Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

Pagsasaya

•••

Simula na ang prelim week at bilang fourth year I.T student, hindi uso sa amin ang mga written exams, one seat apart at individual exams dahil more on system kami at by group 'yon palagi, tulad na lang ng exam namin ngayon sa robotics.

"Ang unang makatapos ng arduino obstacle avoiding car ang grade ay 100, ang mga susunod ay pabawas ng pabawas ng lima..." sabi ni sir contis sa harapan. "Magpasa kayo ng one-fourth tapos isulat niyo 'yong pangalan ng grupo ninyo at 'yong mga members." dagdag pa nito.

"Ako na gagawa nong sa one-fourth." sabi ni Niccolo dahil siya lang naman ang may yellow pad sa room namin. Siya ang naging source of yellow pad ng buong klase.

"Kami na bahala sa robot, ikaw na bahala sa codes, boss Lucas." sambit ko na sinang ayunan naman ni Lucas.

Ilang minuto rin bago namin matapos i-assemble 'yong obstacle robot pero hindi pa tapos si Lucas sa codes kaya hindi pa namin nate-test kung working na nga, kumbaga sa trial and error puro error pa nga.

"Hindi pa ba tapos 'yan, boss Lucas?" tanong ko.

"Hindi pa...may kulang pa. Hindi ko madali."

"Mukhang kailangan ang dating gawain, ah?" sambit ni Niccolo at siniko ng mahina si Seb sabay turo sa grupo na nakapwesto sa aming harapan.

Tumingkayad si Seb at Niccolo para silipin 'yong codes nila kuya ace, sila kasi 'yong nakapuwesto sa harapan namin at nakatalikod sila...sapat para makita 'yong screen ng laptop niya.

"May parang if else silang nilagay, pre." mahinang sabi ni Seb.

"If else?" tanong ni Lucas.

"Oo, sa condition yata 'yon parang...if, if else tapos else? basta pagkatapos ng unang void." 'di siguradong sambit ni Niccolo.

"Hoy! Bawal mangopya!" sita ni naldo na kagrupo ni kuya ace dahil nahuli niya sa akto ang dalawa.

"Sino nagsabing nangongopya kami, ha?" bwelta ni Seb.

"Ako! Kakasabi ko pa nga lang, bobo!"

"Una sa lahat, hindi kami kumokopya kumukuha lang kami ng ideya. Pangalawa, mas bobo ka!" sabi ni Niccolo.

Hindi ko na inawat 'yong dalawa kasi minsan may pagkamayabang talaga si naldo, mali pala, madalas pala siyang mayabang.

"Nangongopya pa rin 'yon bobo!" sabi ni naldo sa dalawa.

"Ikaw ang dami mong sat-sat, wala ka naman ambag d'yan! Kumakampi ka lang sa malakas para magkagrades, eh!" bwelta ni Seb.

"Pabuhat ka lang pala, eh!" pang-aasar pa ni Niccolo.

Buti na lang talaga lumabas ng room si sir at normal na rin sa amin 'yong mga ganitong eksena sa room. 'yong asaran tungkol sa pabuhat at kampi sa malakas magcode tapos sabihan ng bobo kasi minsan totoo naman.

"Bobo!" sabi ni naldo.

"Bobo ka rin hahahaha!" sambit ni Seb.

Okay lang talaga 'yong mga ganitong asaran sa room atsaka tropa rin naman namin si naldo, maaasahan siya pagdating sa code na nakukuha niya kay kuya ace. Atsaka kung may mauna man na matapos sa amin, kakalat na rin naman 'yong code sa room. Real life virus kaming mga I.T student.



if (distance >= distanceLeft){
turnRight();
moveStop();
}
else{
turnLeft();
moveStop();
}
}
else{
moveForward();
}
distance = readPing();
}



"Ayan, if else statement nga ang kulang." sabi ni Lucas.

"If pogi is less than Lance, print out panget hahahaha!" biglang pang-aasar ni Niccolo in I.T terms.

"else, si Niccolo 'yon, print out bobo." resbak ni Seb.

Pagkatapos madali ni Lucas ang code, nagtest-run ulit kami upang malaman kung working nga at kung talagang sakto ang delay time.

Pagkapasok ni sir contis sa room madami ang nagpaunahan magpacheck ng obstacle robot at kamalas-malasan ay pangatlo kami at nauna sila kuya ace.

"Mga bobo!" pabulong na bigkas ni naldo.

"Bobo ka rin!" mahinang sambit din namin bilang ganti.

"Osya osya, maupo na muna 'yong iba, inayos ko naman na 'yong one-fourth niyo tatawagin ko na lang 'yong bawat grupo." sabi ni sir kaya bumalik kami sa aming puwesto.

"After nito saan tayo gagala?" tanong ni Seb habang pabalik kami sa aming puwesto.

"Oo, gagu maaga pa!" pagsang ayon ko sa kagustuhan ni Seb kasi mag-aalas-dos pa lang.

"Gagala pa tayo, eh, 'di naman tayo na-stress sa prelim week." sabi ni Lucas.

Hindi naman talaga kami na-stress...'yong mob prog namin, system lang ng who wants to be a millionaire ang ipapacheck na tapos na namin gawin. 'yong sa capstone, sa finals pa 'yong defense no'n kaya 'di talaga kami na-stress ngayong prelim week, depende kung maisipan namin gawin ang capstone project para tapos na agad.

"Anong hindi? Ako nastress ako kahapon sa networking 2! Gagu sakit sa ulo 'di ko alam kung tama ba pinagsasagot-sagot ko!" inis na reklamo ni Seb.

"Ano ba pinagsasagot mo? Ang dali lang no'n, ah?" sabi ni Lucas sa kaniya.

"Wow! Sana lahat nadalian 'di ba? kinginang IP addresses 'yon parang mali-mali 'yong subnet mask ko kaya ayaw mag ping pota! Tapos GG pa nag-o-overlap! Hay nako naalala ko na naman ang masalimuot na pangyayari kahapon!" inis na sambit ni Seb.

"Tangina nito ang drama, ah! 'di ka kasi nag-aaral ng mabuti!" inis na bigkas ni Niccolo.

"Luhh, coming from you pa talaga, ah?"

"F4!" biglang pagtawag sa amin ni sir.

Binitbit namin 'yong robot at inilapag ito sa sahig, hindi na kailangan ang laptop dahil ang codes nito ay nakastore na sa mismong Arduino, kailangan na lang naming i-on ang robot.

"Sino nagsulat nito?" tanong ni sir sa amin kaya tinuro namin si Niccolo.

"Lance Sebastian Jimenez as Dao ming sinasabi bobo naman. Jaq Matteo as Hua Zi libag. Lucas Pagal as Xi Men Apocalypse. Niccolo Nuevo as pinaka poging nilalang..." medyo nanatawang pagbasa ni sir sa one-fourth namin.

No'ng marinig namin 'yon tawa ng tawa si Niccolo pero pinagsisipa at pinagsusuntok namin siya ng mahina.

"Osya, osya, patingin na ng gawa ninyo."

Pinaandar na namin ang obstacle car at buti na lang, eh, hindi nag last minute topak dahil nailagan nito ang mga harang na notebook, water bottle at isang bag sa isang round.

"Pangalan niyang toy car namin sir ay Wall-e na malupit kaya kang ipagpalit!" sabi ni Niccolo na nakatayo sa tabi ni sir.

"Dami mong alam Niccolo at dahil d'yan seventy-five ang grade niyo." pagbibiro ni sir at nagtawanan din 'yong iba naming kaklase.

"Luhh, si sir grabe!" reklamo ni Niccolo.

"Biro lang, osige na makakauwi na kayong F4!" pagtataboy sa amin ni sir sa harapan niya.

"Mah beybebeybe mah beybebeybe suringshichayni shangching..." pag kanta ni Niccolo na halata naman na hindi niya alam 'yong lyrics kundi tono lang.

Bumalik kami sa aming puwesto at inayos ang aming gamit pati na rin nilinis ang aming table bago tuluyang lisanin ang room.

"Bye, sir!" paalam namin kay sir na kaniya namang tinanguan lang.

•••

Naglalakad kami sa hallway sa second floor ng makasalubong namin ang mga BSBA na nag-aantay sa labas ng room nila.

"Sariling wika ay mahalin, pati ako idamay mo na rin hahahaha!" sabi ni Sining no'ng makita niya 'yong baybayin print ng suot kong itim na t-shirt (Pusong Mamon).

Washday kasi ngayong wednesday kaya naka civilian kami. Buti na lang talaga bumili ako ng sport wristband kagabi sa may bayan at least natatago 'yong mga bakas ng hiwa sa aking palapulsuhan. Aalis na sana ako dahil nakalagpas na 'yong tatlo, pero hinaharangan niya ang daanan ko.

"Alam mo Jaq, nagtatampo ako sa'yo." sabi niya sa akin.

Kingina ng babaeng 'to pinagtitinginan kami ng mga kaklase niya tuloy.

"Bakit naman?" tanong ko pero nagpupumilit pa rin makadaan sa kaniya.

"Kagabi pagka-send mo no'n sa akin, nagreply ako agad pero sineen mo lang ako!" malungkot niyang saad.

"Ohhh!" mga reaksyon ng kaklase ni Sining.

"Kingina mo boy, lakas ng loob mo! Ikaw na may ka-chat na babae tapos i-si-seen mo lang?" pang-aasar ni Seb.

"Wrong send lang 'yon!" sambit ko at nag pupumilit pa rin na makadaan.

Parang tanga na kasi kami dito...para kaming nagpapatintero sa gitna.

"Si-ni-seen mo 'ko without knowing na ako 'yong future mo?" aniya.

"OHH HAHAHAHA GO SINING!" Support ng mga kaklase niya sa kagaguhan niya.

"Ang tigas talaga ng bungo mo, alis na d'yan dadaan ako. Tantanan mo na 'ko!" bulyaw ko na tinawanan niya lang.

"May kasabihan nga 'di ba, roses are reds, violets are blue. Kung ayaw sa'yo, pilitin mo."

"Taragis na kasabihan 'yan!"

Napatingin ako sa tatlo kong kasama na nasa likuran lang ni Sining at hinihintay ako.

"Hoy paparating na 'yong prof niyo!" sigaw ni Lucas kaya napalingon si Sining sa gawi nila atsaka ako kumaripas ng takbo.

"Hoy Jaq! seryoso 'yong chat ko sa'yo kagabi, ah!" pahabol na sigaw ni Sining at mabilis kaming bumaba ng hagdan at pumasok sa may cr ng boys dahil kanina pa naiihi si Niccolo.

"Anong chat no'n?" tanong ni Lucas.

"Ahh, wala 'yon sabi niya lang gusto niya ako." sambit ko pero ang totoo no'n;



Jaq: Pinatay niya ako sa salita, gumanti lang naman ako.

Sining Fedeli: Kung kailangan mo ng mapagkukwentuhan niyan andito lang ako. seryoso to!



"Deads na deads siguro talaga 'yon sayo...pagbigyan mo na nga!" biglang sabi ni Niccolo pagkalabas niya sa isang cubicle.

"Jackpot! Pagbigyan mo na!" sambit ni Seb na nakaupo sa may lababo ng cr.

"Hindi ko nga sabi siya gusto." sabi ko.

"Paano mo ba malalaman na gusto mo ang isang tao?" tanong ni Lucas na para bang hindi na alam ang pakiramdam ng magmahal.

"Sabi, malalaman mo lang na inlove ka na kapag kinakabahan ka na kapag nakikita mo siya." sabi ni Niccolo habang naghuhugas ng kamay.

Hindi naman ako kinakabahan kapag nakikita ko siya...minsan naiinis pa nga ako.

"Gagu, paano kung multo 'yong nakita niya? mga pinapaniwalaan mo, eh, noh?" sambit ni Seb.

"Eh, ikaw? What is love?" tanong ni Niccolo sa kaniya.

"Ang pag-ibig ay parang love, tinagalog ko lang hahahaha!"

"Gagu, kaya ka hinihiwalayan, eh!"

"Pakyu!"

At ayan na naman ang munti nilang bardagulan sa araw na ito. Hay nako!

"Basta kapag may gusto ka sa isang babae, 'di siya maalis sa isip mo, lagi mo siyang sinisilayan kapag nandiyan siya, agad agad mo siyang mapapansin kung nasaan man siya at bumibilis 'yong tibok ng puso mo sa kaniya." Pagbibigay aral ni Niccolo tungkol sa pag-ibig.

Hindi ako sigurado sa tinutukoy ni niccolo patungkol sa love. Madalas isang babae lang naman dito sa school ang nakakakuha ng atensyon ko at agad ko siyang nakikita kung nasaan man siya nakapwesto o papunta...at si salem 'yon. Pero si sining, minsan siya ang nasa isip ko. Hindi dahil gusto ko siya o bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaniya pero dahil may katanungan ako na siya lang ang makakasagot...bakit ako? Bakit niya ako gusto?

"Taragis na 'yan, ano may sakit lang?" sambit ni Seb.

Biglang bumalik ang diwa ko sa usapan.

"Ikaw may sakit sa ulo!" bwelta ni niccolo.

"Oo, headache, dahil sa pagmumukha mo!"

"Sumasakit ulo mo? 'di ba bobo ka?"

"Pakyu!"

Hindi ko alam kung dadating pa ba ang araw na magkakasundo itong dalawa sa maliit na bagay lamang...para silang si Tom at Jerry, palaging nag-aaway pero magkaibigan naman.

"Saan tayo gagala ngayon?" pagbabago ko ng topic.

"Mall na lang tayo tapos timezone?" suggest ni Lucas

"May videokehan na rin sa may timezone! Tara do'n na lang tayo!" masiglang pagsang-ayon ni Seb.

"Osige sige!" pag payag ko na rin.

•••

Sa labas ng school ay nag-aabang kami ng tricycle kasi isang sakay lang naman ang papunta sa mall na malapit dito sa school.

"Doon na lang kayo sa iba sumakay!" sabi no'ng tricycle driver.

"Teka nagseselos ka ba?" angal ni Seb.

Taragis talaga to si Seb pota, pero kasi traffic ang papunta roon kaya ayaw nila magsakay at demanding si kuya sa bayad, gusto niya may malaking tubo, eh, malapit lang naman 'yon kaso traffic nga lang at ayaw naman namin maglakad kasi mainit, wala kaming dalang payong...pambata lang nagdadala ng payong!

"Wala sanang sumakay sa'yo!" sigaw ni Niccolo no'ng umalis na 'yong tricycle driver sa tapat namin.

Halos ilang minuto na pag-aantay, eh, may nasakyan na rin kami at alas tres na nang makarating kami sa mall.

"Food court ba muna?" tanong ko kasi nagugutom na talaga ako.

"Wait! Tingin lang muna tayo ng damit sa bench!" sabi ni Niccolo at nagragasa papasok sa stall ng bench kaya sumunod na lang kami.

Nagikot-ikot kami sa loob at pinabayaan na namin mag-isa si Niccolo. Tamang tingin-tingin lang ng mga t-shirt at hoodie sa loob. Kasama ko maglibot si Lucas at kinukwestyon namin ang damit na sinusuot ni lee min ho kung magiging kamukha ba namin siya kung bibilhin namin ang t-shirt na ine-endorse niya na nagkakahalagang limang daan mahigit.

"Ate, sama ka gala tayo?" biglang sambit ni Seb kaya napalingon kami ni Lucas sa kaniya. Nakatingin siya sa isang sales lady na ilang metro lamang ang layo sa amin.

Lumapit kami kay Seb at nilayo siya ng kaunti do'n sa babae, baka makipag bardagulan pa ang isang 'to, eh.

"Sino na naman ba 'yang kaaway mo?" tanong ko sa kaniya.

"Si ate kasi sunod ng sunod, akala siguro may nanakawin dito. Hindi naman ako mukhang magnanakaw." naiinis niyang sambit.

"Trabaho niya kasi 'yon, baka may history na gano'n ang nangyari tapos kinaltas sa sahod niya 'yong ninakaw." sabi ni Lucas.

Matapos ang matagal na paglilibot ang tanging binili lang naming tatlo ay ang bench body spray for men tapos si Niccolo isang hoodie lang.

"Puwede na ba tayong kumain muna?" sabi ko no'ng makalabas na kami sa bench.

"Saan tayo kakain? Foodcourt ba?" tanong ni Lucas.

"Sige foodcourt na lang!" pagsang-ayon no'ng dalawa.

Pagkadating namin sa foodcourt mabilis kaming tumakbo sa may extrang mesa dahil mahirap na, ubusan agad ng puwesto rito dahil sa dami ng tao palagi. Umorder kami ng sizzling chicken with drinks na ice tea.

Pagkatapos naman namin sa foodcourt, tinungo namin ang Comic Alley at nagtitingin-tingin lang doon, hindi bumili dahil sa napaka mahal na presyo. Bag na attack on titan nga, eh, isang libo mahigit kaya pumunta na lang kami sa Japan Home Center kung saan nakabili pa kami ng headphone at tumbler sa halagang eighty-eight pesos each at gawang japan pa! Bumaba rin muna kami sa may supermarket upang bumili ng mga chichiryang kakainin namin mamaya pati na rin inumin na Royal.

"Tara na, timezone na!" bigkas ni Seb no'ng makalabas na kami sa supermarket. Napadaan pa nga muna kami sa department store para raw makapag pabango siya sa tester.

Syempre hindi na namin kailangan mag-ambagan para sa load ng timezone card kung may tropa kaming nagmamayabang na mayaman daw siya.

"1000 load na 'yan, ah!" sabi ni Niccolo habang pinapaypay 'yong timezone card.

"Ano una natin lalaruin?" tanong ko.

"Iyong basketball!" aya ni Seb.

Ako versus si Seb ang laban dahil dalawa lang ang basketball ring na meron sa timezone na ito pero buti na lang, eh, malaki.

"38 vs 42. Not bad, ah!" sabi ni Niccolo habang pumapalakpak.

"Kingina, marunong mambola si Seb, eh, kaya anong laban ko?" wika ko.

"Lul mo Jaq, marunong lang ako mambola ng kulangot!"

"Kadiri pota!"

"Luhh, kala mo siya hindi ginagawa 'yon?"

"Kadiri ka pa rin tanga! Don't tell to the public how you display your vulgarity!" sabi ni Niccolo.

"Alam mo ba ibigsabihin ng sinabi mo, ha?" tanong sa kaniya ni Lucas.

"Hindi, pero kasi may foreigner doon, oh! atsaka natutunan ko lang 'yon kay Xowie no'ng masaktuhan niya ako sa bahay ng walang pang-itaas at nakaboxer shorts lang, sabi niya public display of vulgarity raw 'yon?"

"Tangina, alam ko lang public display of---"

"Affection?" pagputol ko sa sasabihin ni Seb.

"Public display of kadugyutan!"

Sunod naman naming nilaro ay ang Tekken at tig-iisa kaming controller.

"Tangina Nina pota, ano babae lang?" pang-aasar ni Seb kay Niccolo.

"Bobo, chixx ko 'yan sa tekken. Lakas lakas ng bebe kong 'to!" sabi ni Niccolo.

"Mas malakas si alyssa mga bobo!" sambit ni Lucas dahil ang character niya ay si alyssa.

"Tangina, ano iyo Jaq?" tanong ni Seb sa akin.

"Lili pare, bebe ko 'yan, eh!"

Pinili kasi ni Seb ay si devil jin kasi demonyo siya.

"Don't underestimate the power of girls, Lance! Lalo na sa tekken!" sabi ni Niccolo.

"Puro talk, laro na agad!"

Nagsimula ang laro namin; Ako vs. Seb at si Niccolo vs. Lucas ang labanan.

Tig-tatatlong rounds meron ang larong ito paunahan lang makalamang para panalo na. Sa huli ako naman nanalo laban kay Seb at si Lucas naman ang nanalo sa laban nila ni Niccolo. Dahil doon, naglaban naman kami ni Lucas; Lili vs. Alyssa. Natalo ako kay Lucas, sinunod sunod ba naman ako ng combo. Kainis! Luge! Natatanggal ulo ni alyssa!

Sinubukan din namin mag Just Dance pero mukha kaming tangang apat na sumasayaw ng Despacito at Boom boom sa labas ng timezone, doon kasi nakapuwesto 'yong machine tapos ang dami pang nanonood. 'yong mga guard pa nga roon na nakaduty sa mga tapat ng sinehan, eh, pinapatigil na kami sa pagsayaw...sakit daw sa mata tignan.

"Tangina ayoko na!" awat ko kasi taragis nahihiya na ako.

"Hahahaha last na 'to tangina 'di na 'to mauulit!" natatawang saad ni Seb at sumang ayon kaming tatlo sa sinabi niya.

Dahil sa sobrang tagal nang hinihintay namin sa isang videokehan, medyo na-low kami sa load kaya nagpa-load pa ulit si Niccolo ng isang libo at nagmadali na kaming pumasok sa isang videokehan na kakalabas lang no'ng mga nauna. Pahirapan din dito dahil paunahan talaga at hintayan makakanta ka lang.

"Oh, sino mauuna?" tanong ni Lucas.

"Ako syempre! Kingina listen to my beautiful voice!" saad ni Niccolo habang ini-input 'yong song number na kakantahin niya.

"Two. Six. Two. Four. Two." boses ng videoke kapag nag-iinput ng song number. Lumitaw ang titulong Silvertoes ng bandang Parokya Ni Edgar sa maliit na flat screen TV.

Tamang sigawan lang kami sa loob buti na lang at soundproof ito kung hindi baka madami ng nagreklamo sa boses ni Niccolo, hindi kasi kaaya-aya sa tainga...nakakawasak eardrums!

"O please naman, pakitanggap mo na lang ang katotohanan na ganyan ka 'pinanganak, 'wag ka nang magpapanggap na ikaw ay isang dalagang ubod ng ganda, kahit na alam naman natin na ang karakas mo ay ubod ng sama aaaaa! yay yay yay yay yay!" pagkanta ni Niccolo na sinabayan na rin namin dahil mukha siyang tanga mag-isa.

"Woooah!" pahabol pa ni Niccolo sa huli.

"Tangina kanta ba 'yon o sigaw?" sambit ni Seb.

"Kantang pasigaw hahaha!" natatawa kong sagot.

Score ni Niccolo sa kantang pasigaw niya ay ninety-seven na amin namang kinagulat dahil totoong sumisigaw lang naman siya. Sinungaling talaga ang karaoke na 'to, pinapaasa 'yong hindi dapat umaasa.

"Osya osya ako naman...akin na 'yan!" sabi ni Seb sabay kuha ng mic kay Niccolo.

Si Seb ay may magandang boses sa amin at marunong din mag gitara. Kahit papaano siya ang talented sa aming apat. Eh, ako nga sa banyo lang ako talented pero marunong din naman ako mag gitara.

Nagsimula na ang intro music ng song pick ni Seb na, With A Smile ng legendary band na Eraserheads at kami ay nakaupong tatlo at kinakaway kaway ang aming kamay.

"Lift your head, baby, don't be scared, of the things that could go wrong along the way...you'll get by with a smile, you can't win at everything but you can try..." pagkanta ni Seb with feelings pa nga dahil sa ganda ng pasok nito at malumanay na pag-awit na akala mo, eh, sasali ng Got Talent sa school namin.

Nakisabay na rin kami sa pagkanta niya habang patuloy pa rin sa pagkaway-kaway ng aming kamay sa ere at pagsway ng aming mga ulo ng mabagal.

"We'll get by with a smile, you can never be too happy in this life..."

You can never be too happy in this life...siguro we can be happy pero laging may kapalit na sakit at lungkot. Gano'n naman 'yon pero ang kantang ito ay ginawa dahil siguro sa bawat pighati, dalamhati, kirot, poot, problema at lungkot...mayroon pa ring pag-asa.

Pagkatapos kumanta ni Seb nagpalakpakan kami at nakangiti kami sa kaniya. Tinignan ko ang masasayang mukha ng tatlo na para bang nagslow-mo ang galaw nila sa paningin ko. 'yong tipong nasira ang stereo, na-mute ang mga audio, wala akong marinig na background noise kundi ang ingay lamang sa isipan ko. Nabingi ako, pero malinaw sila. Nakikita ko sila, mabagal pero malinaw.

Siguro ang pinakamagagandang bagay sa buhay ay hindi mga bagay. Sila ay mga tao at mga lugar, mga alaala at mga larawan. Ang mga ito ay damdamin at sandali, at ngiti, at tawanan na minsan ay nahahanap sa mga kaibigan.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro