Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

01 | Miss Bratty and Her Babysitter


PLEASE NOTE: 

This story will NOT be completed here on Wattpad as this is now part of Nobelista's PAY-PER-VIEW program. You can read the complete version on www.nobelista.com

Chapters 1 'til 3 are FREE, the rest is purchaseable by Nobelista coins. For more info, please message Nobelista's FACEBOOK PAGE.

Thank you. 



*****


Nakasimangot na lumabas ng mansion si Nevi at padabog na naglakad patungo sa naghihintay na sasakyan sa driveway. Pagpasok roon ay lalo siyang bumusangot nang makita kung sino ang itinalaga ng ama na maging driver niya sa gabing iyon.

She could not believe her father's over-protectiveness! Alam nitong sa bahay lang siya ng best friend niyang si Jana pupunta, bakit kailangang ipadala na naman ang damuhong assistant nito?

Her bestfriend Jana had just turned sixteen, at naghanda ng maliit na selebrasyon ang mga magulang nito sa bahay ng mga ito sa katabing subdivision. All her friends and classmates would be there, ano na lang ang sasabihin ng mga ito kapag nakita na namang may nakabuntot na babysitter sa puwetan niya?

"Surprised?" nakangising sabi ng hinayupak habang nakatingin sa kaniya sa pamamagitan ng rearview mirror.

She rolled her eyes upwardly. "Bakit ikaw na naman ang kasama ko? Nasaan ba si Tado?" nakataas ang kilay niyang tanong na ang tinutukoy ay ang driver niya.

He shrugged. "He couldn't make it, nanganak ang asawa niya kaya hindi siya nakapasok ngayong araw. Your Dad was too worried to let you go alone, so... here I am."

"Too worried? Kilala niya ang mga magulang ni Jana, ano ang ipag-aalala niya—"

"I told him that you are dating 'Douche-niel' Perez, at dahil ka-klase mo siya ay siguradong naroon din siya sa party. Your father wouldn't let you see him tonight."

"His name is Daniel!" Oh, gusto niyang batuhin ng suot na boots ang lalaking prenteng nakaupo sa driver's seat. "At wala kaming ginagawang masama—"

"That guy was caught using marijuana in the university restroom. Sa ngayon ay wala pa kayong ginagawang masama, but eventually, that guy would teach you how to puff cigarette like a pro." Binuksan na nito ang makina ng sasakyan. "Let's get going, alam kong atat ka nang pumunta sa party."

"I am not going anywhere with you! I'd rather take a cab." Ang akma niyang paglabas mula sa kotse ay nabitin nang muling nagsalita ang lalaki.

"You will come to the party with me or you're not coming at all. Choose wisely, lady."

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "And who are you to decide for me?"

Again, he gave her his signature lopsided grin. "You know exactly who I am in your life, sweet pea. Now, brace yourself and I'm gonna drive this car like a racetrack driver."

Napapadyak siya sa inis. Humalukipkip at nag-uusok ang ilong na ibinaling ang pansin sa labas ng bintana.

How she dreaded the day her father brought this man in to their house. Kung ano man ang motibo ng kaniyang ama sa pagdala sa lalaking iyon sa pamamahay nila at hindi niya alam. All she knew was she didn't like him from the very beginning. Not an inch.

The devil's name was Blue Santimeda. A twenty-four year old Junior Engineer. Nang magtapos ito sa kolehiyo ay ni-absorbed kaagad ito ng kompanya ng daddy niya para roon mag-umpisang magtrabaho.

They owned a house development company called Venez Development (VD). Bago pa man siya ipinanganak ay negosyo na iyon ng daddy niya. Her father was also a university professor, at habang nagtuturo ito ay ang mommy niya ang namahala sa negosyo. Pero nang mamatay sa sakit ang ina niya ay nag-resign sa university ang ama niya at ibinaling ang lahat ng pansin sa VD.

As far as she understood, bumibili ng lupa ang Daddy niya, pinapatayuan iyon ng mga bahay or apartments, saka ibinebenta. Sometimes, the company would buy old and wrecked houses, then renovate and sell them again to the market. Her father's company was facing bankruptcy when Blue Santimeda accepted the job. And since Blue started working at VD, the company emerged and became one of the finest in the construction industry. At sa loob lamang ng dalawang taon, Blue became one of the youngest successful engineers in the country.

Ayon pa sa Daddy niya ay estudyante nito sa dating tinuturuang university ang binata. Blue and her dad were really close back then, kaya hindi ito nagdalawang isip na piliin ang noo'y papalubog na kumpanya nila sa kabila ng maraming offer na natanggap nito mula sa mga malalaking engineering firms sa bansa.

Blue Santimeda chose VD. He chose her dad. At para sa kaniyang ama, ay malaking bagay iyon.

At sa loob ng dalawang taon ay doon din sa bahay nila tumutuloy ang lalaki, dahil ayon sa daddy niya ay walang ibang kamag-anak si Blue sa Maynila. Sa simula, kahit hindi niya gusto ang presensya nito sa pamamahay nila'y wala siyang problema sa paninirahan nito roon, subalit habang tumatagal ay lalong nagiging epal ang lalaki. Umaakto itong parte ng pamilya at naiinis siya. He started to be her father's little eyes and ears. He acted as a babysitter and a bodyguard. Bantay-sarado nito ang mga kilos niya hanggang sa hindi na niya alam kung engineer ba talaga ang pinasok nitong trabaho sa kanila o bodyguard niya.

"Where's Dad, by the way?" tanong niya nang makalabas na ng gate ang sasakyan. "I haven't seen him the whole day."

Matagal bago sumagot si Blue. "Nasa meeting kasama ang bagong kliyente. And the meeting would probably take long, not sure when he will be back," sagot nito habang diretso lang ang tingin sa daan.

Hindi na siya sumagot pa. Muli niyang ibinalik ang pansin sa labas ng bintana at tahimik na nag-isip.

Nitong mga nakaraang buwan ay hindi na niya gaanong nakikita ang ama. Nagiging abala na ito sa negosyo at nawawalan ng oras sa kaniya. At habang tumatagal ay sumasama ang loob niya rito... dahilan kaya nagre-rebelde siya.

"So, tell me. Naipakilala ka na ba ni Douch-niel sa mga magulang niya?"

Oh, gusto niyang sipain ang likuran ng driver's seat nang marinig ang muling pagtawag ni Blue ng ganoon sa pangalan ng boyfriend niya.

"His name is Daniel," she defended firmly.

"I don't care— he's a douche in my eyes," Blue countered in a nonchalant voice.

Kaunti na lang talaga at sisipain na niya ang kinauupuan nito.

"Maliban sa mabisyo, mukhang palikero, at tamad mag-aral, ano'ng nakita mo sa lalaking iyon?"

"Why the hell are you even asking me? Wala ba akong karapatang pumili ng lalaking gugustuhin ko?"

Blue shrugged his shoulders, eyes were still on the road. "Oh, of course you have the right to choose— however, you tend to make poor choices and that's very disappointing."

"I didn't choose him to please you," she mocked.

"Then, at least choose someone to please your father."

"Kung hindi mo susulsulan si Daddy ng mga kasinungalingan ay alam kong magugustuhan din niya si Daniel!" Oh, mainit na ang ulo niya. Kay bigat talaga ng loob niya sa Blue Santimeda na ito!

"Kasinungalingan bang sabihin ko sa daddy mo na may bisyo ang lalaking iyon, maraming bagsak na subjects, at sa edad na disi-siete ay hindi na mabilang ang mga naging kasintahan bago ka? I never fed your father lies, Geneova."

"Wow, so you've done your research," tuya niya. "Bakit mo pa tinatanong kung ano ang nakita ko sa kaniya? Isn't it obvious? Mahilig ako sa mga lalaking hindi kasing-perpekto mo!"

Napipikon na talaga siya. Alam niyang hindi siya maiintindihan ng kumag kahit anong paliwanag pa ang gawin niya.

Gusto niya si Daniel dahil matiyaga itong nanligaw sa kaniya, at walang ipinakitang masama simula nang maging sila dalawang linggo na ang nakararaan. Who cares about his past relationships? Sino ba ang santo sa panahon ngayon? At iyong marijuana ay kuru-kuro lang. Naniniwala pa rin siyang maayos na tao si Daniel.

"Your taste in men scares me, Nevi. Kaya hindi mo masisi ang daddy mo kung bakit ganito siya ka-higpit sa'yo." Napa-iling nito. At mula sa rearview mirror ay nakita niya kung paano itong ngumiwi— in dusgust! "And to think that you're not even sixteen yet. Kung isa ka sa mga kapatid ko'y baka ibinitin na kita ng patiwarik sa puno kapag nalaman kong nagpapaligaw ka sa edad mong 'yan."

"All I can say is I'm very lucky that I didn't end up as one of your siblings," she countered sarcastically. "My life would have been boring and miserable."

"Your life would have been meaningful," pagtatama nito na ikina-ikot lang ng mga mata niya. She decided not to answer back, para hindi na lumawig pa ang diskusyong iyon. Ayaw niyang tuluyang masira ang gabi niya. Ayaw niyang nakabusangot na pumunta sa party ng matalik niyang kaibigan.

May araw ka rin sa akin, Blue Santimeda...

Nang mapansin ang pananahimik niya'y hindi na rin nagsalita pang muli si Blue. Itinuon na lamang nito ang pansin sa daan hanggang sa marating nila ang kasunod na subdivision kung saan naroon ang bahay nina Jana.

Makalipas ang ilang sandali ay natanaw na niya ang bahay ng kaibigan. She sat straight and cleared her throat to get his attention. "Can you just stay in the car while—"

"No, kasama mo akong papasok sa loob," he answered, cutting her off. "I'll be watching you every second, every move, Geoneva Venez. So you better behave."

Napanguso siya at pa-ismid na sumandal sa kinauupuan.

Inihinto ni Blue ang sasakyan nang marating ang malaking gate ng dalawang palapag na bahay nina Jana. Binuksan nito ang bintana sa driver's side nang sumilip ang guard upang alamin kung sino sila.

Nang makita siya ng guwardiya at makilala ay ngumiti ito at pinapasok na ang kotse nila. Nang huminto sa driveway ang sasakyan ay bahagya siyang nilingon ni Blue.

"Go inside, I'll just park the car."

Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt at akmang bababa na nang muling nagsalita ang diablo, "Remember, Nevi. Stay in my sight. If I don't see you anywhere when I go inside, I'll be searching the whole place and bring you back home— whether you like it or not."

She rolled her eyes in annoyance. "Yes, master!"


*****

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro