Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 29

Pupuntahan kita palagi

•••

Pagkapasok ko sa cafeteria unang bumungad sa akin ay si Salem at ang isang babae. Mainit ang tinginan nila sa isa't isa na para bang handa na silang magsampalan. Pinanood ko lang ang dalawa na magbangayan sa isa't isa.

Masyado na silang nakakakuha ng atensyon sa cafeteria baka mamaya masumbong sila sa guidance, graduating pa naman na si Salem kaya inawat ko na siya. Tinungo namin ang pwesto nila Jaq, umupo si Salem sa tabi ni Maki at tumayo na lamang ako sa gilid. Nagkaroon din kami ng kaunting hindi pagkakaunawaan ni Salem pero syempre, I stand for what I think was right.

Tumayo siya sa pagkakaupo niya at lumapit sa'kin. She stood in front of me and crossed her arm. She look at me in the eye, too deep like she's reading it.

"Now you're making me think that I'm a flirt and a slut..." she sighs and continued. "Sabagay, you wouldn't understand what it feels when people start to call you names. Naranasan mo na ba 'yon, Miss dean's lister?"

Yes, I have. If only I can tell you that I'm not the perfect student you claim me to be. I didn't gain that kind of names without people expecting so much at me. I am carrying a lot of weight over my back. I have my own imperfections too. I'm fighting on my own battlefield.

I did not answer her. Nakatunganga lang ako sa harap niya. Pipigilan ko pa sana siya umalis upang gantihan 'yong kaaway niya pero hindi ko kinaya si Salem. She does what she wants to do...I felt a little jealous of her sa part na 'yon. She acts tough because she is indeed tough. She knows how to fight for herself. She knows her worth. She only state facts and most importantly, she's not afraid to say her opinion out loud. Sana all of her traits meron din ako...baka sakali 'yong takbo ng buhay ko mag-iba.

But I always care...palagi kong inuuna ang iba kahit alam ko na no one cares for me. Mahirap pala maging mabait at maunawain palagi.

While I was overthinking, nakikita ko si Jaq through my peripheral vision, staring at me. I wonder what was he thinking when he's staring at me?

"Titig ka ng titig sa akin tapos kapag tinitigan kita, iiwas ka? Mahina!" pagbibiro ko sa kaniya.

He denies it na para bang ang laking issue kung tumititig nga siya sa akin. Ano siya artistahin? Pfft!

•••

Mabilis lang ang panahon, hindi ko rin namamalayan na ang bilis din ng takbo ng oras. Setyembre na at nasa kalagitnaan na kami ng semester na ito. Madalas na rin kaming nagkakachat ni Jaq pero sa personal naiilang pa rin siya sa akin makipag usap.

Hindi ko alam kung anong tawag sa relasyon na ito dahil ang gulo niya. Ayaw niya pa rin ibigay 'yong hinihingi kong label...malapit na birthday ko, eh. Ang kinaganda sa tagal namin pagchachat ay ang pagiging open sa akin ni Jaq. He's trusting me with his problems and thoughts.

Why do we girls feel attracted to guys with a lot of issues in life? Bakit gano'n? Nakakapagtaka lang...



Jaq: sa tingin ko galit pa rin sa akin 'yong mama ko dahil sa ginawa ko sa birthday ng kapatid ko

Sining Fedeli: Paano mo naman nasabi yan?

Jaq: feeling ko lang...



He overthinks everything again lalo na sa pamilya niya. Mag katulad nga kami.



Sining Fedeli: Walang magulang ang galit sa anak nila noh



Parents only wants what's best for their child kahit minsan sobrang strict na nila and sobrang taas ng expectations nila, they only want the best result for their child. Ayaw nilang maranasan ng anak nila 'yong hirap na naranasan nila noon. Gano'n naman lahat ng magulang mag-isip.



Jaq: sabi mo eh

Sining Fedeli: Sa tingin ko kabaligtaran eh. Ang anak ang galit sa magulang.



Base sa observation ko...ang anak ang nagkakaroon ng sama ng loob sa magulang dahil lagi silang sagabal sa mga gusto nilang gawin sa buhay.



Jaq: galit ka rin ba sa magulang mo?



Should I tell him my story? No. Baka hindi pa siya handang marinig ang kuwento ko...and I don't want him to know na 'yong listener niya ay kailangan din ng listener. Kaya nagreply na lang ako na may bahid ng kasinungalingan at gawa-gawang storya.

Sinabi ko ang kabaligtaran ng ginagawa sa akin ng magulang ko. Kunwari sinusuportahan nila ako at hindi na siya nagreply pagka-send ko no'n. Mali ba ang nasabi ko?

"Hays Sining, palpak ka na naman!" sabi ko sa sarili ko.

Rinig na rinig ang malakas na pagpatak ng ulan sa labas.

I'm a pluviophile. I love the rain, the sound, the smell, the feeling it makes you feel na para bang alam niya 'yong kalungkutan na nararamdaman mo and it's there to comfort you.



Sining Fedeli: The rain will stop, the night will end, the hurt will fade. Hope is never lost that it can't be found...



I send him an inspirational quote na sinearch ko pa sa google. He replied at nagsend pa ako ulit. I tried to call him dahil baka he needed to hear my voice. Baka lang naman he wanted to talk and I'm free to be his listener whenever.

Sinagot niya ang tawag ko at nag-usap kami. I started talking non-sense to make him laugh kasi I know how his life made him so lonely and sad. Tapos for a moment he didn't talk, I thought he might be asleep o baka he attempted suicide kaya medyo nagpanic ako but then, he answered.

[Okay lang ako...bakit?] he said, na parang walang emosyon.

"I feel hindi ka okay, Jaq."

Ano na naman kaya iniisip niya?

"If you ever feel terrible about your life... talk to me, I'll be your listener. But if you don't want to talk to me, weite it, I'll be your reader. Iintindihin ko lahat ng mga salita mo sa kahit anong paraan pa." I tried convincing him.

The more na kinikimkim niya lahat, the more he really wants to kill himself.

[You wouldn't like it, my thoughts are wild and my soul is too dark for you.]

And sa tingin ko, we're just the same. Our souls are too dark for each other but maybe, we can be each others light?

"Try me." I demanded.

[Lahat ng tao ay may mga sugat o peklat na ayaw nilang pag-usapan, Sining.]

And maybe tama siya? Katulad din ng sinabi sa akin ni Lycka. Hindi porket alam ko 'yong nararamdaman nila, maiintindihan ko na sila.

Everyone must be facing different battlefields. But at least, I want them to live and not die on that battlefield alone.

•••

Kinabukasan, I saw them at the library. Hindi ito sadya dahil I really look for them. Kung wala sa cafeteria paniguradong nasa library umaaktong mga mabubuting estudyante ang apat. Sa maikling panahon alam ko na agad ang galawan nila.

Tumabi ako kay Lucas upang magkatapatan kami ni Jaq. I tried to smile in front of him at buti na lang naghanda na ako ng pick-up line para sa kaniya kagabi.

"Alam mo ba na life is short, so flirt with me."

Matagal na kaming nag-uusap ng patago at hindi naman siguro fair kung ako lang ang ma-fall. But he didn't utter any word. 'yong mga kaibigan lang niya ang nagsalita at nakipag lokohan pa sa akin. He really ignored me kaya I decided to leave them alone.

Ang gulo niya, I swear! 'yong tipong we're so close that he even shares his problems to me pero he acts as if he doesn't know me! Hindi kaya may personality disorder siya?

Bumalik ako sa roofdeck kung saan nandoon si Lycka, reviewing notes.

"Saan ka galing?" she asked.

"Diyan-diyan lang..."

Tumabi ako sa kaniya at tumango sa desk. Ang boring naman dito...ang sarap matulog.

"Kumusta naman ang misyon mo do'n sa lalaking naka-jacket? Hindi na siya nagjajacket, ah?" sabi ni Lycka.

"Well, baka nagbabago na siya? I kept him distracted kasi...you know..."

"Yes, pero Sining, paalala ko lang ulit ha...baka sa huli ikaw lang ang masaktan? Damage people are toxic people, Sining." babala niya sa akin.

"So, ibig sabihin ba no'n toxic friend ka? A mess din 'di ba?" I asked and she didn't reply.

"I think we are all a mess in the head, we're just so good at pretending that nothings wrong, when everything is wrong." sambit ko pa.

Nakatungo pa rin ako sa desk. Pinipilit ang sarili na makatulog, at ako rin,  gusto ko muna magpahinga.

"Matutulog muna ako, gisingin mo ako kapag magyayaya ka ng kumain." sambit ko kay lycka atsaka natulog muna ako dahil pagod na pagod na ako.

Its been an hour no'ng nakatulog ako at ginising ako ni Lycka. Pumunta kami ng cafeteria at nandoon ang iba naming kaibigan, nag-hihintay sa amin. I also spotted Jaq with his friends. I think I just saw him smile.

I think, he saw a home in his friends. Kasi a home can also be living things, a person perhaps. And it's good to see him being in his home, na sana I also feel one like that.

"Sa tingin ko talaga babagsak ako sa isang subject." sambit ni Lycka.

"Sabi ko naman sa'yo hindi 'yon mangyayari." wika ko.

"Hindi ko alam pero...sa tingin ko mangyayari 'yon, Sining. Hindi naman kasi ako matalino kagaya mo." Sabi niya sa akin while eating hamburger and not making eye contact with me.

She's starting to compare me with her. Hindi ko alam, hindi naman niya sinasabi sa akin kung nakaka intimidate ba akong kasama. Sinasabi niya lang naman sa akin ang problema niya sa pamilya at kung babagsak ba siya sa isang subject. Minsan, iniisip ko rin na sana kaya niyang gawin mag-isa ang mga bagay-bagay kaysa sa umasa palagi sa akin. Napapagod din akong buhatin siya pero hindi ko masabi dahil paano kung iba ang dating no'n sa kaniya? Baka mamaya friendship over na.

"No, Lycka. Matalino ka sadyang wala ka lang bilib sa sarili mo." sambit ko.

And we went back to eating our own foods.

•••

Lumipas ang ilang araw. Isang tanghaling maulan na linggo. Nasa kuwarto ako at bored na bored na sa pag-aaral ng maisipan kong kausapin si Jaq. Tutal ako naman palaging nag a-aproach sa kaniya.



Sining Fedeli: You enthrone me upon the star filled dark sky. Brighten the nights like noon in to my eyes. You breathe me hope when in my vein runs despair. Grasp my setting life as I feel your care.

Sent



Nag-google pa talaga ako niyan para lang sa kaniya at isang K lang ang natanggap ko. Patuloy ang aming pag-uusap.



Sining Fedeli: Masarap mapunta sa tamang tao, kaya puntahan mo na ako.

Hindi ko alam bakit ayan ang natype ko. Siguro gano'n talaga ang pag-ibig, paladesisyon.

Jaq: Bakit hindi ikaw ang pumunta sa akin?

Nabigla ako sa reply niya...kailangan niya kaya ako?

Jaq: Kailangan kita



I tried to ask for his address, his location, his exact house dahil ang alam ko lang ay ang eskinita nila. He didn't reply. Active one minute ago na siya.

"Waaah! Pinaglalaruan niya ba feelings ko?!" sambit ko sa aking sarili

Pero pupuntahan ko ba talaga siya? Hindi ako puwedeng umalis ng bahay napagalitan na ako no'ng foundation day dahil tumakas ako. Mahirap din magpaalam dahil masusi si papa baka ihatid ako sa bahay nila Jaq. Sana joke time lang 'yon kasi if he really needs me, I'll do anything to go for him kagaya ng ginagawa ko para kay Lycka.

It has been three hours when I receive a message from Jaq.



Jaq: Alam mo ba, nakakabaliw lang...

Sining Fedeli: Ang ano?

Jaq: Kung paano mo nararamdaman mag-isa ang kalungkutan sa mundong may pitong bilyon na ka-tao.



He needs me! Kailangan niya ng distraction or else, he will cut his wrist again. I don't want him to wear those jackets and hide his cuts to everyone kasi naaawa ako sa kaniya.



Sining Fedeli: Magkita tayo sa parke ngayong gabi



Saktong aalis ang magulang ko ngayong gabi dahil may aattendan na birthday party ng isang kaibigan nila. Nagsinungaling ako na mag-aaral lang ako sa kuwarto buong gabi pero ang totoo no'n, pagkaalis nila...I waited for fifteen minutes and took off with my scooter to see Jaq at the park.

Madalas, we lie and break rules for the sake of someone in our life...at sa tingin ko hindi naman iyon masama lalo na kung layunin mo ay magligtas ng kapwa sa bingit ng kamatayan.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro