Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Pagkalugmok 

•••

Sinabi ko na lahat ng problema ko kay Sining at dahil doon naging malapit kami sa isa't isa. Kapag nakikita niya kaming kumakain sa cafeteria kasama 'yong tatlo at sina Salem, nakikigulo rin siya. Halos dalawang linggo na rin akong nakikituloy kina Niccolo. Sa mga nakalipas na ilang araw ay ang saya ko, sa sobrang saya halos natatakot ako. Hindi ba ang kapalit ng saya ay lungkot?

"Ayos naman ako rito..." sabi ko sa kausap ko mula sa kabilang linya.

Sa unang beses ay tinawagan ako bigla ni mama at ang una niyang bungad ay Kumusta.

Iyong isang salitang 'yon...ilang taon kong hindi naririnig mula sa kaniya 'yon...napakatagal kong hinintay...isang salita lang naramdaman kong may magulang ulit ako.

[Gano'n ba...]

"Hmmm..."

[Napatawag nga pala ako kasi hindi ko alam kung nakarating na 'to sa'yo...]

"Ano 'yon?"

[Tumawag sa akin ang mama ni Jorge. Huwag kang magagalit Jaq...pero kasi si Jorge...]

Bumibigat bigla ang pakiramdam ko. Bigla akong kinabahan. Tibok ng puso ko parang naguguluhan.

"Ano?"

[....]

Iyong boses ni mama tila ba hindi ko marinig dahil sa pagkabigla. Para bang naging malabo at mabagal ang pagbuo ng mga salitang iyon mula sa kabilang linya. Lahat ng nasa paligid ko tahimik...buong buo ang narinig ko pero pinagpipilitan kong hindi. Tila ba sumang ayon ang katahimikan ng gabi para lang akin itong marinig.

[...wala na siya.]

Nanatili akong walang imik at nakadungaw lang sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman dahil magulo at malabo ang lahat.

[Jaq? Ayos ka lang ba?]

Ayos lang ba ako? Isang malapit na tao sa buhay ko ang nawala. Ayos lang ba ako?

"Nasaan siya?" tanong ko kay mama, at unti unti na ngang tumutulo 'yong luha ko sa kaliwang mata.

[Nakaburol siya sa kanila. Dadalaw ako sa huling lam---]

Hindi ko na pinatapos ang mga sasabihin ni mama dahil pinatay ko na ang tawag at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto.

"Saan ka pupunta? Hoy!" Naririnig kong tanong ni Niccolo pero hindi ko na siya pinansin dahil tumakbo ako ng mabilis palabas sa bahay nila, palabas sa subdi.

Halos nakikisama sa akin ang lahat. Mabilis ako nakasakay ng jeep patungo sa bahay nila Jorge. Halos kalahating oras din ang tinagal ng aking biyahe. Buti na lang alas otso na, wala masyadong traffic dahil hindi ako mapakali.

Pagtingin ko sa tapat ng bahay nila Jorge ang lungkot na agad ng awra. Sa may gate nakita ko 'yong dalawa kong tropa no'ng high school na sina Mark at Paulo.

"Jaq!" tawag sa akin ni paulo ng makita akong palapit sa gate.

"Kailan pa?" bungad kong tanong.

"Kahapon pa pare." sagot ni paulo.

"Kahapon? Tapos ngayon ko lang nalaman?"

Hinawakan ako ni mark sa kaliwang balikat. Alam nilang dalawa kung gaano katagal kaming magkaibigan ni Jorge. Para kaming buntot ng isa't isa. Hindi naglalayo at naghihiwalay.

"Pare, kahapon daw kasi inaasikaso pa 'yong kaso kaya hindi napaalam ng maaga. Nalaman ko nga lang din kaninang umaga, eh." sabi ni mark.

"Hindi ka ba papasok doon sa loob para sumilip?" wika ni paulo.

Hindi ko alam kung sisilipin ko ba siya sa kabaong niya. Ngayon lang yata nangyari sa akin ito, 'yong may mamatay na malapit sa akin. 'yong namatay 'yong papa ko hindi naman ako dumalo ng lamay niya, hindi ko rin naramdaman ang ganitong sobrang lungkot. Mas malapit sa akin si Jorge kaysa sa papa ko. Narinig ko lang na namatay siya para akong binaril sa puso.

Si Jorge ang tanging tao na nakasama ko sa lahat...simula bata pa lang kami hanggang matuto at malaman ang mga maling desisyon. Walang buwan o taon na hindi kami nagkikita at nag-uusap. Siya palagi pumupunta sa akin at lumalapit. Ngayon ko lang napagtanto na baka isa ako sa pagpipilian niya...ako 'yong unang taong pinipili niya palagi.

"Ayokong makita siya. Hindi ko kaya pare..." bigla na lamang tumulo ang luha ko sa harapan nila Mark at Paulo.

Tinapik-tapik nila ang aking balikat para kumalma ako pero patuloy pa rin 'yong pagtulo ng luha ko. Nakakahiya pero hindi ko mapigilan. Para bang ngayong gabi sinapian ako ng sobrang kalungkutan...hindi ko kayang kumalma.

Sinubukan kong pumasok sa loob para makiramay sa magulang ni Jorge. Hindi ko sinubukan silipin ang kabaong niya dahil hindi ko pa rin kaya...ayoko makita. Sa labas ng bahay nila, sa may veranda kami umupong tatlo. Malapit sa pintuan ng kanilang bahay na malapit din sa mga kamag-anak nila na nasa labas na nagkukwentuhan at nagsusugal.

Inangkin namin ang isang maliit na bilog na mesa. Nakapatong dito ang isang ashtray, isang kaha ng marlboro red, isang RC na Malaki, tatlong baso at tatlong fudgee bar. Kaniya kaniya kaming stick ng sigarilyo at pagbuga ng mga usok. Tahimik lang kaming tatlo, sa katahimikan nagdadalamhati at ang maririnig lang ay ang ingay sa katabing mesa.

"Iniimbestigahan pa raw 'yong kaso. May kinalaman sa sinalihang frat no'ng bata tsk tsk tsk." sabi ng isang may edad na babae, isa siguro sa mga kamag-anak ni Jorge.

"Matigas naman kasi talaga ang ulo ng batang 'yon tssk, laging napapa-away kaya walang duda ginantihan 'yon!" sabi naman no'ng isang kasama niya.

"Baka nga...suwail ng pamilya nila eh. Kawawa tuloy si ate martha, iyak ng iyak."

Martha ang pangalan ng ermat ni Jorge at Jerald naman ang pangalan ng erpat niya.

"Iiyakan mo ba 'yong gano'n klaseng rebeldeng anak? Jusko! Minalas sila sa pangalawa nila! Puro problema lang naman binibigay no'n sa mag-asawa..." patuloy nila sa pagchichismis.

Malas? Kahit ilang beses ko pinagdududahan pagkakaibigan namin ni Jorge...walang duda hindi niya ako iniwan sa ere. Hindi siya naging seasonal friend. Kung tutuusin ako 'yong nang-iiwan sa kaniya sa ere. Sinasabi niya sa akin 'yong problema niya, 'yong mga iniisip niya. Pero ako, kahit isang beses hindi ko siya pinagkatiwalaan. Malas nga siya kung gano'n...malas siya sa mga nakikilala niyang tao. Pero hindi minalas ang magulang niya sa kaniya. Dahil hindi malas ang maituturing ko sa pagluwal sa kaniya. Dahil kung wala siya, baka matagal na rin akong walang malay.

"Grabe 'yong mga nagcondolence para kay Jorge sa fb...akala mo naman talaga minahal nila 'yong tao. Tsss!" sabi ni paulo.

"Pfft! Mga pakitang tao lang naman mga 'yan...tsaka lang nila maaalala kapag wala na." sabi ko sa kanila.

"Kilala mo ba 'yong mga ka-frat ni Jorge, Jaq?" tanong ni mark sa akin.

Iyong lima. Hinding hindi ko malilimutan 'yong pagmumukha ng limang 'yon. Pero anong gagawin ko? Wala naman akong laban sa mga 'yon. Kung alam ko lang talaga kung saan 'yong hideout ng mga kupal na 'yon, naisumbong ko na sana agad sa pulis! Naisumbong ko na sana sa erpat ni jorge! 'yong carla, hindi ko naman kilala 'yon kahit mukha no'n hindi ko alam. Carla lang alam ko, hindi ko alam apelyido kingina! Wala talaga akong kuwentang kaibigan. Wala akong magawang pagtulong.

"Hindi nga eh, tangina." inis kong banggit.

"Tangina kamo talaga... narinig mo na ba 'yong autopsy kay Jorge?" saad ni mark. Umiling lang ako. Lumapit siya ng kaunti sa amin.

"Narinig ko lang 'to kanina sa loob...usapan ng papa ni jorge tsaka 'yong ibang pulis..." aniya.

Atensyon namin ni paulo ay natuon sa kaniya. Iyong mga tainga namin sabik sa pakikinig sa kaniyang ibubulgar na balita.

"Tinali 'yong mga kamay raw, kasi may bakas ng lubid. Mahigpit ang pagkakatali sa kaniya mga pre. May mga pasa rin sa katawan, binugbog din daw siguro. Tapos 'yong labi niya pare, kulay violet. Hindi ko narinig kung nilunod ba o binalutan ng plastik...napansin kasi ako ng papa ni jorge at pinaalis ako, eh. Pero estimated days daw ay parang two to five days siyang patay bago pa mahanap 'yong katawan niya. Ewan ko kung totoo 'to, kawawang Jorge wala man lang laban. Ta's hindi pa alam kung bakit...anong dahilan...sana lang talaga hindi tungkol sa droga 'to." pabulong na pagkuwento ni mark sa akin.

"Kilala ko si jorge, hindi 'yon user o pusher. Takot 'yon sa gano'n...lalo na kapag nalaman ng erpat niya. Kaya imposibleng sangkot siya sa droga." mahina kong komento.

"Saan daw natagpuan katawan ni jorge?" tanong ni paulo.

"Natagpuan daw siya ro'n sa may imbakan ng basura malapit sa may lumang court...doon sa tabing ilog." tugon ni mark.

"Tangina talaga pota...'pag nakita ko 'yong mga gumawa no'n sa kaniya papatayin ko sila. Tangina nila. Hayop sila." galit na galit kong saad.

Hindi ko rin alam kung kaya ko iyon gawin...sarili ko nga hindi ko kayang patayin...ibang tao pa kaya?

"G na G din sila boss no'ng nalaman 'yon..." sabi ni paulo.

Ang tinutukoy niyang boss ay 'yong leader namin dati sa frat no'ng high school. Pagka graduate namin, naisipan na i-buwag ang grupo at magkaniya-kaniya nang buhay, magpatuloy sa pag-aaral o magtrabaho at magpatuloy sa buhay.

"Gusto rin nila sugurin kaso hindi naman nila alam kung saan atsaka may pamilya na rin 'yong iba. Takot na mapasangkot pa sa mga gano'ng bagay...mga gano'ng gulo." sambit ni mark.

"Tangina ng mga ka-frat ni Jorge. Tangina nilang lahat." Inis kong sambit pa rin.

Hindi ko ma-imagine ang sinapit ni Jorge sa mga hayop na 'yon. Kung alam ko lang na huling pag-uusap na pala namin 'yong gabi na 'yon dapat kinausap ko na lang siya kaysa kay Sining. Sana pala tinanong ko siya sa nangyari sa kaniya no'ng araw na 'yon. Sana nag inuman pala kami magdamag. Sana 'yong oras na 'yon binigay ko rin sa kaniya.

Pagsapit ng ala una, napagpasyahan na namin umuwing tatlo. Pagka-uwi ko, pinagbuksan naman ako ng pinto ni Niccolo. Sabi ko sa kaniya nagkaroon lang ng emergency sa bahay kaya umalis ako ng walang pasabi. Pagpasok ko sa kwarto, ibinagsak ko ang aking sarili sa kama. Hindi ko na inabala pang buksan ang ilaw dahil sa mga oras na ito, kadiliman ang gusto kong magpaginhawa sa akin. Sinubukan ko rin kumalma habang nanonood ng Naruto Shippuden kaso sumakto sa episode 133. Ito pa 'yong parte na pinaka malungkot para sa akin. Ngayon alam ko na ang naramdaman ni naruto, kung gaano pala kasakit mawalan ng mahal sa buhay na nakasama mo ng matagal tapos wala ka man lang nagawa para protektahan siya.

Masakit palang mawalan ng isang kaibigan na halos tinuring mo ng isang kapatid. Bakit sunod-sunod ang masasamang pangyayari sa buhay ko? Gano'n ba 'ko hindi ka-mahal ng Diyos? Isa ba ako sa mga pumako kay Hesus sa krus noong past life ko? Tangina naman talaga, oh! Ginagago na lang yata ako ng mundo.

Sinubukan kong maghanap ng matalim na bagay sa kuwartong ito at buti na lang may cutter akong natagpuan sa desk...matagal na siguro hindi nagagamit pero hindi pa naman kinakalawang. Naglabas din ako ng isang t-shirt at naghiwa ng kapirasong tela nito. Umupo ako sa sahig at hinaplos-haplos ko pa ang aking palapulsuhan. Dahan-dahan kong niraramdaman ang aking paghaplos...hanggang sa unti-unti na itong nawawala. Iyong init ng daliri ko napapalitan na  ng lamig...napapalitan na ng pagkalugmok. Nawalan na naman ako ng pakiramdam.

Sa madilim na silid, hinihiwa ko na naman ang aking kaliwang palapulsuhan ng ilang beses hanggang sa makaramdam ako ng kirot, sakit, at takot. Basta makaramdam lang ako...sapat na 'yon para tumigil.

"Kung ganito pa rin ako sa susunod na buhay...sana 'wag na lang akong buhayin." mahina kong sabi sa aking sarili.

At sa muling pagkakataon, isang pamilyar na awitin na naman ang aking inawit...

"Hush little Jaq,
Don't you cry.
Don't slit your skin,
Don't say goodbye.
Put down that blade
Put out that light.
I know it's hard,
But you'll win this fight..."

Iyong awitin na narinig ko na lang sa kawalan no'ng panahong lugmok na lugmok ako. Tapos parang naging paborito ko ng kanta sa tuwing maglalaslas ako...na parang paulit-ulit kong binabalikan. Sa isang madilim na silid, ako lang mag-isa, at ang mga hiwang ako lang din ang may gawa...inaawit na naman ang isang lumang kantang napaka pamilyar na parang ayaw akong lubayan.

Tinitignan ko ang pagtulo ng dugo sa aking palapulsuhan...hindi pa nakuntento 'yong demonyo ko sa isa, kaya hiniwa na rin niya ang kabila.

"Hush little Jaq,
Don't you cry.
Don't slit your skin,
Don't say goodbye.
Put down that blade
Put out that light.
I know it's hard,
But you'll win this fight..."

Kasabay ng awitin at pagtulo ng dugo ang pagtulo rin ng aking luha sa dalawa kong mata. Sa wakas, nakaramdam na rin ako ng kirot at sakit. Heto 'yong pakiramdam na iniintay ko.

Patuloy sa pagpatak ang aking luha na para bang nagpapa-unahan sila. Hindi ko man lang ito mapunasan dahil sa kirot na aking nararamdaman sa aking dalawang kamay.

Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na ginagawa ito. Akala ko makakalimutan ko na ito pero sa huli...ito lang din pala ang makakatulong sa akin makaramdam ulit.

I have shed my skin so many times, the graveyards must be full of all the people I used to be.

•••

Halos hindi ako nakatulog ng maayos. Nagsimula na naman akong magsuot ng jacket. At dahil kasama sa nasunog ang paborito kong bomber jacket, hiniram ko na muna ang gray na hoodie ng kuya ni Niccolo.

Halos tuwing gabi pumupunta ako sa burol ni Jorge kasama 'yong mga tropa ko no'ng high school. Ayon na lang siguro ang huli kong magagawa para sa kaniya. Kaya halos araw-araw puyat ako...papasok sa school, gagawa ng thesis, capstone at documentation...ta's pagsapit ng gabi tutulong ng kaunti sa lamayan...hanggang hating gabi na 'yon...ilang oras lang tinutulog ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Halos busy na rin kami dahil papalapit na ang finals. Halos nasa first week na rin kami ng setyembre.

"You look sad and tired." sabi ni Salem sa akin habang hinihigop 'yong binili niyang mango graham shake.

"Madami na nagsabi sa akin niyan..." tugon ko.

People always tell me that I look sad and tired. I know I look sad and tired. I 'am sad and tired.

"May problema ka ba, Jaq?" tanong ni Lucas. Umiling lang ako sa kaniya.

"Wala...hirap lang ako makatulog 'pag gabi." pagsisinungaling ko.

"Saan ka ba nagpupupunta kapag gabi, ha? Naghahanap ka ba ng part time job?" tanong ni Niccolo sa akin at tumango-tango na lang ako kahit hindi naman totoo.

Ayoko lang malaman nila na namatayan ako ng kaibigan. Ayokong damayan nila ako dahil hindi iyon ang kailangan ko. Hindi 'yon makakatulong sa akin...hindi no'n kayang tanggalin ang kalungkutan na nararamdaman ko. Kaya ko pa naman mag-isa...pagod nga lang...pati kaluluwa ko pagod na.

"Akala ko ba binibigyan ka ng mama mo ng pera?" tanong ni Seb.

"Oo nga...wala lang gusto ko lang. Gusto ko makabili ng bagong cellphone. Sunod ako sa uso palagi."

"Haaays. Tignan mo itsura mo, you look very pitiful. Kapag pagod ka na, learn to rest. At kapag sapat na 'yong pahinga mo, pagurin mo ulit sarili mo. Gano'n ang buhay, hindi 'yong mapagod ka lang ng mapagod hanggang sa mamatay ka. That's for stupid people believing too much hard work can pay them well and get them rich." bulalas ni Salem.

"Heeeey!" biglang sulpot ni Sining sa amin. Dahil wala ng extrang mauupuan nakatayo na lamang siya sa gilid namin.

Nakangiti na naman siya na para bang sobrang saya ng buhay niya. Good grades, good parents, good friends, good look...good life. Gano'n yata siya ka blessed sa buhay. At sa hinaharap nakikita kong magiging successful pa siya kahit hindi na niya subukan pa ng sobra. Kitang kita ko ang kaibahan namin...kitang kita ko ang kalamangan niya na napakataas sa akin na tipong magkaka stiff neck na ako sa kakatingala.

"Medyo stressed si Jaq ngayon, hindi mo ba siya bibigyan ng motivation?" sambit ni Niccolo.

"Hmmm..." hinawakan ni Sining ang kaniyang baba, "Ahh!" hiyaw nito ng may maisip na.

"You have to fight through some bad days to earn the best days of your life. So keep your head high, your chin up, and most importantly keeps smiling, because life's a beautiful thing and there's so much to smile about."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, pinalakpakan siya ng mga kasama ko.

"Wow! Puno ka naman pala ng words of wisdom! Mahilig ka siguro magbasa ng mga books?" saad ni Maki.

"Mahilig, pero kasi 'yong quotes na 'yon nabasa ko lang d'yan, oh!" sabay turo ni Sining sa pader na may nakadikit ngang quotes for life.

"Hahaha siraulo! Napaniwala mo 'ko ro'n, ah? Akala ko favorite quote mo 'yon, eh, kaya kabisado mo!" bulalas ni Seb.

"Pero kung words of wisdom para kay Jaq..." tinignan niya ako na para bang alam niya 'yong nararamdaman ko at alam niya ang sasabihin.

"Nothing is permanent in this wicked world. Not even our troubles. Kaya cheer up, Jaq. God doesn't give us what we can handle, God helps us handle what we are given." she said straight to my face and gave me a bright smile after.

Si Sining ay parang isang milyong malalim na panaginip, samantalang ako...isang tahimik na buntong-hininga lang.  She's everything anyone could ever ask for but I'm someone that no one is even looking for.  Sana naging karapatdapat ako sa kaniya.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro