Chapter 34
BELOW IS JUST AN EXCERPT FROM THE STORY.
YOU CAN READ THE WHOLE CHAPTER AT WWW.NOBELISTA.COM
PLEASE NOTE:
MISS BRATTY'S BABYSITTER is purchasable per chapter under NOBELISTA. You can read it for only 18 coins per chapter. Please message Nobelista Facebook page should you have questions. Thank you.
___________________________
Huminga siya ng malalim saka hinablot ang cellphone at muli iyong binuksan— upang manlumo lang nang matitigan niya ng husto ang mukha ng babaeng kasama ni Blue sa ilang mga larawan.
Kung si Samantha noon ay masasabi niyang attractively gorgeous, ang babaeng nasa larawan naman na kasama ni Blue ay hindi lang maganda, kung hindi mukha ring kagalang-galang. She was wearing a ligh pink suit and slacks on the picture, and her semi-blond hair was tied in a bun. She looked like a lawyer... at bagay na bagay sila nito ni Blue.
Mariin siyang napakagat-labi saka humugot ng malalim na paghinga. At bago pa niya napigilan ang sarili ay nag-type na siya ng comment sa post na iyon ni Miss Dianne.
Everybody looks so happy! Greetings to VD! I never thought Blue could dance. lol!
Hindi siya mapakali habang hinihintay na sagutin ni Miss Dianne ang comment niya. Hanggang sa biglang nag-go signal at inumpisahan niyang muling patakbuhin ang sasakyan.
Nang marinig niya ang notification tone ng cellphone niya at sandali niyang ini-gilid ang sasakyan at inihinto sa nakitang emergency stopping lane. Binuksan niya ang hazard lights upang walang sumita sa kaniya.
Naka-ilang hugot muna siya ng paghinga bago binuksan ang sagot ni Miss Dianne sa comment niya.
Hi Miss Nevi! Yeah, he and his date were the stars of the night! Lol
Gusto niyang ihagis ang cellphone sa sobrang inis at sama ng loob. Sana ay hindi na siya nag-comment. She felt so betrayed, hindi niya akalaing kayang gawin ni Blue ang bagay na iyon sa kaniya.
Totoong hindi sila opisyal na magkasintahan, pero hindi iyon dahilan para lokohin siya nito! Hindi ba at nagkakaintindihan na sila? May plano na nga sila eh! Pinaglalaruan ba siya ni Blue?
Inis niyang ini-off ang cellphone at inihagis sa passenger's seat sa likod.
Trying to play games with me, huh, Santimeda?
___________________________
Full chapter is available at www.nobelista.com
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro