Kabanata 25
Si Sining
•••
Ako'y isa sa mga kilala sa campus. Kung tawagin nila, Popular student. I was once an athlete, nakilala rin ako as a volleyball player sa school. Hindi kami mayaman, nakakakain lang naman kami ng sapat. I review hard dahil kailangan hindi mawala ang scholarship ko. I tried my best to earn everything that I have pero they still see me as the perfect student with perfect skills, perfect grades and perfect family na para bang nasa akin na ang lahat ng wala sa kanila.
I was never that kind of person. Kagaya rin nila ako. Simpleng college girl na ginagawa ang lahat para sa pangarap ng aking magulang.
Hanggang sa nakilala ko siya...si Jaq. Ang lalaking nakasuot ng bomber jacket.
June ng twenty-eighteen. Two weeks ang nakakalipas no'ng nagsimula ang school year. Sa may cafeteria ro'n ko siya unang napansin. Mainit sa cafeteria dahil bilang lang ang bentilador dito ngunit kakaiba siya...siya lang ang bukod tanging may lakas ng loob na magsuot ng jacket sa mainit na lugar.
"Bakit naka jacket 'yon?" tanong ni Lycka habang nakatingin sa grupo ng mga lalaki sa bandang poste ng cafeteria.
"Baka may sakit lang..." tugon ko, walang may pakialam.
Hanggang sa sumunod na araw ay nakita ulit namin ang mga grupo ng kalalakihan sa puwestong iyon. Ang lalaking naka blue na jacket ang umagaw sa atensyon ko ngayon.
"Hindi ba siya naiinitan?" mahina kong sambit.
Tinignan ni Lycka ang gawi nila at nagkibit balikat na lamang siya.
Lumipas ang isang linggo, at isa pa. Sa tuwing nakikita namin sila sa cafeteria ay suot-suot niya pa rin ang iisang jacket na 'yon.
"Wala ba siyang ibang jacket?" mahinang tanong ni Lycka.
"Bakit siya nagjajacket dito? Ang init init, eh." mahina kong tanong.
Pinagpatuloy ni Lycka ang pagkain niya ng pansit kanton habang ako ay nakatingin pa rin sa lalaking 'yon habang nanguya.
"Mga I.T 'yang mga 'yan." Sambit ni Lycka.
"Paano mo nalaman?"
"Kita sa I.D lace, beh. Information Technology nakasulat."
"Matalas ang paningin mo, ah! Ganiyan ba kapag may salamin?" pang-aasar ko.
"Kapag suot, pero kapag wala...bulag!"
Pinagpatuloy ko ang pagsilay sa lalaking nakajacket hanggang sa itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay para mag-inat. Doon ko napansin ang tela na nakapalibot sa kaniyang palapulsuhan.
Does he cut his wrist?
At dahil doon, nakuha niya ang aking atensyon. Nacurious ako sa lalaking naka jacket na may tinatagong bendahe sa kaniyang palapulsuhan.
Pagpunta ko sa meeting ng SSC, nakita ko si Ace. Ang fourth year representative ng SSC at isang I.T student din.
"Ace!" bati ko sa kaniya.
"Oh, Sining?"
"May tatanong lang ako...'yong kaibigan ko kasi may napulot na panyo kaso hindi niya naisoli sa may-ari kasi mabilis umalis, ang sabi niya I.T student daw...'yong I.D lace kasi..."
"Ahh gano'n ba, anong pangalan?"
"Ayon nga itatanong ko, eh. Lalaki siya tapos naka jacket. Hindi ko alam kung anong year, eh? Twelve siguro lunch break no'n since kapareho ko lang ng oras. Pang-umaga yata pasok."
"Pero lahat kami nakajacket kapag nasa room...aircon kasi sa computer lab. Atsaka ang may klase lang ng umaga sa I.T ay kaming mga 4-A."
"Ahh gano'n ba? Hmm...'yong lalaki raw na kahit nasa cafeteria naka jacket na kulay blue! Ayon, baka makilala mo!"
"Blue na bomber jacket ba 'yong tinutukoy mo?" tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong itsura ng bomber jacket kaya tumango na lamang ako.
"Ahh! Si Jaq ang tinutukoy ng kaibigan mo. 'yong spelling ng pangalan niya ay J-A-Q." nakangiting sambit ni ace.
Jaq...
"Salamat! Sasabihin ko sa kaibigan ko para maisoli niya na 'yong panyo ni Jaq." wika ko atsaka na nagpaalam sa kaniya.
•••
July ng twenty-eighteen, natsempuhan ko siyang naglalakad papunta sa school ng mag-isa kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob upang lapitan siya at makilala. Medyo binilisan ko pa nga ang andar sa aking scooter at tumigil sa gilid niya.
"Hi!" bati ko sa kaniya.
Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ilang beses niya akong ini-snob pero desidido ako na makilala niya kaya medyo nag-isip ako ng ideya upang maging interesado siya sa akin.
"Ganito na lang, huhulaan kita..." sabi ko sa kaniya habang patuloy na sinasabayan siya sa paglalakad.
"Hula ko na kusa kang lalapit sa akin at a-angkas sa scooter ko...tapos magiging boyfriend kita."
Napatigil siya sa paglalakad at tinignan ako. Nagkibit balikat lamang ako sa kaniya at syempre para hindi niya ako malimutan kailangan kong maging kakaiba.
"Atsaka hula ko rin...kulay red ang suot mong brief? Hahahaha!" sambit ko sabay karipas ng alis.
Pinaandar ko nang mabilis ang aking scooter papasok sa school. Hindi ko rin alam kung bakit 'yon ang nabigkas ko, for sure naman effective 'yon? First impressions are lasting, and it takes between five or fifteen seconds for someone to form a first impression. Pasado naman 'yong akin...lagpas five seconds naman na 'yon?
Pagpasok ko sa room lumapit ako kay Lycka. Si Lycka ang natatanging close kong kaibigan simula pa lang unang araw ng tumungtong ako sa college.
"Sining..." malungkot nitong sambit.
"Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kaniya habang papaupo sa extrang upuan sa kaniyang tabi.
"Bwisit na naman kasi sa bahay! Palagi na lang! Alam mo kapag si kuya humihingi ng pera kay mama binibigyan agad samantalang ako ang daming sinasabi tapos sisingilin pa 'ko! Buti na lang talaga may part time job ako sa salon." reklamo niya.
"Hay nako, hayaan mo na 'yon. Lahat naman talaga ng magulang may favoritism, eh."
"Sabagay, tulad mo rin, noh?"
Oo, Favorite nga ako ng magulang ko. Favorite ako sa lahat ng bagay.
"Feeling ko babagsak ako sa isang subject at kapag nangyari 'yon panigurado akong yari ako sa mama ko..." saad niya.
"Hindi 'yan, tiwala lang." tinapik-tapik ko ang balikat niya at nginitian siya.
No'ng matapos ang klase, papauwi na sana ako ng biglang makita ko ang isang pamilyar na jacket sa isang karinderya. Pinarada ko muna ang aking scooter sa tabi ng tindahan at biglang nakisali sa kanilang dalawa. Sinumbatan pa nga ako ni Jaq na hindi raw red ang kulay ng brief niya kundi white. Nakakatuwa rin kausap itong kaibigan niya at feeling ko walang kaalam alam sa bagay na tinatago ni Jaq. Dagdag pa na medyo negative ang pananaw nila sa buhay pero parang ayos lang sa kanila, parang tanggap na nila agad 'yon. Hindi ko tuloy sure kung ang dahilan ng pag-ka-cut niya sa wrist ay dahil sa kaibigan niya o hindi. Napaka misteryoso ng lalaking ito.
"Ano, mabilisan?! Atsaka hindi nga kita gusto! At sa apat na taon ko rito ngayon nga lang kita nakita!" sambit niya no'ng umamin ako sa kaniya na crush ko siya.
Ang weird, hindi niya ako kilala? And here I thought, almost everyone in the campus knows me as the perfect kid pero siya...hindi man lang niya ako kilala. It's a good thing, he's different. He can't judge me like everyone else.
"Hindi mo pa gusto, pero soon...hindi ka sure! Tandaan mo 'yong hula ko sa'yo, ah?" I said and stood up from my sit.
Lumapit ako sa nakaparada kong scooter at isinuot ang itim kong helmet. Anong oras na kasi, hindi ako puwedeng mahuli ng uwi. Alam ng magulang ko ang schedule ko at kalkulado rin nila ang biyahe. Alam nila kung anong oras dapat ako nakakauwi. Strikto ang magulang ko, sabi nila pinoprotektahan lang nila ako sa mga bagay-bagay dahil nga babae ako...
"Teka! Anong pangalan mo, miss?! Hoy!" sigaw ng kasama ni Jaq.
Nakatingin lang siya sa akin...si Jaq...na para bang kinukwestyon niya ang sarili niya tungkol sa akin.
"Sining, Jaq. Sining ang pangalan ko!" sigaw ko at sabay pinaandar na ang aking scooter paalis.
•••
Pag-uwi ko sa bahay, nasa sala si papa at nasa kusina si mama. Dirediretso lang ako paakyat sa kuwarto na para bang isa lang akong hangin na napadaan sa kanila.
Ibinato ko ang aking bag sa kama, kumuha ng damit sa drawer at nagpalit. Sumapit ang hapunan at tinawag na ako upang kumain. Magkakasabay kaming tatlo kung kumain pero walang kumikibo sa amin. Minsan naiisip ko kung normal pa ba ang ganito sa isang pamilya...'yong hindi nag-uusap sa hapag kainan. 'yong hindi ka nila tatanungin kung kumusta ka, kamusta sa school, may nangyari bang kakaiba ngayong araw sa'yo? Hindi lang pala minsanan ang ganito, kundi madalas. Araw-araw. Gabi-gabi.
"Nako, ayan si Sining, ayan ang aahon sa'tin sa hirap!" biglang sambit ni papa.
Rinig ko sila dahil hindi naman malayo ang kusina sa sala atsaka open ito ...kitang-kita lang, eh, naghuhugas ako ngayon ng pinagkainan.
"Pagka-graduate mo, maghanap ka ng magandang trabaho ha? Tapos pagawa mo 'tong bahay, huwag ka muna mag-aasawa, ha? Unahin mo muna pamilya mo." Patuloy niya sa pagsabi.
"Iyong may fourth floor tapos entertainment room 'yong doon, may videoke pa kagaya sa kapitbahay natin!" request ni mama.
"O kaya bibilhan tayo ni Sining ng lupa sa probinsya tapos papatayuan niya ng bahay, tapos do'n tayo titira na, Ma." Sambit ni papa kay mama.
"Tapos kay Sining na 'tong bahay?"
"Oo! Pero basta ba 'wag muna siya mag-aasawa hanggang mag-forty siya! Sining bawal muna mag-boyfriend-boyfriend, ha! Bawal hangga't hindi ka pa nagkakatrabaho! Baka mabuntis ka pa niyan agad, 'di ka pa graduate. Baka hindi ako makatikim ng motor na ibibili mo sa akin?"
"Konting tiis na lang naman, 'di ba Sining?" tanong sa akin ni mama.
"Opo." Tipid kong sagot.
Pagkatapos kong maghugas, diretso na ako sa taas, sa aking kuwarto. Tutal wala naman na kaming pag-uusapan kundi ang mga pangarap nilang gusto nilang mangyari sa buhay nila na kailangan kong tuparin.
Umupo ako sa pvc chair, sa may desk. Kinuha ko ang isang maliit na notebook sa ilalim ng aking drawer. Binuklat ko ito sa isang blankong pahina, kumuha ako ng ballpen na nakapatong sa aking desk.
07-03-18
20:01 PM
Bakit lagi na lang ganito? Nakakasawa na. They give me big expectation but no motivation. Bakit parati na lang sila ang uunahin ko? Bakit lagi nilang pinapasa sa akin iyong mga pangarap nila hanggang sa iyong pangarap na nila ang maging pangarap ko? Nakakasawa na. Kung ganito pala ang maging isang anak, sana pala hindi na lang ako binuhay.
-Sining.
Halos ilang notebook pa ba ang susulatan ko ng mga problema ko? Napaka dami ng notebook dito... hindi ko na halos matago.
Nagsimula akong isulat lahat ng problema ko sa isang extra notebook kaysa sabihin ito sa ibang tao kasi everything that talks, can't be trusted. Sino ang mag-aakalang ang isang notebook ay maaari ring maging isang mahusay na sandigan? It has been my only friend sa panahon depress ako.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro