Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

Pagbangon

•••

Kakatapos lang ng klase namin at nandito kami ngayon sa may roof deck ng school kung saan tinatawag din na penthouse. Pero dito talaga ang nagiging tambayan ng mga estudyante kapag mahaba ang vacant, dito rin iniimbak ang mga lumang upuan at desk. Open ang lugar na ito kaya walang ligtas ang mga magsyosyota kung may balak man silang gumawa ng kababalaghan.

"Ayan, ha! Ilang baybayin t-shirt na hindi ko na sinusuot 'yan." pag-abot sa akin ni Lucas ng isang malaking paper bag na puro t-shirt ang laman.

"Hindi mo pa dinagdagan ng short o pants man lang?" angal ko.

"Wow ha, demanding?"

"Hahaha joke lang, salamat ha."

"Gusto mo ba sabihan natin si kuya ace para makahingi ka ng tulong sa mga kaklase natin?" suggestion ni Niccolo.

"Luh, gago huwag! Ano 'ko pulubi? Nakausap ko na 'yong mama ko...padadalhan niya raw ako ng pera pambili ng mga kailangan ko."

"E di ganito na lang..." inakbayan ni Seb si Niccolo, "Sabihin mo kay kuya ace 'yon, tapos 'yong malilikom natin ipambili na lang natin ng empi o kaya pandagdag natin sa capstone, iwas gastos, ayos ba?" dugtong nito.

"Namo demonyo ka talaga...pero magandang ideya, tara?" pag sang-ayon ni Niccolo.

Anak yata ni satanas 'tong dalawang ito. Sinasamantala ang oportunidad.

"Tigilan niyo nga nakakahiya gagu!" sambit ko.

Ayoko sa lahat nagmumukha akong kaawa-awang nilalang, lalo na sa harap ng madaming tao. Kailangan kong magmukhang matapang para hindi nila ako kaawaan. Pero minsan ang buhay ay punyeta talaga, eh? Binabagsakan ako palagi ng kamalasan...kulang na lang halikan ko ang kamalasan, eh.

Hindi ko pa rin makontak si Jorge. Halos siya ang iniisip ko kagabi, taragis. Kahit reply wala man lang! Nagre-watch na nga rin ako ng Naruto Shippuden dahil sa sobrang dami ng nangyari sa akin kahapon at sa sobrang dami, eh, parang gusto ko na lang umiyak at napa-iyak naman ako ng palabas na 'yon mga banda sa episode 138. Ewan ko ba, ayon na lang yata ang ginawa kong dahilan para umiyak.

"After bad luck comes good fortune naman." pag-aadvice sa akin ni Lucas.

"Kung may dadating man sa buhay ko, sana pera na lang." sabi ko.

Na-realize ko lang din na ang mga tao ay umiikot sa pera. Hindi ako naniniwala na money can't buy us happiness kasi kapag may pera ka mabibili mo lahat ng gusto mo. Mga gadgets na gusto mo, mga pagkain na gusto mo, mga damit o sapatos na gusto mo...at kapag nakukuha natin 'yon, sumasaya tayo. Kaya sa tingin ko, money can buy our happiness. Kung hindi, bakit natin pinaghihirapan ang ating sarili para magkapera? Sino niloloko ng tao? Sarili na? Pera ang kailangan ko ngayon, at gano'n din yata sa hinaharap...hindi naman kami mayaman...kaya baka nga pera ang maging solusyon ko rin sa problema ko sa buhay. Baka sakali tanggapin na ako sa bahay kapag may pera na ako. Kapag kaya ko na tulungan si mama. Baka kapag maibigay ko ang luho ni jackie...baka kapag gano'n tanggapin na ulit ako sa bahay. Baka kapag gano'n kalimutan na nila ang nangyari at sisihin ako sa hindi ko naman kasalanan.

"Tama 'yan Jaq, money will bring you the girls you want!" natatawang sambit ni Niccolo.

"Pinagsasabi mo? Money will bring you the girls you want, but struggle will give you the woman you need." pangangaral ni Lucas sa amin.

"Tama ka, gano'n nga boss." pagsang-ayon ko kay lucas.

"Atsaka kahit malas ka sa buhay Jaq, swerte ka naman samin, 'di ba, 'di ba?" sabi ni Seb.

Swerte ako sa kanila? Kung iisipin nga naman hindi lang naman sila ang naging kaibigan ko. Mga nagiging kaibigan ko ay halos seasonal friends lang. Ang kaibigan ko no'ng childhood, hanggang childhood lang. Ang kaibigan ko no'ng elementary, hanggang elementary lang. Ang kaibigan ko no'ng highschool, hanggang highschool lang. Naging exception si Jorge kasi ayaw niya ako tantanan. Ngayon college na ako...kapag ba grumaduate na kami, kaibigan ko pa rin kaya sila? Wala namang kaibigan na tumatagal sa akin bukod sa isa.

Ngumiti ako, ngiting hindi ko alam kung totoo o pilit o kinakabahan.

"Salamat, ha." bigkas ko at ngumiti rin naman sila sa akin.

Minsan gusto kong malaman kung ano kaya iniisip nila tungkol sa akin? Maganda ba? Imposible, wala naman maganda na pwede nilang isipin tungkol sa akin...ang pangit pangit ko.

"Hoy! Sino ka chat mo d'yan? chix mo, noh?" pangungulit ni Seb kay Niccolo.

"Sana nga chix ko kaso si Xowie 'to, pinsan ko!" sabi ni Niccolo habang nagtatype sa screen ng cellphone niya.

"Ano na naman problema ng babaeng 'yon?" tanong ni Lucas.

"Wala bang close na ibang pinsan 'yon bukod sa'yo?" tanong ko.

Sa totoo lang, 'yong mga pinsan ko masyado ng matatanda sa akin. Siguro no'ng bata ako close pa kaming lahat pero habang tumatanda para bang palayo nang palayo 'yong samahan namin bilang magpipinsan at sa tingin ko, normal na pangyayari lang 'yon. May mga tao talagang kusang lalayo sa buhay ko pero hindi ibigsabihin no'n kailangan ko silang suyuin para manatili.

"Halos sabay na kami lumaki ni xowie, atsaka para na akong kuya no'n." sabi ni Niccolo.

"Pffft, bakit parang hindi naman?"

Tumigil sa pag-ta-type si Niccolo at tumingin sa amin.

"Hindi niyo kasi kilala masyado si Xowie. Oo, ma-attitude siya pero napaka soft hearted no'n. 'yong tipong ang bilis niya maawa...atsaka mabait 'yon...nahihiya lang ipakita." aniya.

"Tangina ang hirap maging demonyo na maawain, ah?" sambit ni Seb.

"Nasaan ba siya?" tanong ni Lucas.

"Seven-eleven, sabi ko libre niya tayo kasi gutom na tayo ta's wala pang pera si Jaq kasi nasunugan."

"Kingina ka sinabi mong nasunugan ako?"

"Oo! Malay mo mag-donate siya! Hindi ko naman sinabi na nakikitira ka sa amin kaya kung magkano man 'yong i-aabot niya..." inilapat niya sa aking harapan ang kaniyang kanang palad, "Sa akin 'yon." dugtong niya.

"Kapag ako inasar no'n yari ka sa'kin!"

"Huwag mo na lang damdamin 'yon at least may pera tayo...ayos na!" sabi ni Niccolo sa akin habang nakangiti na mapanloko.

Loko-loko. Mayaman na pero nang uuto pa rin.

"So ano, pupunta rito si Xowie na may dalang pagkain?" tanong ni Seb at sumandal sa upuan na akala mo pagod na pagod at sabay haplos sa kaniyang tiyan, "Gutom na ako!" bulalas pa niya.

"Sabi ni Xowie ayaw niya..." mahinang sambit ni Niccolo. Dismayado.

"Ano!?" pagkabigla ni Seb.

"Wait lang tatawagan ko siya..." sabi ni Niccolo at kaniya ngang tinawagan ang account ni Salem sa messenger.

Sinagot agad ni Salem ang tawag ng kaniyang pinsan.

"Hello?" bungad na bati ni Niccolo sa kabilang linya. Ni-loudspeaker din ni Niccolo ang tawag para marinig namin.

[Ayoko.] maikli at may pagka agresibong bigkas ni Salem mula sa kabilang linya.

"Grabe ka naman couz! Hindi mo na ba ako mahal?"

[Kailan ba kita minahal?]

Dinig din namin ang tawa ni Maki sa kabilang linya.

"Aruy! Hindi love!" pang-aasar namin kay Niccolo.

"Nandito kami sa roofdeck, wait ka namin ha?" sabi ni Niccolo kay Salem.

[Maghintay kayo sa wala, bye.]

At binaba na ni Salem ang tawag.

"Buti na lang hindi ganiyan mga pinsan ko. Sila pa nga minsan nag-aaya sa akin mag inuman, eh, tapos sagot nila alak!" pagmamalaki ni Seb sa amin.

"Puro ka inom tignan mo tiyan mo lumolobo na." sabi ni Lucas habang nakaturo sa tiyan ni Seb.

"Baby ko 'yan hahahaha!" hinaplos haplos ni Seb ang kaniyang tiyan na para bang buntis siya.

"Anong pangalan?" tanong ko.

"Kapag lalaki, Alucard Zilong Lancelot tapos palayaw niya Fighter." aniya at pinagtawanan namin 'yon.

"Hindi kaya murahin ka ng anak mo niyan? Kingina ka!" sabi ko.

"Taragis, aarte pa siya? Palayaw niya palang matapang na!"

"Eh, paano kapag babae?" tanong ni Niccolo.

"Kapag babae naman..." nag-isip si Seb ng matagal.

"Hanabi Layla Leslie?" sambit ni Lucas. Ayon kasi ang madalas na ginagamit niyang hero sa ml kapag babae at marksman role.

"Ethics." bigla niyang saad.

"Ethics?" pagtataka namin tatlo sa kaniyang sagot.

Pinag iisip na naman ng isang 'to? Ayaw niya nga sa subject namin na iyon dahil nakakaantok daw.

"Oo...ethics." aniya na mukha namang seryoso.

"Bakit ethics?"

"Para pangalan pa lang may moral principles na!"

"Siraulo ka talaga."

"Akin kapag babae, Nika. Kapag lalaki--" hindi na natapos ni Niccolo ang kaniyang sinasabi dahil biglang sumabat si Lucas.

"Niko?"

"Valir Gusion!" pagkasabi no'n ni Niccolo ay tumawa siya at dinamayan naman siya ni Seb.

Minsan hindi nagkakasundo itong dalawa sa ibang bagay pero madalas naman silang magkasama sa kalokohan.

"Hay nako kawawa maging anak ninyo sa inyo..." sabi ko sa dalawang nagtatawanan.

"Kapag sa akin siguro pagsasamahin ko 'yong pangalan ko at no'ng magiging asawa ko." sambit ni Lucas.

"Sa akin..." ani ko.

Ano bang magandang pangalan sa magiging anak ko? Teka, magkakaanak ba ako? Gusto ko ba magkaroon ng anak? Hanggang kailan ba kaya kong itagal sa mundo para magkaroon ng karapatang mag alaga ng isang bata?

"Jaq at Sining pag pinagsama...janing hahahaha!" biglang bulalas ni Seb.

"Namo! Anong Jaq at Sining ka d'yan? Tss, dugyot!" sabi ko.

"Puwede rin Tala, kasi masyadong tagalog ang Sining." pag-suggest ni Lucas.

"Sining kasi pangalan, eh, kakaiba pota!" bulyaw ni Seb.

"Puwede rin Tula, kakaiba rin 'yon!" sabi ni Niccolo.

"Tigilan niyo na nga yan! Hindi na lang yata ako mag-aanak." wika ko.

"Kapag lalaki, Obra hahaha!" bigkas ni Lucas, pinipilit ipagpatuloy ang kalokohan.

"Jusko kayong tatlo...alam niyo 'yong salitang stop?" umiling lang sila habang nakangiting numinimpis ang labi. Nang-aasar na naman ang tatlo.

Hindi ko alam kung paano napunta rito 'yong usapan. Ito ang maganda kapag kasama ko sila...nakakalimutan ko pansamantala 'yong mga pinag-iisip ko tungkol sa buhay ko.

Inilabas ni Seb ang kaniyang gitara sa lalagyanan nito na nakasandal lamang kanina pa sa kaniyang inuupuan. Sinimulan niya itong kalabitin kung nasa tono ba ang kaniyang gitara.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko sa tatlo dahil wala pa yata silang balak umuwi.

Si Lucas at Niccolo busy kakaselpon, si Seb naman sa gitara niya at ako ito, tinitignan lang sila. Walang ginagawa bukod sa paghinga.

"Hihintayin pa natin si Xowie." sagot ni Niccolo habang nakatingin pa rin sa cellphone niya at nag e-fb.

"Hindi ba nga sabi niya, ayaw niya?"

"Hay nako Jaq! Hindi ka ba marunong bumasa ng girl language?" sabi ni Seb sa akin habang tinotono pa rin ang kaniyang gitara.

"Girl language? Conyo ba 'yon?"

"Girl language! Ibigsabihin no'n kung ano 'yong sinabi nila, eh, kabaligtaran 'yon ng gusto nilang sabihin." pagpapaliwanag ni Niccolo.

"Halimbawa sinabi nila sa'yo na ayaw nila, gusto talaga nila 'yon! Alam mo naman na magulo ang utak ng mga babae, it's very confusing mehn!" dugtong ni Seb.

"Gano'n ba 'yon?" nagsitanguan naman silang tatlo bilang tugon.

Sa tingin ko lahat naman ng tao may sariling language. Body language, Sign language, Slang language, Gay language, depende na lang kung paano iintindihin ng tao.

"Teka ano naman ang boys language?" tanong ko sa kanila syempre na-curious din ako.

"Naaalala mo no'ng nag written exam code tayo sa database management no'ng second year?" sabi ni Niccolo.

Taragis sino ba naman hindi makakalimot no'n? Ilang yellow pad 'yon tapos written code? Paano namin malalaman 'yong error? Malas pa kasi back to back 'yon! Ang hirap talaga minsan galitin ng mga I.T profs.

"Ahh, 'yong nahuli si Seb sa kodigo natin? Naalala ko na. Nandamay ba naman 'tong gagu na 'to, eh! Nakatanggap ng ilang mura 'to sa akin noon dahil sa inis hahahaha!" sabay turo ko kay Seb na medyo offended at nanlaki ang mga mata nito. Napahawak pa nga sa dibdib niya, eh.

"Sorna guys, may kasabihan naman 'di ba na, a friend is a friend during difficult times hehehe! Atsaka past is past!" palusot ni Seb.

"Boys language ay dirty language." sabi naman ni Lucas.

"May mga lalaki pa naman na hindi nagmumura, ah?"

"Ha! Ang tawag sa mga 'yon ay anak ng Diyos. Bakit anak ka ba ng Diyos?" saad ni Seb sa akin.

"Tanga, anak ako ng mama ko!" bwelta ko.

"Mabuti naman...ako rin!"

"Anak ka rin ng mama ko? Wow!"

"Gagu, hindi!" natawa siya no'ng marealize niya 'yong sagot niya kanina.

•••

Nilapag ni Salem ang isang paper bag ng 7-11 na may lamang apat na hotdog sandwich at apat na chuckie.

"Ayan tig-iisa kayo d'yan mga kaawa-awang pulubi." sabi niya sa amin habang umuupo sa upuan na katabi ni Niccolo.

"Nasaan si Maki?" tanong ni Lucas.

"Umuwi na, aayusin niya pa 'yong portfolio niya."

Padilim na rin ang langit at tanaw sa roofdeck ang paglubog ng araw. Nakabukas na rin ang mga ilaw rito sa RD pero namumukod tangi ang kulay ng paglubog ng araw. Ngayong dapithapon, ang kulay ng taglubog ay maaliwalas na kulay purple. Inilabas ni Salem ang kaniyang camera at kinuhanan kami ng litrato habang nakadungaw kami sa labas...sa magandang kulay ng dapithapon.

"Isipin mo pre, bilog 'yong camera pero square 'yong picture." sambit ni Seb habang nakatingin sa camera ni Salem.

"Isipin mo rin Lance, may utak ka pero hindi mo ginagamit." bigkas naman ni Salem na nakatingin sa kaniyang camera.

"Wow ha! I'm very offended!"

"Well you should kasi you're stupid."

"Well you should kasi you're ishtupid...Blaaaaah!"

Hindi na lang namin pinansin ang dalawa at kumain na lang kami ng hotdog sandwich.

"So, nasunugan ka raw?" tanong sa akin ni Salem. Tumingin ako sa kaniya at nakatingin siya sa akin, naghihintay ng sagot.

"Balat atsaka bahay." medyo moreno kasi kulay ng balat ko.

"Boo-hoo nakakaawa ka naman." sabi ni Salem na may panguso pa.

Sabi na nga ba at aasarin lang ako ng babaeng 'to, eh.

"Oo, nakakaawa talaga, bibigyan mo na ba ako ng bahay at lupa?" sambit ko sa kaniya.

"Hindi ako si kuya wil at hindi rin ako ang gobyerno para hingian mo ng tulong."

Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain ng hotdog. Akala ko ba soft hearted 'tong isang 'to?

"Wala siyang pambili ng damit Xowie, pati brief wala rin!" sabi ni Niccolo sa nakaka-awang tono.

Napa ubo tuloy ako bigla...muntik na ako mabilaukan.

"Eeeww, so anong gamit mo ngayon? 'yong suot mo kahapon?" nandidiring bigkas ni Salem.

Sinenyasan ako ni Niccolo gamit ang kaniyang mga mata na umoo na lang. Tangna talaga nito kahit nanghiram naman ako sa kaniya kaninang umaga! Pero wala akong nagawa, tumango-tango na lang ako at kita sa itsura ni Salem ang pangdidiri.

"EEWWWW!" aniya sa maarteng tono.

"Joke lang, noh. Bumili ako kahapon sa bayan. Bagong brief suot ko ngayon, noh!"

"Saan ka ngayon nakatira?" tanong niya.

"Sa puso mo..." pagbibiro ko.

"Simula ngayon pinapalayas na kita sa puso ko."

"Nakakalungkot naman, nawalan ako ng rason para mabuhay hu-hu-hu!"

Inirapan niya lang ako at sumandal sa kaniyang upuan habang nakacross legged at hawak-hawak ang kaniyang camera.

"Hindi mo ba siya tutulungan?" tanong ni Niccolo sa kaniya.

"Why would I? As I said, ako ba ang gobyerno?"

"Kasi kaibigan natin siya! Atsaka hindi ka gobyerno, Xowie. Mas may maaasahan pa nga sa'yo kaysa do'n, eh! Tuwing eleksyon lang matulungin 'yong mga nakaupo do'n!" pangangatwiran ni Niccolo.

Kahit hindi naman na ako tulungan ni Salem. Sapat na 'yong tulong na natanggap ko sa tatlo. Ayoko magkaroon pa ng madaming utang na loob.

"Ha! Hindi naman yata puwedeng umasa na lang palagi sa tulong ng kaibigan, dapat marunong din siyang dumiskarte sa buhay." tumingin siya sa akin na para bang kagaya ni Sining...

She looked at me like there's something in me worth looking at.

"Hindi ako humihingi ng tulong kahit kanino, kusa silang lumalapit sa akin." wika ko.

"Okay." simpleng sambit niya at itinuon na niya ulit ang kaniyang pansin sa kaniyang camera.

Pasado alas syete ng gabi kami'y nagpasyang umuwi.

"Sasabay ka ba sa amin?" tanong ni Niccolo sa kaniyang pinsan.

"Hindi, may gagawin pa ako." tugon nito.

Marahil maghahanap hanap ng makukunan ng litrato.

"Ano? Makikipag date?" saad ni Seb.

"Bakit gusto mo ba i-date kita?" bwelta nito.

"Lul! No, thanks!"

Inirapan niya kami at lumihis ng direksyon.

"Mga babae talaga..." naiiritang bigkas ni Seb.

•••

Pagkauwi ko sa bahay dumiretso ako sa kuwarto na aking tinutuluyan dito kina Niccolo. Sinuot ko ang isang puting baybayin t-shirt na bigay ni Lucas...amoy fabcon.

Sinubukan ko ulit kontakin si Jorge ng ilang beses ngunit hindi pa rin siya sumasagot, kahit sa chat o text wala akong narerecieve mula sa kaniya.

"Tangina Jorge buhay ka pa ba?" sambit ko sa aking sarili.

Nagvibrate ang cellphone ko at agad ko itong binuksan, nagbabakasakaling si Jorge na ang nagmessage ngunit...siya lang naman pala.



Sining Fedeli: On a scale of 1 to 10, ur a 9. I'm the 1 u need.



Pambihira, ito na naman siya. Jusmiyo mahabagin!



Jaq: Ayos na 'yong 9

Sining Fedeli: There are so many types of art but you are my favorite

Jaq: tao ako

Sining Fedeli: Anu ba yan ang KJ! Hindi mo ba ako namiss? wala akong klase kanina. :)

Jaq: Hindi

Sining Fedeli: Grabe ka! So, wala ka bang isheshare sa akin? I'm free to listen!

Jaq: Bakit mo ba ito ginagawa?



Sining Fedeli is calling you...



Halos isang buwan nang ganito ang tema namin ni Sining. Tamang chat at tawag lang, hindi video call. Ayoko ipakita ang itsura ko sa kaniya sa itsurang mahina ako. Totoo 'yong sinabi niyang handa siyang Makinig sa mga rants ko sa buhay. Hindi niya ko sinabihan kung tama o mali ba ako, nakikinig lang siya. Sabagay, hindi ko naman hinihingi 'yong opinyon niya. Ang nais ko lang ay ilabas itong mga hinanakit ko dahil kung hindi baka ilang hiwa na naman ang aking itatago.

Sinagot ko ang tawag niya. Humiga ako sa kama at hinintay ko siyang magsalita.

[Difficult days are so much easier kapag alam mong mayroon isang tao nandiyan para sa iyo. At lagi akong nandito para sa'yo, Jaq.]

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro