Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1: MEET UP

CHAPTER 1
MEET UP

       
Maaga akong pumunta sa National Book Store dahil nakakahiya naman kay MisterCaptain kung paghihintayin ko siya.

Pagpasok ko ay nagtingin tingin muna ako sa mga libro dahil baka may magustuhan ako. Kung meron man ay bibilhin ko mamaya bago umuwi.

Napatingin ako sa oras ng aking cellphone at tatlong minuto na lang ay mag-aalas dos (2PM) na. Ganung oras ang napagkasunduan namin ni MisterCaptain.

Napatingin naman ako sa taas ng bookshelves nang may librong nakakuha ng atensyon ko. Tumingkayad ako para kunin sana ito pero hindi ko abot. Sinubukan kong tumalon pero hindi ko talaga abot.

Saktong paglundag sa kinatatayian ko ay tumama ako sa matigas na bagay na siyang dahilan ng pagkatumba ko sa sahig.

Agad naman akong tumingin sa kung saan ako tumama at laking gulat ko ng may nasa harapan ko. Nakasuot ito ng yellow na hoodie at ngayon ay hawak niya ang librong pilit kong inaabot kanina.

Napatingin ako sa kamay niyang inilahad at tinanggap ko naman iyon. Tinulungan niya akong makatayo at ibinigay niya sa akin ang librong hawak.

"Salamat po." maggalang kong sabi dahil aa tingin ko ay mas matanda siya sa akin ng konti.

Nagtaka naman ako sa kanya dahil nakatitig lang siya sa akin. Inilagay niyo ang kamay sa likod ng batok at sandali pa ay inilahad niya sa akin ang kamay.

"I'm MisterCaptain" pagpapakilala niya na ikagulat ko kaya nabitawan ko ang librong hawak.

"I'm Claire." pagpapakilala ko rin at nanginginig ang kamay ko na tinaggap ang kanyang kamay.

Nang magdikit pa lang ang balat namin ay ramdam ko ang panlalamig niya. Halatang kinakabahan siya at ganun din naman ako.

Pinulot niya ang librong nalaglag ko. "Do you like this book?" tanong niya sa akin at nahihiyang akong ngumiti.

"So tell me Claire, do you like me?" naggulat ako sa tanong niya dahil bigla iyon nagbago. Narinig ko naman ang binulong niya. "Sh*t!"

"What I mean is...ay este yung l-libro hindi ako." nauutal niyang sabi.

Ibinigay niya sa akin ang libro at napakamot ito sa kanyang buhok. Matapos 'nun ay ipinasok niya ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng kanyang hoodie.

"Ah-h ano k-kasi kinakabahan talaga ako. Nagpractice practice pa ako ng sasabihin ko kanina pero hindi ko rin naman nasabi." pagaamin niya.

"Okay lang, kinakabahan din naman ako." sagot ko.

Tiningnan ko ang libro at nang magustuhan ko ito ay hindi ko na ito binalik sa book shelf. Si MisterCaptain naman ay nagtingin tingin din sa libro pero mukhang wala itong nagustuhan.

Lumapit siya sa akin kaya mas nakita ko kung hanggang saan niya lang ako. Haggang baba niya lang ako.

"May nagustuhan ka?" tanong ko sa kanya.

"Meron."

"Ikaw." dugtong niya at mahina kong hinampas amg libro sa kanyang tiyan.

Nang wala na kaming gagawin ay sinabi kong babayaran ko lang ang librong napili ko. Sumunod siya sa akin papuntang cashier at bago makarating sa pila ay may sinabi siya sa akin.

"Ako na ang magbabayad." bulong niya sa akin at umiling ako.

"Ako na. Hindi naman kita jowa." sabi ko.

"Awit! Miss Claire. Hindi naman masakit." aniya. Humawak siya sa kanyang dibdib at umaktong nasasaktan.

"Ang pasmado ng bibig mo Miss Claire." dugtong niya at nakangiti akong umiiling.

...

Matapos manggaling sa National Book Store ay napagdesisyunan namin na pumuntang Coffee Shop. Kung may usa kami na pagkakparehas ni MisterCaptaim ay iyon ay ang Coffee Lover kami pareho.

Nagsimula na naman ang awkward moments namin dahil makikita mo sa amin na pareho laning nahihiya sa isa't isa.

Ano pa nga bang maasahan mo sa amin, eh parehas naman kaming introvert. Ang lakas lang talaga ng loob namin na magmeet up.

Bumuntong hininga ako nang mailapag ko ang iniinom na Iced Coffee. Tumingin ako kay MisterCaptain at tumikhim.

"Bakit mapanakit ang story mo?" tanong ko sa kanya at nanlaki ang mata niya. Kadalasan na tanong namin ng mga readers niya ay ganun.

"Wala trip ko lang." sagot niya.

"So kailan kami makakabasa ng story mo na Happy Ending at Endgame?" usisa ko pa.

"It depends, if you requested it then I will do it."

"Are you sure?" paninigurado ko.

"Yup!"

Buong oras nang nasa coffee shop ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga librong nabasa namin at mung minsan naman ay about sa story niya.

Hindi na kami naglibot sa mall o pumunta pa sa kung saan dahil alam naman namin peraho sa isa't isa na hindi namin gusto ang makihalubilo sa tao.

Taga dito lang ako habang si MisterCaptain naman ay bumyahe lang para sa meet up na napagusapan namin.

Hindi ko maiwasan na sulyapan siya habang naglalakad kami papuntang Park. Tinanong ko siya kung saan niya gusto pumunta dahil wala naman siyang alam sa lugar namin at sinabi niyang kahit saan daw.

Napili kong dito na lang kami pumunta sa Park dahil wala naman masyadong tao dito at tahimik pa.

"Bakit ka nga pala naka hoodie?" tanong ko sa kanya.

"Nasanay lang." sagot niya at tumango tango ako.

Habang naglalakad kami kanina ay siya ang may hawak ng librong binili ko. Ang sabi niya kasi ay siya na daw ang magbibitbit para di ako mapagod. Natawa nga ako doon dahil hindi naman sampung kilo ang bigat nung librong binili ko.

"Doon na lang tayo." sabi ni MisterCaptain sabay turo sa isang bench sa kalayuan.

"Sige." sagot ko naman.

"Kanino mo pa ako tinitingnan. May gusto ka na sa akin noh?!" pangaasar nito sa akin at mahina ko siyang hinampas sa braso.

"Para kang ewan." sabi ko.

"Mukha man akong ewan pero hindi kita e-ewan."

Napangiti ako sa banat niya sabay iling. Kahit noon sa comment section or sa chat may mahilig siya sa mga banat. Korni man pero napapangiti naman ako minsan.

Ipinatong ni MisterCaptain ang kanyang kamay sa aking buhok at tinapik ng mahina ang ibabaw ng ulo ko.

"Sa susunod na meet up natin ay sa simbahan na tapos may dala akong singsing." muling banat niya pa bago kami maglakad papuntang bench na itinuro niya kanina.




  

   

MISTERCAPTAIN
Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update. Feel free na magcomment ng 'update' dahil na-update lang ako kapag may na comment ng ganun.

FB: Misaki Terry Capistain
FB Page: MisterCaptain
FB Group: MisterCaptain X Passengers
IG: MisterCaptainWP
TW: MisterCaptainWP
TT: MisterCaptain_on_wattpad

Sa mga gustong sumali sa gc ko ay magmessage lang sa fb account ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro