Kabanata 2
Ang mga tropa
•••
Mag-isa na naman sa maliit na kwartong ito. Mas lumalala talaga ang gabi lalo na kapag ang ulam mo ay pancit canton at nilagang itlog ta's ikaw lang mag-isa. Hindi ko alam kung bakit, pero lalo ko lang naiisip kung gaano kalungkot ang buhay ko.
Tinawagan ko si mama upang kumustahin, nakatira lang naman sila ng kapatid ko sa kabilang siyudad na malapit, tatlong sakay mula rito sa aking inuupahan. Sinagot niya ang tawag ko pagkalipas ng anim na ring.
Wala pa nga yatang balak sagutin...
[Ayos ka naman d'yan?] tanong niya mula sa kabilang linya.
"K lang." tipid kong sagot.
[May kailangan ka ba? May babayaran ka ba? Dagdagan ko ba allowance mo?]
"Wala kong babayaran, ayos lang naman 'yong allowance ko 'di mo na kailangan pang dagdagan."
[Gano'n ba, bakit ka napatawag?]
Bakit parang ayaw mo kong kausapin?
"Napindot lang..."
[Ahhh, malapit na nga pala debut ng kapatid mo, pupunta ka ba?]
"Bakit, hindi ba 'yon matutuloy kapag wala ako?"
[Matutuloy naman pero kung gusto mo pumunta, pumunta ka na lang dito. Sabihan mo muna ako kung tutuloy ka, ha?]
"Ge pag-iisipan ko...bye." pagkababa ko ng tawag, kinuha ko ang isang kaha ng marlboro sa aking bulsa at kumuha ng isang stick atsaka sinindihan ito gamit ang lighter na kinuha ko rin sa bulsa ng suot kong short.
Some people smoke, others drink and others fall in love, each one dies in a different way kaya mas pipiliin ko na lang mamatay sa paninigarilyo kasi at least ayon, mapayapa.
"Hoy tol! Buksan mo 'tong pinto!" sigaw ng isang pamilyar na boses sa labas na agad ko naman pinagbuksan ng pinto.
"Anong kailangan mo?" bungad kong tanong.
Agad-agad siyang pumasok sa loob kahit hindi ko pa siya pinapatuloy at komportableng humiga sa kutson.
"Pinalayas ka na naman ba ng erpat mo?" tanong ko sa kaniya habang inaalukan ng isang stick ng sigarilyo.
"Parang gano'n na nga ulit..." sabi niya habang sinisindihan ang yosi niya.
Umupo lang ako sa may pasimano ng bintana habang tinitignan ang kupal na bwisita ko.
Siya si Jorge, kulot ang buhok at may makisig na pangangatawan. Katangkaran ko lang din, mga 5"9. Kaibigan ko simula no'ng elementary, highschool at sa kamalas-malasan, eh, kaibigan ko pa rin hanggang ngayon.
"Nagnakaw ka na naman ba ng walang kuwentang gamit sa bahay ng kaklase mo? Pinakawalan ka kasi tatay mo pulis?" pagbibiro ko.
"Tanga, ano? gawaing high school pa rin?"
Oo nga pala, gawain namin no'ng highschool 'yon. Pareho kaming naaabsuwelto dahil parehong tatay namin ay pulis. Gano'n kabilis makaligtas sa batas kapag malakas ang back-up lalo na kung ang back-up mo ay isa sa mga alagad ng batas.
"Nalaman ng erpats ko na kasali ako sa isang frat sa school," aniya.
"Gagu, anong sabi sa'yo?"
Inayos niya ang kaniyang tindig na kagaya sa kaniyang erpat, chest out at medyo nakanguso dahil makapal ang labi ng kaniyang ama.
"Ehem, ehem, hinayupak kang bata ka! Wala ka bang gagawing matino? Pinag-aaral ka ng maayos tapos malalaman kong sumasali ka sa mga ganiyan! Kanino ka ba talagang anak, ha? Hindi mo na ako binigyan ng respeto! Isa kang kahihiyan! Lumayas ka rito sa pamamahay ko! Doon ka na tumira sa mga Ka-frat mo! Puro ka gulo! Away! Kailan ka ba titino!?"
Natawa pa nga ako kasi ginagaya rin niya ang boses ng erpat niya, eh, alam naman namin na boses parang lasenggo 'yon.
"Buti nga sa'yo! Pinag-aaral ka ng maayos kung ano-ano pa pinaggagawa mo sa buhay mo. Ginugulo mo lang buhay mo."
"Sanay naman na ako sa erpat kong 'yon pero may problema talaga ako, tol." pagkasabi niya no'n, humithit siya sa kaniyang yosi.
"Nabuntis ko kasi si carla." kaniyang pagpapatuloy sa seryosong tono.
"Si carla? Sino 'yon? Syota mo?" tanong ko kasi wala naman siyang nabanggit sa akin na may girlfriend siya.
"Hindi, ah!" tugon niya.
"Ano, nabuntis mo lang? Ano ka aso?"
"Hindi, Gagu! Ang laki ng pinasok kong problema sa isang 'yon...ex pala siya ng ka-frat ko tapos nakainuman namin ng iba kong tropa tapos ayon! Bumshakalaka! Parang earthquake lang na nagpagunaw sa mundo ko!"
"Siraulo, magdasal-dasal ka na tanga! Bilang na lang araw mo panigurado do'n sa ka-frat mo lalo na kapag nalaman ang tungkol diyan! Bro code 'yon, tol."
"Isa pang problema ay gusto nga ipalaglag ni carla, eh, habang isang buwan pa lang daw. Sabi ko huwag...parang ewan naman kasi! Hindi pa raw siya handa maging ina. Paano pa kaya ako? Hindi rin naman ako handa maging isang ama! Pero ipalaglag? Jusko! Tutol ako do'n!
"Aba aba aba, himala ayaw mo ipalaglag? Responsibilidad 'yon pagtumagal...handa ka ba ro'n?"
"Gagu, kahit ganito ako hindi ako mamamatay tao, noh! Lalo na wala pang kalaban-laban 'yong papatayin...ang unfair no'n sa magiging baby."
"Sabagay...sino ba naman ang gustong pumatay?"
"Ewan ko ba, tol! Hindi pa ako handa maging ama, pero ayaw ko rin ipa-abort! Iniisip ko rin kung anong ipapakain ko ro'n? Eh, kitang wala pa 'kong kuwentang nilalang sa mundo! Wala akong trabaho, pinalayas pa 'ko! Pambihira naman kasi! Gumamit naman kami ng condom pero may isang tanga pa rin na nakalusot!" marahan niyang ginugulo ang kaniyang buhok.
Mga bagay na gano'n ay dapat pinag-iisipan muna ng mabuti. Gusto ko sanang pagsabihan si Jorge na kung hindi pa siya handa, baka lang masira 'yong buhay ng bata kung ipagpapatuloy niya ang gusto niya. Tutal ayaw naman ng magiging ina...may sariling dahilan din siguro iyon para ipalaglag nga...at kung hindi pa sila parehong handa, baka sa huli 'yong bata lang ang ma agrabyado sa desisyon nila. Nakakaawa rin na hindi maranasan ng magiging bata ang mabuhay, pero nakakaawa rin na kung maranasan ng bata ang unti unting pagpatay sa kaniya ng malupit na buhay. Pero problema na ni jorge ito. Nasa tamang edad na siya para magdesisyon sa mangyayari sa buhay niya...hindi naman na siya bata.
"Nagtaka ka pa? Natural nagmana 'yong nag-iisang sperm na 'yon sa'yo! Hindi nag-iisip pero madiskarte." pagbibiro ko. "Pero jorge, seryoso, pag-usapan niyong mabuti ang tungkol diyan sa buhay na nabuo niyo. Hindi biro 'yan. Atsaka unawain mo rin 'yong babae...siya magdadala ro'n sa baby ng ilang buwan, hindi ikaw."
Malakas na buntong hininga ang kaniyang binuga.
"Ikaw? Ano na naman ba 'yang bendahe d'yan sa palapulsuhan mo?" pagtatanong niya habang nakaturo sa kaliwa kong kamay.
"Nakalmot ng pusa." pagsisinungaling ko.
"Wala nga akong nakikitang pusa rito!"
"Alam mo kung bakit?"
"Bakit?"
"Puwet mo may rocket!"
"Ha-ha-ha Gusto mo tignan puwet ko kung may rocket, ha?"
"Hahahaha biro lang tanga!"
Matagal ko ng kaibigan si Jorge na halos para na kaming magkapatid, pero hindi pa rin mawawala sa isipan ko na pagdudahan ang pakakaibigan namin. Kaibigan ko ba talaga siya o kaibigan lang naman niya ako kapag may kailangan siya sa akin?
Nawala ang mga ngiti ko sa aking labi at napalitan ng paghithit ko sa yosi. Sinilayan ko na lamang ang bilog na buwan at kumikinang na mga bituin sa langit mula sa bintana.
Hindi ka puwedeng lumabas ngayon, may bisita ako.
Sambit ko sa isipan ko para kumalma ang mga demonyo na nasa loob ko.
•••
"Alam ko na buong pangalan niya, pare!" masiglang bungad sa akin ni Niccolo pagkapasok ko sa klase naming Robotics.
"Ano?" tanong ko sa kaniya kahit hindi ko alam kung sino tinutukoy niya.
"Sining Fedeli, BSBA. Fourth year student din kaso sabi nila may pagka weirdong hyper raw 'tsaka matapang na babae. Dean's lister tapos SSC member. Sikat pala 'yon dito sa school, eh! Ayon 'yong sumali no'ng debate last year kaso hindi natin pinanood kasi nagcutting tayong apat."
"O tapos? nalaman na natin ngayon, makakagraduate na ba tayo agad?"
Hindi ko alam kung para saan pa ito kasi wala naman akong interes sa babaeng 'yon.
"Ano ka ba! Hindi ka man lang ba na-cu-curious sa babaeng 'yon?" tanong ni Niccolo sa akin.
"Hindi."
"Hello, earth to jaq!? Ulitin ko kung sino siya, ha? Si sining, isang Dean's lister, laging nagkocompete sa debate, president sa course org nila tapos SSC member pa! Pare, naka-jackpot ka! Brains, beauty and fame!"
"O talaga? e di iyo na siya."
"Hay nako, pare, bakit ba ayaw mo subukan mag mahal ulit? kalimutan mo na ang mga nangyari sa nakaraan! move on move on din!"
Bakit ba masyadong madrama ang isang 'to? nagsisimula na akong mabuwisit sa kaniya kahit na nakakabwisit naman na talaga siya madalas.
"Totoo ba?" biglang sulpot ni Lucas, isa rin sa mga tropa ko.
"Iyong ano?" tanong ko sa kaniya.
"Iyong kinukwento nito ni Niccolo sa gc kagabi."
"Ano sinabi nito? hindi ako nag online kagabi."
"May nagkakacrush daw sa'yo na taga-bsba?"
"Trip lang ako no'n! Hindi 'yon seryoso!" pangangatwiran ko.
"Anong trip? Ayiieee ga-graduate na hindi single!" pang-aasar ni Niccolo.
"Blessing 'yan, pre! Hahahaha!" pang-aasar din ni Lucas.
"Anong sikreto ng ganiyang dugyot na pagmumukha, ah? share mo naman baka sakaling makabingwit din ako!" sabi ni Niccolo habang pinipisil ang kanan kong pisngi.
Hindi ko sila pinansin pero medyo nakakunot na ang aking noo dahil sa irita.
"Pikon ka na? Hahahaha pikon ampota!" sabay na nagtawanan sina Niccolo at Lucas sa aking harapan.
Taragis bakit ba kasi ang tagal ni Sir Contis para manahimik na ang mga kupal na 'to! Trip nila 'ko ngayong araw...kainis!
"Hoy! Jaq!" bulyaw ng isang kumag sa may pintuan.
Kapag minamalas ka nga naman talaga. Kumpleto pala ang tropa sa subject na ito ngayon...malas!
"Jaq! Tangina mo men! Nang-iiwan ka na pala, ah?" pang-aasar ni Seb pagkalapit niya sa akin.
"Sagutin mo agad, Jaq! Taragis ka ikaw pa sinusuyo?" natatawang sambit ni Lucas.
"Hindi ko talaga alam kung anong kadugyutan nakita no'n sa'yo hahahaha!" sabi naman ni Niccolo.
"Siguro bomber jacket mo nagdala? Walang laba-laba kasi pota, last month mo pa 'yan suot, ah? July na ngayon, pre!" pang-aasar ni Seb habang nakaturo sa aking jacket.
Pota oo nga, noh? kailan ko ba huling nilabahan 'to? Hindi ko na maalala. Nawala sa isipan ko.
"Baka nga! Hahahaha buti naliligo ka pa, Jaq?" buwelta ni Niccolo.
"Hindi kayo mananahimik d'yan? papatayin ko na kayo." pananakot ko habang hinahawi si seb palayo sa akin.
"Huy! Nandiyan na si sir kakarating lang!" pabulong na sabi sa amin ni kuya ace kaya napatingin kami sa harapan kung saan nakatayo na nga si Sir Contis.
"Kayong apat talaga lagi na lang kayong may sariling mundo d'yan sa dulo." Ani ni sir.
Tangina kasi ang kukulit ng tatlong ito hindi ko tuloy napansin na dumating na pala si sir.
"Opo sir, sorry po!" sambit naming apat.
"Osya, ilabas niyo na ang gamit niyo at gagawa tayo ng robotic arm gamit ang arduino!" wika ni sir sa harap.
"Ingay niyo kasi..." pabulong kong sisi sa tatlo kong katabi.
"Buti na lang mabait si sir." sabi ni Lucas.
"Kinabahan ako ng kaunti roon...'di ko alam kung ano 'yong arduino, eh." mahinang sabi ni Niccolo.
"Bobo, wala ka naman kasi talagang alam kaya kakabahan ka talaga." pang-aasar ni Seb na sinang-ayunan namin ni Lucas.
"Gagu kayo, ako kaya pinakamatalino sa ating apat." sabi ni Niccolo.
"Tanga, walang matalino sa ating apat puro tayo bobo." sabi ko sa kanila habang inaayos ang mga gamit namin.
Kahit na alam ko na si lucas, sa aming apat, siya ang magaling at matalino.
"Ayos lang 'yan Jaq, bobo ka man pero magkakaroon ka naman ng syotang dean's lister." pang-aasar ni Lucas sa akin.
"Gagu, aanhin ko 'yon kung hindi rin niya ako matutulungan sa pag-co-code?"
"Tama ka ro'n pare. Kaya ikaw Lance, dapat syotain mo I.T student din, 'yong makakatulong sa atin sa capstone." pag sang-ayon ni Niccolo sa akin habang nakaakbay kay Seb.
Sinimulan na namin ang pag gawa sa robot na sinabi ni sir. Si Lucas ang gumagawa ng code mula sa Arduino, ta's kaming tatlo naman ang nag-assemble ng robotic arm, ganito ang aming teamwork.
Sa aming apat, hindi naman sa wala kaming alam sa programming...mayroon naman kahit papaano sadyang nawawala lang pagkatapos ng klase. Hindi kasi sumi-sink-in sa aming isipan ang mga code. Pero si Lucas ang aming taga code talaga sa kahit anong subject na by group activity...minsan, madalas, moral support lang kaming tatlo sa kaniya.
#include <Servo.h>
Servo servo1; //Servos
Servo servo2;
Servo servo3;
const int LED1 = 2; //LEDs
const int LED2 = 3;
const int LED3 = 4;
const int LED4 = 7;
const int LED5 = 8;
const int button1 = 12; //Buttons
const int button2 = 13;
"O, ah! puwede na rin tayong gumawa ng robotic slapper!" hirit ni Niccolo no'ng natapos na namin 'yong robot.
"Oo tapos sasampalin niya kung sino bobo, una kang masasampal." sambit ni Seb
"Tapos na kami rito boss Lucas, buhay ka pa ba d'yan?" sabi ko kay Lucas, sa lapag kasi kaming tatlo gumawa para malawak ang space.
"Taragis na 'yan...pakamatay na lang kaya tayo? May hindi ako madali, eh." sambit ni Lucas habang nakapokus sa laptop.
"Puwede rin tutal payag naman ako mapunta sa impyerno basta nandoon kayo!" natatawang sambit ni Niccolo.
"Tanga, bawal sa impyerno bobo hahaha!" bwelta ni Seb.
"Bawal din sa langit mga bobo hahaha wala kang pupuntahan Niccolo." pang-aasar ko.
"Tangina ninyo! Hahahaha!" aniya.
Ganito kami magbiruan. Napaka normal na biruan. Siguro kung maririnig ng ibang tao ang usapan namin baka sabihin na inaaway namin ang isa. Binubully kumbaga. Pero hindi. Masakit man sa pandinig nila, wala man respeto sa pandinig ng iba, bakit kailangan nilang mangealam? Ganito kami makipag-usap sa isa't isa. Kabisado na namin ang ugali ng bawat isa. Komportable kami sa ganito at nakasanayan na. Ang pakikipag usap namin ng bastusan sa isa't isa ay hindi nangangahulugan na gano'n din kami sa ibang tao. Kilala ko na ang tatlo hindi man gano'n kalubos pero alam ko na kapag nasasaktan na sila sa asaran namin...sinasabi naman nila ito ka agad. Buti pa sila...kaya sabihin ang totoo nilang nararamdaman.
"Mr. Matteo, may naghahanap sa'yo sa labas!" biglang sigaw ni sir contis sa harapan.
"Luhh gagu, baka si satanas na 'yan, ihahatid ka na yata sa impyerno, pre! Hahahaha!" sambit ni Seb, binatukan ko muna siya ng malakas habang patayo ako kasi pota paano nga kung si satanas 'yon? Handa na ba ako sumama sa kaniya?
May kaunting alanganin akong lumapit sa harapan. Sabi ni sir nasa labas daw ng room ang naghahanap sa akin kaya pinayagan niya ako...emergency raw. Paglabas ko ng room napakampante ako sa aking nakita, medyo gumaan ang aking loob ng hindi si satanas ang nasa harap ko kundi iyong babae mula sa ibang kurso.
"Anong emergency ito?" bungad kong tanong na tinawanan niya lang.
"Oh!" isang naka tuping bond paper ang inabot niya sa akin, "Babush!" sabi niya habang patalon-talon na lumarga paalis sa aking harapan.
Napangiwi na lamang akong pinagmasdan ang kaniyang pag-alis. Akala mo isip bata...pfft!
Pumasok ako sa room at bumalik sa pwesto namin sa sahig,
"Sino raw 'yon?" bungad na tanong ni Seb sa akin pagkaupo ko.
Pinakita ko sa kanila ang nakatuping bond paper at kanila itong binuklat at pinagmasdan ng mabuti ang nakasulat.
"Taragis, ano 'to? Isa ba itong ritwal para mag summon ng isang demonyo?" reklamo ni Niccolo.
"Gagu isa yata 'yang sinaunang sulat ng mga alien, pre!" sabi naman ni Seb.
"Tanga! Steno yata 'yan!" sambit ni Lucas na naki-usyoso rin, "Kanino galing?" dagdag nitong tanong sa akin.
"Natural do'n kay Sining! Sino ba BSBA na course ang kilala si Jaq sa school na 'to? Si Sining lang naman!" sambit ni Niccolo, siguradong sigurado.
"Pota, secret code! Decypher natin, decode natin dali!" excited na sabi ni Seb.
Nag-open new tab si Lucas sa kaniyang cellphone at kinuhanan ng litrato ang papel upang ma-copy ang text nito atsaka siya naghanap ng steno translation sa pakening shit na sulat na ito na wala naman akong pakialam sa kung ano mang nakasulat do'n.
"Nice! Ayiee naman!" bulyaw ni Niccolo.
Kumpulan ang tatlo sa harapan ko. Nanatili lang ako na walang pake habang nilalaro laro ang gamit namin sa sahig.
"Hi Jaq, since you never ask for my number, can I have your phone number instead? Sining." pagbabasa ni Lucas na sakto lang para marinig ko.
"Gusto niyo magreply ako?" tanong ko sa tatlong kumag.
"Oo naman! lagyan mo agad ng I love you para instant love-life na! Mas mabilis pa sa speed of light!" sabi ni Seb.
Napangiwi na lamang ako sa sinabi niya kasi mas mabilis pa rin ang speed of light kaysa sa panlalandi ng babaeng 'yon sa akin.
Pumilas ako ng isang pirasong papel sa notebook ko at nagsimulang magsulat.
"Siraulo ka, pre!" natatawang saad ni Seb.
01000010 01100001 01101000 01100001 01101100 01100001 01101011 01100001 01110011 01100001 01000010 01010101 01001000 01000001 01011001 01001101 01001111.
- 01001010 01100001 01110001
"Pa-steno-steno pa siya, eh, I.T 'tong pinadalhan niya ng sulat!" ani ko.
"Inaka! Dapat ASCII code na lang! Pahihirapan mo pa 'yong babae!" reklamo ni Niccolo.
"Tama lang 'yan. Hindi ba, ang pagmamahal sa isang tao ay dapat pinaghihirapan talaga?" saad ni Lucas.
Bahala ka sa BUHAY MO.
- Jaq
Ayon lang naman nakasulat d'yan...buti nga kaunti lang, nakakatamad din magsulat ng puro zero at one ng binary.
"Kayong apat tapos na ba kayo? kung ano-ano na pinag gagagawa niyo d'yan, ah?" sabi ni sir contis no'ng makalapit sa amin at halata naman na alam ang pinagkakaabalahan namin na malayo sa subject niya.
"Sir 'yong code na lang po kulang..." palusot ni Lucas.
"Sige sige tapusin niyo na muna 'yan." sabi ni sir at umalis na sa aming harapan.
Sana lahat ng prof kagaya ni Sir Contis, mabait kahit na alam niya na gagu 'yong mga estudyante niya.
"Kailan mo ibibigay sa kaniya 'yan?" tanong ni Niccolo sa akin patungkol sa sulat ko.
"Ikaw magbigay, ikaw hapit, eh." naiirita kong tugon.
"Siraulo! Ano, kinakabahan ka ba?"
Ako? Kakabahan? Patawa! Never have I dealt with anything more difficult than my own soul.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro