Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26

Mga salitang binubuhat

•••

Dahil sa usapan ng isa kong kaibigan na may boyfriend na I.T student din, nalaman ko na ang kanilang lihim na love letter ay nakasulat sa steno mula sa kaniya at binary code mula sa lalaki. Dahil sa curiousity ay sinubukan ko rin ang gano'n sa amin ni Jaq kaya gumawa ako ng sulat na nakasteno nga at iniabot ito sa kaniya sa kanilang room.


Hi Jaq, since you never ask for my number, can I have your phone number instead?

-Sining.


Pagkatapos ng klase namin, umakyat ako sa third floor kung saan matatagpuan ang computer lab na madalas room ng mga computer majors. Sakto at may papasok no'n na kaklase nila sa room kaya pinasuyuan ko ito upang tawagin si Jaq.

"Anong emergency ito?" bungad niyang tanong sa akin na medyo nakakunot pa nga ang noo.

Hindi ko mapigilan na tumawa kasi para kaming nasa isang lihim na pagmamahalan.

Inabot ko sa kaniya ang isang nakatuping bond paper kung saan doon ko isinulat ang letter ko para sa kaniya at pagkatanggap niya no'n ay umalis na ako na medyo patalon-talon pa nga dahil sa trip kong 'yon. Sigurado ako na magrereply siya sa akin na naka-binary code, walang duda!

Sumapit ang break time, nakita ko kaagad ang isang pamilyar na jacket. Nakapuwesto sila sa paborito nilang puwesto at agad akong lumapit doon,

"Hi, Jaq." Nakangiting bati ko sa kaniya.

Tinignan niya lang ako na para bang ineexamine niya ang buo kong mukha.

"Crush ka raw ni Jaq!" sabi ng isang lalaki na sigurado akong kaibigan niya.

"Anong crush ka d'yan? Hindi, ah!" pagdedepensa ni Jaq sa sarili niya.

Ang totoo niyan, eh, I want him to feel that there's someone in love with him even though he doesn't love himself. Pero sa tuwing umaamin ako sa kaniya, ni-re-reject niya ako palagi, Pfft!

May inabot siya sa aking nakatuping papel at ito'y aking binuksan. Sabi na nga ba...binary code nga ang kaniyang i-re-reply. Madaling basahin ang pagkatao ng isang 'to.

"Binary code?" tanong kong mala-inosente.

"Hindi, lotto digits, itaya mo baka manalo ka."

"Hahaha pilosopo ka rin, eh, noh?" pagbibiro ko at hinampas siya sa braso.

"Ano, close ba tayo?" sarkastiko niyang banggit.

Inilapit ko naman ang aking mukha sa kaniya, para naman malaman niya kung gaano kami ka-close.

"Hindi pa ba?" pagloloko ko.

Nilayo niya ang mukha niya sa akin na para bang naiilang. Takot ba siya sa babae? Ang weird naman niya...takot siya sa babae pero hindi siya takot hiwain ang palapulsuhan niya.

Niyaya niya na 'yong tatlo niyang kasama para umalis ngunit hindi siya nito sinunod. Sigurado akong walang kaalam-alam ang mga kaibigan niya sa bagay na tinatago niya sa ilalim ng kaniyang jacket. Wala siyang tiwala sa mga ito. Hindi siya madaling magtiwala sa kahit na sino...mahihirapan ako sa isang 'to.

"Ano ba 'yan Jaq, KJ? Hindi pa nga kami nagpapakilala sa future syota mo, eh!" sabi ng isang lalaki na aming kaharapan.

Future syota? I like his friends. They're funny. Baka isa ito sa dahilan kung bakit ayaw niya malaman ng mga kaibigan niya ang pinagdadaanan niya? Marahil ay takot siya sa magiging opinyon o reaksyon ng mga 'to kapag nalaman nila. Sabagay, it takes a true friend to open-up the truth.

"Sorry..." I apologize with my awful manner of not introducing myself properly, so, I showed them my I.D;

Fedeli, Sining M.

BSBA – 4A

Isa – isa silang nagpakilala sa akin, Si Lance, Niccolo and Lucas. Ang mga kaibigan ni Jaq. At masasabi ko lang, mukha naman maayos ang mga ito. May trust issues kaya siya sa mga kaibigan niya? I want to know!

"Ikaw, hindi ka ba magpapakilala sa akin?" I asked Jaq.

"Ako si kamatayan, susunduin ka na." tugon nito.

Hinablot ko ang I.D niya at ngayon alam ko na ang buong pangalan niya.

"Jaq Suarez Matteo, Okay. Bakit ka pala laging naka jacket?" tanong ko habang binabalik sa kaniya ang I.d niya.

I want to know kung alam ba ng mga kaibigan niya o I want him to panic para mapag-isipan ko kung anong puwedeng paraan para matulungan ko siya.

"Pake mo." matipid niyang sagot.

"Ang init kaya rito, hindi ka naiinitan?"

"Oo nga naman Jaq, tanggalin mo na 'yan! Ang init-init sa pinas atsaka wala naman tayo sa room. Wala 'yong aircon, hindi kayang lumabas." sabat no'ng Niccolo.

I can sense that his panicked. He doesn't move from his sit. Mukha siyang nag-iisip ng malalim sa sarili niyang isipan. I get it now, they don't know and one of his problem Is his own thoughts. Pareho lang kami...nagpapakain ng buo sa isipan.

"Hoy Sining!" we were interrupted by Lycka.

"Magrereview pa tayo, 'di ba?" she added.

Lycka, wrong timing! Hindi ka ba makapagreview ng ikaw lang mag-isa?

"Ah! Oo nga pala! Sorry, Lycka." tumayo na lamang ako sa pagkaka upo.

Next time na lang ulit...

"Osya, kitakits na lang bukas, lalo na sayo Jaq." pagpapaalam ko at naglakad na kami ni Lycka palabas sa cafeteria patungo sa room.

•••

"Sino 'yong mga 'yon?" tanong sa akin ni Lycka habang nagbabasa ng photocopy sa isang lesson namin.

"Iyong mga I.t, 'yong lagi natin napapansin sa cafeteria? 'yong lagi kong tinatanong sa'yo..."

"Ahh! Nacucurious ka ba do'n sa nakajacket?" she asked and I nodded.

"I think, katulad lang natin siya pero unlike us, pinag-uusapan natin 'yong dalawa..." sabi ko.

"Kasi Sining, you're a good listener." Sambit ni Lycka sa akin, "Atsaka you also know what it feels..." she added.

I smiled at her. Tama siya.

"Maybe, I could be his listener too? People like us are trying so hard to live, we shouldn't suffer alone, 'di ba?" sambit ko.

Lycka nodded and we decided to continue reviewing for our upcoming long quiz sa isang minor subject.

Ang pinaka ayokong part sa lahat talaga ay ang oras na kailangan ko ng umuwi. Pagpasok ko, gano'n ulit. Nakita lang nila akong nakauwi, ayos na sila. Pagpasok ko sa kuwarto ko, binato ko ang aking bag sa sahig.

"Kumusta ka sa school? Share mo naman anong nangyari...kahit gano'n lang sana." dalamhati ko sa aking sarili.

Ibinagsak ko ang aking sarili sa higaan. Nakatingin sa kisame at nakabuka ang kamay sa higaan.

"Paano kaya kung sabihin kong bagsak ako? Na hindi ako 'yong in-e-expect nila?" dalamhati ko pa rin.

Pfft! Asa naman ako sa ganiyan...takot akong mag-iba tingin nila sa akin dahil palagi silang tama.

Sumapit na naman ang hapunan, isa sa mga pinaka ayokong parte sa bahay na ito. Nauna natapos kumain si papa kaya tinungo niya na ang sala para manood ng PBA. Laro kasi ng Ginebra kaya tutok na tutok siya.

Habang kumakain, nakikita ko si mama sa peripheral vision ko.

"May nakita ako sa shopee ang ganda ng damit! Mukhang bagay sa akin 'yong mga modernong design ng t-shirt! Nakita ko 'yong mayaman nating kapitbahay na may gano'n...pagka-trabaho mo naman mabibilhan mo rin ako no'n, 'di ba Sining?" sabi ni mama.

"Tapos bilhan mo rin ako ng malaking pizza, o kaya puwede ka ng bumili ng mga masasarap na pagkain kahit walang may birthday sa'tin kasi may pera na tayo kapag gano'n!" pagpapatuloy niya.

"Tapos lagi mong tatandaan na tumulong sa mga kamag-anak mo. Kumuha ka ng i-scholar mo para makapagtapos din sila kagaya ng ginawa ni kuya mo jayson sa'yo!" Sambit ni papa.

Si kuya Jayson ang pinsan kong nagpapa-aral sa akin. Graduate ng CPA at ngayon nakapasa na rin sa BAR exam at isa ng ganap na Attorney. Masyadong mataas 'yong iniwan niyang expectation sa aming mga kamag-anak niya na nag-aaral sa kolehiyo. Paano ko masusukat 'yong sarili ko sa isang tulad niya? Matalino naman talaga siya. Hangang-hanga pa nga ako do'n lalo na kapag nakikita ko siya na may hawak palagi na makakapal na libro na isang beses ay binuklat ko 'yong isa niyang lumang libro sa accounting, wala akong naintindihan, akala ko matalino ako pero may i-bo-bobo rin pala. Bow down ako sa isang 'yon. Wala akong masasabi sa kaniya.

Pero naiisip ko rin na hindi ako magiging kasing husay niya lalo na kung magkaiba naman kami sa lahat ng bagay. Tapos minsan kung ano-ano na lang problema ang pumapasok sa isipan ko na feeling ko na-pe-pressure ako sa isang bagay na hindi ko maintindihan. Na kinukumpara ko na 'yong sarili ko sa ibang tao tapos na-re-realize ko kung gaano pala ako ka-walang kuwenta.

"Ma... gusto ko ng mamatay. Hindi ko na kaya, ma. Pagod na pagod na 'ko. Sinusubukan ko naman maabot lahat ng pangarap niyo kaso sobrang taas, nakakapagod din. Ma, ayoko na. Tama na. Pagod na ako sa mga gan'yan. Tama na."

Pero syempre hindi ko talaga sinabi 'yan sa kaniya...sinabi ko lang 'yan sa isipan ko. Hindi ko kayang sabihin ang mga salitang 'yan sa kaniya. Sa kanila. Kasi maiintindihan ba nila ako? Hindi.

Hindi naman kami mayaman, nakakakain lang kami ng sapat. Si papa may-ari ng isang maliit na business, si mama isang housewife. 'yong kuya ko matagal ng lumayas sa bahay at ngayon may sarili ng pamilya. Kaya siguro lumayas si kuya no'n dahil hindi niya na rin kinaya.

Iba naman ang kaso ni kuya kaysa sa akin. Si kuya James, siya ang nagpangalan sa akin ng Sining dahil pitong taon gulang pa lang siya no'n mahilig na siya sa arts. Walong taon ang tanda niya sa akin. Twelve years old ako no'ng naglayas siya sa bahay, nasa college na siya no'n.

Naririnig ko ang pag-aaway nila papa at kuya noon...gusto ni kuya magshift ng course kahit nasa third year na siya. Ayaw niya ng business, hindi niya raw ito gusto at mas lalong hindi niya ito pangarap. Gusto sana niyang kunin ay fine arts dahil mahilig siya sa Sining. Kitang-kita naman sa kuwarto niya...from portrait, painting at calligraphy, napaka husay niya talaga.

"Ano?! Arts?! Anong mapapala mo d'yan!? Mapapalamon ka ba niyan?! Matutulungan ba kami niyan?! Wala naman pera d'yan! Makinig ka james, hindi ka magpapalit ng kurso! Ga-graduate ka sa course na 'yan dahil mas may mapapala ka d'yan! Magkakapera ka pa d'yan!" dinig kong sigaw ni papa kay kuya. Nasa banyo ako tamang nakikinig lang sa bangayan nila.

"Kayo ang may gusto nito! Bakit hindi na lang kayo ang mag-aral niyan!" sigaw ni kuya.

"Aba, james sumosobra ka na! Kaya ang baba lagi ng grades mo dahil sa kakapuyat sa mga drawing drawing na 'yan! Anong grado ang 2.75, ha? Pasang – awa?! 'yong iba ngang kamag-anak mo at 'yong anak no'ng kapitbahay natin ang kurso mas mahirap pa sa'yo pero nakakakuha ng uno! Pinag-aaral kita ng mabuti hindi mag-drawing ng mag-drawing ng walang katuturan! Tigilan mo 'yan, james! Mag-isip isip ka naman! Ang tanda mo na, mag-isip ka ng tama!"

Pinuntahan ko pa si kuya no'n sa kwarto niya para kumustahin siya pagkatapos ng natanggap niyang sermon. At nasilip ko siya sa may pinto, nakaupo lang siya do'n sa sahig, nakasandal sa kama. Mukhang malungkot. At ang mas masakit pa do'n, hinihiwa niya 'yong palapulsuhan niya gamit ang cutter.

"Kuya!" pagpigil ko sa kaniya at nag-aalalang lumapit.

Agad naman siyang napatayo at hinila ako papasok sa kwarto niya at isinara ang pinto.

"Huwag na huwag mo 'tong sasabihin sa kanila, Sining, ha?" mahina niyang sambit.

Tumango-tango na lamang ako kahit medyo natatakot sa aking nasaksihan. Kumuha siya ng scarf at ipinalibot ito sa hiwa niya. Nagsuot din siya ng jacket at pinilit niyang itinago ang scarf niya roon.

"Bakit mo ginagawa 'yon, kuya? Delikado 'yon!" pag-aalala ko sa kaniya.

"Hindi mo maiintindihan hangga't hindi mo nararanasan..." seryoso niyang wika.

"Kailangan ko ba muna maranasan bago ko maintindihan na nasasaktan ka?" napalingon siya sa akin at tinapik tapik niya ang aking ulo.

"Bakit hindi mo na lang siya sundin?" sambit ko, tinutukoy si papa.

"Gustuhin ko man pero hindi ko na kaya....kapag patuloy kong gagawin ang gusto nila, hindi na ako nabubuhay para sa sarili ko, nabubuhay na ako para sa kanila. Ang pangit no'n, ang lungkot no'n! Para kang kinulong sa isang seldang may parusang panghabang buhay mong babayaran kahit inosente ka naman."

Hinawakan niya ako sa aking dalawang braso at medyo pinantay ang kaniyang sarili sa akin upang magkatapatan kami ng tinginan.

"Lagi mong tatandaan Sining na I will always be your kuya...at kapag kailangan mo ako, nandito lang ako para sa'yo. Palagi. Okay?" nakangiti niyang sabi at tumango na lamang ako.

At ayon na ang huli naming pagkikita sa bahay. Naglayas siya no'ng sumapit ang madaling araw kung kailan mahimbing kaming natutulog. Ang tanging naiwan niya lang ay isang notebook sa ilalim ng kama niya.

Inilabas ko ang notebook na 'yon ng aking kuya na tinago ko sa drawer. No'ng nabuklat at nabasa ko ang loob, doon ko nalaman na diary niya pala ito. Ito na yata ang pinaka paborito kong basahin sa lahat.


07-16-11

04:10 PM

Kailan kaya nila ako kukumustahin? Lugmok na lugmok na ako! Sa tuwing nakikita nila ako puro na lang pagkukumpara lumalabas sa bunganga niya! Bakit hindi ka gumaya kay ganito? Ang sipag mag-aral! Buti si Sining nag-aaral din ng mabuti bakit ikaw hindi? Tatamad tamad ka na lang palagi! Hindi ka man lang magpursigi diyan! Nakakasawa na! Parati na lang ako iyong mali kahit wala naman akong nagawang masama! Ayoko ng business, gusto ko ng fine arts! Kailan ba masusunod sa pamamahay na ito ang gusto ko? Bakit pinapasa nila sa akin iyong pangarap nila? Anak lang nila ako pero hindi ako sila! Hindi nila ako pagmamay-ari!

-J.


Simula no'ng naglayas si kuya, sa akin na napunta lahat ng mga pangarap nila. Lahat ng expectations nila, pinapasan ko na lahat.

When parents failed, why must their children suffer?

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro