." I replied and mom nodded.

After I ate, I took a bath, brush my teeth before going back to my room. I sat on my bed first and sigh.

Nautusan pa ako ni mama na ayusin ang cabinet ko. Madalang na nga lang akong umuwi eh. Pag-aayusin pa.

I sigh and stand up to walk towards my cabinet. I open it and that's when I saw why my mom told me to fix it. I throw everything on my bed. And when the cabinet is clear I walk towards my night stand and put on some music.

Habang nagtutupi ay sumasabay ako sa kanta. Inuna  ko ang mga t-shirt na puti. Tapos ang mga may kulay.

Nasa gitna ako nang pag tiktuklop ng mga pang-ibaba at pag sabay sa kanta nang sunod-sunod na tumunog ang phone ko. Halos hindi na tuloy mag play ang kanta.

Napa singap ako bago dinampot ang phone ko. I open the group chat kagabi at mula doon ang mga notification. Nakita ko na about sa nga mobile games ang pinag-uusapan nila. Nainis lang ako kaya I pressed mute until I return back.

Nagpatuloy ako sa pagkanta at pagtitiklop.

-

Ang bilis ng oras and it's Sunday afternoon. Oras nanaman para bumalik ako sa dorm. Umalis ako ng Tagkawayan around 10:30am. I arrived at our school dormitory around 3:30pm.

I signed in sa log book then I'm free to go upstairs. When I arrived at the 3rd floor I was so tired that I almost hit myself to the room gate.

When I entered our room I saw Arven on her bed.

"Hi... I'm back." I said and walk closer to my bed which is beside her.

"Hi..." She replied without even sparing a glance at me.

I sat on my bed. "Ano 'yan?" Tanong ko nang makita na may kinukulayan siya.

"Wala lang... bored lang ako." She replied and I nodded. I unpack my stuffs before I was free and just laying at my bed.

"Wala namang assignments diba? Or project." I ask looking at Arven.

She slowly nodded. "Maliban lang 'yung sa research natin na next week pa." She replied..

Oh that project! "Tapos na ako doon." I replied and her head immediately snap at my direction.

"Seryoso ka?! Nung Wednesday lang binigay 'yon!" She exclaimed.. I chuckled at her reaction.

"Oh, Wednesday binigay, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday. 5 days na ang nakakalipas." I replied.. she look at me confused.

She shake her head. "Nakakaloka ka. Ang bilis mo gumawa." She said and I laughed.

"Ayaw ko lang matambakan. Tingnan mo bukas may pa project pa mga teacher natin." I said and I hear her sigh.

"Nakakaloka rin sila." She said and I bursted into laughter.

"By the way, kumain kana?" I ask...

She shake her head and my brows furrowed. "Mas nakakaloka ka! Mag a-alas kwatro na! Tara, may pagkain ako sa baba. Kumain ka." I said before jumping out of bed. I saw her scratch her head before moving her foldable table at the side.

We get our water bottles and head downstairs. Buti nalang talaga I ask mama to prepare two containers. Gamay ko na si Arven. I've been with her for 6 years. Kilala ko na 'to. I know that on weekdays kapag hindi pa siya napapadalhan ng mama niya ng pera ay hindi talaga ito nakakakain.

So whenever I went back here, kahit galing lang ako sa tita ko or sa labas. I make sure na para sa aming dalawa ang pagkain na dinadala ko dito pabalik.

"Masarap 'yung spaghetti?" I ask and she shake her head.

"Mas masarap ako." Biro ko, nabulunan siya na siyang nagpatawa sa akin.

Napansin kami nila nanay. "Mardillo anong nangyayari sa'yo?" Tanong ni nanay. Uminom ng tubig si Arven habang ako naman itong halos mahulog sa upuan kakatawa.

"Si Alvarez nay! Kung ano anong sinasabi!" Pagsusumbong ni Arven. Napahagikhik lang si nanay.

Nang humupa ang tawa ko ay hinawi ko ang aking buhok. "Na choke pa nga." Pang-aasar ko at sinamaan lang ako ng tingin ni Arven.

"Ang bad mo." Ani niya habang nakatingin sa spaghetti. Napatawa naman ako habang kagat-kagat ang isang piraso ng pasta.

Natapos kaming kumain at bumalik na sa taas. Napagdesisyunan namin na sa veranda nalang ng dorm muna mag stay dahil mahangin dito. Kaysa naman sa room na ang init-init.

Lumipas ang oras at nagsidatingan na ang ibang dormers. Ang mga grade seven at ibang lower grade na kakilala namin ay binabati kami tuwing madadaanan kami.

"Pasok na tayo?" Tanong ko nang makita na lumulubog na ang araw. Tumango si Arven at tumayo na kami.

Pag pasok ng dorm room ay agad na akong kumuha ng damit na isusuot ko pantulog. Nag linis na ako ng katawan at saka isinuot ang napili kong damit.

Paglabas ko ng banyo ay agad kong nakita si Aila.

"Oh, anong oras kayo dumating?" Tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.

"Ngayon lang." She said while getting something from her bag.

She pull out a cup of noodles. "Gaga bawal 'yan." I scold her.

She just giggled. "Hehe, hayaan mo na? Gusto mo?" She ask...

I glared at her before pouting. I sigh. "Sandali akitin ko lang si Ar." I said before running towards my bed.

"Girl, tara sa baba. May pang dinner pa ako. Dinalhan na rin kita ng kanin." I said, Arven glance up and shake her head.

"Busog pa ako." She replied and I frown.

"Naman! Sige na, para manaba ka. Tsaka binaon ko talaga 'yung kanin para sa'yo ulam lang kakainin ko. Dali na kasi!" I whined. She nodded and leave her bed. We leave the the room and went downstairs.

Me and Arven are just peacefully eating. Arven eating rice and fish fillet while me is eating only the fish fillet.

Then si Aila, na momroblema kung paano lalagyan ng tubig 'yung cup noodles niya.

Sabi kasing bawal!

Pero itong si gaga, mautak. Kumuha ng baso at doon inilagay ang mainit na tubig bago isinalin sa cup noodles. Tapos tinakluban ito ng jacket niya.

"Taba ng utak." Ani ko na may kasama pang konting pagbibiro.

Ngumiti lang ito. Nang maluto ang noodles niya ay pasimple lang itong sumubo. Patago na rin dahil baka makita ng ibang dormers mai-sumbong pa siya.

Nang matapos kaming kumain ay nagpasama ako sa faculty dahil doon ko huhugasan ang aming kinainan. Nang matapos ay umakyat na kami sa taas.

Nag cellphone lang ako habang si Arven at Aila ay naglinis na ng katawan. Bumalik ang dalawa at andon lang kaming tatlo sa gilid na iyon at pare parehong mag ce-cellphone.

Mga bandang 7pm ay tumawag si mama. Agad ko itong nasagot.

[Kumain kana?] Bungad ni mama.

I hummed. [Opo, kasabay ko si Arven at Aila." Sagot ko.

[Oh eh anong sabi nila? Masarap daw ba 'yung spaghetti at fish fillet?] Tanong ni mama. Agad akong napatingin kay Arven at Aila.

"Opo tita! Sobrang sarap po!" Sagot agad ni Aila.

Utay-utay namang tumango si Arven habang nakatingin sa aming dalawa ni Aila.

"Opo tita, lalo na 'yung spaghetti." Dagdag ni Arven na parang napipilitan pa.

[Salamat, sige be. Kakain na kami ni papa mo. Bye! Love you!] Paalam ni mama.

"Bye love you!" Sagot ko at namatay ang tawag.

"Bakit hindi ko natikman 'yung spaghetti?" Naguguluhang tanong ni Aila.

Napatawa kami ni Arven. "Next time nalang." Sagot ko.

Bumalik na kami sa sari-sarili naming mundo. Nang sumapit ang 10pm ay nag light's out na. Doon ay natulog na rin ako.

Na-alipungatan ako mga bandang 12pm. Nakita ko pa si Arven at Aila na gising sa kama ni Arven.

"Hi hehe." Bati ni Aila. Tumango lang ako at hindi na sila inintindi pa.

Nagising ulit ako ng 4am dahil sa alarm ko. Kumuha na ako ng damit at naligo. Nang matapos ako ay ginawa ko na ang akong skin care.

5am ay nag bell na si nanay. Nagising na ang karamihan at kasama na doon si Aila. 5:30am ay si Arven naman ang nagising.

Naligo na siya at nang matapos ay naghintay nalang kaming tatlo at nagpalipas ng oras.

6am ay bumaba na kami. Nakasalubong namin si Yen na galing pang Lucban.

"Hoy! Wait! Hintay!" Ani ni Yen bago nag madaling itago ang luggage niya sa baggage area.

Nagtatakbo ito papunta sa amin. "Tara na." Akit niya. Tumango kami at naglakad na.

Hawak-hawak ko ang cellphone ko napagdesisyunan ko na bumati muna sa The Simps.

To The Simps:
Good morning!

Napangiti ako at akmang papatayin ang phone ko nang may mag reply.

From dead inside:
Morning😊

Napatitig ako sa cellphone ko bago tiningnan ng malapit ang profile picture niya. Gumamit ito ng devil filter sa profile picture niya, pero angat pa rin ang ka-gwapuhan.

Napakunot ang noo ko. "Sino 'to?! Ang gwapo!" Hindi ko sinasadyang turan.

"Ano?" Biglang tanong ni Aila na ikinagulat ko.

Agad akong napailing. "Ah wala..." Sagot ko bago nag patuloy mag lakad.

Napatingin ako sa unahan at doon inalala ang mukha nung lalaki.

Sino 'yon?! Ang gwapo! Tapos bumati ng good morning sa'kin! Crush siguro ako.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•3•

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro