Kabanata 27
Ang aking pagpupumilit
•••
I tried my best to declare my feelings towards Jaq pero everytime I say gusto ko siya o kaya crush ko siya, lagi niya akong nirereject...in front of his friends pa!
Hindi kaya...kaya niya ginagawa iyon ay dahil hindi siya tanggap ng magulang niya sa kasarian niya? Hindi naman kasi siya interesado sa akin kaya may posibilidad nga na gano'n...o ilag lang talaga siya sa babae dahil baka may nakaraan siyang hindi malimutan?
"Ano na naman iniisip mo? 'yong nagsusuot pa rin ba ng jacket?" tanong ni Lycka.
"Oo, nag-iisip ako ng way para he can feel comfortable towards me at para kusa na rin siyang mag open-up sa akin. And then, he wouldn't suffer alone na." Lycka just hissed sa sinabi ko.
"Sining, it's not your job to take care of everyone lalo na sa mga taong depress. Hindi porket you know how they feel, eh, you will be able to understand them na." pangangaral sa akin ni Lycka.
"Tama ka naman doon mamang...pero seeing those bandages on his wrist triggers my mental health! At malay natin, 'yong panggugulo ko sa kaniya is making time for him to decide to live?"
"Bahala ka sa buhay mo d'yan..."
Nasa cafeteria kami ni Lycka ngayon at kanina ko pa napapansin na wala sila sa usual spot nila. Wala kaya silang pasok today?
"Ano na naman 'yang iniisip mo?" tanong na naman ni Lycka habang kumakain ng sisig.
Nagbeautiful eyes lang ako sa kaniya kasi na pag-iisipan kong i-chat si Jaq sa messenger. Kailangan ko malaman kung buhay pa ba siya...
Hinanap ko ang pangalan niya sa facebook...Jaq Matteo, pero hindi si Jaq ang lumalabas. Sinubukan ko rin na idagdag ang middle name niya pero hindi pa rin siya ang lumilitaw. Ilang account na yata na-message ko na kapangalan niya lang yata? Madalas sa iba ay walang profile picture.
Ang tanging naalala ko lang na pangalan sa kaibigan ni Jaq ay si Niccolo dahil pinsan niya si Xowie. Kilala ko si Xowie simula pa lang ng mag SSC ako at unang beses namin mag-usap ay no'ng sumali ako ng debate sa school. Sikat siya kasi maganda siya. Dagdag din na maldita siya pero mabait naman. Sinearch ko ang facebook ni Niccolo at hindi naman ako nahirapan dahil ang profile niya ay mukha niya at mutual friend siya ni Xowie...magkaibigan pala kami ni Xowie sa facebook.
Sining Fedeli: Hi, pwedeng makuha fb account ni Jaq? Kailangan ko lang for lovelife purposes ;)
Maya-maya pa ay ibinigay rin niya ang link ng fb profile ni Jaq. Single name at walang profile picture.
Niccolo Nuevo: SUPPORT KITA DYAN! Kung kailangan mo siyang kidnappin sige lang! HAHAHAHA!
Pagkabigay ni Niccolo ng fb account ni Jaq ay hindi ko alam kung anong dapat kong i-send na message.
No'ng una dapat selfie ko kaso baka ipakalat niya pa, atsaka wala pa kaming label...masyado ng makapal mukha ko no'n, I'm a very private person pa naman. Sunod kong naisip ay memes...kaso feeling ko walang sense of humor na dumadaloy sa dugo niya, kaya naisipan kong humingi na lang ng tulong kay google.
How to make a boy fall in love with me?
At madaming articles ang lumabas. Hanggang sa may nakita akong isang on-topic ang result, clinick ko ito at binasa ang umpisa; be different from other girls ang nakasulat...but how? At sa isang iglap may nakita akong article ng mga cheesy pick-up lines. Well, this is worth a shot! Lalo na no'ng naloko ko siya sa brief thing.
Pumili ako ng napaka accurate na pick-up line para sa kuwentong pag-iibigan naming dalawa.
Sining Fedeli: Hello, I'm a thief and I'm here to steal your heart <3
At doon na nga nagsimula ang una kong pangungulit sa kaniya gamit ang mga pick-up line at wala akong balak tantanan siya hangga't hindi ko siya natutulungan.
•••
Araw ng sabado, nagkaroon ng seminar tungkol sa mental health. Isa sa mga topic na sabik na sabik akong mapakinggan kaya 'yong mga sa tingin kong importanteng sinasabi ng mga speaker ay aking isinusulat sa bitbit kong notebook. Alam ko rin na pupunta si Jaq sa seminar na ito dahil katulad ko, relate na relate siya sa topic.
Tsamba nga naman ng magkalapit 'yong aming pwesto pagkatapos ng lunch break. I stared at him, kasi isa rin sa mga ways na nabasa ko sa google ay stare at him and he will think that he's the only one you see. I stare at him deeply hanggang sa mailang siya sa akin. At sabi nga rin ni google, a way to a man's heart is through pick-up line.
"Alam mo masarap mapunta sa tamang tao, try mo sa'kin." And then, I smiled.
Kasi isa rin sa nabasa ko ay; smile at him, He will find it very attractive. Pero sa tingin ko ito'y no effect dahil nairita lang siya sa mga ngiti ko.
Sa gitna ng asaran biglang na bring up 'yong topic ng ex niya pero hindi siya naging komportable sa pag-uusap. Baka isa rin 'yon sa mga rason kung bakit siya naglalaslas? Now, I'm getting more curious sa buhay ng lalaking 'to!
"Sining, ayos na magsisimula na." suway sa akin ni Lycka at sumunod na lamang ako.
Maganda ang topic na diniscuss ng araw na 'yon...lalo na 'yong sa huling speaker.
"Why are parents allowed to yell and scream at their children and call them names and just make them feel like shit in general, but when kids try to defend themselves it's disrespectful? Well, what kind of parents do you have, kids?"
Well, I have a manipulative parent. They control me, my life and my decisions. Minsan I feel like I'm a bird inside a cage...I only fly at limited height and roam at limited space. I want to be free from that cage...from that home.
"Tama 'yong sinabi no'ng huling speaker...ang mga taong wala nito, hindi kailanman nila maiintindihan." sambit ni Lycka.
Nandito kami sa may hallway sa second floor, walang tao kundi kami lang dalawa. Kita na rin ang paglubog ng araw sa kalangitan. Nakasandal kami sa may railings na may nakasabit na mga halaman na ginawang project sa NSTP ng mga estudyante.
"Hindi naman talaga nila maiintindihan kahit ano pang gawin natin kaya nga mas madaling mag open up sa mga taong alam 'yong mismong nararamdaman mo." sambit ko.
"Tama ka, minsan parang gusto mo na lang din sumabog kapag hindi mo na kaya..." sabi ni Lycka.
"Malay mo may rason pa rin tayo para mabuhay, 'di ba?"
"Sana nga. Sana Makita ko na 'yong rason na 'yon kasi taragis 'yong mga tao sa bahay namin hindi na nakakatuwa!" Pagrereklamo niya pero natawa lang ako.
"Musta naman sa bahay namin, 'di ba? Ang hirap talaga kapag mataas ang expectation sa'yo ng magulang mo tapos wala naman silang binibigay na motivation. Para bang isang blackout at nangangapa ka sa dilim na ikaw lang mag-isa para maghanap ng flashlight, tapos kapag nakuha mo na 'yong flashlight magiging tingin nila sa'yo ay may kuwenta ka na."
"Kaya nga, eh, hindi ba nila naranasan ang ganito dati? Pero buti ka pa nga ayon lang, eh! Ako kinukumpara ako palagi tapos feeling ko hindi ako tunay na anak kasi laging binibigyan ng pansin 'yong kuya ko, eh, bakulaw na 'yon! Porket siya lang nag bibigay ng pera bine-baby na masyado!"
"Heto 'yong maganda sa'tin dalawa, eh, nasasabi natin 'yong problema natin. Pero paano 'yong ibang walang masabihan? 'yong mga nagkikimkim lang..."
Napakibit-balikat lamang si Lycka sa aking sinabi.
"Tulad ng parati akong nandito kapag kailangan mong kumalma. I want to be a reason for people like us to keep living." nakangiti kong bigkas kay Lycka.
"Pero hindi ba't parang isa ka lang ding suicidal na sinasabi sa ibang suicidal na ang suicide ay kailanman hindi magandang solusyon?" saad niya.
Yes, I am suicidal. But, no. I haven't even tried to harm myself. Puro suicidal thoughts lang 'yon at kapag naiisip mo na 'yong mga bagay na gano'n, that also makes you a suicidal person. Kasi you wanted to kill yourself but you can't do it personally kaya unti-unti mo na lang pinapatay 'yong sarili mo gamit ang isip mo. At sa tingin ko ito ay isang form ng self-harm...na minsan mas masakit pa kaysa sa paghiwa.
"Yes, Lycka. I 'am a suicidal kid telling suicidal kid that suicide isn't the answer. So stop thinking of killing yourself with those meds, I'll help you find a reason to live." sambit ko habang nakadungaw sa kulay paglubog ng araw.
•••
Sunday night no'ng nag-chat sa akin si Lycka na kailangan niya ng kausap. So, nagpaalam ako sa magulang ko na may bibilhin lang ako sa NBS na materials para sa isang activity namin dahil hindi naman nila ako papayagan kung mag-overnight ako roon o pupunta ako roon ng gabi. Pinayagan naman nila ako na bumili kung ano man 'yon at pinagamit ang scooter ko para makauwi ako kaagad.
Pagpunta ko kina Lycka, nandoon siya sa kwarto niya nanonood ng First They Killed My Father sa Netflix.
"Gusto mo umiyak?" bungad kong sabi pagkapasok ko sa kwarto niya.
Tumango-tango naman siya habang nagpupunas ng luha.
"Ikukwento ko sa'yo 'yong miserable mong buhay." pagbibiro ko.
"Bwisit ka!"
Nag open up na naman sa akin si Lycka tungkol sa problema niya sa bahay nila at kailangan niya ng makakausap para kumalma siya ng kaunti. Sa aming dalawa siya ang madalas naglalabas ng sama ng loob at hinanakit sa mundo dahil ako mas pipiliin ko pa rin magsulat.
Isang oras ang tinagal ko kina Lycka at nagmadali akong nagmaneho. Tinangka ko rin dumaan sa shortcut sa may parke para mas mabilis dahil panigurado akong yari ako nito kay papa pagkauwi. Pagpasok ko sa parke may isang lalaki na nakaupo at napaka pamilyar ng body figure nito. Lumapit ako ng kaunti hanggang sa mamukhaan ko siya.
Si Jaq, nasa parke sa oras na ito tapos naninigarilyo...mukhang may problema ang isang 'to.
Pinagsabihan ko siya tungkol sa secondhand smoking dahil base sa studies kung sino pa ang secondhand smoker sila pa 'yong unang namamatay. Kaya I don't want him to smoke or harm himself, pero baka madamay rin ako. I'm finding a reason to live not a reason to die.
Patuloy lang siya sa paghihithit ng yosi kaya I started thinking kung okay lang ba siya?
"Are you okay?" I asked him.
Pero he stayed silent for a moment, maybe thinking of an answer or analyzing his thoughts if his fine or not.
"I'm fine, Sining. Pagod lang. Salamat sa pag-aalala." he said in a completely numb way.
He's definitely not fine. I can tell by the look of his eyes. He looks sad, tired and depressed. Sinubukan kong alukan siya ng bubble gum and how it can help him from calming down kasi 'yong paninigarilyo niya just makes it even worst. Hindi siya kumakalma, lalo lang siyang nadedepress.
"Have you ever cried on your birthday?" he suddenly asked me.
No, 'yong magulang ko laging naghahanda sa birthday ko kahit na kaunti lang pera namin. That's when I appreciate their effort of remembering my existence kahit na hindi nila ako tinatanong kung ano ang plano ko sa buhay.
"Oo naman! Tears of joy syempre! Ikaw ba?" I started to sound too happy kasi I want him to be enthusiastic on birthdays too kahit na sure akong he hated birthdays dahil sa way ng pagkakasabi niya.
"Oo, tears of...joy." he lied.
I know for a fact that he hides the truth with a lie. Ganiyan naman ang mga taong may lihim na pinagdadaanan. I know, kasi gano'n din ako.
I tried to ask about his birthday para naman mabati ko siya and that we can celebrate para makita niya 'yong joy sa pagdiriwang ng kabuhayan ng isang tao. Pero ginawa niya itong biro at nakisabay na lang ako. And for once, I hear his tiny laugh. Masarap pakinggan ang tawa niya.
"Alam mo lalo akong na-i-inlove sa'yo kapag nakangiti ka!" sabi ko.
And then he change his expression change to a pokerface. He doesn't want me to see that cute side of him.
"Sinasayang mo lang 'yong oras mo sa pagkagusto sa taong hindi ka naman gusto." he said in a serious tone.
In this very moment, I'm starting to like him for real. Not because his cute and pa hard to get but because he's also sad, alone and lonely. We can be the two lonely people in the world. Two lonely people who found love with each other and will find happiness together in this chaotic world.
"Ayon na nga, eh. There's a weird pleasure in loving someone who doesn't love you back!"
Ilang beses niya na akong gusto pauwiin at kailangan ko na rin umalis dahil panigurado akong yari na ako kay papa, but just like Lycka...I can't leave him alone knowing he's not okay.
"Ano bang gusto mo sa'kin, ha?" he suddenly asked.
"Ikaw! I like you." and I answered.
"Hindi mo ako kilala."
Kasi you won't let me. Masyadong mataas 'yong pader na nilikha mo sa sarili mo at hindi ko pa 'yon kayang sirain.
"I want to, though." sambit ko.
At hindi siya sumagot, nag buntong-hininga lamang siya. The whole scene was filled with silence. And I hate silence. Makes me want to think about life...my life. Kaya nagpasipol sipol na lang ako para na rin hindi siya mag overthink. Silence gives you that peaceful time to overthink.
"Masama ba na hilingin mo na mamatay na ang isang tao?" he asked.
I never really thought of killing someone except for myself. Baka hindi naman masama? We all wanted peace kaya we think of killing the people who don't give us that peace.
"Hmm, hindi naman."
"Hindi?" he sound surprised.
Maybe he really thinks of killing someone? or himself?
"Sa tingin ko hindi, kasi naman palagi kong hinihiling na dumating 'yong araw na ikaw naman ang patay na patay sa akin!" I jokingly said.
Kasi baka mamaya he decided that it's not bad to kill himself. Naalala ko bigla 'yong kasabihan na; Speak to people in a way that if they died the next day you'd be satisfied with the last thing you said to them. So I tried to make him laugh and this night I heard him laugh.
I think, we are the happiest depressed person they'll ever meet.
Nagtagal kami ng kalahating minuto sa parke at sa totoo lang, kinakabahan ako pag-uwi. I was ready to go when Jaq stopped me.
"Pasabay ako pauwi." sabi niya and I can't say no to his request.
Pagod na yata siya para maglakad kaya pumayag na ako kahit alam kong papagalitan na ako pag-uwi ko. But I think being alive means you have to take risks. Si Jaq, isa siyang premyo na kailangan kong ipanalo.
•••
I drove him home safely kaso hanggang sa eskinita lang nila. Before leaving, I called him out.
"Jaq!" I shouted and he turned his back to look at me.
"Kung kailangan mo ng makikinig sa mga rant mo sa buhay, puwede mo ako tawagan! I'll be your listener, I'm always free to listen! Just contact me, and I'm all yours!" pagkasabi ko no'n agad ko ng pinaandar ang aking scooter.
Pagkauwi ko sa bahay, hindi maganda ang naging bunga.
"Saan ka galing, Sining?" tanong ni papa na nasa tono na ang pagkagalit.
"Sa NBS po." pagsisinungaling ko.
"Nasaan ang pinamili mo?"
"Nandoon po kay Lycka, dinaan ko po ro'n kanina sabi niya kasi siya na lang daw gagawa..."
"Kina Lycka? Baka naman may boyfriend ka na?! Ano, gusto mo na rin ba gumaya sa kuya mo?! Kaya mo na ba, ha? Nasaan 'yang boyfriend mo? May maipagmamalaki na ba 'yan?!"
Sunod-sunod na tanong niya, nakatayo lang ako sa may pinto, tulala at walang imik.
Bakit ganiyan agad iniisip niya? Hindi ba puwedeng; Akala namin napaano ka na. Gano'n ba ako sa paningin nila? Hindi mapagkakatiwalaan?
"Kung ano-ano iniisip mo! Hindi ka man lang ba mag-aalala muna sa'kin? Paano kung nabangga ako? Iisipin mo lang ba na naglayas ako? Nakipagtanan na lang bigla? Ha?!"
Mga salitang hindi ko sinabi sa kaniya...It was all in my head. As I stood frozen, I tried to swallow every ounce of toxic words coming from his mouth.
"Sining, I expect so much from you! Sa susunod hindi ka na puwedeng lumabas ng gabi, hayaan mo 'yan si Lycka, siya ang bumili! Umakyat ka na at mag-aral! Ka babae mong tao pababayaan mo pag-aaral mo?! Gusto mo na bang matulad sa iba, ha?! Walang kinabukasan? Palamunin? Nag-aalaga na lang ng anak?!"
Pag-akyat ko sa kuwarto, umupo ako sa aking pvc chair. Sa desk ko may malaking salamin and there I saw myself. My realest form, the realest me. The damage Sining. Hindi naman pala lahat ng sining maganda kasi I'm a mess. Ilang minutong pagkatulala sa aking sariling repleksiyon...my tears began to fall on my cheeks.
"Stop, tama na. Kaya mo 'yan. It's just a bad day, not a bad life. Kaya mo 'yan...tahan na." I tried to cheer myself up and wash away the tears in my cheeks and tried to smile at the mirror.
Hindi alam ng iba ang tunay na pakiramdam ng sakit hanggang sa nakatitig ka na sa sarili mo sa salamin na may luha sa mga mata, nagmamakaawa sa sarili mong kumapit at maging matatag. Para sa akin, ayon ang tunay na pakiramdam ng nasasaktan.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro