Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14: Complete Na Sila!

LAST NA ATA ITONG UD NA 'TO.... FOR THE WEEK. MALAPIT NA KASI BALIK NAMIN EH, NOVEMBER 3.

Joey's POV

Pagkagising ko ay 6:00 na ng umaga, tamang tama ang oras ng pagka-gising ko. Pag kuha ko ng bag ko, naalala ko na may assignment ako sa English.

Madali lang yun, use the idioms in a sentence. What a piece of cake!

Nagtagal ako ng 10 minutes dun. Pagkatapos ay naligo ako.

====

Matapos ko magbihis at maligo ay bumaba ako sa kusina para magluto.

Habang nagluluto ay may buglang tumawag sakin

🎤You gotta be stronger 'cause your ma star, ma star, ma star, ma star. I think about you wae I miss you- - -🎤

"Hello?" Sagot ko

"Hello? Joey?" Tanong nya

"Yes. Speaking. Who's this?" Tanong ko

"Umm. Ako si Sabrina. Sana naalala mo pa ako..."

"Sabrina?! Sabrina Park?!"

"Yeah, yeah, yeah. Joey Mae Gomez"

"Nasan ka? Puntahan kita pagkatapos ng school..." Sabi ko

"Sa Martin Bergstrom Universtity..." Oh?! Pang-mayaman yung high-school na yun eh...

"Edi ikaw na! Ang mahal kaya ng tuition dun sa school mo!" Sabi ko sa kanya

"Mayaman nga kami pero mas matalino ka naman..." Sagot nya

"Matalino ka kaya! Second honors ka pa man din noon noh!" Pagpapa-alala ko sa kanya

"Kahit na no. Anyways, Joy miss na miss na kita!"

"Syempre! Miss na miss na rin kita noh!" Sagot ko pabalik

"Oh san kita pwede puntahan after class?" Tanong nya

"Gusto mo sa bahay ko na lang?" Suggest ko

"Tara! Ano address mo?"

"Blk. 12 Lot 23 South Korea St. Asian Abode Subdivision. Yun yung address ng bahay namin..." Sabi ko

"Sige expect me 6:00 in the evening, later. Sige see you soon, bye!"

"Bye bye Sab!" Sabi ko then I hung up

Niluto ko na yung mga ulam, bacon, ham and egg...

Pagkatapos ko magluto ay lumabas ako para bumili ng tinapay. Bumili ako ng 25 pirasong pandesal, ang sarap kasi ng pandesal nila eh.

Pagka-uwi ko, nakita kong gising na si Yhanie.

"Hello! Good morning!" Bati ko

"Good morning din! Maliligo na ako, para maaga na ako maka-pasok" sabi nya

"O sige, ah Yhanie. Pag nagising si Joie ng wala na ako paki sabihan sya na linisin ang bahay. Thank you :)" bilin ko sa kanya

"I got it! I'll go na" sabi nya

"Kumain na lang kayo pagkatapos nyo kumain. Ma-uuna na ako, kailangan namin agahan eh. Thank you :)"

"Ah sige. Good luck. Fighting! Ako na bahala sa mga binilin mo..."

Pagkasabi ko nun sa kanya ay nagpalaman ako ng bacon sa pandesal ko. At matapos nun ay nag tooth brush na ako at umalis.

Kailangan kasi namin mauna, birthday kasi ng adviser namin kaya walang pwedeng ma-late.

----

Chanyeol's POV

Pagka-gising ko ay nakita ko si Yhanie pa-akyat sa third floor.

"Yhanie! Good morning!" Nilapitan ko sya para maka-usap ng malapitan

"Good morning din. Kamusta tulog mo?"

"Ayos lang. Ah Yhanie, pwede manghingi nga favor?" Pagpapa-alam ko

"A sure! why not?" Sabi ko

"Di ba kilala mo na yung kakalipat lang kagabi?" Tanong ko

"Si Baekhyun? Di pa masyado eh..."

"Diba umalis na si Joey? Ang gagawin natin ay ipapa-abot natin kay Baekhyun yung libro ni Joey na naiwan nya sa kwarto nya..." Sinabi ko sa kanya yung plano ko

"Oh? Ok? Ano na ngayon?"

"Matatago mo ba ang sikretong ito?" Bulong ko sa kanya, at tumango sya ng tatlong beses

Nilapit ko ang bibig ko sa tenga nya para mas malapit, mas mahina "Crush ni Baekhyun si Joey..." pagkasabi ko nun ay wala pang 0.1 second/s ay nagsink-in na sa utak nya ang mensahe ko, kaya nanlaki ang mata nya at muntik muntik nang mapahiyaw.

"Shhhh. Wag ka maingay. So game ka ba?" Sabi ko habang tinatakpan ang bibig nya, hindi na sya nagsalita at tumango na lamang habang nanlakaki parin ang mga mata...

"Oh, tapos na ah. Ako na ang kukuha ng libro ni Joey dahil bawal kayo pumasok dun, at ikaw ang mag aabot kay Baekhyun. Ligo na ako ha?" Sabi ni Yhanie at tuluyan nang umakyat sa 3rd floor

----

3rd Person's POV

Pagkatapos makuha ni Yhanie ang librong na-iwan ni Joey ay bumaba sya sa 2nd floor para i-abot ito kay Chanyeol.

"Chanyeol! Eto na oh..." Sabay abot ni Yhanie ng na-iwan na libro ni Joey

"... Ano ba ito? 'Diary Of A Wimpy Kid'? Yung totoo para saan to?" Pagapapatuloy ni Yhanie

"Ang alam ko ay may book review daw sila. Kaya ayan" pagkatapos ni Yeol magpaliwanag ay kumaway na lang si Yhanie pa alis at para makapag ayos na.

====

Nang magising na ang lahat ay kumain na sila ng linuto ni Joey na agahan. Lahat ay nagmamadali, walang humihinto.

At nung magkita na si Yhanie at Joie ay sinabi na ni Yhanie lahat ng bilin ni Joey para sa kanya.

At naibigay narin ni Chanyeol ang libro ni Joey kay Baekhyun. Binilinan nya ito na ibigay ito sa dalagita para naman ay makatulong siya, at para na rin makita ni Chanyeol lahat. Syempre gusto ng tengang yun makita kung paano i-abot ni Baekhyun ang libro kay Joey at kung ano ang magiging mga reaksyon nila.

At halos lahat na sa kanila umalis para hindi mahuli sa klase.

====

Natapos ang klase ni Joey ng maaga kaya alas-cinco pa lang ay naka-uwi na sya.

Inayos nya ulit ang buong bahay, hindi daw kasi sya nakuntento sa ginawang linis ni Joie...

Matapos nya maglinis ay naligo na sya at nagpalit ng damit. Isinuot nya ang disenteng t-shirt at shorts. At dumiretso sa kusina para makapag handa ng ihahain pag dumating na si Sabrina

"We're back~!" Sigaw ni Kris sabay enter sa red carpet, joke sabay enter ng bahay

"Lahat kayo nandyan na????" Sigaw ni Joey pabalik

Hindi nya namalayan na pumasok si Kyungsoo ng kitchen "Yeah nandito na kaming lahat~ Joey may bagong lipat..." Bulong sa kanya ni Kyungsoo

"Oh?? Ilan??" Sagot ni Joey sa hindi makapaniwalang tono

"2, ay may lumipat kagabi, isa, kaso tulog ka na...kilalanin mo na, ako na bahala dyan sa niluluto mo..." Sabi sa kanya ni Kyungsoo at lumabas na sya ng kitchen para makilala na ang mga bagong lipat

Pagkalabas ni Joey ng kusina ay binati nya agad sila

"Hello!.. May bago daw lipat?" -Joey

"Oo" -Kai

"May lumipat na kagabi eh, kaso tulog ka na..." -Luhan

"Sino??" Tanong ni Joey

"Si BAEKHYUN!!!" Sabay sabay nilang sagot excluding Baekhyun, Chen and Sehun

At dahil hindi pwede magpahalata si Joey na gusto nya si Baekhyun ay hinanap nya ito para kamustahin. Kinilala nya rin ang mga bagong dumating na si Sehun at Chen...

"So sige at dahil kumpleto na tayo, umakyat muna kayo para maka-pili na ng kwarto..." Suggest ni Joey para na rin maayos nya ang bahay at makapag pahinga na sila

====

Magaalas-syete na ng gabi nung dumating si Sabrina sa bahay nila, siya ay winelcome ni Joey at Joie

Nung una ay malitolito sya kung sino si Joie at Joey at pinaliwanag na lang ito ni Joey "Ang pagkaka-iba namin ay yung kulay ng contact lens ko ay black, kay Joie ay violet"

Nagkwentuhan sila sa may sala at nagkamustahan

"Diba may kapatid ka?" Tanong ni Joey

"Ah oo eh, kakambal ko, kaso Fraternal twin ko sya kaya magkaiba kami ng gender. Kaso lumipat na sya ng bahay, kaya hindi ko na alam kung taga-saan sya..." Pagpapaliwanag ni Sab

"Talaga?! May mga lumipat dito, baka dito yun lumipat ng bahay. Kelan ba sya lumipat?" Pag-iimbistiga ni Joey

"Ah nung Thursday ko sya huling nakita eh..." Pagsagot ni Sab

"Eh ano naman pangalan nya?" Tanong ulit ni Sherlock Joey

"Chanyeol. Park Chanyeol..." Sabi ni Sabrina

"What a coincidence!"

"Bakit mo nasabi?" Nalilitong tanong ni Sab

"It really is a small world..." Hindi na maintindihan ni Sab ang kaibigan kaya binigyan nya lang ito ng ano-pinagsasabi-mo-look

"...Dito nakatira yung kakambal mo. Teka tawagin ko lang ha" sabi ni Joey at iniwan si Sab sa sala

Binilisan ni Joey ang takbo papuntang kwarto ni Chanyeol. Pagkarating nya dun ay kumatok sya ng malakas...

"Sino yan?" Tanong ni Chanyeol

"Buksan mo ang pinto! Bilisan mo!" Sigaw ni Joey with an intense tone

Pagkabukas ni Chanyeol ng pinto ay 🔨poook!🔨 hinampas sya ni Joey sa ulo

"Problema mo?!" Pagtataas ni Chanyeol ng boses kay Joey

"May kakambal ka ba?" Tanong ni Joey

"Meron, bakit?" Sagot ni Yeol

"Sira ka pala eh! Bakit di ka nagpaalam sa kanya na lilipat ka???" Pagsasaway ni Joey

"Huh? Paano mo nalaman?" Nalilitong tanong ni Chanyeol

"Not important. Bumaba ka at ihanda mo ang sarili mo baka masapak ka..." Pagkasabi nun ni Joey ay humaripas ng takbo si Yeol papuntang hagdan para sinilipin kung sino ang nasa baba. Napa-atras si Chanyeol sa nakita at hinila papasok ng kwarto nya si Joey

"Bakit sya nandito???" Tanong ni Chanyeol

"Magkaibigan kami... Bilisan mo bumaba ka na, hinahanap ka na nya..."

"Eiiiii~! Ayoko! Please sabihin mo umalis ako. Please?" Pagmamaka-awa ni Yeol

"Neknek mo! Baba na. Ayaw mo? Kakaladkarin kita pababa eh!"

"Oo na bababa na ako. Mauna ka na..." At nauna na si Joey habang nakabuntot lang si Chanyeol

Pagkababa nila ay nagulat si Sabrina dahil nandun nga ang kanyang kuya

"I hate you!!! Bakit di ka nagpa-alam?" Sabay palo ni Sab sa kuyang napaka-kulit

"Sorry na ha? Mamaya ko sayo sasabihin ang dahilan. Sorry talaga, sorry..."

Matapos makipag kwentuhan nila Sab at ng kuya nya at si Joey ay nagpa-alam na sya. Si Chanyeol na ang naghatid sa kanya papa-uwi at nang palabas na sila ng subdivision ay inexplain ni Yeol kung bakut sya lumipat

"Sab, kaya ako lumipat ay dahil bestfriends kami ni Baekhyun. Hindi ko sya pwede iwanan dahil magkaibigan kami. At sayo ko lang ito sasabihin ha? Si Baekhyun gusto nya si Joey, tinuulungan ko si Baekhyun kaya ako lumipat"

"Ahhh. Ok I understand... Sige na bye-bye..." Pagpapa-alam ni Sab sa kakambal

====

Kina-umagahan ay na-ulit na naman ang routine ng mga buhay nila. Ay hindi pala, bao magsimula si Baekhyun kumilos ay kumatok sya sa kwarto ni Joey

🎧Tok, tok, tok🎧

"Oh Baekhyun. Bakit ka nandito?" Tanong ni Joey

"Ah kasi, iaabot ko ito sayo. Naiwan mo kasi nung isang araw sa sala, eh hindi naman kita nakita kagabi kaya hindi ko naabot. Sorry ha?" Pagpapaliwanag ni Baekhyun

"Ah ayos lang yun. Atleast nabalik mo. Thank you ah?" Sabi ni Joey at isinara ang pintuan...

Sa likod ng pintuang iyon, ay nandun ang namumulang Joey at Baekhyun....

ALAM NA!!!

~~~~

SORRY PO KUNG MAIKSI AT NAGIGING LAME NA. ASAHAN NYO PO YUNG SUSUNOD, MAS MAHABA AT MAGANDA. THANK YOU SA MGA VOTE NYO, MASYADO KO APRICIATE. VOTE, COMMENT, SHARE AND DON'T PLAGIARIZE!

AY PAHABOL. MAY GINAWA AKONG BTS AND GOT7 FANFIC TITLE "That Incident Turned My World Upside Down" SANA SUPORTAHAN NYO RIN KATULAD NG STORYANG ITO. SALAMAT ULIT. SARANGAHEYO.

-Max

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro