Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

"Anna hurry up, you still need to clean the other rooms! Sigaw ng supervisor niya sa hotel sa San Francisco, kung saan siya nagttrabaho ng part time, 5 hours duty siya doon at pagkatapos ay lilipat naman siya sa isang filipino restaurant para mag duty ng apat na oras. Tatlong part time o apat ang ginagawa niya sa araw araw at halos ilang oras na lang ang pahinga niya.

Isang buwan mula ng dumating siya sa California ay agad agad na siyang sumabak sa trabaho. Her mom knows a lot of people na pwede niyang pagpart time job even cleaning, doing the laundry, taking care of babies and even dogs, hindi niya inurungan. Ganun siya kapursigidong kumita ng pera para sa pagpapa chemo at gamot ng lola niya. Madalas siyang makibalita sa tiyahin at sa oncologist neto na naging kapalagayan nya ng loob noon habang sumasailalim ang lola niya sa chemo sessions.

Tumutulong naman sa gastos ang kanyang ina subalit maliit lang dahil controlado ito ng asawa nitong amerokano si uncle Griffin, ito ang tawag niya sa asawa ng nanay niya. May isa itong anak na lalaki na halos kasing edad na din niya at dun siya medyo nangingilag dahil para itong laging sabog.

Mabait din naman ang step-father niya pero may pagka kuripot ito pag dating sa pera at kailangang pag trabahuan niya lahat. Natural lang naman na mahiya siya at mag abot ng kaunti sa nanay niya pandagdag nito sa binabayarang bills sa bahay ng mga ito.

Nagttrabaho ang nanay niya sa isang super market bilang  saleslady at minsan ay nag frufruit picking din ito habang ang asawa naman nito ay isang retired army at ngayon ay may sariling maliit na carwash shop na malapit ang pwesto sa mismong bahay  ng mga ito.

Biglang bumalik ang diwa niya ng marinig ang sigaw ng supervisor nila. Minadali na niya ang paglilinis sa naturang kwarto at dali dali ng lumipat sa kabila. Sampung kwarto o higit pa ang kailangan niyang linisin sa limang oras niyang duty, kaya kailangang maliksi at mabilis siyang kumilos.

Pagkatapos niyang linisin ang lahat ng kwartong nakatoka sa kanya ay halos lumabas na ang dila niya sa pagod.

Hapong hapo siya at halos di na makatayo sa pagod pero kailangan niyang lumipat sa restaurant at isang oras pa bago ang duty niya doon, bago pa siya pumasok mabilisan muna siyang kumain.

Minsan naiisip niyang kakayanin pa ba niya ang magtagal doon.? Ibang iba ang America sa Pinas, doon hindi ka pwedeng papetiks petiks lang dahil hindi ka mabubuhay kung di ka magttrabaho at doon lahat may bayad, hindi tulad sa Pinas na kapag may lupa kang tataniman buhay ka na.

Nasa duty na siya sa restaurant bilang isang waitres, hawak hawak niya mula sa tray ang juice at plate ng pasta para dalhin sa customer na nag order niyon ng mapansin niyang mahuhulugan ng pabagsak na lantern na palamuti sa naturang restaurant, ang isang ginang na papasok na sana sa loob ng kainan at dahil malapit siya dito bahagya niya itong naitulak para hindi ito tamaan subalit ang hawak niyang juice at pasta ang nahulugan at natapon. Bumaling lahat ng tingin ng mga taong naroon sa ingay ng nabasag na baso at pinggan.

Biglang lumapit sa kanya ang manager nila at nakakunot noong bumaling sa kanya.

"What have you done again Miss Santos? Parang pigil ang galit na sita nito sa kanya. Hindi ito ang unang beses niyang makabasag ng utensil sa restaurant na iyon nakabasag na naman siya noong bago pa lamang siya ng baso dahil dumulas sa kamay niya, naghuhugas siya noon ng mga plato. Pero pinalampas iyon ng manager nila at pinabayaran na lang ito sa kanya.

"It's not her fault, she just save me. Sabat ng babaeng naitulak niya kanina na mahuhulugan sana.

"Oh Mrs.Thompson mam, Im glad you're  here. And sorry for what happened. Masiglang bati nito sa babae at bahagyang nagbago ang anyo nito at mistulang parang maamong tupa sa harap ng matanda ngunit sopistikadang babae.

"Yeah thank you, by the way is she new here? Pag iiba nito na bumaling sa kanya at nginitian siya ng maluwang.

"Yes, and she's a Filipina just like you mam. Sagot nito at saka bumaling sa kanya.

"Anna this is Mrs.Thompson she's the owner of this restaurant. Pagpapakilala nito at bigla siyang nahiya dito dahil sa pagkakatulak nito sa babae kanina.

"He-hello mam, Im sorry for pushing you unintentionally. Nahihiya niyang paghingi ng paumanhin dito.

"No it's okay iha, ako ang dapat magpasalamat sayo, coz you just save me. Malamang pag sa akin tumama ang lantern na yan hilo ako sa mga oras na ito.
Nakangiti nitong turan at iginiya na siya sa kusina at doon kinausap.

After that incident naging maganda na ang trato sa kanya ng manager nila na dati ay parang laging beast mode sa kanya.
Mabait si Mrs. Thompson lagi siya nitong binabati at kinukumusta sa tuwing dadalaw ito sa branch nila. May tatlong restaurant branches ito sa buong California at ang balita pa niya ayon sa iba niyang kasama ay mayroon din itong mga salon at iba pang negosyo. She was a very successful pinay immigrant na nakapangasawa ng isang amerikanong businessman sa California. At napakabait din nitong tao. Karamihan sa nagttrabaho sa restaurant nito ay mga pinoy kaya naman madaling mag adjust doon.

Pauwi na siya ng bahay ng nanay niya ng gabing yun at kailangan niyang mag abang ng bus pauwi dahil medyo malayo din ang uuwian niya 45 mins travel kasi mula sa last work place niya.
Its already past 8 ng umuwi siya at nakarating siya ng bahay ng lagpas alas nuwebe ng gabi at as usual sobra siyang napagod sa trabaho kaya pagpasok niya sa bahay saglit muna siyang umupo sa sofa sa living room pero naidlip siya ng di niya namamalayan. Wala ang nanay niya noon kasama ang step father niya may pinuntahan ang mga itong party.

Bigla siyang napabalikwas ng bangon ng makaramdam siya na parang may humahalik sa katawan niya at bigla siyang napamulagat ng makita ang anak ng amahin na mistulang hayok na hayok habang pilit nitong hinuhubad ang damit niya at dahil sa pagkagulat ay nasipa niya ito at itinulak ng malakas subalit walang wala siyang panama sa tangkad at lakas nito at gustuhin man niyang sumigaw ng saklolo it will be useless dahil magkakalayo ang mga bahay.

She fought for her dignity and tried everything she can para makawala dito but the man was very determined to get what he wants at hinawakan siya nito sa magkabilang braso at itinaas pa sa bandang ulunan niya saka nito pilit tinatanggal ang mga saplot niya.

Naiiyak na siya sa sobrang takot at pangamba dahil para na itong demonyo na walang pinapakinggan.

"No!!!! Please don't do this. Pleasse she pleaded pero mistulang wala itong naririnig.

"Now you're all mine and I will fuck you to hell baby. Nakangisi pa nitong turan at agad sinibasib siya ng halik at dahil para na siyang nawawalan ng pag asa bigla siyang natigilan at nag iisip kung anong gagawin at tyempong namataan niya ang vase na nasa gilid lamang ng sofa at abot kamay lamang niya iyon kaya naman pinaniwala niya itong nagugustuhan niya na ang ginagawa nito para pakawalan ang kamay niya. At buti na lang naniwala ito at binitiwan nito sa pagkakahawak ang kamay niya kaya naabot nya ang vase at mabilis na naipalo niya ito sa ulo ng hinayupak niyang step brother napatutop ito bigla sa ulo at kinuha niya ang pagkakataong iyon para tumakbo at tumakas. Lakad takbo ang ginawa niya at nang mamataang nakasunod ito sa kanya ay binilisan pa niya lalo ang pagtakbo hanggang makarating sa main road kung saan may mga sasakyang dumaraan doon.

Pinagdasal niya na sana may sasakyang huminto at saklolohan siya subalit ang unang sasakyang pinara niya ay nilampasan lamang siya kaya naman takbo ulit siya nang lingunin niya ang likuran niya ay nakasunod pa rin ang step brother niya sa kanya at mistulang manlalapa ng tao dahil sa galit nito sa kanya. Nang may mamataan ulit siyang sasakyan pumagitna na siya sa kalsada para siguradong hihintuan siya ng kung sinong sakay niyon.
At hindi naman siya nabigo dahil huminto nga ito. Dali dali niyang kinatok ang salamin ng sasakyan at bumaba roon ang isang lalaki.

"Hey, Miss What's wrong? Tanong nito at pinakatitigan siya mukha itong pinoy.

"S-Sir please help me, someone is trying to rape me. She said at nilingon ang step brother niya.pero bigla itong  nawala.

"What!? Oh Christ halika pinay ka ba miss? Tanong pa nito at pinapasok siya sa sasakyan.

"Sino bang luko luko ang nagtangkang mang rape sayo boyfriend mo ba? Tanong ng medyo may edad na ding lalaki.

At ikwinento niya dito ang nangyari at kung sino yung humahabol sa kanya kanina.

"Tang inang lalaking yan bakit hindi maghanap ng ibang dadaliin. Tugon nito ng biglang nag ring ang telepono nito.

"Pwede mo na akong ibaba sa kahit saan kuya. Salamat. Tugon niyang nahihiya na dahil sa abalang ginawa niya dito. Sobra pa rin siyang nanginginig dahil sa takot at pag aalala kung saan siya tutuloy ngayong gabi.

"Susunduin ko ang amo kong babae diyan lang sa malapit at hindi kita pwedeng ibaba sa kahit saan iha dahil baka mapahamak ka lang ulit. Wag kang mag alala pinay din yung amo ko at sobrang bait nun. Saan ka ba namin pwedeng ihatid pansamantala iha,? Tanong pa nito at hindi siya nakakibo dahil wala naman siyang ibang mapupuntahan doon.

"Oh ayan na pala si mam. Tugon nito at bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ang amo nito.

Laking gulat ni Anna ng makilala ang among tinutukoy ni Manong Delio, pangalan ng lalaking nagligtas sa kanya.

*to be continued*😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro