
Kabanata 7
Ang seminar
•••
Sabado, nandito kami sa auditorium ng school. Wala naman kaming saturday class kaso itong college president namin napakaraming alam at nagpa-seminar pa tungkol sa mental health awareness at ang malala pa roon required pumunta lalo na ang mga graduating students na may seminar class next sem.
"Sorry mga pre ngayon lang ako." bungad ni Seb sa amin dahil isang oras na siyang late.
"Mabuti tropa ka namin, ayan tinabihan ka namin ng upuan." sabi ko sa kaniya habang binababa 'yong bag ko na nakalagay sa extrang upuan para sa kaniya.
"Tangina mahal mo talaga ako, eh, noh?" sabi niya sa akin habang papaupo sa kaniyang pwesto.
"Lul hindi ka kamahal mahal."
"Ano na pinagsasabi niyan?" turo ni Seb sa nagseseminar sa harap dahil nasa dulong hilera kami.
"Malay namin d'yan mukha ba kaming nakikinig?" sagot ni Niccolo.
"Ano nga ba maaasahan ko sa'yo?" tugon ni seb.
Buti na lang at napagigitnaan ko itong dalawa dahil panigurado, eh, may munting bardagulan na naman na mangyayari sakanila.
"Tungkol sa mental health issues na na-e-encounter daw ng mga students." sabi ni Lucas kay Seb na nakaupo sa dulo, malapit sa pader at katabi ni Niccolo.
"Pag-aksaya ng oras na nga rito ay isa ng mental health issue para sa akin. Bakit i-re-required kung wala naman sense sa pinag-aaralan?" reklamo ni Seb.
"Tangina ka ikaw nga walang sense, common sense. Syempre importante 'yan sa mga mayroong mental health issues." sambit ko.
"Pfft! Ang drama naman no'n..." sabi ni Seb na hindi ko na lamang pinansin, kahit ang totoo no'n ay na-offend ako.
Isa sa mga rason kung bakit ako pumunta sa seminar na ito ay dahil sa topic na Mental Health. Baka sakali lang naman na makatulong 'yong mga guest speaker sa akin pero sa ngayon, 'yong unang speaker ay napaka boring. Sa sobrang boring, eh, inaantok lamang ako.
Tanaw sa aming inuupuan ang naka upo sa harapan na sina Salem at Maki na may hawak na DSLR na siguradong kinukunan ng picture ang mga bisita. Sa kabilang side naman ay nakaupo sa harapan ang seryoso at napaka buting mag-aaral na si Sining na nag-te-take down notes pa sa kung ano man sinasabi ng lalaki sa harapan niya na halata naman na copy + paste lang sa google ang sinasabi at hindi talaga alam ang sinasabi niya.
Bakit ba nag-te-take down notes 'yong babaeng 'yon? Ano, may quiz lang pagkatapos nito? Pati ba naman ganito ginagawan ng quiz? Sinasali sa grades? Pambihira...wala na ba silang maituro?
"Huy, sinisilayan niya si Sining!" biglang sabi ni Seb na may kasabay pang kiliti sa tagiliran ko.
"Gagu, hindi ah!"
"Ayieeee!" pang-aasar pa nilang tatlo.
"Hindi nga! Parang tanga 'tong mga 'to, gawang issue potek!"
"Alam mo naman ang kasabihan 'di ba, kapag umamin sa'yo ang isang tao na may crush siya sa'yo, malamang na magkakacrush ka rin sa taong 'yon! Gano'n 'yon palagi, Jaq." sabi ni Niccolo.
"Tama tama!" pagsang-ayon ni Seb.
"Tanga, sa tv lang nangyayari ang ganiyan hindi sa totoong buhay. Atsaka sigurado akong trip lang ako ng babaeng 'yon."
Halos wala kaming ginawa sa seminar at wala naman kaming pake sa sinasabi ng guest speaker dahil may sarili kaming mundo sa likod...palagi naman.
"Pota, bobo, panaw!" bulyaw ko.
"Tanga Lance do'n sa bot!" sabi ni Lucas.
"Tangina ng granger nila boy! Ang taba na! Sakit!" sabi ni Seb.
Nakatutok kaming apat sa aming mga cellphone at naglalaro lang kami ng Mobile Legends. Nakalimutan na namin ng tuluyan kung bakit kami nandito, buti na lang din, eh, malakas ang signal dito sa audi. Hindi kami nag-lag.
"Niccolo sige lang push mo lang d'yan sa top, gagu hintayin mo ako mabuhay." sabi ko kay Niccolo.
"Akin na 'yan mga cellphone niyo!" nagulat kami sa biglang nagsalita sa aming likuran. Paglingon namin, nakita namin si Sir Agustin, nakakunoot ang noo nito at magkasalubong ang dalawang kilay.
"Hindi kayo nakikinig, ah! Akin na 'yan, kunin niyo sa akin 'to sa guidance pagtapos ng seminar!"
"Luhh, sir, wait lang rank game po ito..." pagmamakaawa ni Seb no'ng kinukuh na 'yong cellphone niya.
"Rank game, rank game, wala akong pake!" sabi ni sir habang puwersahang kinuha ang cellphone sa amin.
"Kunin niyo ito pagkatapos ng seminar!" sabi niya pa ulit bago tuluyang lisanin ang aming pwesto.
"Tanginang 'yan..." sabi ko na lamang na nanlulumo.
"Ipagdasal na lang natin mapanalo 'yon ng isa nating kakampi." sabi ni Lucas.
"Kainis, GG na 'yon, eh!" sabi ni Niccolo.
"Epal naman nito ni sir agustin, tignan mo nga si Sir Vergario, oh! Natutulog lang naman sa seminar na 'to!" sumbat ni Seb habang tinuturo si Sir. Vergario na nasa harapan na nakapikit na ang mga mata.
"Tanginang 'yan sarap buhay, sana lahat." wika ko.
"Attendance lang naman importante rito 'di ba? Na kanino ba 'yong attendance para makalayas na tayo sa nakakaantok na mga sandali ng buhay natin na ito!" sabi ni Seb.
"Sira, ihuhuli pa raw 'yong attendance para walang estudyanteng umaalis kaagad." sabi ni Lucas.
"Seryoso ba 'yan? Taragis naman 'yan!"
"Kaurat naman ito!" sambit ni Niccolo na malamyang nakasandal sa upuan.
Napunta na lamang ang atensyon namin sa lalaking nagsasalita sa harapan, 'yong guest speaker na kanina pa nagsasalita at hindi namin pinapansin.
"Depression can affect anyone even a person who appears to live in relatively ideal circumstances."
Totoo naman 'yong sinabi niya sa part na iyon. Hindi mo alam kung sino ang nakakaranas ng depresyon kasi masyado silang mahusay magpanggap na ayos lang sila.
"Feeling down from time to time is a normal part of life, but when emotions such as hopelessness and despair take hold and just won't go away, you may have depression."
Akala ko pagpunta rito at pagkinig sa mga taong propesyonal sa ganitong topic ay makakatulong sa akin nang kaunti tungkol sa madilim na nararamdaman ko. Pero bakit parang hindi nila alam sinasabi nila? Bakit sinasabi nila 'yong mga obvious at basic na alam naman nang lahat? Na kapag ginugel mo, eh, gano'n din ang nakasaad? Tangina sayang oras sa ganito kung ganiyan lang din!
"While some people describe depression as "living in a black hole" or having a feeling of impending doom, others feel lifeless, empty, and apathetic. Men in particular can feel angry and restless. However, you experience depression, left untreated, it can become a serious health condition. But it's important to remember that feelings of helplessness and hopelessness are symptoms of depression not the reality of your situation."
Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim kasi bakit hindi nila maintindihan na ang sanhi ng depresyon ng isang tao ay mga taong malapit sa kaniyang buhay lang din. Bakit kailangan namin magpagaling? Bakit kami 'yong mag a-adjust? Hindi namin kailangan ng taong magliligtas sa amin, kailangan lang namin na tigilan kami ng mga tao sa pagsira, pagwasak, at pananakit ng damdamin namin! Hindi ba madaling intindihin 'yon? Bakit parang kasalanan pa namin na depress kami, hindi ba puwedeng kasalanan naman nila?
At sa pakikinig sa ganito ay nagpapatrigger lang lalo sa demonyo na nakatira sa aking isipan. Konti na lang, eh, lalabas na naman siya at paglalaruan ang aking isip.
"May kuwento ako!" biglang sambit ni Seb sa amin.
Buti naman dahil kailangan ko ng distraction sa mga naiisip ko.
"Ano?" sabi naming tatlo sa kaniya.
"May magkapatid na napadpad sa isang gubat. 'yong kuya, sampung taon niya ng pasan-pasan 'yong bunso niyang kapatid kasi pilay, hindi nakakapag lakad."
"Mmm..."
"Tapos sa gubat may nakita silang diwata," pagpapatuloy ni Seb.
"Tangina nito hahahaha kamanyakan 'yang kuwento mo, noh?" sambit ni Lucas.
"Gagu! Basta, nakita nila 'yong napaka gandang diwata tapos napansin sila nito, dahil sa sitwasyon ng magkapatid binigyan niya ng kahilingan 'yong dalawa. 'yong kuya hiniling niya na sana hindi na siya makaranas ng pananakit ng likod, gusto niya 'yong nakakarelax naman siya."
"Ano naman hiling no'ng bunso?" tanong ni Niccolo.
"Iyong bunso naman hiniling niya na makalakad habang buhay para hindi na mahirapan 'yong kuya niya."
"Ahh! tapos ang gagawin ng diwata wawalain niya 'yong bunsong kapatid para hindi na mahirapan ang kuya?" sabat ko.
"Eng! mali! Ginawa ng diwata, pinagpalit niya 'yong magkapatid! 'yong pilay nakalakad na tapos pasan-pasan naman niya ngayon 'yong kuya niya."
"Gagu, walang kuwentang kuwento." sambit ni Lucas.
"Ako may kuwento rin ako!" sabi naman ni Niccolo.
"Sige ano 'yon?" sabi ko.
"May isang lalaking bigotilyo na napadpad sa gubat."
"Napadpad din sa gubat? Pati kuwento copy-paste potek!" reklamo ni Seb.
"Lul! nauna ka lang magkuwento tungkol sa gubat!"
"Awat na, tuloy mo na Niccolo." sabi ko.
"E di ayon, nakakita 'yong binata ng isang magandang diwata..."
"Tignan mo na gaya gaya talaga..." pabulong na sabi ni Seb sa akin na hindi ko na lang pinansin.
"Tapos lumapit siya sa diwata tapos hahawakan niya sana 'yong makinis nitong braso ng bigla siyang sinampal ng diwata na napaka lakas!"
"Tapos?" sambit ni Seb.
"Tapos nagmakaawa siya sa diwata, sabi niya parang awa mo na diwata, hindi pa ako nakakahawak ng babae sa tanang buhay ko! kaso ayaw talaga ng diwata kaya inalukan ng binata 'yong diwata na babayaran niya ito kapag pumayag siyang hawakan siya nito. Nag-react 'yong diwata at tinignan 'yong binata mula ulo hanggang kuko sa paa, eh, hindi gwapo 'yong binata kaya nagdalawang isip..."
"Tapos?"
"Sabi ng diwata, ayoko nga, hindi ako magpapahawak sa'yo kahit kailan! Depende, magkano ba i-o-offer mo? Kapos ako sa budget, eh. Sumagot naman 'yong binata ng mababang presyo na tinanggihan ng diwata kaya tinaasan niya 'to ng 500,000 pesos cash kaya pumayag agad 'yong diwata."
"And then, tapos na?" ani Lucas.
"Hindi pa, e di ayon hinawakan ng binatilyo 'yong diwata, hinaplos niya ito sa kung saan-saang body parts tapos biglang sinabi ng binata, Nako lord, Jusko po, Nako po, nako po! Lord! Ikaw na po bahala sa akin! Tinanong ng diwata kung bakit, ta's sabi ng binatilyo, Wala kasi akong 500,000, mahirap lang kasi ako. Pasensya ka na po, tapos kumaripas na siya ng takbo, nakatulala lang 'yong diwata."
"Teka, bakit parang paninirang puri yata 'yan sa isang babae, 'yong kuwento mo?" sabi ko.
Nagkibit-balikat si Niccolo, "Ewan ko, napanood ko lang 'yan sa isang late night show. Kinuwento ko lang."
"Aking diwata, ikaw ang pinaka maganda, 'pag pinagmamasdan kita parang nagmamalik mata..." pagkanta bigla ni Seb.
"Sana all may diwata." bulalas naman ni Niccolo.
"Ikaw, wala ka bang ikukwento?" sambit ko kay Lucas, baka sakaling mayroon din siyang baon.
Hinawakan niya ang kaniyang baba gamit ang kaliwa nitong kamay, gestura na nag-iisip siya.
"Meron meron..." tugon niya.
"Kuwento mo na 'yan!"
"Totoong buhay 'tong kuwentong ito, ha?" aniya.
"E di mas mabuti!" sambit ni Seb.
"Sa tapat ng bahay namin, sa may tindahan, nakaupo 'yong pamangkin ko, dose anyos, lalaki, si Fritz. Kasama niya 'yong mga tropa niya na taga-roon din sa lugar namin tapos pinag-uusapan nila, eh, tungkol sa bibliya. Sa creation of adam and eve yata 'yon?"
"Ibang klaseng samahan ng mga bata 'yon, ah? Samahan papuntang heaven? Hahahaha!" singit ni Seb.
"Sira, hindi. 'yong isa niyang tropa biglang sinabi, sabi ni mama, ang Diyos daw ang gumawa sa mga bata! Nakasulat daw sa bible! ta's buwelta no'ng pamangkin ko, Tanga! Anong Diyos ang gumawa sa bata? Sino gumawa sa'yo? 'di ba ang magulang mo? natawa na lang din ako kasi hindi na nakasagot 'yong tropa niya. Belief versus science hahahaha!"
"Minus ligtas points niyan pamangkin mo pero I like that! Tama naman katwiran niya hahahaha!" ani Seb.
"Eh, ikaw Jaq? May kuwento ka ba?" tanong ni Niccolo sa akin.
"Wala, eh, hindi ako nakapag-search sa google."
"Naknampotsa ang boring naman kasi, kasalanan lahat ng seminar na 'to 'yon, eh!" Reklamo ni Niccolo.
"Sira, kasalanan ni sir agustin 'to! Kinuha 'yong cellphone natin alaws tuloy tayong magawa kundi tumunganga sa sinasabi ng kupal sa harap. Hanggang anong oras pa ba 'to?" sambit naman ni Seb.
"Hanggang five pa raw 'tong seminar, eh." sagot ni Lucas sa akin.
"Huh? Five pa? Tanginang 'yan! Kabagot no'n!" reklamo ni Seb.
Sabagay alas otso usapan tapos alas nuebe na nagsimula rin ang event na 'to. Magkakaroon naman daw ng lunch break tapos babalik na naman dito sa audi para maupo ulit at Makinig. Minsan hindi ko na rin maintindihan trip ng school namin, hindi ba nananakit puwet nila kakaupo? Kasi 'yong amin nananakit na.
Tumingin at nakinig na lamang ako sa lalaking nasa harapan namin habang binibigkas nito ang huli niyang preach na sana, eh, makabuluhan at makabagbag damdamin.
"If you feel depressed, make an appointment to see your doctor or mental health professional as soon as you can. If you're reluctant to seek treatment, talk to a friend or loved one, any health care professional, a faith leader, or someone else you trust."
Nag-expect ako ng maganda at nakaka-antig ng pusong pangwakas na kaniyang sasabihin, 'yong tipong tatagos sa puso't isipan ko. Pero sa huli walang kuwenta pa rin ang sinabi niya, kuha pa rin sa google. Kung ako 'yong nagsasalita sa harapan, ano kaya sasabihin ko? Paano ko sisimulan?
"Depression is being colorblind and constantly told how colorful the world is."
Tama. Ganiyan nga.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro