Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

Ang huling speaker

•••

Sumapit ang lunch break kaya tinungo namin ang karinderya katapat ng school at umorder ng giniling, at si Niccolo lang ang naiba dahil porkchop ang kaniyang binili.

"Babalik pa ba tayo ro'n?" tanong ni Niccolo.

"Taragis na 'yan, huwag na! Ang boring-boring doon!" sabi ni Seb.

"Tanga, sayang 'yong nasayang na nating oras, atsaka wala pa tayong attendance, sayang punta natin." sabi ko.

"Taragis naman, tutulugan ko 'yon mamaya!" naiinis na sambit ni Seb.

"Gagu umayos ka, na kay sir agustin pa pala 'yong cellphone natin." sabi ni Niccolo.

"Parang may magchachat sa'yo na chixx do'n, eh, wala ngang nagkakagusto kahit isa sa'yo." Ani Seb.

"Gagu bagong bili lang kasi 'yon!"

"Pake ko?"

"Pake mo? kasalanan mo kaya kung bakit nakuha 'yon! Nag-aya ka pa mag ml!"

"Luh, game na game ka ngang hinayupak ka!"

"Awat na pambihira! Kumain na lang kayo r'yan." pag-aawat ni Lucas sa dalawa dahil napagigitnaan siya nito.

Hindi puwedeng ipagtabi si Seb at Niccolo dahil lalong iingay ang paligid namin.

Matiwasay kaming nakatapos ng kain at dahil wala pang alas dos, tumambay muna kami sa may waiting shed na may kaunting kalayuan sa school para magyosi. Ako, si Niccolo, si Lucas, si Seb at 'yong mag ina na nag-aabang ng jeep ang nakaupo sa waiting shed. Buti na lang talaga wash day ngayon baka isipin no'ng nanay ay masyado nang napapariwara ang mga kabataan ngayon dahil imbis na mag-aral, eh, nagbibisyo. Hindi niya alam multi-tasker kami.

"Ang init-init naka long sleeves ka?" sabi ni Niccolo sa akin habang hinahawakan ang damit ko...buti na lang hindi niya tinaas iyong sleeve dahil mabubuking ako. Naka puting long sleeves shirt kasi ako ngayon para matago 'yong mga hiwa ko sa palapulsuhan.

"Walang basagan ng trip." sabi ko sa kaniya.

"Kainin mo na 'yan kasi hindi ka pa nag tatanghalian." rinig naming sabi no'ng kasama naming nanay sa anak nito na siguro anim na taon pa lang at may hawak hawak na yum burger.

"Hawak ko lang, ayaw ko pa!" sagot ng bata.

"Sige ka, kapag hindi mo pa kinain 'yan ibibigay ko 'yan sa kuyang katabi natin." dagdag nitong sambit sabay tingin kay Seb dahil siya ang katabi nila, bilang tugon ngumiti sa kanila si Seb.

"Ayaw!" pagmamatigas ng bata.

Hindi na lang namin pinansin ang usapan ng mag-ina.

"Hindi ba binigyan kita ng t-shirt na baybayin 'yong tatak?" sambit ni Lucas.

"Oo, sinusuot ko kapag nasa bahay."

"Hanep na 'yan pinapambahay lang niya, oh! Squad shirt natin 'yon, Jaq!" sambit ni Niccolo.

Mga naka baybayin t-shirt kasi sila. May kamag-anak kasi si Lucas na mayroong t-shirt printing shop kaya doon siya nakakapagpagawa ng mga baybayin prints...bibili na lang siya ng plain t-shirt sa online o sa bayan. Pero sa pagkakaalam ko rin ay nagpapart time rin siya ro'n. Mas maganda sana kung code o binary ang kaniyang pinapaprint sa damit niya dahil ayon ang kurso niya pero mas trip daw niya ang kulturang pinoy lalo na ang baybayin na sulat. Kahit nga mga bracelet niya, eh, 'yong mga tipong design ay gawang ibang tribo sa pinas.

"Kaya nga hindi ko sinuot para hindi masira 'yong pagiging Rowdy Ruff Boys niyo." sabi ko sa kanila.

"Rowdy ruff boys na walang power puff girls huhuhu!" pagdadrama ni Niccolo.

Sampung minuto na rin ang lumipas ng aming cigarette session dito sa waiting shed, 1:45pm na rin at ilang minuto na lang magsisimula na ang seminar ulit.

"Ibibigay ko na talaga 'yan kay kuya!" sabi no'ng nanay kasi hindi pa rin kinakain no'ng bata 'yong yum burger niya.

"Hindi pa po ako gutom nga!" sagot ng bata.

"Hindi pa ba tayo babalik do'n?" tanong ni Lucas habang tinatapaktapakan 'yong upos ng kaniyang yosi sa sahig.

"Maya-maya na, 'di pa naman magsisimula 'yon agad." sabi ni Seb habang inaalukan si Lucas ng double mint.

"Sabagay..." pagsang-ayon namin sa kaniya.

Sampung minuto na ang lumipas, 1:56 na at kailangan na namin makabalik doon dahil baka mawala ang aming puwesto, maraming estudyante pa naman ang mas pipiliin ang dulong upuan sa mga gano'ng klase ng school program.

"Tara na?" mahina kong pag-aya sakanila at tumayo na sa aking pagkakaupo.

"Hindi mo pa rin talaga kinakain 'yan? Ibibigay ko na talaga 'yan kay kuya!" inis na sabi no'ng nanay pa rin sa kaniyang anak.

"Hindi pa po ako gutom nga! Yoko pa po!"

"Gusto mo talagang ibigay ko 'yan kay kuya, ah!"

Patayo na kaming tatlo pero nagtaka kami no'ng kinalabit ni seb ang nanay bigla.

"Nay, kanina pa po ninyo sinasabing ibibigay ninyo sa'kin 'yang yum burger. Mag aalas dos na po, kailangan ko na pong bumalik sa school kanina pa pero kakahintay ko d'yan sa yum burger baka mawalan po ako ng upuan. Ano, ibibigay n'yo po ba o hindi?" sambit nito sa nanay na halatang nabigla sa sinabi ni Seb.

Hinatak na namin si Seb palayo sa mag ina kasi taragis ang hayup, nakakahiya! Binibiro lang naman kasi siya.

"Tangina mo talaga, Seb!" sabi ko sa kaniya.

"Bwisit kasi 'yong nanay, kanina ko pa hinihintay 'yong yum burger ang tagal tagal ibigay!"

"Gagu!" sambit ko sabay batok sa kaniya na ginaya rin ng dalawa.

•••

Pagbalik namin sa auditorium, may mga kupal na umagaw sa pwesto namin at ang libreng pwesto na lang ay ang row na pang lima sa harapan kaya no choice kami kundi roon umupo, malayo pa sa mga ka-blockmates namin.

"Paano ko tutulugan ngayon 'to? Taragis naman talaga!" reklamo ni Seb habang papaupo sa kaniyang bagong upuan.

"Ikaw nagsabi na mamaya na tayo umalis do'n sa shed kaya kasalanan mo 'to!" sumbat ni Niccolo.

"Bwisit talaga 'yong nanay na 'yon, ta's alaws pa yum burger pota, paasa!"

Saktong alas dos na pero hindi pa rin nagsisimula ang part 2 ng seminar at may dalawa pang guest speaker daw ang magsasalita sa harapan.

"Jaq!" sigaw ng babae na nakaupo sa harapan namin.

"Kung minamalas ka nga naman..." pabulong kong sambit.

"Sabi ko na nga ba at kusa ka ring lalapit sa akin!" sabi niya habang naka lingon sa amin.

"Lul!" tanging tugon ko.

"Sining baka may kakilala ka naman d'yan, oh? baka naman!" sabi ni Niccolo habang lumalapit sa kausap niya.

"Anong course ba bet mo?"

"Nursing para she can take good care of me forever hahaha!"

"Tangina nito, mama mo lang yata kailangan mo o kaya katulong!" sabat ni Seb.

At sa kamalas malasan, ako na naman ang napapagitnaan ng dalawa. Si Lucas nandoon sa dulo katabi ng pader.

"Gawin ko katulong mama mo r'yan, manahimik ka!" sabi ni Niccolo kay Seb.

"Gawin mo na lang mama ko, mama mo! tutal ang ingay-ingay no'n tuwing umaga lalo na kapag nagagalit!"

"Lul namo 'wag na lang!"

Sa gitna ng bangayan ng dalawa, nakatitig lang sa akin si Sining. She looked at me like there was something in me worth looking at...

"Tinitingin-tingin mo r'yan?" sambit ko.

"Alam mo masarap mapunta sa tamang tao, try mo sa'kin." banat niya sabay ngiti.

"Ayoko nga."

"Try mo sa'kin promise 'di ka magsisisi." sambit ni Niccolo pero hindi siya kinibo ni Sining. "Pero kung ayaw mo baka may kapatid ka r'yan, 'yon na lang!"

"Lalaki 'yon."

"Ano bayan!"

"Huwag ka mag-alala Niccolo, may kilala akong nursing ang course, kapag nakita ko siya i-rereto kita! Chixx 'yon!"

"Ayon! wait ko 'yan sining, ah!"

Masayang bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko si Niccolo, abot tainga pa nga ang ngiti.

"Para kang tanga." sabi ko sa kaniya.

"Two years na ako walang syota, pre, normal pa ba 'yon?"

"Kingina ka, ako nga three years, eh, nagreklamo ba 'ko?"

"Gagu ako nga simula first year pa lang, 'di naman ako umaangal." sambit ni Lucas.

"Basta ako waiting ako na sagutin ni Jaq!" sabi ni Sining.

"Hindi nga kita gusto." irita kong tugon.

"Hindi pa."

"Hindi, kahit kailan."

"Tangina sana all may kalandian!" pagseselos ni Niccolo.

"May iba ka bang gustong babae, ha?" malungkot na tanong ni Sining sa akin.

"Nako, oo! Meron, cute no'n!" sabat bigla ni Seb.

"Daya mo, 'di mo man lang iniisip 'yong nararamdaman ko." malungkot na sambit ni Sining sa akin at parang artistang umaarte sa isang O-A na movie tuwing na-bo-broken hearted.

"Lalo na kapag nakita mo pa 'yong ex nito!" sabi ni Niccolo pero medyo off limits na 'yong topic kaya siniko ko siya.

"Iyong ex niya? Anong laban ko ro'n, baka baby face 'yon, samantalang ako baby mo rapapampam!" nakakaasar na banat na naman niya.

Natawa lang 'yong tatlo at pinag-aasar na naman ako. Tanginang 'yan...taragis na buhay 'to.

"Sining, ayos na, magsisimula na." saway kay Sining ng katabi niya kaya umayos na siya ng upo at humarap na sa harapan.

"At ano na namang kabobohan ang pinag-uusapan ninyo?" biglang sulpot ni Salem sa amin at umupo sa extrang upuan na katabi ng pinsan niya.

"At bakit dito ka uupo, ha?" sambit ni Niccolo sa kaniya.

"Bakit, iyo ba 'to? may pangalan mo?"

"Tangina g na g agad, ano may dalaw?" sambit ni Seb.

"Dinalaw ako ni san pedro kanina, tinatanong kung saan ka raw nakatira, kaya mag-ingat-ingat ka pauwi baka inaabangan ka niya ro'n."

"Gagu 'to, oh."

Palingon-lingon din si Sining sa amin pero 'yong tipong inoobserbahan niya lang ang mga kaganapan sa row namin.

"Ano na naman ba kinaiinisan mo? nananahimik kami rito, oh." bigkas ko kay salem.

"Kasi naman nahuli ako ng dating, nag retouch pa ako sa cr, and then pagbalik ko, nakuha na 'yong pwesto ko ni sir guidance. Kainis! That's a good seat, front row. Then that prof took it from me, kaasar! First come, first serve dapat!" Medyo naiinis niyang kwento.

"Aware ka na professor siya 'di ba?" sabi ni Niccolo.

"I don't care kung professor siya o anak pa siya ng president ng pilipinas. Nauna ako sa pwestong 'yon tapos gagamitin niya sa akin ang Professor ako excuse niya? No way!"

Lumapit sa akin si Seb ng kaunti at bumulong.

"Ang arte talaga ng babaeng 'yan..." aniya. "Kaya siguro walang tumatagal sa kaniyang mga syota niya." dagdag pa niya.

"Totoo." Tugon ko.

Nakatingin lang kami kay Salem na patuloy na naiinis kay sir agustin. Hindi ko alam pero nakakatawa siya tignan, hindi lahat puwede niyang makuha kahit nauna siya dahil gano'n ang buhay.

"Tama lang couz na magalit ka sa kaniya, kinuha nga niya cellphone naming apat, eh!" pagsusumbong ni Niccolo.

"Wala akong pake sa nangyayari sa buhay niyo, puwede ba?" pagtataray nito.

"Kingina nito bahala ka sa buhay mo, huwag ka ngang tumabi sa akin!" reklamo ni Niccolo.

"Puwede ba? Don't piss me off!" tinaasan nito ng kilay si Niccolo.

"Away na 'yan, away na 'yan!" pabulong na bigkas naming tatlo bilang pang-asar.

"Bahala ka sa buhay mo, masyado kang ma-attitude. Maganda ka lang naman kaya madaming nagkakagusto sa'yo pero tignan mo, isa lang kaibigan mo tapos mukha pang tinitiis 'yong pangit mong ugali." sabi ni Niccolo.

"Ohh, real talk-an, off limits na 'yon." side comment namin tatlo.

Salem has a weird habit of being herself all the time kaya karamihan ng mga estudyante rito ay hindi siya gusto.

"At anong gusto mo, mapaligiran ako ng mga pekeng kaibigan na maaalala lang ako kapag may kailangan sila sa akin? No thanks. Suwerte ka kasi lalaki ka, you wouldn't understand how serious girls are with friendship. One mistake means friendship over."

"Taragis na 'yan, tampuhan lang pero walang inglesan! pambihira!" napakamot na lamang ng batok si Niccolo, ibigsabihin no'n ayaw niya ng makipagtalo pa sa pinsan niya.

Ganiyan siya minsan sa mga babae, palagi siyang nagpapatalo.

"Tsss..." nag-irap lang si Salem sa kaniya at mataray na tinuon ang kaniyang pansin sa harapan habang nakahalukipkip at naka cross leg.

"Lesson learned, 'wag mong iinisin ang babaeng naiinis na kasi i-inglesin ka niya." pabulong na bigkas ni Seb na aking sinang-ayunan.

•••

2:30pm nagsimula ang unang guest speaker at 'yong mga una niyang pinagsasabi ay napaka boring na halos napapapikit na kami.

"I-uwi ko na lang kaya siya para mabilis ako makatulog tuwing gabi?" pabulong kong sabi.

"Tangina ano ba pinagsasabi niyan? Pampatulog ba?" pabulong na bigkas ni Lucas.

"Duhh, he's talking about stress management, mga bobo." sambit sa amin ni Salem.

"Ahh, sorry po, sorry po, Makikinig na po kami ma'am." para akong hapon na nagba-bow pa sa kaniya.

"Nye nye nye nye...arte pota." pabulong na sabi ni Seb.

"Shhh!" saway ni Niccolo at naniningkit na nakatingin si Salem kay Seb at ginantihan din ito ni Seb ng naniningkit na tingin.

"Tsss, dugyot." sambit ni Salem at balik tingin sa harapan.

May hawak-hawak na baso na may lamang kalahating tubig ang speaker at pinakita niya ito sa amin.

"Ano, tatanungin niya ba tayo kung half empty o half full 'yan?" pabulong na tanong ni Lucas.

"Sa tingin ko half full 'yan." sagot ni Seb.

"Half empty." sagot ko.

"How heavy is this glass of water?" Tanong ng speaker sa aming lahat habang inaangat ang hawak-hawak niyang baso na may lamang kalahating tubig.

May mga sumisigaw na 8 oz, 10 oz, 5oz at kung ano ano pang numero na maisip ng ibang estudyante. Isa si Sining sa nagtaas ng kamay at sumagot ng 12 oz na parang sigurado pa nga siya sa sagot niya dahil nagrequest pa siya na hawakan 'yong baso.

Typical na pabida-bidang kaklase, tsss.

Bumalik ang speaker sa harapan habang inaangat pa rin ang hawak niyang baso at nakangiti sa aming lahat.

"Ang ganap na timbang ay hindi mahalaga." sabi nito at rinig sa auditorium ang mga dissapointed na mga estudyante na sumagot sa tanong niya kanina.

Tinignan ko si Sining at halata sa kaniya ang pagkadismaya na hindi siya tama dahil sa pagbagsak ng kaniyang dalawang balikat.

"Depende ito sa kung gaano ko katagal hahawakan ang basong may lamang tubig. Kung hawak ko ito ng isang minuto, hindi iyon problema. Kung hawak ko naman ito ng isang oras, sasakit ang braso ko. Kapag hawak ko ito ng isang araw, magiging manhid at paralisado ang braso ko."

Halos lahat ng estudyante ay nakatuon ang pansin sa kaniya o baka ganito lang talaga ang point of view kapag nakapuwesto ka sa harapan?

"Ang kaso rito ay, ang bigat ng baso ay hindi nagbabago ngunit habang tumatagal ang paghawak ko rito, mas lalo siyang bumibigat."

Ipinuwesto niya na ang basong hawak niya sa table na nasa stage pa kanina bilang props niya.

"Ang mga stress at alalahanin natin sa buhay ay kagaya lang sa basong tubig na iyan. Isipin ang mga ito nang ilang sandali at walang mangyayari. Isipin ang mga ito nang matagal at magsisimula ka ng masaktan. At kung iisipin mo ang mga ito sa buong araw, mararamdaman mong para kang naparalisa, walang kakayahan na gumawa o kumilos ng anuman."

Lahat ng sinabi niya ay may sense...roon ko na lang na-realize na mabuti pa 'to kaysa sa mga naunang nagsalita, may sense kahit pa-paano ang kaniyang sinasabi ngayon.

"Remember to put the glass down and remember to ask help from God. He will help you during your difficult and trying times. Just pray and he will heal you." pagtatapos ng kaniyang topic.

Pinalakpakan namin siya at syempre may pa-receive-receive certificate at picture taking pa silang nalalaman sa stage kasama ang college president.

"Mali siya..." sambit ni Seb.

"Ang dami dami niyang sinabi pero ang totoo, kapag stress ka uminom ka ng madaming tubig!" pagtatama niya.

"Tama tama! sino ba namang bobo ang stress na nga tapos itataas pa 'yong baso na may lamang tubig?" sambit ni Niccolo.

"Tanga." Nasabi ko na lamang sa dalawa.

"Ewan ko sa inyong dalawa, hindi ko alam kung bakit ko kayo naging kaibigan." sabi ni Lucas.

"Omg, ganiyan kayo kabobo? Obvious naman na example lang 'yon para mas maintindihan ng mga katulad niyo." sambit ni Salem.

"Hanggang dito lang, oh, hanggang dito!" sabi ni Niccolo habang gumuguhit ng linya na pumapagitan sa amin at kay Salem.

"Ahh, barrier ng katangahan, of course...of course." Patango-tangong tugon ni Salem habang nakataas ng bahagya ang dalawang kamay.

Halos karamihan sa mga lalaki ay nabighani sa ganda ng huling guest speaker. Maamo ang kaniyang mukha na halos bagay sa kaniya ang light make up nito at pulang lipstick. Halos kita 'yong ganda niya dahil nakapusod ang kaniyang buhok. Nakasuot siya ng itim at magarang dress na binagayan din ng suot niyang pulang heels.

"Tangina save the best for last!" sambit ni Seb.

"Ano po fb niyo?!" sigaw ni Niccolo at pinag-gagaya na ng iba.

"Hi, I'm Egoe Marquez." bati nito sa boses na malaki na para bang pang lalaki pero pang babae rin. "Huwag na tayo magpaligoy-ligoy pa, taas ang kamay ng mga depress." biglaan niyang sambit.

Tumingin-tingin ako sa paligid at wala ni isa ang nakataas ang kamay.

"Wala? Come on, imposibleng wala." bigkas nito na para bang siguradong sigurado siya na meron nga dahil ngumisi pa siya.

"Is having depression to be embarrassed of? Ha, anyone?" Tanong niya ulit.

Dapat bang ikahiya 'yon? I mean, paano kapag nalaman ng iba na mentally unstable ka? Syempre lalayuan ka nila. Ayaw ng normal na tao ang hindi normal na tao.

"Everyone has a chapter they don't read out loud, and that is depression." sabi niya habang hinihila 'yong isang upuan sa gitna ng stage at doon napaupo.

"Ang mga taong depress ay hindi marunong mabuhay, ang alam lang nila ay kung paano mabuhay." Nakacross leg ito, nakayakap ang isa nitong kamay at ang isa ay hawak-hawak ang mikropono at 'yong awra niya ay para bang napaka confident niya. Walang bahid ng takot habang patuloy na nagsasalita.

"Ang depresyon ay nabubuhay sa isang katawan na lumalaban upang mabuhay na may isipan na gusto ng mamatay. Simpleng depenisyon."

Masyado siyang straight to the point, hindi katulad ng mga tatlong naunang speaker na nagdadahan-dahan sa mga sinasabi nila, pero siya...masyadong direct. Masyadong makatotohanan.

"Ang sakit sa isip ay hindi gaanong kapansin-pansin kaysa sa pisikal na sakit, ngunit ito ay mas karaniwan at mas mahirap ding tiisin. Ang madalas na pagtatangka na itago ang sakit sa isip ay nagpapataas ng pasanin. Mas madaling sabihin, masakit ang ngipin ko kaysa sabihing wasak ang puso ko."

Lahat ng sinasabi niya ay may sense na halos alam niya 'yong sinasabi niya at walang duda na nakuha niya ang aking atensyon sa pamamagitan lamang ng kaniyang mga salita.

"Grabe ang ganda niya pati ng boses niya habang nagsasalita...I think I'm in love again." pabulong na sabi ni Niccolo.

Mga nagsa-side-comment lamang ang aking katabi na sina Niccolo at Seb tungkol sa ganda na mayroon ang guest speaker at kung single pa kaya siya, hindi nila binibigyan halaga ang mismong sinasabi nito.

"Hay nako, mga lalaki talaga laging bumabase sa itsura." reklamo ni Salem.

"Wow, coming from a girl na bumabase rin sa itsura." bwelta ni Niccolo.

Hindi ko na lamang pinansin sila dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa babaeng nagsasalita sa harapan. Gusto ko siyang pakinggan, lahat ng sasabihin niya.

"Ang pinakamasamang bahagi ng depresyon ay, ang mga taong wala nito, hindi kailanman nila maiintindihan. Kapag ikaw ay nalulumbay hindi mo nakokontrol ang iyong mga iniisip, ang iyong pag-iisip ang siyang kumokontrol sa'yo. Kaya don't just simply say to them na you need to pray to God kasi he will heal you, dahil hindi mo alam kung ilang beses niya ng ginawa 'yon...kneeling down while begging and crying for help pero bakit walang nangyayari?" sabi niya habang nakangisi at nililibot ang kaniyang tingin sa buong audi.

"Don't even say na they need to think positive, dahil all they think about are negative thoughts." dugtong niya pa.

Kung ano-ano pang sinabi niya na patungkol sa depresyon, mga ibigsabihin nito, saan at paano nagmula. Para siyang teacher na nag-e-explain ng lesson pero 'yong tipong maaaliw ka sa pakikinig sa kaniya.

"Can you feel it? The dead weight of your legs from the sleeping pills, the dizziness from the alcohol, the soft throbbing of your pulse as blood is pumped out your wrists? That's it. That's what we've been waiting for, that's the quiet comfort. The beauty of dying." mala dramatiko niyang bigkas na para bang dinadamdam ang bawat salita.

"Then, let's talk about suicide. No one kills themselves in suicide, It's someone else inside of them. They're the ones who controls the razor. They pull the rope over your neck. They pull the trigger, and they swallow the pills. They write your goodbye letter because in the end, the person who dies isn't you."

Nakikita namin na halos nagbubulong bulungan na 'yong mga prof sa harapan. Siguro iniisip nila na masyadong marahas na 'yong sinasabi niya para sa amin pero ayon naman talaga ang katotohanan, masyadong marahas. Sa totoo lang, ayoko matapos 'yong sinasabi niya.

"And where does it all begin? sino ang dahilan? Is it the family? Friends? any loved ones? Any close people? Any guess, kids?" nilibot-libot niya ang kaniyang tingin pero ni isa ay walang tumataas ng kamay upang sagutin siya.

"Firstly, and sometimes, It's the parents." sagot niya sa kaniyang tanong. "Why are parents allowed to yell and scream at their children and call them names and just make them feel like shit in general, but when kids try to defend themselves it's disrespectful? Well, what kind of parents do you have, kids?" pagpapatuloy nito.

Nakita namin na lumapit ng kaunti 'yong college president namin sa stage para siguro sawayin siya sa choice of words niya. Lumapit naman ang guest speaker sa college president at nakangiting kinakausap ito. Pagkatapos ng mahina't maikli nilang pag-uusap, eh, tumayo ang guest speaker sa harap. Humingi muna ng pasensya sa college pres, sa faculty staffs, at pati na rin sa amin na seryoso ang expression, 'yong tipong pilit. Sabagay, ano nga bang dapat niyang ipagpasensya? Nagsasabi lang naman siya ng totoo? Mga tao talaga, gusto lang nilang marinig 'yong mga salitang gusto lang nilang marinig. Kapag iba ang pananaw mo sa kanila sa isang bagay, ikaw na ang mali.

"A child that is being abused physically, emotionally or mentally by its parents doesn't stop loving their parents. It stops loving themselves and that can lead to depression." pagpapatuloy niya. "I advise you not to hide your feelings. Don't pretend to be okay when you're not okay. Don't pretend to be happy when you're sad it only leads you on to your misery. Shout if you needed to, cry if you want to, curse if it helps you, blame the person who hurt you. You should never keep the boiling rage to yourself, 'cause if you do, when that boil of rage can no longer contain inside you, it explodes. And explosions aren't art, it isn't something beautiful." nag bow siya ng mga 25° bilang tanda na tapos na siya.

Sinamahan na rin siya ng ibang prof para i-abot ang certificate at magpa-picture, maarte niyang hinawakan ang certificate pero 'yong ngiti niya napakalaki pero halatang pekeng ngiti kung papansinin.

"Wow, finally natapos na rin!" banggit ni Salem at napatayo na sa pagkakaupo.

Napabuntong-hininga ako ng malalim at tumingin sa tatlo.

"Ang pangit ng vibes bigla..." sabi ko na sinang-ayunan naman nila.

"Anong tawag sa pusa na nasa gitna ng edsa?" tanong ko sa kanila para naman makalimot ako sa mga narinig ko.

"Ano?" tanong nilang tatlo.

"Matapang."

Medyo natawa naman sina Lucas at Salem pero sina Seb at Niccolo medyo slow.

"Huh? paano naging matapang 'yon, eh, parating traffic sa edsa!" sambit ni Niccolo na sinang-ayunan naman ni Seb.

"Ewan ko, mahirap i-explain ang isang joke." sabi ko sa kanila.

"Me, I have a joke! Anong tawag sa kuto ng kalbo?" biglang bulalas ni Salem.

"Ano?" tanong naming apat.

"E di homeless. Ciao! See you when I see you, guys!" natatawang umalis si Salem patungo sa pwesto ni Maki sa harap.

"Tangina paano magkaka kuto 'yong kalbo, eh, wala naman 'yong buhok! Gulo talaga ng mga babae!" sabi ni Seb.

"Ewan ko sa'yo!" sabi ko at tumayo na sa pagkaka upo na ginaya naman nilang tatlo.

Kahit anong pilit ko, para bang nag-LSS 'yong mga sinabi no'ng huling guest speaker sa akin...pa-ulit-ulit...tumagos hindi lang sa puso ko, pati na rin sa isipan ko.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro