Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

Mga banatan

•••

Mabilis lang ang takbo ng panahon at malapit na rin ang midterm exam.



Sining Fedeli: Ginagawa mo?

Jaq: humihinga

Sining Fedeli: Sabi ko nga hehehe



Ilang linggo na rin kaming nag-uusap ni Sining tuwing gabi at na open-up ko na rin sa kaniya 'yong tungkol sa pamilya ko na hanggang ngayon hindi pa rin ako kinakausap ni mama...kinakampihan siguro 'yong magaling kong kapatid.



Jaq: sa tingin ko galit pa rin sakin 'yong mama ko dahil sa ginawa ko sa birthday ng kapatid ko

Sining Fedeli: Paano mo naman nasabi yan?

Jaq: feeling ko lang?



Isa pa ro'n ay hindi naman ako tinatawagan ni mama dahil ako palagi ang tumatawag sa kaniya.



Sining Fedeli: Walang magulang ang galit sa anak nila noh



Anong wala? Imposibleng wala! Meron at meron at meron 'yon sa buong mundo, isa na ako ro'n!



Jaq: sabi mo eh

Sining Fedeli: Sa tingin ko kabaligtaran eh, ang anak ang galit sa magulang nila.

Jaq: galit ka rin ba sa magulang mo?



Ang tagal bago siya nagreply sa akin.



Sining Fedeli: Hindi ah. Natatakbuhan ko sila kapag may problema ako o kaya kung malungkot ako.

Sining Fedeli: Susuportahan ka nila sa lahat ng bagay, ganon naman ang pamilya.



May anak na pumupunta sa magulang nila kapag malungkot sila? At umasa sa kanila para sa suporta? Tangina! Totoong buhay ba talaga 'yon? Mga gano'ng anak ay walang duda na napaka blessed!

Nilapag ko ang aking cellphone sa aking higaan dahil nawalan ako ng gana na kausapin si Sining at sa maayos niyang buhay. Lumapit ako sa bintana upang dumungaw sa kalangitan ngunit umuulan ngayong gabi kaya walang bituin sa langit maski buwan nakatago rin. Nagsindi ako ng isang stick ng sigarilyo, hindi ko alam pero gusto ko talaga ang maulan na panahon, feeling ko dinadamayan ako nito sa miserable kong buhay. Ang ulan ang umiiyak para sa akin. Iniiyak nito ang hindi ko kayang iyakin.

"Wazzup, senti boy!" bati ni Jorge sa akin pagkapasok niya sa loob ng aking munting tahanan.

"Teka...bakit mo ginamit 'yong payong na 'yan?" tanong ko sa kaniya sabay turo sa payong.

"Favorite color mo pala sky blue? Feminine side mo nakikita ko na hahahaha!" pang-aasar nito habang nilalapag ang payong na nakabuklat sa bandang pintuan.

"Lul, hindi akin 'yan."

"Ayieee may syota ka na, noh?" pang-aasar niya.

"Tanga, sa kaibigan kong babae 'yan, hindi ko pa sinosoli...kalimutan ko."

Nakalimutan ko isoli pero hindi naman pinapaalala kasi ni Salem, baka mamaya masira ko pa 'yan tapos ginintuang payong pa pala 'yan...mahal ang bili. Mukha pa naman mahilig sa mamahalin ang babaeng 'yon. High maintenance 'yon.

"Osya osya matutulog na 'ko at maaga pa pasok ko bukas!" ani ni Jorge sabay bagsak ng kaniyang sarili sa kutson.

Hindi ko na lamang siya pinansin at itinuon ko na lamang ang aking sarili sa bumubuhos na ulan sa labas.

May ibang taong dinadama ang ulan pero may mga tao ring nababasa lamang. Mayroong pagkakaiba sa dalawang 'yon at nararamdaman ko ang ulan kahit hindi ako nababasa nito. At kapag umuulan, iba ang nararamdaman ko. Nararamdaman ko bigla ang kalungkutan at pag-iisa. At 'yong mga pakiramdam na 'yon ang pinaka ayoko sa lahat dahil kapag nararamdaman ko ang kalungkutan at pag-iisa...gusto kong maglaslas. Pero sa tuwing iniisip ko 'yon parati na lang may istorbo. Palaging may umeeksena na para bang alam niya 'yong oras kung kailan ko gagawin ang bagay na 'yon.

Bigla akong natauhan no'ng biglang tumunog ang notification ringtone ng cellphone ko. Lumapit ako sa aking higaan at kinuha ito, agad kong tinignan ang notif at isang message na naman mula kay Sining ang natanggap ko.



Sining Fedeli: The rain will stop, the night will end, the hurt will fade. Hope is never lost that it can't be found.



Pinagsasabi na naman ng isang 'to?



Jaq: tapos?

Sining Fedeli: Let the rain wash away, all the pain of yesterday.

Jaq: AMEN.

Sining Fedeli: Sana ulan ka at lupa ako para kahit gaano kalakas ang patak mo, saakin pa rin ang bagsak mo. Ayieeee!



Natawa ako ng mahina pagkabasa ko sa banat niya kasi paano 'yong ibang ulan na bumabagsak sa bubong ng bahay?



Jaq: Korni mo

Sining Fedeli: Kailan ka ba kikiligin sa mga banat ko? Huhuhu! :'(

Jaq: Kapag tumigil ka na



Maya-maya bigla na lang nagring ang ringtone sa messenger ko...ringtone na kapag mayroon tumatawag sa messenger.

Sining Fedeli is caling you...

"Sasagutin ko ba o hindi?" mahina kong tanong sa aking sarili.

"Sagutin mo kung chixx mo 'yan!" sigaw ni Jorge sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.

"Gising ka pa pala..."

"Sagutin mo na! Hindi dapat pinaghihintay ang mga babae!" sambit niya pa at muli ng ipinikit ang kaniyang mata sabay talukbong ng kumot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya sinagot ko na lang 'yong tawag.

"Bakit?" bungad ko pagkasagot.

[Huhulaan kita...]

"Hindi mo pa rin titigilan 'yang kalokohan na 'yan, ano?"

[Susuwertihin ka sa pag-ibig ngayong taon...'pag naging akin ka!] narinig ko ang mahinang halakhak niya mula sa kabilang linya. Napangisi rin ako na may pag-iling-iling pa at sabay hithit ko sa aking yosi.

"Bakit bibigyan mo ba ako ng pera at house 'n lot?" pagbibiro ko.

[Pag-iipunan ko basta ba ako na hanggang sa huli?]

"Hay, nagbago na isip ko...huwag na lang pala."

[Paano ko ba papatunayang mahal kita? Tatawid ba ako sa alambre? Susungkitin mga bituin? O aakyat sa pinakamataas na bundok? Mahirap 'yon! Ganito na lang...hawakan mo na lang ang puso ko para mapatunayan kong sa'yo lang ang buhay ko. Okay ba 'yon?]

Napa-isip ako sa sinabi niya at ibinato ang upos ng sigarilyo sa labas ng bintana. Hindi ako nag salita kasi walang pumapasok sa isipan ko kung ano ba dapat kong sabihin sa walang kuwenta niyang banat.

[Huy! Nandiyan ka pa ba? Gising ka pa ba? Are you okay?]

Tigilan mo na ang pagtatanong kung ayos lang ba ako, pagod na ako magsinugaling.

"Okay lang ako...bakit?"

Siguro masyado lang akong kumplikado para mahalin ng kahit sino.

[I feel hindi ka okay, Jaq.] She paused for a second pero nagpatuloy rin agad.

[If ever you feel terrible about your life...talk to me, I'll be your listener. But If you don't want to talk to me, write it, I'll be your reader. Iintindihin ko lahat ng mga salita mo sa kahit anong paraan pa.]

"Pfft! Sa school nga tamad ako magsulat, eh."

[Well, kung gano'n man, tell me your thoughts na lang.]

"You wouldn't like it, my thoughts are wild and my soul is too dark for you."

Nagsindi muli ako ng isa pang stick ng sigarilyo na kinuha ko sa kaha na nakatago sa bulsa ng suot kong short. Kung may iba pa, sigarilyo lang ang nagpapakalma sa akin at wala ng iba.

[Try me.] aniya.

"Lahat ng tao ay may mga sugat o peklat na ayaw nilang pag-usapan, Sining."

[If you ever feel that way, I'll make you happy. I'll help you, I will gladly help you.] sabi niya at naiisip ko na nakangiti siya ngayon habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

Napangisi na lamang ako at sinabing, "Okay.", sabay pinatay ang tawag kasi ten-thirty na ng gabi at maaga pa ang klase ko bukas.

Bumalik ang aking atensyon sa pumapatak na ulan sa labas at ang usok na binubuga ko dahil sa paghithit ng sigarilyo. May kasabihan kasi na cigarettes are food for the broken souls. Muntik ko na naman ulit maisipan na sugatan ang aking sarili kanina...kung hindi lang nag iba ang ihip ng hangin. Napatingin ako sa aking cellphone dahil sa message na nagpop-up na galing na naman sa kaniya.



Sining Fedeli: Paki off ang mga phones niyo ng 10:30 PM ngayong gabi hanggang 3:30 AM kasi malakas ang radiation dahil sa cosmic rays, nuclear atomic ng pagmamahal ko sa'yo. Binalita ni kuya kim at ng BBC sa tv. Delikado ito. At wag niyong isama/itabi ang phone niyo sa pagtulog...pwede naman ako na lang. Pakipasa po sa lahat para alam nila na mahal kita. #GOODNIGHT



Natawa ako sa aking nabasang kakaibang chain message kahit na tapos ko ng basahin ang mensahe, eh, hindi pa rin mawala-wala 'yong ngiti ko sa aking labi.

Kinakabahan na 'ko, ngumingiti na 'ko sa mga banat niya.

•••

Nandito kami ngayon sa library ng school upang magresearch at matapos na namin 'yong pinaparevise na docu sa amin sa capstone na panigurado, eh, ipapa-revise ulit sa amin ng ilang beses pa.

"Pambihira! Basahin niyo!" reklamo ni Niccolo at pinakita sa amin ang isang chat sa kaniya ng isang babae kagabi dahil do'n sa shout out ni Seb no'ng foundation.



Lyn Cay Joy Olivares: Ilang taon ka na po?

Niccolo Nuevo: 21 ikaw?

Lyn Cay Joy Olivares: 16 po. pumapatol ka po ba sa bata?

Niccolo Nuevo: Oo suntukan gusto mo?



"Sana nag omegle ka na lang." sabi ni Lucas.

"Gawain mo siguro 'yon, noh?" pang-aasar sa kaniya ni Seb.

"Kapag bored lang tanga! Malay mo maka dekwat ng foreigner? Hahahaha!"

"Aysus para ano? makaahon sa kahirapan? Hahahaha!" pang-aasar ni Niccolo.

"Gagu kapag foreigner hanap gusto agad umahon sa hirap? Mga mindset niyo, eh, noh? pang-toxic! Pero puwede na rin." bwelta ni Lucas sa dalawa.

"Try natin next time mag omegle hahaha!" request ko sa kanila.

"Oo tapos record natin! Instant vlogger lang hahahaha!" dugtong ni Niccolo.

"Bakit hindi na lang tayo mag vlog? Tutal balita ko mas mataas ang kinikita ng vlogger sa YouTube kaysa normal na trabaho." sabi ni Seb.

"Wehh?" pagdududa ni Niccolo.

"Oo kaya! Ta's kapag naging vlogger na tayo ang intro natin, WAZZUP MGA WALANG KUWENTA! Nanonood na naman kayo ng walang kuwentang vlog! At panoorin niyo kung paano kami kawalang kuwenta dahil gagayahin namin ang content ng ibang vlogger! Yown!" sambit ni Seb.

"Kingina nito parang may pinapatamaan pota...g na g lang?" tanong ko sa kaniya.

"Minsan, peste kasi mga ads, eh!" sabi ni Seb.

"Gawin na nga lang muna natin 'to! Nakakasawa na magrevise ng magrevise, eh." sambit ko sa kanila habang binabasa 'yong nakasulat sa pinaprint naming chapter 2 at 3 na pinapa-revise na naman kasi.

"Bawat revise, revise ulit! Baka si sir na 'yong may mali? Sinunod naman natin 'yong pinapabago niya no'ng nakaraan, ah? Tapos mali pa rin? Nagkakalokohan na yata tayo rito, eh!" wala talagang araw na hindi nagrereklamo si Seb sa lahat ng bagay.

"Hi, Jaq!" isang masiglang pagbati mula kay Sining ang umagaw sa aming atensyon.

Umupo siya sa tabi ni Lucas kung saan katapatan ko, nagpangalumbaba siya at nakangiting nakatingin sa akin.

"Alam mo ba na life is short, so flirt with me." bulalas ng mapangbola niyang bibig.

"Wow anong oras pa lang, ah? Masyado pa yatang maaga para mangharot, noh?" bigkas ng naiiritang si Seb.

"Tigilan mo na 'yan...kung maging kayo man, iiwan ka rin niyan ni Jaq." sambit ni Lucas.

"Alam ko na 'yan kaya huwag kang spoiler." sagot ni Sining kay Lucas.

"Un-crush mo na, hindi naman magiging kayo niyan." sabi ni Niccolo.

"Ayoko nga...I think my love for him is all worth it." sabi ni Sining habang nakangising nakatingin na naman sa akin.

"Alam mo rin ba Sining..." saad ni Niccolo kaya napatingin sa kanya si Sining.

"Ano?"

"May kasabihan nga 'di ba, Stop chasing people, If ayaw sa'yo, puwedeng ako."

"No thanks...I want Jaq."

"Ayaw niya nga sa'yo, eh!" sabat ni Seb sa kanila.

"Ayaw mo ba sa akin, Jaq?" malungkot na tanong ni Sining pero hindi ko na lang sila pinansin bagkus naka focus lamang ako sa hawak-hawak kong mga papel.

Ilang minuto rin na naging tahimik sa aming puwesto at kaming apat ay nagpanggap na seryoso sa aming ginagawa.

"Mukhang busy kayo, osya makaalis na nga." sambit ni Sining at tumayo na sa kaniyang pagkaka upo.

"Oo nga pala..." huminto siya saglit at napatingin kami sa kaniya pero nakatitig siya ulit sa akin.

"Pag may naghanap sa'kin, sabihin mo nasa'yo na ko." sambit niya at sabay naglakad paalis.

"Pambihirang babae...hindi mo ba talaga papatulan 'yon, Jaq?" tanong ni Niccolo sa akin.

"Hindi."

"Bakit? nagtataka lang talaga ako sa'yo." sabi ni Seb at nagpangalumbaba habang tinitignan ako.

Hindi ko pa rin sila tinitignan at nakafocus lamang ako sa aking ginagawang pag-re-revise.

"Kasi gano'n talaga." sambit ko.

"Anong gano'n talaga?" tanong ni Lucas.

"Gusto ko siya pero hindi 'yong...love-love level."

"Taragis na 'yan, ang arte mo naman! Kung kailan nandiyan na ayaw mo?" reklamo ni Niccolo.

"Okay naman si Sining, ah?" sabi ni Lucas.

"Sabi ko nga 'di ba gusto ko siya pero hindi 'yong in love..."

Kasi paano mo mamahalin ang isang tao kung hindi mo naman mahal ang sarili mo? Gusto ko ay maayos 'yong sarili ko, 'yong relasyon ko sa pamilya ko at sa sarili ko. Ayoko pa magmahal kung ganito pa ako ka kumplikado.

"Dami mong alam, ha, pero bahala ka sa buhay mo, malaki ka na!" sabi ni Seb sa akin.

"Pero f.y.i, okay kami kay Sining. Kung magka intensyon kang ligawan siya, ayos lang sa amin. Tutulungan ka pa namin!" masayang sabi ni Niccolo.

"Wow, Salamat ha?"

"Pero gusto namin 'yong mga katulad ni Sining 'yong ugali, ah! 'wag kagaya kay Xowie! Mahirap pakisamahan 'yong gano'ng attitude!" saad ni Seb.

"Mas lalong ayoko rin no'n! Ayoko sa maarteng, matalino!" sabi ko.

"Mabuti naman! Dahil ayokong isa sa inyo ang manakit sa damdamin ng pinsan ko! Lalo ka na Seb!" bwelta ni Niccolo.

"Bakit ako?" pagdepensa ni Seb sa sarili.

"Kasi napi-feel ko na may gusto ka kay Xowie!"

"Ako? magkakagusto do'n? Patayin mo na lang ako! Hindi nga kami nagkakasundo no'n! Atsaka ayoko sa mayaman na maarte rin! 'tsaka hindi naman nasasaktan damdamin no'n! Immune 'yon, eh!"

"Ah, basta! Papatayin talaga kita kapag nangyari 'yon!" banta ni Niccolo.

"Madalas sa mga nababasa at napapanood kong love story...kung sino pa 'yong hindi nagkakasundo, sila pa 'yong nagkakatuluyan sa huli." saad ni Lucas.

"Kakapanood mo na naman 'yan ng kdrama sa netflix kasama 'yong ate mo, noh?" pang-aasar ko kay Lucas.

"Please! This is the library. Respect the place and keep your voices down, you can interrupt the other students. This is a warning." mataray na saway sa amin no'ng masungit na librarian.

"Sorry po..." sabay naming apat na bigkas.

•••

Pagkatapos ng research namin sa library dumiretso kami sa cafeteria, sa paborito naming puwesto, nakita ko sila Salem at Maki na naka upo ro'n.

"Wala kang date ngayon?" tanong agad ni Niccolo kay Salem dahil tuwing lunch time bihira lang siya rito kumain dahil palagi siyang may date sa labas.

Umupo kaming apat sa aming paboritong puwesto. Tinabihan ni Niccolo ang dalawang babae at kaming tatlo naman ang nagsiksikan.

"I'm dating myself. I take myself out to eat. I buy myself clothes. I love me." sabi ni Salem sa kaniyang pinsan.

"Wow! Self love, tama 'yan." sambit ko at nanguna ng kumain sa binili kong sisig.

"Musta na pala 'yong nakaaway mo no'ng isang araw?" tanong ni Seb kay Salem.

"Eh di ayon, nakatanggap ng sampal mula sa akin." mataray niyang sagot.

"Tapos nagsumbong 'yong babae sa guidance." sabi ni Maki.

"Oh? Nagkarecord ka sa guidance?" tanong ni Niccolo kay Salem.

"It's okay, warning lang naman. At least I got my revenge, mas dama 'yon."

"Kakaiba ka talaga...isa ka talagang amazona na naligaw sa siyudad!" sabi ni Seb.

"Well, walang humihingi ng opinyon mo." sabi ni Salem kay Seb.

"Luhh, hindi naman ikaw kausap ko! Assumera ka?" pag sisinungaling ni Seb para hindi mapahiya.

Lumapit si Lucas kay Seb, tipong may ibubulong sa kaniya.

"Kapag may galit sa'yo, galitin mo pa lalo." rinig kong payo ni Lucas kay Seb.

"Siraulo, baka inglesin ako bigla-bigla ng babaeng 'yan, anong laban ko ro'n?" pabulong na saad ni Seb kay Lucas.

Nakatingin lamang kaming apat sa dalawa na para talagang seryoso ang pinagbubulungan nila na medyo rin may kalakasan, 'yong tipong rinig din namin.

"Aware ba kayo na naririnig kayo?" tanong ko sa dalawa at napatingin sila sa amin.

Dahan-dahan silang umupo ng maayos at tahimik na kumain na lang ulit.

"Na-cu-curious lang ako sa inyong mga lalaki...ano ba 'yong gusto niyo sa isang babae?" biglang tanong ni Maki sa gitna ng aming pag lamon sa aming mga pagkain.

"Iyong simple lang. Sweet, mabait, responsable, matalino gano'n..." sabi ni Lucas.

"Plus point kung funny! 'yong para bang happy pill! 'yong hindi ka mababagot...tapos mabango! Kailangan mabango!" sabi ni Niccolo.

"Hindi mo kailangan ng happy pill kasi tumatawa ka naman mag-isa." buwelta ni Salem sa kaniyang pinsan.

"Gagu, hindi ah!" saad ni Niccolo.

"Nako! Alam mo Maki, hindi talaga 'yan ang tipo ng mga kalalakihan, eh. Ang totoong tipo naming mga lalaki ay 'yong mga maganda, sexy, malaki boobs tapos matambok 'yong pwet o 'di kaya 'yong mabalakang!" sabi ni Seb.

"Very into physical appearance, ah?" sabi sa kaniya ni Maki.

"Huwag kang maniwala diyan, hindi talaga gano'n! Mga tipo lang ni Lance 'yon. Hindi dapat bumabase sa itsura, dapat sa ugali at kung paano siya makitungo sa kapwa." ani ni Lucas.

"Swerte na lang kung gano'n nga ang makita mo sa isang babae kasi may kilala akong gan'yan pero hindi marunong sa gawaing bahay." sabi ko at hindi ko inaasahan na tumingin kay Salem.

"Bakit sa akin ka nakatingin? Sinasabi mo ba na wala akong alam sa gawaing bahay?" pagtataray nito sa akin.

"Wala akong sinabi at binabanggit na pangalan, ah! Huwag kang self-proclaimed para hindi ka pa-victim!"

"Puwes marami akong alam sa gawaing bahay, gusto mo turuan kitang magdabog?" aniya na natawa ako.

Mahirap talaga makasundo ang ugali ni Salem, para siya laging may dalaw ng menstruation niya. Sino namang lalaki ang tatagal sa gan'yan? Well, She's a little bit of heaven with a wild side. Tama, gano'n nga si Salem simula no'ng una namin siyang makilala.

"Anyways, let's change the topic kasi nag aattitude na naman ang isa d'yan sa tabi-tabi..." pagpaparinig ni Seb pero inirapan lamang siya ni Salem.

"Naalala ko tuloy...kaninang umaga may nagsalpukan na jeep sa tapat ng bahay namin!" biglang pagkwento ni maki.

"Ohh?" pagkagulat namin.

"Nakaka awa nga, ang daming patay pero mas naawa ako sa lalaking gumagapang na lumapit sa driver tapos sabi niya...manong 'yong sukli ko sa bente." pagkatapos mag kuwento ni Maki siya lang ang tumawa.

"Sorry, 'di na mauulit." sambit niya at humigop na lang sa kaniyang hawak-hawak na shake.

"Hindi dapat ginagawang biro 'yan, kasi kapag naaalala ko ang mga araw na magkasama tayong dalawa, ngiti at luha sa aking mga mata, gano'n na pala tayo dati kasaya..." pagdadrama ni Seb na nakuha niya lang siguro sa mga spam comments sa facebook.

"Hays, drama mo!" sigaw sa kaniya ni Niccolo.

"Madrama ako? kapag ikaw namatay hindi kita iiyakan, tanga!" pananakot ni Seb kay Niccolo.

"If I die, don't cry. Look at the sky and say---"

"Buti tinanggap ka d'yan." bwelta ni Seb na hindi pinatapos si Niccolo sa kaniyang sasabihin.

"Pakyu! Sasabihin ko sana, Ang gwapo mo! Panira kang hinayupak ka!" tanging sabi ni Niccolo pero patuloy kami sa pagtawa.

Iba talaga ang saya kapag kasama mo 'yong mga kaibigan mo.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro