Kabanata 18
Ikaw ang pagkalma
•••
It's a rainy sunday afternoon. Isa sa mga normal na araw, at mayroon akong isang milyong kadahilanan upang maging masaya. Ngunit narito na naman ako ulit sa may bintana, nakadungaw sa kawalan habang naninigarilyo at nag-iisip ng paraan paano ko papatayin ang sarili ko na hindi marahas at walang dugong kakalat sa lugar.
Napahinto ako sa pag-iisip ng biglang tumunog 'yong cp ko sa aking bulsa. Kinuha ko ito at tinignan ang isang pop up message mula na naman sa bukod tanging babaeng 'yon.
Sining Fedeli: You enthrone me upon the star-filled dark sky. Brighten the nights like noon in to my eyes. You breathe me hope when in my vein runs despair. Grasp my setting life as I feel your care.
Tanghaling tapat palang...ano na naman kayang trip ng isang 'to?
Jaq: I don't care.
Bilib din ako sa babaeng 'to, masyadong pursigido. Hindi ko tuloy maisip kung totoo ba 'to o trip trip lang, eh? Hindi naman kasi ako kaaksaya-aksaya ng oras at panahon.
Sining Fedeli: Kapag ako naging businesswoman, mumurahan ko ang benta ko sa lahat ng tao, pero sayo lang ako magmamahal. Ayieeee!
Parang tanga pota.
Jaq: murahin kita diyan eh
Sining Fedeli: Pwede bang mahalin mo na lang ako? Mas bet ko yon!
Jaq: ewan ko sayo
Dinrag-down ko na ang kaniyang icon sa aking screen, ta's binuksan ko ang aking facebook upang maging updated naman ako sa ibang bagay sa magulong buhay ng social media. Agad na bumungad sa akin ay ang post ni Seb;
Lance Sebastian Jimenez
Puro kayo gusto ko sa engr, archi, lawyer chuchuness ayaw niyo ba sa ayaw mag aral!? GRRR!
"Pambihirang lalaking 'to hahahaha!" sambit ko habang pinipindot ang sad react sa post niya. Tinignan ko na rin 'yong mga comments kasi napansin ko agad ang pangalan ni Niccolo.
Niccolo Nuevo: Kingina mo boy! pati guardian angel mo yata minumura ka na!
Lance Sebastian Jimenez: Gigil na nila ako boy!
Niccolo Nuevo: Paanong gigil? patingin nga!
Lance Sebastian Jimenez: Puntahan kita jan sainyo tapos sakalin kita!
Lucas Pagal: Pa live na lang po rito sa fb kung paano 'yong pagsakal boss HAHAHA
Hindi na ako nakisali pa sa comment box nila dahil baka madamay na naman ako, eh, natuto na akong umiwas sa mga gulo.
Ilang araw na rin hindi pa umuuwi rito si Jorge, minsan iniisip ko baka umuuwi na ang sira ulo na 'yon sa kanila tapos kapag nabubwisit sa bahay nila, eh, dito umuuwi. Bwisit talaga 'yong kupal na 'yon.
Isang message na naman ang nagpop-up sa screen ng cellphone ko at syempre hindi na ako magtataka kung sino ang nagchat sa akin.
Sining Fedeli: Do you crave the gray, gloomy autumn weather where the sky is overcast and the air feels like rain, where you can sit in your window sill with a cup of hot coffee, and the deep gray of the sky contrasts with the fiery orange and bright yellows of the trees? where the air smells like wet leaves and it's cool outside, you can put on your favorite sweater and go for a walk in the light misting rain? Because I sure do.
Taragis na 'yan ang haba...tapos english pa katamad basahin!
Jaq: K
Matipid at bored kong reply. Nandito pa rin ako sa may bintana, nakadungaw sa labas habang naninigarilyo. Hindi ko alam kung anong meron sa mga bintana at kapag nandito ka mapapasenti ka talaga bigla...matic na.
Sining Fedeli: Masarap mapunta sa tamang tao, kaya puntahan mo na ako!
Napangisi ako sa aking nabasa.
Jaq: Bakit hindi ikaw ang pumunta sa akin?
Kapag pumunta siya, uto-uto siya. Kapag hindi naman siya pumunta, nasa katinuan pa ang pag-iisip niya.
Sining Fedeli: Kailangan mo ba ng tulong ko?
Jaq: Kailangan kita
Sining Fedeli: Anong eksakto mong address? send ka ng picture ng bahay mo! pupuntahan kita!
Pagkabasa ko ng message niya ay in-off ko agad 'yong data connection ko.
"Siraulong babae, talagang pupunta rito potek...biro lang naman 'yon. Bakit naman siya pupunta sa bahay ng isang lalaking hindi niya lubos pang kilala?" tinignan ko ang itsura ng maliit kong inuupahan.
"Tangina napaka dugyot..."
Kung saan-saan nakalagay 'yong mga hinubad kong t-shirt at shorts, 'yong iba nakabalandra lang sa may kutson. 'yong pinggan nakatambak sa lababo hindi ko pa nahuhugasan. 'yong basurahan puno na hindi ko pa napapatapon...teka, kailan nga ulit tapunan ng basura rito? kainis! Sa sobrang dami ng iniisip ko tinamad akong kumilos sa bahay. Miski maligo rin kinatatamaran kong gawin.
"Jusmiyo." sambit ko sabay kamot sa aking batok.
•••
Nalinis ko na ang bahay at nakapag laba na rin ako ng damit gamit ang washing machine. Kakatapos ko lang maligo at wala pa rin 'yong Sining na 'yon. Magdidilim na sa labas, eh. Hindi ko nga rin nahalata 'yong oras dahil sa tagal ko sa banyo.
"Taragis na babaeng 'yon...nagsipag ako ngayong araw para sa wala? Kainis! Hindi ko papansinin 'yon bukas! Taragis siya...salamat na lang sa lahat." pag mamaktol ko habang sinusuklayan ang aking buhok.
Pagkatapos kong magsuklay nagtimpla ako ng kape para sa sarili ko.
"Tangina dapat pala isang daang load na lang hiningi ko...seven days' din na ml 'yon! Sayang!" pagkadismaya ko sa mga desisyong hindi ko pinag isipang mabuti.
Nagpatugtog ako ng Tao Lang ni Loonie featuring Quest gamit ang speaker na may iba't ibang kulay na inorder ko mula sa shopee. Nilakasan ko talaga ang volume ng kanta dahil linggo naman ngayon, araw ng mga depress na nilalang sa mundo.
Hawak-hawak ang aking mug na may laman na mainit na kape, para akong tanga na umiindak-indak at nakikisabay sa tugtugin.
"Kasi, sapul sa pagkabata, sablay no'ng tumanda...lumakad, humakbang, hanggang sa madapa...huwag kang mawawalan ng pag-asa, huwag kang madadala...kung wala ka pang mali, wala ka pang nagagawa..." pagsabay ko sa awitin.
Napatigil ako sa pag indak nang bigla kong makita 'yong sarili kong repleksyon sa salamin na nakasabit sa pader malapit sa pintuan ng cr. Nakikita ko ang isang malungkot na nilalang na kamukhang-kamukha ko. Bigla ko na lamang naramdaman na heto na naman siya...nandito na naman siya.
"Mag-isa ka na naman...palagi na lang ganito?" mga salitang mas malakas ang volume kaysa sa pinapatugtog ko.
Agad kong tinungga ang mug na may lamang kape at inilapag ito sa lababo. Nagsisimula ng magpalpitate ang puso ko ng mabilis...minsan sa kakakape ko 'to, eh, pero madalas senyales 'to na nandito na naman 'yong demonyo, paglalaruan ako. Hahanapan na naman ako ng kahinaan na alam na alam niya kung ano 'yon.
Lumapit ako sa aking damitan at binuksan ang drawer kung saan ko tinatago 'yong mga blade na aking binibili. Peklat na lang ang makikita sa aking palapulsuhan, 'yong iba gumaling na. Matagal na rin nang tumigil ako sa paglalaslas dahil sa tuwing aatakihin ako ng demonyo ko, bigla-biglang umeeksena si Sining.
Si Sining...
Agad kong inilabas ang aking cellphone sa bulsa na suot kong short at binuksan ang data nito. Agad na tumambad sa akin ang mga mensahe mula sa kaniya.
Sining Fedeli: Anong address mo uy!
Sining Fedeli: Alam ko papunta jan pero hindi ko alam eksaktong bahay mo!
Sining Fedeli: Bakit ka nag offline? Luhhh!!
Sining Fedeli: Pupuntahan pa ba kita? reply asap!
Pagkabasa ko sa mga chat niya, agad kong ibinalik ang blade sa taguan nito. Tinungo ko ang upuan sa may mesa. Pagka-upo ko dahan-dahan kong tinanggal ang sport wristband na aking suot sa magkabilaang kamay at tinignan ang mga peklat, bakas ng mga sakit na ako lamang ang nakaka alam.
Jaq: Alam mo ba, nakakabaliw lang...
Sent
"Pero 'di ba, tao ka lang din, 'di mo ba napansin? Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin...kahit planuhin mong mabuti, bakit gano'n pa rin? 'di maiwasan na magkamali kahit anong gawin..."
Ngayon ay muli ko na ulit naririnig ang malakas na tugtog ng kanta sa aking munting tahanan. Ito na ulit 'yong malakas na ingay na naririnig ko.
Sining Fedeli: Ang ano?
Jaq: Kung paano mo nararamdaman mag-isa ang kalungkutan sa mundong may pitong bilyon na ka-tao.
Ilang minuto pa bago siya nagreply...hindi ko alam baka may ginagawa siyang importante o mabagal lang talaga ang pag-receive at pag-send ng message.
Sining Fedeli: Magkita tayo sa parke ngayong gabi.
Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng 'to, pero siguro tama na sa mga sugat at hiwa sa palapulsuhan...pagod na rin ako magtago sa mga 'to.
Tumayo ako sa aking pagkaka-upo at kinuha ko ang hindi ko pa sinasauling payong ni Salem, tsaka naglakad palabas ng apartment.
Nauna akong makarating sa may parke, medyo tumila na rin ang ulan at nakakalungkot lang dahil basa 'yong mga upuan kaya tamang tayo lang habang nakasandal sa may poste. Nagsindi ako ng isang stick ng yosi na aking baon kasi cigarette is life.
Narinig ko naman ang pagbusina ng isang motor. Pagsulyap ko sa ingay ay nakita ko ang umaandar na scooter ni Sining at huminto ito sa aking harapan.
"Kanina ka pa?" tanong niya.
"Oo." sagot ko pero ang totoo no'n, mga ilang minuto pa lamang akong nakatayo rito.
Inayos niya ang kaniyang scooter at tinanggal ang suot nitong helmet.
"Pasensya na po, ah? kailangan ko pa kasi mag-ayos para naman maganda ako sa paningin mo at para na rin mainlove ka na sa akin." sabi niya sabay kindat sa akin.
Hindi ko alam sa sinasabi niyang nag-ayos, simple lang naman ang pormahan niya...jeproks.
"Hindi ka maganda." Sambit ko sa kaniya.
"Grabe ka naman sa akin!" nakabusangot siya at nakapatong ang kaniyang kamay sa lugar kung saan nakalocate ang kaniyang puso na parang nagdadrama.
"Bakit gusto mo makipag kita sa'kin?" tanong ko sa kaniya habang naghihithit ng sigarilyo.
"Wala lang... gusto lang kita makita kasi miss na kita!"
"Bakit nga?"
Nagbuntong-hininga muna siya, "Feeling ko kasi...kailangan mo ng makaka usap, in person! Atsaka sabi ko sa 'yo 'di ba...I'll make you happy! I'll help you!"
"Sasaya ako kung tatantanan mo na ako, mas makakatulong din 'yon."
"Sabi nga 'di ba ni mike enriquez, hinding hindi kita tatantanan!" masigla nitong sabi kaya napangisi ako na may kasabay na pag-iling.
Umayos siya ng pagkaka upo sa kaniyang scooter at humarap sa akin.
"Anong height mo?" bigla niyang tanong.
"Bakit?"
"Nagtataka lang kasi ako kung paano ka nagkarsya sa puso ko, ayiieee!"
Pambihira talaga 'tong babae na 'to, mala-chat o personal mahilig bumanat ng mga korni na pick-up lines.
"Lakas talaga ng saltik mo, eh, noh?" sabi ko.
"Sa'yo lang ako ganito." nakangiti niyang sabi sa akin.
"Halata naman...ako lang yata tanggap 'yong pagiging baliw mo, eh."
"True! 'yong iba kasi tingin sa akin super brainy tapos super perfect!"
"Saan banda naman kaya 'yon?"
"Hahahaha sa puso mo!"
Nababaliw na naman talaga ang isang 'to. Hirap niya minsan kausap kasi hindi mo alam kung seryoso ba siya o play time, eh.
"Napaano pala 'yan?" sabay turo niya sa mga peklat ko sa palapulsuhan.
Tinanggal ko kasi 'yong wristband ko kanina upang makahinga naman ang mga peklat sa palapulsuhan ko...makalanghap ng hangin.
"Nakalmot ng pusa." pagsisinungaling ko.
"Ahh, may alaga kang pusa?"
"Wala, pusa ng kapitbahay 'yon, palaging pumupunta sa bahay."
Hindi ko alam kung gumagana ba talaga 'yong kalmot ng pusa excuse na ito...kasi naman bakit ako kakalmutin ng pusa sa may palapulsuhan ng madaming beses?
"Akala ko..." mahina niyang bigkas pero sapat pa rin upang marinig ko.
"Akala mo ano? Na laslas 'to? Ano ko, emo?"
"Akala ko lang naman 'di ba...atsaka kung gano'n man, sana huwag mong gawin 'yon. Sana pag-isipan mo muna ng mabuti ang mga bagay bagay bago mo gawin." seryoso niyang sabi habang halata sa mga mata nito ang pag-aalala.
"Bakit? Ikamamatay ko ba?"
"Hindi dahil sinabi sa bible na masama ang patayin ang sarili, pero masarap kayang mabuhay, Jaq."
Hindi ako kumibo at naghithit na lamang ako ng sigarilyo na malapit ng maubos.
"Masarap? anong lasa?"
"Kahit gaano kapait minsan ang pinaparanas sa'yo ng mundo, hindi ka dapat mawalan ng panlasa. Kung napapaitan ka sa isang bagay sa buhay mo matuto kang palitan 'yon, huwag kang masanay sa iisang lasa lang. Dahil sa totoo lang masarap mabuhay, Jaq. Gano'n din kasarap ang magmahal...try mo sa'kin! Lasang strawberry!" biglang pagbibiro niya sa huli tapos natawa siya ng kaunti.
At bigla ulit siyang nagsalita pero ngayon ay seryoso na ulit.
"Life isn't as serious as the mind makes it out to be, Jaq." aniya.
Nagtagal kami ni Sining ng mahigit isang oras sa parke na halos puro lang siya pick-up lines ng pick-up lines sa akin na tinatawanan ko lang. Kinuwento ko rin 'yong paglinis ko sa bahay dahil akala ko pupunta siya...tapos ilang beses din niyang pina-alala na palagi siyang nandiyan para sa akin kapag kailangan kong sumaya. Inangkas niya nga ako ulit sa scooter niya at hinatid ako pauwi.
Pagpasok ko sa bahay, ibinato ko ang aking sarili sa kama at ini-angat ang aking dalawang kamay sa ere. Tinignan ko na naman ang aking mga peklat na tatagal sa loob ng ilang linggo pa.
Bakit ko nga ba hinihiwa ang aking sarili? Kasi 'yon lang 'yong tanging sakit na kaya kong kontrolin.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro