Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

Panibagong kalmot ng pusa

•••

Pagkatapos no'ng overnight na iyon, tanghali na kami nagsi-uwi. Pag-uwi ko wala si Jorge sa bahay, may pasok yata. Wala ako sa mood maligo kaya nagpalit na lamang ako ng damit. T-shirt na kulay puti na may print na baybayin. Cargo shorts naman ang sinuot kong pang-ibaba.

Biyernes pa lang ngayon at hindi ko alam kung anong schedule ni Jorge sa school kaya bahala na. Malapit na rin ang prelim exam namin, syempre bilang isang normal na estudyante hindi ako nagreview bagkus humiga ako sa kutson, inilabas ang cellphone at binuksan ang data nito. Pagtingin ko sa messenger mayroong message request, binuksan ko ito at binasa.

Pambihira naman talagang buhay na ito.



Sining Fedeli: Hello, I'm a thief and I'm here to steal your heart <3



No'ng una manghuhula, ngayon naman magnanakaw na. Pambihirang babaeng 'to ang daming sideline!



Jaq: Kulang ka ba sa aruga at pagmamahal ng magulang?



Paano naman kaya nalaman ng isang ito ang facebook ko? naka-private naman iyon tapos single name pa?

"Tangina talaga ng bunganga no'ng Niccolo na 'yon..." hula ko lang kasi madaldal naman talaga si Niccolo, panigurado ako ganito sasabihin no'n sa akin;

"Sorry na, Jaq! Mahirap lang para sa akin tanggihan ang mga favor ng magagandang dalaga!" walang duda ganiyan na ganiyan sasabihin no'n sa akin...hayok 'yon sa chix, eh! Tangina talaga no'n.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 01:45 pm pa lang at wala akong magawa rito sa bahay hanggang sa maisipan kong magtimpla ng kape, 3 in 1 kopiko blanca. Oo, Kape sa mainit na panahon at Boulevard of Broken Dreams Ng Green Day naman ang background music ko. Ganito dapat ang buhay, chill lang. Dapat ganito palagi...sana ganito palagi...pero sinong niloloko ko? Sa isang katulad ko, hindi uso ang kumalma dahil sa mga demonyo na nasa loob ng isipan ko.

"Mag isa ka na naman, napaka miserable mo naman. Nakakaawa ka tignan." ganiyang mga salita ang palagi kong naririnig na habang tumatagal ay nasasanay na lang ako.

Bigla-bigla kong nararamdaman 'yong puyat, para bang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa. Malala na yata ako...kailangan ko na yata humingi ng tulong? Teka ano ba 'tong iniisip ko? Hindi, kikimkimin ko na lang. Ilang taon ko na rin naman itong kinikimkim at sanay na rin naman ako...hindi ko kailangan ng tulong may mga problema rin sila kaya bakit pa ako dadagdag?

Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumayo sa aking inuupuan. Tinungo ang drawer kung saan ko tinatago ang halos lima na bagong blade, 'yong apat nakabalot pa at bagong bili ko lang sa malapit na tindahan.

Ang depresyon ay hindi lang naman umaatake tuwing alas tres ng madaling araw. Minsan bigla bigla na lang itong magpaparamdam kahit alas dos ng tanghali, o kapag kasama ko ang mga kaibigan ko at nasa kalagitnaan kami ng halakhak. Ang depresyon ay walang pinipiling oras, bigla bigla na lamang siyang lilitaw sa pagkatao ko na parang sakit. Pero malala lang sa sakit kasi ang sakit tulad ng lagnat, ubo, sipon ay gumagaling kapag umiinom ng gamot, pero ang depresyon? Kahit ilang tabletas pa yata lunukin ko ay hindi pa rin ako okay. At iyon ang hindi nauunawaan ng mga tao, na ang depresyon ay hindi tungkol sa panglabas na anyo, ito ay tungkol sa loob. Isang bagay sa loob ko ay mali. Maling-mali na halos hindi ko na rin maitama.

Napaupo ako sa sahig, nakasandal sa pader na nakatapat lang sa may pintuan na kapag may pumasok man, bungad agad ang ginagawa kong hindi maganda.

"Sana makita ni mama..." bulong ko sa sarili ko habang dahan dahang hinihiwa ang kanan kong palapulsuhan gamit ang isang lumang blade na ilang beses ko na nagamit.

Pero paano nga naman niya makikita kung ni-hindi niya man lang ako magawang bisitahin?

Iyong unang hiwa, hindi naman 'yon ang malalim at masakit. Hindi naman talaga masakit. Para lang siyang kagat ng langgam dahil dahan dahan lamang ang pagdampi ng panghiwa sa kinakabahang kamay ko noon, pero sapat lang 'yon para patahimikin ang mga maiingay na demonyo sa loob ng aking utak. Ngunit sa oras na ito, hindi sila mapatahimik, kahit gaano pa kalalim...kadami...patuloy lang sila sa pag-iingay, sa pagsasalita ng mga hindi nakakaakit na salita. Baka lahat ng tao may kaniya kaniyang demonyo, pero pinipili ko lang pakainin 'yong sa'kin? Baka gano'n nga?

Pinapanood ko lang ang pagtulo ng mga dugo sa aking kamay pababa sa sahig nang biglang may narinig akong pop-up notification sa aking cellphone na nakapatong sa may mesa katabi ng basong may laman na kape. Lumapit ako roon at kinuha ang aking cellphone upang basahin ang message na mula kay Sining habang inaalalayan ang aking kamay na may mga hiwa.



Sining Fedeli: Go on. Don't be shy. Ask me out!



Ang kulit naman ng babaeng ito.



Jaq: Okay. GO OUT.

Sining Fedeli: You don't look so well, maybe you need a Vitamin ME!

Jaq: Wala ka bang magawa sa buhay mo?

Sining Fedeli: Meron ang magpapansin sayo HAHAHA!

Jaq: Hindi kita gusto sinisira mo lang ang araw ko!

Sining Fedeli: Wala akong pake kung hindi mo ako gusto, ang importante ay gusto kita!



Saan ba nakukuha ng babaeng ito ang confidence niya? Ibang klase rin.



Jaq: Tigilan mo na ako!

Sining Fedeli: May alam akong sikreto mo

Jaq: pinag sasabi mo?

Sining Fedeli: Jaq, kailangan mo ba ng makakausap?



Pinagsasabi nito? Ano kaya tinutukoy ng isang 'to? Praning talaga.



Sining Fedeli: Oy seener? so ano, will you go out with me this saturday?

Jaq: Masakit ulo ko bukas hindi ako pwede.

Sining Fedeli: Edi mamayang gabi habang hindi masakit ulo mo

Jaq: Hindi mo talaga ako tatantanan?

Sining Fedeli: Hindi, idol ko kasi si Mike Enriquez! Maniwala ka sa akin, gusto kita!

Jaq: Maniwala ka rin sa akin na hindi kita gusto!

Sining Fedeli: Ang lungkot ko kasi wala kang pasok ngayon hindi tuloy kita nakita rito sa school :(

Jaq: Wala akong pake sa nararamdaman mo!

Sining Fedeli: Bakit ba ang choosy choosy mo? hindi ka naman gwapo!

Jaq: Ang kulit kulit mo kasi!

Sining Fedeli: Seryoso Jaq may gusto ako sayo!

Jaq: Seen. You can't reply to this conversation forever!

Sining Fedeli: Next time na lang ako magtatampo kapag susuyuin mo na ako. Hmmp!



Drinag down ko 'yong pop-up message niya at pinatay ko na rin 'yong data ng cellphone ko para wala ng notification. Hindi ako naniniwala sa pinagsasabi ng babaeng 'yon, hindi naman ako kagusto gusto kasi sarili ko nga hindi ko makayanang magustuhan. Sa tingin ko, para sa iba, hindi ako ang kanilang unang pipiliin o unang pagpipilian o maski maging paborito ay napaka imposible rin. Kahit na sabihin sa akin ng mga tao na mahalaga ako sa kanila o marami akong ibig sabihin para sa kanila, alam kong palaging may isang taong gusto nilang makasama. Isang tao na pipiliin nila kaysa sa akin. Kasi sino ba naman ako? Pangalawa? Pangatlo? Sa dinami-rami ng numero at tao, pang-ilan kaya ako?

Bumalik ako sa pagkakaupo sa sahig, nakasandal sa pader at dinagdagan ko pa ang mga linya sa aking kanang palapulsuhan.

"Wala naman magmamahal sa isang katulad mo, walang patutunguhan sa buhay." sabi ko sa sarili ko.

Ayoko na, pagod na ako. Pagod na ako sa sarili ko.

•••

Gabi na no'ng umuwi si Jorge. Nalinis ko na rin ang bahay, napunasan na ang sahig. Minsan feeling ko mali 'yong pagpapatuloy ko sa kaniya rito kasi naman baka ano isipin ng mga kapit-apartment ko. Hay nako, ma-issue pa naman mga tao, laganap ang news flash sa kanto. Nakakainis pa ay 'yong kailangan mo pang ipaliwanag sa kanila ang lahat ng bagay bago ka nila maintindihan kahit na hindi mo naman talaga kailangan magpaliwanag at magpaalam sa kanila.

"Nagluto na ako ng pancit canton." sambit ko habang inaalukan si Jorge.

"Taragis tol, baka magka U.T.I ka na niyan, wala ka bang ibang alam lutuin?" reklamo niya.

"Daming reklamo e di sana ikaw nagluto!"

"G na G potek, hindi ka ba pinapadalhan ng mama mo pambili ng karne man lang?"

"Pinapadalhan naman kaso tinatamad ako bumili."

"Tangina tol, kumusta na pala mama mo?"

"Malay ko ro'n, buhay pa naman."

"Siraulo! Nga pala nakahanap ako ng part time job sa isang resto bar, waiter ako ro'n!"

"Wow! Ikaw ba talaga 'yan?"

"Syempre naman! Pero hindi pa alam nila ermat at erpat ang tungkol doon at sa alam mo na...huwag mo sasabihin, ah! Yari ka talaga sa'kin kapag nalaman nila!"

"Bakit naman ayaw mo sabihin sa kanila? Baka naman tanggapin ka pa nila at tulungan..."

"Blaaah! Utut! Hindi ganiyan mangyayari! Mas kilala ko pamilya ko! Sabihin sa kanila? Para ano? Sasabihin lang nila sa akin na isa talaga akong walang kuwenta't suwail at kahihiyan na anak sa kanilang one-of-a-kind na angkan? sa kanilang perpektong family tree? Ako ang bukod tanging nagpapasira sa maganda nilang reputasyon?" tinignan ako ni Jorge ng seryoso kaya tumango-tango na lang ako sa kaniya habang kumakain ng pancit canton.

"Bakit may bendahe ka naman ngayon sa kabilang kamay?" tanong niya habang tinuturo-turo 'yong kanan kong palapulsuhan.

"Kinalmot ng pusa."

"Na naman? nasaan ba 'yang pusa na 'yan at para ma-i-siopao na natin!" pagbibiro niya.

"Baliw, animal cruelty 'yon, punishable by law."

Nagsimula na rin siya kumain ng pancit canton at umupo sa katapatan kong upuan, paglagok niya sa kaniyang inumin ay bigla niya akong tinignan na naniningkit pa ang mata.

"Kailan huling inom mo?" Tanong niya sa akin dahil alam ko na ang ibig sabihin ng tanong niyang 'yon.

"Sagot mo?" ani ko.

"Sige ba!"

Maaga kaming napabarkada ni Jorge no'ng highschool. Nakakalungkot nga lang dahil may mga kaniya-kaniya na ring buhay ang mga tropa naming 'yon at kami na lang ni Jorge ang matibay ang samahan. Second year highschool no'ng una kaming natutong magwalwal dahil sa barkada, tapos third year no'ng nawala 'yong virginity ko sa isang puppy love na relasyon na napaka immature kung tutukuyin sa edad ko ngayon kaya hindi rin ito nagtagal...'yong highschool lovestory na iyon ay pawang lumipas kasabay ng panahon. Bihira lang ang love story na tumatagal no'ng highschool.

"Tangina talaga tol, ilang araw na ako hindi nagpapakita sa mga ka-frat ko." sabi ni Jorge na may hawak-hawak na isang bote ng red horse na maliit.

"Bakit naman?"

"Feeling ko mayayari ako, eh."

"Mayayari ka talaga tanga! Pinatos mo ba naman ex ng tropa mo, eh, nasa bro code 'yon palagi!"

"Kaya nga tol, tangina talaga! kaya kapag may mangyari sa akin, ikaw na bahala sa magiging anak ko, ha? Hahahaha!"

"Hinayupak ka mas okay pa sana kung pera ipapaubaya mo sa akin."

"Alaws nga ako no'n, eh! tol, pautang naman, oh?"

"Gagu wala rin akong pera! Wala pa 'kong kwenta, wala pa 'kong trabaho."

"Aysus love na love ni tita, eh! Hindi yata papayag 'yon na maghirap ka!"

"Love ampota..."

Tinungga ko naman ang isang bote ng redhorse na maliit at sabay kuha ng pulutan na ding dong.

"Anyare ba sa inyo? Bakit parang may problema kayo simula no'ng namatay 'yong erpat mo?" seryosong tanong ni Jorge.

"Anong problema pinagsasabi mo r'yan? Ayos lang kami, very very happy family." pagsisinungaling ko.

"Nako! Hindi mo ako maloloko!" sabi niya sabay kuha rin ng dingdong.

"Sabagay may kasabihan nga na walang batang gagabihin sa lansangan kung masaya 'yan sa bahay..." dagdag niya pa.

"Hugot ba 'yan ng buhay mo?"

"Hugot natin 'to no'ng highschool tanga! Hahahaha!"

"Wala talaga tayong kuwenta taragis, Cheers!" sabi ko sa kaniya at ini-angat ang hawak kong alak sa tapat niya para makipag cheers.

Naka ubos kaming dalawa ng apat na bote. Kung saan-saan na rin napunta 'yong kuwentuhan naming dalawa, mula sa pinag-aagawang isla ng pilipinas hanggang sa planet earth at kung totoo bang kapag nasa America ka at naghukay ka ng naghukay, eh, china na labas no'n? Hukay lang pakanan ng kaunti para hindi bumagsak sa inner core, hanggang sa bakit hindi na planeta ang pluto? at ilang pirasong yosi na rin ang nahithit namin dalawa.

"Ilang babae na nauwi mo rito, ha?" tanong ni Jorge na naninigarilyo rin.

"Isa."

"Ulul mo tol! Imposible!"

"Tangina e di 'wag kang maniwala."

"Sino 'yong nauwi mo na rito? 'yong nanloko ba sa'yo?"

"Gagu!" medyo natatawa kong pagsabi.

"Hahahaha! Tangina tol move on move on din! Sayang 'yong inuupahan mo na 'to kung hindi mo rin pakikinabangan!"

"Pinatira nga kita rito, eh, kingina ka! Tapos sasabihin mo walang pakinabang 'to?"

"Oo nga, noh? Sorrymasen tomodachi!" sambit ni Jorge at parang tanga na nagba-bow katulad ng mga hapon. "Pero bakit wala ka pa ring syota? Hindi ka naman pangit, eh."

"Tangina, nakakapagod kasi lumandi."

"Anong nakakapagod do'n? baka natotorpe ka lang?"

"Gagu, hindi ako torpe. Kasi i-kukwento ko na naman buong buhay ko tapos mawawala rin naman pala sila sa huli. Sayang lang sa oras at sa hininga."

"Tangina ang drama mo, tol!"

"Kingina ka hindi ako nagdadrama."

"Osya inaantok na 'ko! Matulog ka na rin, 'yong eye bags mo mas malaki pa sa mga pangarap mo sa buhay!" sabi niya sa akin sabay talon sa kutson.

"Hay, Buhay! Pagising na lang ako tol kapag aalis ka bukas, ha?" aniya.

"Bakit may pasok ka ba?"

"Wala...hahanap ako ng raket bukas."

"Tanga, sa NASA ka lang makakakita ng rocket."

"Ha-ha-ha patawa ka? Osya good night na, tol!"

"Ge."

Naiwan ako mag isa sa may mesa, humihithit ng yosi at nakikipagtitigan sa mga bote na walang laman na nakatayo sa aking harapan.

"Sana naging alak na lang ako para kahit papaano ay nagkaroon ng silbi 'yong buhay ko...lasang maalat nga lang kasi hindi ako chaser." mahina kong sambit.

Bakit ba ang miserable ng buhay ko? Bakit sa akin pa nangyari ito? 'yong saya ko kahapon bigla-bigla na lamang napalitan ng ganito. Kapag ba sinabi ko sa kanila ang totoo, ano magiging reaksyon nila? Panigurado ako na sisisihin din nila ako...hindi man nila sabihin 'yong totoo pero sigurado ako na ayon ang iniisip nila. Na kasalanan ko lahat.

Napabuntong-hininga ako ng malakas na para bang ibinuga ko na lahat ng bigat na aking pinapasan pero wala naman epekto kasi mabigat pa rin...hays. Inilapag ko na sa ashtray ang upos ng aking yosi at naisipan ko na lamang na linisin ang mesa at hugasan ang mga plato kasi sino ba naman ang gagawa no'n kundi ako lang?

Wala kang kwenta.
Wala kang kwenta.
Kahit anong gawin mo hindi pa rin iyon sapat.
Wala kang konsensya.
Kasalanan mo lahat!

'yong mga salita na 'yan paulit-ulit kong naririnig habang naghuhugas ng pinggan.

Kasalanan mo lahat!
Kasalanan mo!

Dati, sa paniniwala ko, ang halimaw ay kailanman wala sa ilalim ng kama ko. Dahil ang halimaw ay nasa loob ng isipan ko. Hindi ako takot dito noon, dahil hindi ko naman ito nakikita. Kaya pala...ngayon ko lang napagtanto...lumipas na ang madaming panahon, ang halimaw na dapat kinakatakutan ko ay siyang ako mismo.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro