Chapter 42
BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.
YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER AT WWW.NOBELISTA.COM
PLEASE NOTE:
MISS BRATTY'S BABYSITTER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.
___________________________
Sa mahabang sandali ay nanatiling magkahinang ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito, hindi niya kayang basahin ang damdaming nakapaloob sa mga mata nito sa mga oras na iyon.
Say something, Nevi. At least say something!
Huminga siya ng malalim bago itinuloy ang paghakbang palapit. Huminto siya ng ilang dipa at muling tumikhim bago nag-umpisang magsalita.
"H—Hi..."
Subalit hindi sumagot si Blue at nanatili lang na nakatitig sa kaniya.
"H—How have you been?" she asked again.
Nang manatili itong tahimik ay muli siyang napalunok. Iniyuko niya ang ulo saka mariing kinagat ang ibabang labi.
Itapon mo ang lahat ng hiyang nararamdaman mo sa dagat at sabihin mo ang lahat ng kailangan mong sabihin, Nevi! It's now or never!
Muli siyang humugot ng malalim na paghinga bago itinaas ang mukha at muling sinalubong ang mga mata ni Blue. Nagpakawala siya ng pilit na ngiti. "I—I didn't know that I'd find you here until Lilac called me Miss Bratty." Pumiyok siya nang banggitin niya ang palayaw na ibinigay nito sa kaniya noon. Nananakit ang lalamunan niya sa pagpipigil na umiyak. "All these years, I was waiting for you to come back, Blue. Umasa akong sa kabila ng nagawa at nasabi ko sa'yo noong araw na huli tayong nagkaharap ay dadalaw ka pa rin sa mansion. Every morning, I'd look at my window and see if you're at the garden, having your coffee while reading the news. There was no day I didn't think of you in the last four years..." Hindi niya napigilan ang pagbaksak ng kaniyang mga luha at ang panginginig ng kaniyang tinig. Ayaw rin naman niyang ikubli iyon— nais niyang ipakita kay Blue ang totoo niyang damdamin sa mga sandaling iyon.
___________________________
Full chapter is available at www.nobelista.com
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro