Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Overnight

•••

Nandito pa rin kami sa library, sinakop namin 'yong isang table. Katabi ko si Lucas, kaharapan ko si Seb na katabi naman si Niccolo. Ilang makapal na thesis naman ang nakapatong sa table.

"Tinatamad na ako, malalim na tagalog nga hindi ko maintindihan so how can they expect me to understand this shit!? Hindi ba puwedeng tagalog na lang ang thesis? Kainis tss!" reklamo ni Seb habang padabog na isinara ang isang makapal na thesis.

"Sabihin mo na lang na bobo ka." sabat ni Niccolo.

"Bobo ako, happy ka na?"

"Ulitin mo nga, i-re-record ko lang." itinapat ni Niccolo kay Seb ang cellphone nito.

"Kung bobo ako, Mas bobo ka."

"Pakyu."

"Nag-aaway pa kayong dalawa r'yan, wala naman kayong ambag sa thesis natin." reklamo ko na pabiro lang naman.

"Hoy! Sinagot ko yata 'yong limang sweet and spicy na pancit canton at tatlong RC last time no'ng overnight kina Lucas!" sumbat ni Niccolo.

"Dapat lang, pera lang naman ambag mo sa pagbubuhat namin sa'yo, eh." sabi ni Lucas na halatang pabiro kahit na mukha siyang seryoso.

"Hay nako Niccolo," sabi ni Seb sabay akbay nito. "Buti pa ako hindi pabuhat."

"Gagu isa ka rin! Ambag mo lang sa grupo natin ay kuwento atsaka reklamo!" sabi ni Lucas.

"Ha! Tumulong yata ako sa pag assemble no'ng robot!"

"Hoy ako rin! Ako pa nga namili ng mga gamit doon!" sabat ni Niccolo.

"Hoy basta ako gumagawa ako, ah. Tumutulong din ako sa hardware." sambit ko.

Normal na yata sa isang grupo ang magsumbatan lalo na kapag thesis ang pinag-uusapan. Hindi rin naman siguro mawawalan ng pabuhat sa mga ganito, hindi naman din kasi lahat kaya ang isang bagay, minsan napipilitan lang. O sadyang may mahihina lang talaga na kailangan tulungan pero iyong iba kasi abusado. Kapag alam nilang mabait ka't maunawain ay inaabuso ang kakayahan mong tulungan sila. Ang kahinaan ng isa ay dapat kalakasan ng isa pero mas maganda kung lahat lahat ay bumabalanse...lahat ay nakiki-cooperate sa bagay na kaya rin naman nilang gawin. Alam kong gano'n kami.

"Sabi na nga ba nakakasira ng pagkakaibigan itong thesis, eh! Itigil na natin 'to bago pa tuluyang mawasak ang samahan natin." sambit ni Niccolo.

"Gumawa na nga lang tayo. Tignan niyo pinapa revise 'yong economic feasibility at risk assessment and analysis sa chapter four." sabi ni lucas.

"Pambihira pati rin 'yong objectives of the study, Objective naming makapagtapos pero bakit sumasapaw kayo? gano'n dapat ilagay natin dito, eh!" reklamo ni Seb.

Para saan nga ba ang mga ganito? Kung tutuusin ang mahal nang tuition tapos ang mahal pa ng gagastusin mo sa isang capstone project. Dagdag pa 'yong mga ilang beses na pagpapaprint dahil sa revision ng ilang chapters. Ang masakit pa roon pwede ka nila ibagsak after lahat ng ginastos niyo na parang dinudura lang ang pera. Para saan nga ulit ito? Creativity and knowledge? e di sana nag-drawing o nag-painting na lang ako mas madali pang i-explain 'yon sa mga panel!

Matagal din na katahimikan ang bumalot sa aming apat. Hindi ako naging komportable sa gano'n. Lalo lang akong napapa-isip ng kung ano-ano. Lumilipad na naman ang aking utak...nawawala sa pokus. Tipong kukuwestyunin ko ang lahat ng bagay...katulad na lang ng pag-aaral na ito. Para saan nga ba ito? Tipong paulit ulit na tanong...

"Bakit ang buhay parang paulit-ulit na cycle?" nang marinig ng tatlo ang sinabi ko, napatigil sila sa kanilang ginagawa at tumingin sa akin.

"Mag-aral ka ng mabuti para makakuha ng magandang trabaho tapos magtrabaho ka ng mabuti hanggang sa mamatay ka."

"May point ka roon, jaq? Mag-aral, gru-ma-duate, magtrabaho, mag-asawa, magka-anak, mamatay, tapos uulit, ulit." sabi ni Niccolo

"Kaya nga you only live once!" sabat ni Seb.

"Ahh, kaya pala may isa kang babalikan na subject...tama tama you only live once lance." sabi ni Lucas.

"Atsaka you only die once, you live every day dapat iyong quotes na 'yon." sabi ko.

"Pake ko! Hindi pa ba tayo aalis dito? Nabuburyong na talaga ako!" reklamo ulit ni Seb.

"Aalis tayo kapag may nagawa na tayo." sabi ni Lucas na nag leader mode na nga.

"Picture-an na lang natin 'yan Lucas tapos overnight na lang ulit kina Niccolo!" alok ni Seb.

"Tapos ano? wala na naman tayo mapapala niyan?"

"Meron 'yan! Dali na!"

Dahil walang nagawa si Lucas, nilabas namin ang mga cellphone namin at pinagpi-picture-an ang mga piling chapters' ng thesis. Oo alam namin bawal ito pero sure naman din kami na ganito rin ginawa ng iba, kaya hindi lang kami ang puwedeng sisihin.

•••

Sa isang subdivision nakatira si Niccolo. 'yong kuya niya nasa UK, doon nagtatrabaho bilang isang nurse. 'yong mama naman niya ay isang missionary nurse na naka destino ngayon sa africa. 'yong papa naman niya ay deads na pero dating dentista raw 'yon. Medical professional umiikot ang pamilya niya pwera lang sa kaniya. Sabi ni Niccolo kaya lang naman daw siya nag-aral sa isang public university ay dahil kapag sa pang mayaman siyang university nag-aral, hindi na siya puwedeng magyabang na mayaman siya. Hays rich kids and their egos.

"Buti na lang talaga bumili ako ng itlog na maalat kanina!" sabi ni Seb habang nilalabas ang limang itlog na maalat at apat na kamatis na pinag awayan pa nila ni Niccolo sa pagbili.

"Pambihira naman Lance sabing huwag na 'yan eh! Kung hotdog na lang o pancit canton e di mas okay pa!" reklamo ni Niccolo.

"Hotdog? Pancit Canton? Ano ka highschool-er?!"

"Pambihira may nag-oovernight bang pagkain nila itlog na maalat? Atsaka hindi ako kumakain niyan!"

"Ang arte mo naman!"

"Kaninong bahay ba 'to? Sa inyo ba?"

"May sinabi ba akong sa amin 'to, ha?"

"Pambihira! Okay na 'yan nandiyan na 'yan, eh! Atsaka pera naman ni lance 'yan, eh. Hayaan na. Minsan lang manlibre ang hayop na 'to, eh." awat ni Lucas sa dalawa na effective naman.

"Manlilibre kasi itlog maalat pa..." pagpaparinig ni niccolo.

Para maiwasan ang maingay nilang bardagulan sa pagkain, eh, pinagluto ko na lamang si Niccolo ng pritong manok. Nadamay pa nga rin ang nananahimik na balut dahil pinipilit ni Seb na pakainin no'n si Niccolo...pampatalino raw kasi 'yon. Bumili rin kasi sila ni lucas ng tig-isa kanina sa naraanan namin naglalako.

Iniwan na ako mag-isa ni Niccolo sa pagluluto dahil nagsaing pa siya gamit ang rice cooker. Si Lucas at Seb naman nasa may mesa ginagawa na 'yong itlog na maalat na may kamatis. Hindi ko namamalayan na napapangiti ako habang nagluluto dahil siguro nararamdaman ko na hindi ako mag-isa ngayon. Hindi ako kakain ng mag-isa ngayong gabi.

Bigla-bigla, eh, nagsimulang kumanta si Seb ng awitin ng parokya ni edgar. Sinabayan naman siya ng dalawa sa pagkanta kaya lalong umingay.

"'wag na nating idaan sa maboteng usapan, lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan..." pagkanta ng tatlo.

Sige, kakalimutan ko muna ang miserable kong buhay. Dapat chillax lang muna ako, walang rason para lumabas 'yong demonyo dito sa loob ko lalo na sa mga oras na ito. Dapat masaya lang, dapat happy-happy lang.

At ayon na nga, nakisabay na rin ako sa pagkanta nila.

"O, diyos ko! Ano ba naman ito, 'di ba tang ina! Nagmukha akong tanga, pinaasa niya lang ako! Letseng pag-ibig 'to oohh oohh! O, diyos ko! Ano ba namaaaan ito oohh oohh oohh!"

"Para tayong lasing! Wala pa naman tayong naiinom kundi mineral water hahaha!" sabi ko.

Sana ganito na lang palagi...kakanta ka kasama 'yong mga tropa mo tapos kakalimutan saglit 'yong miserable mong buhay. Sana ganito na lang palagi ang nasasaksihan ko tuwing gabihan.

"Pasensya na, sayang boses ko, eh, walang makantahan." sabi ni Seb.

"Ayos lang, kami lang naman nakakatiis d'yan sa pangit mong boses, eh!" bwelta ni Niccolo.

Pero si seb lang naman ang may magandang boses sa amin.

"Gagu, singerist ako! Ikaw pangit na nga, pati boses pa!" bulyaw ni seb.

"Namemersonal ka na, ah?!"

Tinawanan lang namin si Niccolo, si Seb naman natatawa habang nagsosorry sa kaniya.

"Hindi ba nagkaroon ka nang syota na third year tapos I.T din? anyare pala roon, pre?" tanong ni Lucas kay Seb no'ng naging tahimik muli ang paligid.

"Alam mo kung bakit sila naghiwalay?" sabi ko.

"Bakit?"

"Ganito raw kasi 'yon...sinabi to sa akin no'ng ex niya, ah! No'ng makasabay ko magbayad ng tuition, kinamusta ko."

"Pakyu! Subukan mong mali ang i-kuwento!" sabi ni Seb habang tinatakot ako sa hawak niyang kutsilyo na ginamit niya sa paghiwa ng kamatis.

"Ganito kasi 'yon...sabi niya...Jaq, kinakausap ko siya nang matino pero hakdog lagi sinasagot sa akin!" sabi ko habang ginagaya 'yong boses ng ex niya.

"HAHAHAHAHAKDOG!" pang-aasar no'ng dalawa kay Seb.

"Pakyu kayo hindi gano'n 'yon! Pakyu ka Jaq!" naiinis na sabi ni Seb.

"Kaya pala ayaw mo ng hotdog, ah!" sabi ni Niccolo pero nag-dirty finger lang sa kaniya si Seb.

"Joke lang 'yon, joke lang 'yon! Biro lang!" natatawa kong sambit.

"Baka na-realize no'ng babae na nagayuma siya para magkagusto kay Lance hahahaha!" pang-aasar pa rin ni Niccolo.

"Gagu! Masyado kasi siyang bossy! Bawal ganito, bawal ganiyan! Nagseselos kay Xowie at Maki, huwag ko raw lapitan! Kahit kaklase nating babae na makita niyang binabati ako sa daan nagiging rason ng away namin! Ang dami niya pang pinagbabawal kaysa sa nanay ko! Kaya ayon, kaysa alisin ko 'yong mga pinagbabawal niya, siya na lang inalis ko sa buhay ko!" katwiran ni seb.

"Utut mo Lance, 'di mo kami maloloko!" bwelta ni Lucas na nang-aasar.

"Mas kapani-paniwala pa rin 'yong hakdog ang dahilan, tanga!" sabi ni Niccolo.

"Tangina e di 'wag kayo maniwala r'yan!"

"HAKDOG!" sabay naming tatlong bigkas kay Seb.

Friendship Rule #1 During Overnight: Kung kaninong bahay, siya ang maghuhugas ng pinagkainan.

"Kayo na nga pinatuloy rito tapos ako pa maghuhugas?! Asan naman 'yong hiya niyo?!" reklamo ni Niccolo sa amin.

"Kung ayaw mo maghugas e di kumuha ka ng katulong! Akala ko ba mayaman ka?" sambit ni Seb.

"May trust issues ako! Pake mo! Atsaka nakakailang, kaming dalawa lang dito!"

"Bahala ka d'yan bisita kami tapos paghuhugasin mo ng plato? Where's your manner?" bwelta ko.

"Anong bisita, BWISITA kamo!"

Pero dahil tatlo laban sa isa, naghugas siya ng pinggan.

Nasa sala kaming apat ngayon. Si Lucas nakaupo sa sopa, hawak-hawak ang laptop niya at nagco-code. Si Niccolo rin nakaupo na sa sopa dahil tapos na siya maghugas, hawak-hawak din 'yong laptop niya at ni-re-revise 'yong docu at kaming dalawa ni Seb ay nasa lapag nag-aassemble ng robot habang nanonood kaming apat sa smart tv nila Niccolo ng Great Teacher Onizuka sa Netflix.

"Baka si sir gray dating hoodlum din, ano?" sabi ni Seb sa akin bigla bigla.

"Mukha bang hoodlum 'yong gano'n itsura?"

Mukha kasing hindi sanay sa pakikipaglaban si sir gray. Para siyang  taong bahay lang noon na babad sa computer games. Mukha lang siyang average man na gustong kumita ng pera dahil nandoon na siya sa part ng buhay niya...kumita para sa pamilya niya.

"Hoy! Don't judge a person if you're not a judge!" sambit ni Seb sa akin.

"Hinusgahan ko ba siya? Ikaw 'yong nanghusga r'yan! Sabi mo mukhang hoodlum."

"Don't judge a person if you're not a gum pala 'yon."

"Tanga! Don't judge a person if you don't know them 'yon!"

"Don't judge a book if you're not a cover din!" pagpapatuloy niya.

"Alam mo, bahala ka sa kasabihan na 'yan. Kung ayan ang paniniwala mo, sige, tanggap pa rin kita."

Pinagpatuloy namin ang aming gawain, nanonood habang nag-co-code pero mas lamang ang panonood.

"Try ko kaya maging hoodlum, sali ako ng frat sa school...'yong Tao-Gama ba 'yon?" sambit ni Niccolo biglaan.

"Tigilan mo nga, anong mapapala mo ro'n? Bukod sa palong malala at nakakamatay, Pa-cool things?" sabi ko sa kaniya kasi naman si Jorge nga wala namang napapala ro'n puro away lang kaya palaging pinapalayas sa kanila.

"Ewan, feeling matapang lang gano'n, 'tsaka sabi nila for brotherhood daw. Pwedeng support system."

"Pa cool things lang 'yon. Hindi mo ba makukuha ang brotherhood sa simpleng pakiki-kaibigan? Gano'n din ang support system? Ibubuwis mo pa buhay mo sa hindi makatuwiran na dahilan. Pwedeng gulo lang ang kalabasan mo r'yan...hindi pa maka-tao 'yong initiation...hindi asal kaibigan. Asal demonyo."

"Kapag 'yong alcohol nga nilalagay sa sugat mo naduduwag ka na, eh! Paano pa kaya kapag nag live-action bardagulan na? Rambulan na ang ganap? Wawa ka tanga! Atsaka anong Tao-Gama? Mukha kang Taong goma!" sambit ni Seb.

"Feeling matapang nga lang 'di ba?! Atsaka nagbago na isip ko, huwag na lang pala! Nakakatakot 'yong hazing nila...baka ikamatay ko pa 'yon. Sensitive skin pa naman mayroon ako. Atsaka kawawa si mommy, mawawalan ng poging anak."

"Basta ako kapag magiging prof ako gusto ko maging kagaya ni onizuka sensei" sabi ni Lucas.

"Ex-hoodlum?" tanong ko sa kaniya.

"Gagu, hindi! 'yong tipong loko-loko pero may matututunan 'yong mga estudyante. Matutulungan din iyong estudyante na may problema 'di lang academically."

"Gusto mo talaga magturo ano, dapat nag-educ ka na lang, pre." sabi naman ni Seb kay Lucas.

"Gagawin ko lang part time ang pagtuturo, sa tingin ko mas malaki pa ang kinikita sa field ng I.T kaysa sa pagiging guro."

"Sabagay..." pagsang-ayon ko.

Pero sa tingin ko...mas bagay nga kay lucas maging teacher. Magagampanan niya iyong role na iyon.

"Balak ko rin mag-prof kaso naalala ko, ano naman ituturo ko? Puwede bang magturo ng wala? Atsaka hindi yata ako magiging mabuting prof kaya pass muna ako sa gano'ng kagustuhan." sabi ni Niccolo.

"Ako nga, ayoko sa school eh, tapos magtuturo pa ako? Ang lakas naman yata ng amats ko no'n? Basta ako babawasan ko na lang pagsali sa mga rambulan sa kanto ta's magpapayaman ako para mapaayos 'yong bahay namin na kagaya nito kala niccolo! Malaki atsaka malawak!" sabi ni Seb.

"Ang hilig mo kasing makisasaw kahit saan kaya napapaaway ka, attention seeker." sabi ni Niccolo na nakatanggap naman ng dirty-finger mula kay Seb at binawian din niya ito ng dirty finger din.

Itong dalawa talaga parang aso't pusa.

"Alam niyo d'yan nag-umpisa magka-inlaban ang lolo't lola ko, sa asaran." sabi ko sa dalawa.

Siguro? Hindi ko rin alam. Baka nga sa ganiyan? O 'yong magulang ko iyon?

"Kung kay Lance lang, yuck!" pandidiri ni Niccolo.

"Puwede rin! Love wins na ngayon." pagsang-ayon sa akin ni Lucas at nag-apir pa kaming dalawa.

"Si Niccolo may lihim na pagtingin 'to sa akin ayaw lang umamin, eh!" sabi ni Seb na nakangisi.

"Gagu, pakyu!" tugon ni Niccolo sa kaniya.

Natawa lang kami ni Lucas sa dalawa.

"Hay nako, ako talaga source of happiness sa grupo natin, eh! Ngayon alam ko na purpose ko sa life hahahaha!" sabi ni Seb.

"Kahit wala ka, masaya kami!" bwelta ni Niccolo.

"Lul! Siguro nga kapag wala ako palagi mo akong naiisip at namimiss?"

Binato ni Niccolo ng unan si Seb sa mukha ng malakas.

"Tangina ka manahimik ka ngang hinayupak ka!" bigkas pa nito.

Malakas na halakhak lamang ang nagagawa namin ni Lucas sa mumunting bardagulan ng dalawa.

Sana ganito palagi kasaya ang gabi ko, hindi 'yong kung ano-ano iniisip ko. Tama nga si Hubert Humphrey no'ng sinabi niyang; 'The greatest gift of life is friendship.' sana lang tumagal ang samahan namin na ito.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro