Kabanata 28
Ang basang sisiw
•••
Foundation day. Lahat sila excited sa party mamayang gabi puwera na lang sa'kin. Kasi gabi na gaganapin ang party na 'yon at syempre hindi ako papayagan ng mga mapagmahal kong magulang. Baka sabihin lang nila sa akin, anong mapapala ko ro'n? Tapos isipin pa nila lalandi lang ako.
Lycka Salamanca: Hindi ka ba talaga pupunta?
Sining Fedeli: Hindi ako papayagan. Kilala mo naman si papa napaka strikto!
Lycka Salamanca: Pero gusto mo talagang pumunta?
Sining Fedeli: Hindi ko alam
Gusto ko kaso hindi nga puwede. Anong magagawa ko?
Lycka Salamanca: Gagraduate ka na, last chance mo na lang para maexperience yung totoong saya sa college! Pumunta ka na!
Gustong gusto ko talagang pumunta. Ilang foundation free concert na rin ang hindi ko inattendan dahil ayaw ni papa...pero tama nga naman si Lycka, this is the last time sa college life ko.
Sining Fedeli: Sige. Pagkatulog nila papa, tatakas ako. Save me a spot!
Lycka Salamanca: Ayun! Sigesige!
Hinintay ko muna na mag alas-nuebe dahil ayon 'yong oras na natutulog na sila papa at mama. Sinigurado kong mahimbing na ang tulog nila at dahan-dahan akong lumabas ng bahay bitbit ang duplicate key namin at pati na rin ang susi sa scooter ko. Dahan-dahan kong binuksan ang gate at hinila palabas ang scooter papalayo sa bahay atsaka ito pinaandar.
Pagkarating ko sa school maingay na ang mga tao at nagsimula na rin bumuhos ang ulan.
"Badtrip wala akong dalang payong..." mahina kong sambit sa aking sarili.
Pumasok ako sa school at tinawagan si Lycka dahil mataas ang tsansang hindi ko siya mahanap sa dami ng tao na nasa field.
"Saan ka?" tanong ko mula sa kabilang linya.
[Nandito ka na sa school?!]
"Oo kakarating ko lang, wala akong dalang payong!"
[Okay lang 'yan! Saan ka banda? puntahan kita!]
"Sa tapat ng building ng bsba."
Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko dahil nakita agad ako ni Lycka. Nakasuot siya ng course shirt namin buti na lang ako rin kaso basang-basa siya.
"Nandoon kami sa bandang gitna kaso open masyado! Ligo talaga sa ulan, eh!" aniya pagkalapit sa akin, medyo pasigaw pa nga dahil sa ingay.
Nagsisimula ng kumanta ang parokya, hindi ko alam kung ilang kanta na ang naperform nila.
"Tara na!" aya sa akin ni Lycka.
"Wala akong payong!"
"Ayos lang 'yan, minsan lang 'to!"
Hinayaan ko na lang na hilain niya ako papunta sa puwesto nila. Kasama niya 'yong iba naming mga kaklase at basang-basa na rin sila sa ulan. Masaya silang naliligo sa ulan habang nakikisabay sa awitin ng parokya. Gusto ko rin maramdaman 'yong ganitong saya 'yong parang katulad lang ng ibang kabataan, careless and carefree.
"Some people love shoes of certain kinds, some people love afternoons or the way the moon shines...and they have their own reasons to feel the way they do, that's why I ask myself...what it is with you?"
Nagsimula ng kumanta ang parokya. Isang mahumanay na awitin na saktong-sakto sa mood ngayon. Pamilyar ako sa kanta...kinakanta ito ng kuya ko dati dahil mahilig siya sa opm bands.
Nakikikanta na rin ako sa kanila. Hawak-hawak ko ang kamay ni Lycka at aming itong iwinawagayway sa ere at dinadamdam ang awitin kasabay ng pagdamdam sa ulan.
Hindi ko aakalain na ganito pala kasaya ang sandaling ito. Tama nga sila na ito ang kukumpleto sa college experience ko! Hindi mawala-wala 'yong ngiti ko sa labi habang umaawit sa ilalim ng maitim na ulap at bumubuhos na malakas na ulan.
Baka isa ito sa mga rason kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon? Kailangan kong maramdaman 'yong pakiramdam na maging isang malaya...kahit isang beses lang.
"I close my eyes and let it be, because I just can't see why you love to hate me..."
Mabilis ang buhos ng ulan na para bang galit pero the show must go on ika nga ng ilang estudyante.
"Tama ka nga, sayang nga kung hindi ako pumunta rito! Hindi ko ma-e-experience 'yong tunay na saya sa college life ko!" pasigaw kong sabi kay Lycka.
"Sabi ko naman sa'yo, eh! At kung pagalitan ka man ng papa mo... pasok sa kanan, labas sa kaliwa lang 'yan!"
"Noted!"
Pero kinakabahan pa rin ako...minsan kasi pasok sa kanan ta's akyat sa utak sa tuwing pinapagalitan ako ni papa. Pero sayang 'yong chance na 'to. Mas pipiliin ko pa rin 'to.
Lahat ng mga estudyante ay sumasabay sa awitin. Bigla kong naalala si Jaq, sigurado akong nandito siya dahil sinabi niya sa akin na pupunta siya.
Nilibot ko ang aking paningin sa mga tao sa harapan. Baka nandoon siya at masaya ring naliligo sa ulan kagaya ko kaso hindi ko siya mahanap dahil madaming tao at matatangkad pa 'yong ibang nasa harapan ko.
Hinahanap ko pa rin si Jaq at sakto paglingon ko, kitang-kita ko agad siya. Nakatungtong sa mahabang upuan, nakasukob sa malaking puno at nakapayong kasama ang mga kaibigan niya.
Nagkatinginan lang kaming dalawa. Gusto ba niya maligo rin sa ulan? Kasama ko?
Nginitian ko na lamang siya. 'yong ngiting pinapakita ko sa lahat ng taong nakikilala ko. 'yong ngiting gustong-gusto nilang makita. 'yong ngiting nagbibigay pag-asa sa isang miserableng tao.
He looked at me, emotionless.
I wonder what I look like in your eyes, Jaq.
•••
Bago ako umalis sa school, nadatnan ko pa sila Jaq na naka sandal sa pader ng school gate. Inalukan ko siya na umangkas na pero tinanggihan niya. Nahihiya siguro sa mga tropa niya. Boys and their egos are so damn nakakainis minsan!
Hindi ko na siya pinilit pang sumabay dahil I also have something to worry about at iyon ay ang pag-uwi ko sa bahay. Sana lang talaga tulog pa sila or else...dadagdag na naman sa mga iisipin ko 'yong mga salitang ibabato sa akin ng aking ama.
Ipinarada ko ang aking scooter sa tapat ng kapitbahay namin at itinulak ito ng dahan-dahan papasok sa gate na dahan-dahan ko rin binuksan at isinara. Kinuha ko ang duplicate key sa aking bulsa ngunit pagbukas ko ng pinto, hindi ito naka-lock.
"Hays, nagising yata sila..." mahina kong sambit at napa-sign of the cross na lamang bago pumasok.
Hindi ko alam kung magsisinungaling ba ako o hindi...paano ko naman i-e-explain ang itsura kong basang sisiw?
Pagkapasok ko sa bahay, si papa agad ang bumungad sa akin sa sala.
"Saan ka galing, Sining?" tanong niya sa tono na nakakapressure.
May awra talaga ang mga padre de pamilya na nakakapressure at nakakatakot. Sa tuwing nakikita ko si papa, gano'n 'yong awra na nararamdaman ko palagi.
"School po." Tugon ko.
"School? Sa dis-oras ng gabi, Sining?"
"Foundation day kasi ngayon tapos may event sa school...may bandang nagperform, 'yong parokya ni edgar..."
Sinubukan ko siyang tignan habang sumasagot kahit sa totoo, ayoko siyang tignan lalo na kapag galit.
"Sino kasama mo?" seryoso niyang tanong.
"Si Lycka."
"Iyong totoo Sining, sino ang kasama mo? Nakipagkita ka ba sa boyfriend mo, ha? Bakit hindi mo ipakilala 'yan dito sa akin?"
"Wala akong boyfriend, si Lycka po talaga ang kasama ko atsaka 'yong iba kong kaklase na babae."
"Ganiyan din ang dahilan ng kuya mo dati pero nakikipagkita lang sa girlfriend niya kaya napapabayaan 'yong pag-aaral!"
Hindi ko talaga siya maintindihan...kailan ba sasagi sa isip niya na magkaiba kami ni kuya? Kahit nakakainis ay hindi na lang ako nagsalita kasi baka kung sumagot ako sa kaniya baka isipin niya hindi ko na siya nirerespeto at binibigyang galang. Mas mainam ng manahimik at tanggapin lahat ng sinasabi niya.
"Sige makipagtanan ka na, kaya mo na sarili mo 'di ba? sige, lumayas ka na!"
Hindi ako puwedeng umiyak. Hindi puwede. Huwag ngayon, huwag dito, huwag sa harap niya. Sining, hindi puwede! Huwag na huwag kang iiyak sa harap niya! Huwag mong iyakan mga pinagsasabi niya, hindi 'yon totoo!
"At kapag lumayas ka, huwag ka na babalik dito! Kalimutan mong may pamilya ka!" galit na galit niyang sambit.
Sige lang Sining, pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Palaging gawi, okay? Kaya mo 'yan! Huwag mo na lang pansinin...masanay ka na! Palagi niya naman ginagawa 'yan sa'yo. Nakakalungkot.
"Ano, gusto mo na bang lumayas?! Ha, Sining?" tanong niya.
Umiling-iling na lang ako kahit ang totoo no'n gustong-gusto ko 'yong ideya na 'yon...kaso saan naman ako pupunta? Hindi ko pa naman kaya 'yong sarili ko. Wala pa 'kong pera. Walang tutulong sa'kin.
"Umakyat ka na roon at maligo! Tignan mo sarili mo!"
Sinunod ko siya at umakyat sa kuwarto para kumuha ng damit. Pagpasok ko sa cr, matamlay kong hinubad ang aking basang-basang saplot. Umupo ako sa inidoro at nagpangalumbaba.
Napabuntong hininga ako na napakabigat na para bang pasan pasan ko lahat ng problema sa pinas.
"Pambihirang buhay 'to parati na lang mali nakikita...ayaw ako pakinggan." mahina kong dalamhati at napahilamos na lamang ako na madiin kong ginawa.
"Frustration, stress, overthinking, anxiety, insomnia...ano na self? Talaga bang kaya mo pa?"
Marahan kong sinasampal ang magkabilaang pisngi ko hanggang sa bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Bwisit...bwisit...bwisit...bakit lagi niyang iniisip 'yong mga gano'n? Ginagawa ko naman lahat ng gusto niya, ha? Hindi pa ba 'yon sapat?"
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at inilapat ko ang aking kanan kamay sa aking dibdib kung saan mararamdaman ko ang pagtibok nito.
"Lahat ba ng ginagawa ko hindi pa sapat? Pera ba kailangan nila? Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang kailangan kong gawin..."
I suddenly started biting my left arm, so hard that I can feel the pain. This is what I do to calm myself. This is what I do everytime I get panic attacks. Panic attacks sa mga bagay na nangyari na at mangyayari pa lang.
It will only take fifteen minutes to calm down. Tinignan ko 'yong kamay na kinagatan ko at nilubog ko ito sa isang baldeng puno ng tubig.
What's weird is, sometimes when I'm in an extreme panic attack, I start thinking of ending my life. Kagaya ng maglaslas sa cr tapos ilubog sa tubig para dahan-dahan kong maramdaman 'yong hapdi. Minsan, naiisip ko na uminom ng zonrox na lang para tapos agad...mahahalata naman ni papa o mama kung matagal na akong hindi lumalabas ng CR.
Siguro ganito talaga kapag sobrang lugmok na, kung ano-ano na pumapasok sa isipan. Mga pangit na larawan na parang ayon na lang 'yong solusyon sa pangit na problema.
Kapag talaga depress ang isang tao...ang pinaka mahirap kalabanin na kaaway ay ang isipan.
And I think, if I weren't that strong enough, I would have done any of those things. But I am afraid of dying...kasi what if there's something to look forward to tomorrow? or in the future? Baka sa future my life would be nicer than this...
"Sining, you should live." I said with tears falling down my cheeks.
•••
Pagka-akyat ko sa kuwarto, umupo ako sa may desk at inilabas ang aking diary.
08-17-18
01:27AM
Foundation day, (Aug.16) that was the best 1 hour of my life. I have never felt so free and so alive at the same time! Sana iyong mga oras na yon, the time would slow down kasi ayoko umuwi at humarap sa reality ko! And that reality is, I have responsibility for my parents. They should be my first and only priority. My happiness will always be out of question.
Pinagalitan ako ni papa pagkauwi ko dapat pala I should have talk back pero di ko kaya baka lalo lang lumala. Atsaka lagi naman siyang tama kahit mali. Nakakalungkot maging matured na tao, bawal ka magalit kasi dapat naiintindihan mo lahat.
Kailan kaya dadating yung oras at panahon na maiintindihan naman nila ako?
-Sining.
Isinara ko ang diary ko at inilagay ito sa drawer. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama at inilabas ang aking cellphone.
"Nakauwi na kaya siya?" I asked myself with the thoughts of Jaq.
I am liking him for real. Isa lang naman siyang tao na takot malaman ng ibang tao na may defect siya. After all, defective things should be thrown out. Pero sino ba ang makakaunawa sa isang defect kundi ang kapwa niya defect din.
Sining Fedeli: Malalaman mo lang talaga na masaya ang isang tao kapag hindi siya malungkot.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro