Kabanata 14
Foundation day
•••
Foundation day, ang pinaka masayang araw ng mga estudyante dahil walang klase at puro events sa loob ng isang linggo. Puwera sa aming mga I.T graduating student dahil ang daming alam ni sir vergario at nagpa exhibit pa ng mga prototype ng aming capstone project at kailangan makalikom kami ng isang daan ka-tao para sagutan ang isang daan na survey form.
"Taray ah, ang bilis niyo naman yata makalikom ng one hundred survey, eh, konti lang naman pumunta sa exhibit niyo kanina? Nabilang ko mga bente lang yata." sambit ni Salem.
Nandito kami sa may 7-11, malapit sa school. Mamimili ng mga dapat ibaon para sa free concert with parokya mamaya.
"Natural dinuga namin." sabi ko sa kaniya.
Magkaharapan kaming dalawa at sa may glass wall kami nakapuwesto, 'yong dungaw ang labas ng paradahan ng 7-11.
"Kami-kaming magkakaklase lang din ang nagtulungan tapos dagdag mo pa na sinulat namin pati kamag-anak namin do'n sa survey para maubas na agad! Sinulat ko pa nga rin 'yong kamag-anak kong patay na, eh!" sabi ni Seb, ta's maya-maya parang nagdadasal na siya, "Salamat tito elias! Pagpalain ka nawa diyan. Amen." Sambit nito at nagsign of the cross pa nga.
"Hay nako, cheaters." maarteng bigkas ni Salem.
"Hello! May estudyante bang hindi nanduduga? Atsaka ang tawag do'n teamwork!" sabi ni Niccolo.
Anim kami at hinati namin ang isang pwesto sa tatlo. Katabi ko sina Seb at Lucas. Si Salem, Maki at Niccolo naman sa aming harapan.
"Bumili na nga kayo, look ang haba nang pila!" reklamo ni Salem sabay turo sa pila na nasa counter.
"Bili niyo na lang ako...kahit ano." sabi ko kina Seb no'ng patayo na sila sa upuan.
"Eh ikaw Xowie, hindi ka bibili?" tanong ni Lucas.
Naglabas lang siya ng limang daan at ibinigay kay Maki.
"Tinatamad ako pumila...masyadong nakakainip kasi. Ayan libre ko na 'yong mga bibilhin niyo."
"Kingina! 'yan gusto ko sayo Xowie napaka buti mong tao! hulog ka ng langit minsan!" sambit ni Seb.
Napatingin ako kay Salem na naka tingin sa apat habang nakapatong ang dalawa nitong kamay sa mesa at hawak-hawak ang kaniyang camera.
"Hulog talaga ako ng langit, ikaw lang naman 'yong mukhang ibinangon mula sa lupa." sabi niya kay Seb.
"Tangina pasalamat ka ililibre mo kami!"
"Salamat." mapang asar na ngiting sabi ni Salem.
"Tara na! tara na! 'yong malaking tubig na bilhin natin tapos paper cups." sabi ni Niccolo habang nangunguna ng maglakad papunta sa aisle ng mga inumin.
"Arte, kahit wala ng paper cups puwede naman tunggain na lang!" rinig naming reklamo ni Seb habang lumalayo sila sa puwesto namin.
Napatingin ako kay Salem na tinitignan 'yong camera niya.
"Kumusta na lovelife mo? may panglabing tatlo na ba?" tanong ko sa kaniya. Mema topic lang.
"Bakit, gusto mo ikaw na lang 'yong pang labing-tatlo?" sambit niya habang nakatingin pa rin sa camera.
"Asa." tumingin na lang ako sa labas kung saan kita ang mga nakaupo sa side walk malapit sa parking ng 7-11. Tanaw rin ang mga dumadaan na mga sasakyan at truck sa kalsada.
Nakafocus lang ako sa mga dumadaan na sasakyan ng biglang may narinig akong capture sound ng isang camera.
"Luh, burahin mo 'yan!" sambit ko habang inaagaw 'yong camera ni Salem pero 'di ko na rin pinilit kunin kasi nakakawala ng enerhiya 'yon.
"Ang senti mo kasi...akala mo pasan mo lahat ng problema sa mundo. Emo ka?" sabi niya sa akin sabay pinakita 'yong kuha niya.
Naka black and white filter ito at blur 'yong background, kumbaga sa akin lang ang focus nito. Maganda ang kuha niya puwede na ngang pang profile picture.
"Hmm, send mo sakin 'to, i-po-profile pic ko sa fb." sabi ko sa kaniya habang tinitignan pa ang iba niyang mga kuha na halos mga stolen picture ng mga 'di ko kilalang tao. Mga batang lansangan, mga estudyante, mga nagtatrabaho sa mall, mga construction worker, mga matandang nagtitinda ng yosi sa kalsada at matatandang nakaupo sa balkonahe... basta iba-iba at halos lahat ay nakafilter na black and white.
"Bakit black and white? Ayaw mo ba ng makulay?" tanong ko.
"Good question sa isang katulad mong hangal."
Tangina talaga ng babaeng 'to sana pala hindi na ako nagtanong para hindi ako matawag na hangal.
"...kasi I use to think dati na if you live in a black and white world, you'll suffer a lot. Pero I don't believe that anymore." wika niya.
"Bakit naman?"
"As you can see, black is silent but it tells deep meaning without saying any words. At syempre black is chaotic and there's beauty in every chaos." Napahinto siya saglit at nagpatuloy, "Kaya I prefer black and white kasi in every bad there's always good, and every good there's always bad, parang yin yang effect."
"Hays, ganiyan siguro kapag art student, noh? masyadong malikhain sa salita."
"F.Y.I. Hindi ako magaling sa mga salita kaya nga pinili ko ang photography kasi pictures speaks for itself."
"Hindi ko akalain na nagsasalita ang mga larawan."
"Ha-ha-ha, Pilosopo ka?"
Gamit ang camera niya, kinuhaan ko siya ng litrato na hindi naka black and white filter. Seryoso lang ang kaniyang tingin sa lense ng camera na parang pokerface pa nga.
"Tignan mo, ang ayos ng kuha ko, 'di ba?" pinakita ko sa kaniya ang picture na kinunan ko.
"Napaka plain."
"Huh? Hindi kaya! Maayos naman kuha, ah? hindi blurred."
"Plain. Alam mo kung bakit? Kasi you don't feel any connections sa subject mo, you're not emotionally attracted."
"Ano 'yan, love confession? gusto mo ba ako maging panglabing tatlo mo?"
Hinablot niya sa akin 'yong camera niya habang nakataas ang isang kilay at mataray na nakatingin sa akin.
"Alam niyo naman na tatlo lang talaga ang naging boyfriend ko sa univ, issue lang 'yong siyam. Mygosh!" naiinis niyang saad.
"Ano ba kasi kuwento do'n sa siyam?"
"Mga kaibigan ko lang 'yon, classmates, groupmates at hindi niyo man alam pero kasali kayong apat sa nachichismis sa akin...even Niccolo! Like, no way! Incest 'yon and that's not morally right!" maarte niyang sambit.
"Kingina nadamay pa kami pota hahahaha!"
"Hindi ko rin maintindihan ang mga tao. Mali bang maging kaibigan ang mga lalaki kapag babae ka?" nakapangalumbaba siya at nakatingin sa akin na kalmado na ang facial expression, hindi na nagtataray.
"Siguro kasi sa tingin ng iba hindi puwede maging magkaibigan lang ang babae at lalaki...parang gano'n?"
"Bullshit...kayo nga matagal ko ng kaibigan."
"Kailan mo kami naging kaibigan? Hindi yata kami nainform."
Umiling-iling na lang siya at ako ay mahinang natawa.
"Bakit hindi black and white?" tanong niya no'ng tinignan niya ang picture na kinunan ko sa kaniyang camera.
"Hmm, kasi para sa akin, in a world of black and white, you're in screaming color. Atsaka I prefer living in color." I paused at nagpangalumbaba, "Kagaya nga ng sabi mo, if you live in a black and white world you're gonna suffer a lot, kaya why stay in a world that only gives you suffering?" dugtong ko.
We don't live in a world that is black and white. Life's not black and white, It's gray. If you don't fight in the gray area, you're going to lose. Kaya nga life is like a war zone, madaming puwedeng magtraydor sa'yo kaya kailangan mong maging isang malakas na sundalo para sa sarili mo.
"Mukhang nagkakamabutihan kayo, ah?" pang-aasar ni Lucas at biglang lapag ng pinamili nila sa mesa.
"Lul." sabi ko.
"As if." bigkas ni Salem na halos sabay lang kami ng timing, napatingin pa nga ako sa kaniya kaso sa mga paper bag siya nakatingin.
"Osya gora na us, mag aalas syete na!" sabi ni Maki.
•••
Nakahanap kami ng magandang puwesto sa tabi ng malaking puno at sa mahabang upuan na gawa sa bakal. Gaganapin ang free concert dito sa field ng school at naka set up na rin ang stage.
"Nakabili kayo?" pabulong kong tanong sa tatlo.
"Oo, kaso kailangan natin makahiram ng pampalobo mamaya." pabulong na sagot ni Seb.
"Ikaw na, marunong ka naman sa blow job." pagbibiro ni Lucas.
"Pakyu, kadiri ka! Hayup ka!" inis na sambit ni Seb at sabay sinuntok si Lucas sa braso na may kalakasan.
Nagtawanan kaming tatlo dahil parang guilty si Seb pero syempre biro lang 'yon.
"Mamaya hiram kayo do'n sa mga com-sci..." sabi ko kina Niccolo, close naman namin 'yong mga com-sci dahil naging classmate naman namin sila no'ng NSTP 2 no'ng second year.
Nasa kaliwa kong banda nakapuwesto ang dalawang babae, katabi ko si Salem. Sa kanan naman banda ang tatlong kumag, katabi ko si Lucas at napapagitnaan nila si Seb. Ayan ang seating plan namin ngayon at sinabi na ba namin na nakatungtong kami sa bench dahil puro nakatayo ang nasa harapan namin, hindi tuloy maganda 'yong view kapag nakaupo kami.
"Mamaya na natin palobo 'yan kapag parokya na." sabi ni Lucas.
"Osige sige." pagsang-ayon naming tatlo.
Halos alas otso na at hindi pa rin nagsisimula ang event. Sila Maki at Salem kanina pa kumukuha ng mga pictures tapos kami naman kanina pa chibog ng chibog sa pinamiling chichirya.
"Mauubos na natin 'to hindi pa nagsisimula 'yong concert!" sabi ko habang ngumunguya ng Nova.
"Tagal naman ng front act!" bulalas ni Niccolo habang ngumunguya ng Fishda tapos si Lucas naman kumakain ng Piattos, si Seb Oishi na maanghang.
"Lance! Lance!" pagtawag kay Seb ng dalawang lalaki na BS Engineer, halata sa suot nilang course shirt.
"Bakit?"
"Mag vocals ka muna para sa opening...wala pa si warren, eh." sabi no'ng lalaki na kakilala siguro ni Seb.
"Yown! Sige sige!" masayang saad ni Seb at sumunod sa dalawa.
"Saan pupunta 'yon?" tanong ko.
"Gagu mukhang magti-threesome sa cr hahahaha!" pabulong na biro ni Niccolo.
"Tangina nito kadiri ka!" sabay batok sa kaniya ni Lucas, "Sana hindi sila mabuking hahahaha!"
Lahat ng tao ay nagsipag-ayos nang upo no'ng umakyat na 'yong dalawang MC sa stage na nakasuot ng course shirt nilang pang BS Educ.
"Good evening, everyone! Tonight is a special night that we know all of you have been waiting for. Are you excited to see Parokya Ni Edgar?" panimula ng babaeng MC.
"YEEEEEEEEESSSSS!" sigawan ng mga estudyante.
"DAMING SAT-SAT ILABAS ANG PAROKYA!" sigaw naming tatlo.
"But before that, let us enjoy a lovely performance by some of our classmates from the third year and fourth year. They've prepared a wonderful song for you all. Let us give a warm applause to the first performer, Three of hearts!" sambit naman ng lalaking MC.
"BOOOOOOO!" sigaw namin tatlo sa unang front act. Mga third year ang mga ito at mula sila sa kurso ng business major.
"Gusto niyo? kuha lang kayo." alok ko ng nova kina Salem at Maki na kanila namang kinuhanan ng madami.
"Kumuha lang kayo hindi ko sinabing kunin niyo lahat!" reklamo ko pero nag behlat lang sa akin 'yong dalawa.
"Tsss...mga babae talaga." pabulong kong bigkas.
Kinanta ng unang banda ay Mundo by IV of spades. Maganda naman ang pasok ng vocals nila at napapasabay pa sa pagkanta ang karamihan ng mga estudyante dahil sikat nga rin ang kantang ito ngayon. Madaming mga magsyo-syota ang akala mo, eh, valentine's day ang event kahit august pa lang naman...mga magkahawak kamay pa at patong ng ulo sa balikat. Parang mga ewan, public display of kadugyutan.
"Hays, maghihiwalay rin ang mga 'yan...sigurado ako." tukoy ni Niccolo sa magsyota na nasa harapan namin.
"Inggit ka lang, eh." parinig ni Salem.
"Wow, baka ikaw 'yon? Wala ka bang ka-fling ngayong gabi? Nasaan na 'yong mga athletes mo?" pang-aasar ni Niccolo sa pinsan niya.
"Ha-Ha-Ha! please, I prefer being single."
"Ohhs? 'di nga?" sabay namin tatlong bigkas kay Salem dahil nakakapanibago ang sinabi niyang iyon.
"Wala kang maloloko rito!"sambit ko.
"Mukha ba akong nagloloko?"
"Ngayong gabi lang ba 'yan? Hahaha!" sambit ni Lucas.
Inirapan lang kami ni Salem at tinuon na lamang ang pansin sa kaniyang hawak-hawak na camera.
"Hoy fling nga lang kasi 'yong iba! Tamang landian lang, gano'n! hahaha!" pagbibiro rin ni Maki sa kaibigan niya at nakatanggap ito ng death glare.
"Sorry, sorry, Xowie biro lang hahaha!" paghingi nito ng pasensya habang naka peace sign.
"Limutin na ang mundo, nang magkasama tayo.... sunod sa bawat galaw, hindi na maliligaw..." pagtatapos ng awitin ng nagtatanghal.
"Mundo'y magiging ihaw!" sigaw naming tatlo.
"Ilabas niyo na ang PNE! PAROKYA NA!" sigaw ni Niccolo.
Pero syempre kumanta pa sila ng isa...kanta pa ni Karlos Labajo na Buwan ang kanilang sunod na itinanghal, abuso sila masyado.
At 'yong mga magsyo-syota akala mo moment nila itong gabi na 'to dahil bukod sa pagiging asukal sa isa't isa, eh, kulang na lang maglampungan sila sa gitna.
"TAMA NA! MAY MGA SINGLE RITO! PARANG AWA NIYO NAMAN! STOP NA! GUSTO KO LANG MANOOD NG PAROKYA NG MASAYA POTA!" Todo sigaw ni Niccolo.
"Gagu!" bulalas namin ni Lucas sa kaniya. "Baka mapaos ka niyan bukas kakasigaw mo hahaha!" dugtong nitong sambit.
"MAG BEBREAK DIN KAYO! WALANG FOREVER!" hirit pa ni Niccolo at tinawanan lang namin siya.
"Hahahaha ampalaya pota!" sabi ko kay Niccolo, inabot ko talaga siya para mahampas 'yong likod niya.
"Kingina kasi mga naglalambingan sa harapan ko! Hustisya sa walang kalambingan, nakakaselos kaya!"
"Siraulo!" sambit ni Lucas.
Iyong dalawang dalaga naman busy sa pagkuha ng mga litrato gamit ang camera nila. Nagmasid-masid din ako sa palagid...bigla ko na lang naalala si Sining, nandito kaya siya?
Panay ang hanap ko sa paligid pero wala akong nakitang Sining kahit saan.
"Hinahanap mo?" tanong ni Lucas.
"Si Sining, noh? Ayieee!" pang-aasar ni Niccolo.
"Tanga...si Seb hinahanap ko!"
"Nakikipag threesome nga sa cr!" sabi ni Niccolo.
"Namo hahahaha!"
Patuloy pa rin ang awitin. Masyadong eyesore talaga 'yong mga naglalambingan na magsyo-syota sa harap...swertehan na lang kung magmamahalan sila hanggang sa huli kasi bihira lang 'yon. Parang nasa mood akong magyosi ngayon pero hindi puwede, tangina.
Sinilayan ko sina Lucas at Niccolo na nakikisabay sa awitin...gano'n din sila Maki at Salem habang binibidyuhan ang pangyayari gamit ang cellphone nila.
"Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan...pakinggan mo ang aking sigaw, sa dilaw na buwan..."
Pagkatapos ng performance na iyon madami ang nagpalakpakan at humiyaw, puwera na lang siguro sa akin at kay Niccolo.
"LAST NIYO NA 'YAN, AH! HUWAG NA KAYO UMULIT!" sigaw ni Niccolo.
Bumalik ang dalawang MC sa stage at binati ang pagtatanghal ng grupo kanina.
"Thank you for that wonderful performance, three of hearts. Do you want more?" sabi ng babaeng MC.
"YEEEESSS!" sigaw ng mga estudyante.
"ILABAS NIYO NA 'YONG PAROKYA! PARANG AWA NIYO NA!" sigaw ni Niccolo.
"Let's give a warm round of applause to our second performer, The lodi!" pagpapakilala ng lalaking MC sa ikalawang magtatanghal.
"BOOOOOOOO!" sigaw namin kahit wala pa sa stage 'yong grupo, pero syempre mas madami 'yong humihiyaw.
Nang tumungtong na sa entablado ang nabanggit na grupo may pamilyar na mukha kaming nakita.
"Luhh, Gagu, bakit nandoon 'yong kupal na 'yon?" pagkabigla ko dahil nasa entablado si Seb at hawak-hawak ang mic na nakapatong sa mic stand, 'yong tipong pang bokalista ang datingan.
"Ba't nandoon si Lance?" tanong ni Salem.
Nagkibit balikat na lang kami kasi hindi namin alam. Nag simula na ang grupo nila Seb na magtanghal. Isang awitin mula sa OPM band na Rivermaya, ang Kung Ayaw Mo, Huwag Mo.
Simula pa lang ng awitin, eh, nagpasikat na agad si Seb sa mala-pang bokalista niyang boses. Naghiyawan ang madaming babae dahil tulad nga ng sabi ko dati, maganda ang boses ni Seb na may tipong maaakit ka sa kaniya ta's idagdag mo pa na maappeal din siya kahit papaano sa mga babae, gagu lang talaga siya madalas.
"Hoy, ayon 'yong ex ni Lance, oh!" sambit ni Niccolo sabay turo sa lokasyon ng ex ni Seb kasama ang mga kaibigan nito na may hindi kalayuan sa stage ang kanilang puwesto.
"Gagu hahahaha!"
"Where?" tanong ni Salem.
"Ayon, oh, 'yong kulay itim 'yong t-shirt tapos mahaba 'yong buhok..." turo ko sa kaniya.
"Hahaha pinagsisisihan niya siguro ngayon kung bakit niya hiniwalayan si Lance!" sambit ni Maki.
"I don't think so, for sure nakatanggap na 'yong babae ng ilang vm galing kay Lance no'ng sila pa." saad ni Salem.
"Hindi kita mapipilit kung ayaw mo, 'wag mo akong isipin, bahala na...Hindi kita mapipigil kung balak mong, ako'y iwanang, nag-iisa..." pag kanta ni Seb sa harap with confidence and feelings pa nga yata.
"HOY! PATAMA BA 'YAN, HA!" sigaw ni Niccolo ng sobrang lakas kaya natatawa lang kami sa kaniya.
"MOVE ON, MOVE ON DIN PO!" dagdag niyang sigaw pero alam naman namin na hindi siya rinig ni Seb dahil medyo may kalayuan ang puwesto namin sa stage at malakas ang sounds mula sa naglalakihang stereo.
Piniktyuran nila Salem at Maki si Seb gamit ang kanilang camera at sina Lucas at Niccolo naman ay binibidyuhan ang performance ni Seb gamit ang kanilang mga cellphone.
"I-ma myday ko 'to mamaya..." sabi ni Lucas na para bang proud tropa.
Nakikisabay na rin ako sa pagkanta habang kumakain ng cheeze-it. Habang nakikisabay sa awitin, hindi ko pa rin mapigilan hindi libutin ang paligid ng field upang hanapin siya. Sayang naman kung wala siya rito para mag-enjoy.
Natapos ang unang kanta at malakas na hiyawan ang maririnig sa field.
"TROPA NAMIN 'YAN!" sigaw nila Lucas at Niccolo na akala mo sumali ng contest si Seb.
"Shout out nga pala sa mga tropa ko d'yan na sina Niccolo Nuevo, Lucas Pagal at Jaq Matteo...single pala sila paki add na lang po sa facebook tapos damay niyo na rin ako! Hahahaha!" anunsyo ni Seb sa harapan na para bang instant-plugging.
"Gagu, tapos 'di pa sinabi pangalan niya." wika ko.
"Paano kaya siya ma a-add niyan...gung-gong talaga." sabi ni Lucas.
"Baka sinadya niya 'yon kasi nandoon 'yong ex niya?" sambit ni Maki.
"Pero mukhang effective 'yong shout-out niyan. Mukhang magkakaroon kayo ng ka-chat niyan pag uwi, ah?" sambit ni Salem sa amin.
"Sana nga!" bulalas ni Niccolo, "At kapag meron nga, ililibre ko si Lance sa jollibee!" dugtong nito.
Bumalik ulit ang atensyon namin sa harapan dahil hindi pa tapos ang munting shout out ng aming instant-campus celeb.
"Atsaka shout out din pala sa nanay at tatay ko. Nay, Tay, sana palagi kayong masaya kung nasaan man kayo ngayon...lagi niyo lang tatandaan na mahal na mahal ko po kayo!" sabay hampas ni Seb ng tatlong beses sa kaniyang dibdib gamit ang kanan niyang kamay na nakapormang kamao, hinalikan ito at sabay turo niya sa kalangitan. "Buhay pa sila paki-tag na lang sa fb, Lolita Alejandres Jimenez at Severiano Jimenez!" dugtong niya. Madami ang nagtawanan, pati na rin kami.
"Gagu talaga pota."
"Hahaha ang witty nga, eh!" sabi ni Maki.
Sinisilayan ko lang ang mga kaganapan, 'yong mga tao sa tabi ko na nagtatawanan. Para bang 'yong black and white kong mundo binibigyan nila ng kulay.
Siguro...siguro lang. Hindi binibigay ng Diyos ang mga taong ninanais mo, pero ibinibigay niya sa iyo ang mga taong kailangan mo.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro