Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Kung saan nagsimula

•••

Nakaupo ako sa may hagdan, hawak-hawak ko sa kabilang kamay 'yong baso na may lamang coke at sa kabila ay hawak ko naman ang cellphone ko.



Sebolok jeje: ba naman mga kaibigan to mga peymus siniseen lang ako, ung totoo? kaibigan ko ba talaga kayo?

Jaq ass: HAHAHAHAHA Sad react papi

lucaLucas: drama pota

Jaq ass: HAHAHAHHAHA

nico nico nii: ano raw pinagkaiba ng parang at yata?

Jaq ass: ewan ko parang parehas lang yata

lucaLucas: spelling

Sebolok jeje: dami mong alam untog mo na lang ulo mo sa pader boi

Nico nico nii remove Sebolok jeje to the group.

lucaLucas: luhh bat niremove? hahahahaha

Jaq ass: gagu walang removan ng member kapag nainis HAHAHAHAHAHAH

nico nico nii: parang tanga kasi hahahahahah

lucaLucas added Lance Sebastian Jimenez to the group.

Lance Sebastian: Bakla @nico nico nii

nico nico nii: inaka remove ka ulit sa akin!

Jaq ass set the nickname for Lance Sebastian Jimenez to utak Sebo.

utak Sebo: luh parang tanga nanaman tara laro rank!



Magrereply sana ako sa chat ni Seb nang mapansin ko ang babaeng nakatayo sa aking harapan. Nakahalukipkip siya, nakapang-usong pormahan. Kuhang-kuha niya ang mata ni mama, mapungaw pero walang duda na mas hawig niya si papa.

"Happy birthday, Jackie." bati ko sa kaniya, napabuntong hininga siya at iniwas ang tingin sa akin.

Hinatak niya ako sa braso at halos muntik na ngang matapon 'yong coke na hawak ko kanina pa. Hinatak niya ako paakyat sa taas. Tumigil kami sa tapat ng kuwarto niya at binitawan na rin niya ang mahigpit nitong pagkakakapit sa aking braso.

"Ang kapal din naman ng mukha mo para pumunta pa rito pagkatapos mong sirain 'yong buhay namin. Mahiya ka naman!" pabulong niyang sigaw sa akin pero hindi ko siya kinibo bagkus tinitigan ko lang siya ng walang emosyon.

"Bakit ngayon ka pa bumalik? May sinabi ba akong invited ka, ha?" dagdag pa nito.

"Aalis na ako." sabi ko sa kaniya at handa na sana akong lumakad palayo sa kaniya pero pinatigil niya ko.

"Kung aalis ka, sana hindi ka na bumalik. Kahit kailan." sabi niya na halata sa tono nito na galit siya sa akin kahit hindi niya isigaw.

"Wala kang alam sa nangyari." seryoso kong sabi.

"Wala? nakita ko kung paano mo siya pinatay sa mga salita mo. Pagkatapos ang lahat ng ginawa niya para sayo...gano'n na lang igaganti mo? Nasaan kosensya mo bilang anak? Pinahirapan mo lang kami...lalo na si mama."

"Hindi mo alam lahat, kaya manahimik ka."

"Kitang kita ng dalawa kong mata at narinig ko rin ang lahat tapos magsisinungaling ka pa rin?"

"Hindi mo nakita at narinig ng buo, jackie. Wala kang alam kaya manahimik ka na lang." Pahakbang na sana ako ng hagdan ng biglang nagpantig 'yong dalawa kong tainga sa pahabol ni jackie.

"Sana ikaw na lang 'yong namatay, hindi si papa."

Tila ba nagblanko ang isipan at paningin ko, hindi ko namamalayan na naglalakad ako palapit sa kaniya at malakas kong inihagis sa kaniyang mukha ang laman ng kanina ko pang hawak-hawak na baso.

Napasigaw siya ng malakas at may ilang bisita ang umakyat upang tignan ang nangyayari. Parang bagong hilamos si Jackie pero ang tingin niya sa akin ay hindi maipinta dahil sa galit. Maya-maya pa ay biglang sumulpot si mama at nagmamadaling lumapit kay jackie na nag-aalala.

"Jackie, ayos ka lang? Anong nangyari rito?" nag-aalala nitong tanong sa kaniyang bunsong anak at dahan-dahang pinupunasan 'yong nabasa nitong buhok at mukha gamit ang laylayan ng kaniyang suot na t-shirt.

Mahirap kaaway ang bunsong kapatid, lakas ng kapangyarihan niya kay mama...wala akong laban. Mahirap kapag may paborito sa bahay kasi siguradong wala kang lugar at wala kang kakampi.

"Sana nga ako na lang 'yong namatay." mahina at walang emosyon kong sabi sa kanila at kalmadong naglakad palayo, pababa, palabas ng bahay.

Nihindi man lang ako pinahinto ni mama. Lumilingon-lingon pa ako habang naglalakad palayo, baka sakaling hahabulin niya ako at sa pagkakataon na ito, may kakampi naman sa akin sa pamilyang ito. Pero wala. Hindi niya pa rin ako pinili.

•••

Sa buong biyahe pauwi, 'yong tibok ng puso ko ang bilis na para bang kahit anong oras ay puwede ng sumabog. Ang hirap na rin huminga, ilang buntong hininga na rin ang nagawa ko pero ang hirap pakalmahin ng demonyo sa loob ko. Ang nakakainis pa rito, hindi ako puwedeng mag breakdown sa jeep baka ano pang isipin ng ibang taong kasabay ko rito.

Mga alas syete ng gabi na ako nakarating sa lugar namin dahil na rin sa traffic. Naisipan ko maglakad sa parke kung saan walang tao, saktong-sakto dahil gusto kong mapag-isa. Naglabas ako ng isang stick ng sigarilyo at ito'y aking sinindihan.

May ilaw ang parke, puro halaman ang nandito at minsan mga nag ja-jogging at nagzu-zumba ang tumatambay rito kapag umaga pero madalas nagiging shortcut ang daan na ito ng mga tao dahil malapit sa bayan. Umupo ako sa may upuan na gawa sa semento, ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ako ng malalim. Iniisip ko ang tungkol sa aking buhay at kung paano ako humantong sa ganito.

Kung ganito lang pala ang mangyayari sa buhay ko, hindi na lang sana ako binuhay.

Bigla naman nabaling ang aking isipan sa parating na motor. Tinignan ko lamang ito habang patuloy siya sa pagbusina...mga limang beses sa aking pagbibilang.

"Hoy!" bungad niya ng makalapit sa akin at pinarada ang motor nito sa aking harapan.

"Alam mong bawal dumaan ang motor dito 'di ba?" suway ko sa kaniya.

"Alam mo rin na bawal manigarilyo rito 'di ba?" bwelta niya.

"Anong ginagawa mo rito? Gabi na, ah?" sambit niya pero hindi malinaw kung nag-aalala ba siya o hindi.

"Nagyoyosi, nakikita mo naman 'di ba?"

Tinanggal niya ang suot niyang helmet at sinabit ito sa hawakan ng motor niya sabay tumabi sa akin. Pinilit niya pa akong paurungin.

"Alam mo ba base sa mga studies, mas naaapektuhan ang mga secondhand smokers." aniya.

"Share mo lang?"

"At base rin sa observation ko, ang mga taong naninigarilyo ay 'yong mga taong may dinadamdam na problema."

Hindi ko siya pinansin, patuloy lang ako sa paghithit ng yosi at pagsulyap sa kawalan.

"Are you okay?" rinig kong tanong niya.

Hindi, hindi talaga. Lugmok na lugmok ako. Nababalisa ako, sobra. Pinaka kinakatakutan ko ay ang rejection. Nasasaktan ako, sobra. Nais kong sabihin ang lahat ng ito sa isang tao, marahil ay dapat kong sabihin sa'yo? Gusto kong may isang taong yayakap sa akin, tapos sasabihin niyang magiging maayos din ang lahat. Gusto kong sabihin at ilabas ang lahat-lahat ng hinanakit ko. Pero paano kapag sinabi ko sa'yo lahat tapos iwan mo rin ako? Paano kung isipin mo kailangan ko ng atensyon? Paano kung isipin mong nagdadrama lang ako?

"I'm fine, Sining. Pagod lang. Salamat sa pag-aalala." walang emosyon kong sambit sa kaniya.

"Alam mo subukan mo kaya mag bubble gum?" tinignan ko siya, ngumunguya siya ng vfresh.

"Ano 'ko, bata?"

"Katulad din naman siya ng yosi!" sambit niya.

"Isipin mo na lahat ng problema mo ay nasa bubble gum tapos poof! Puputok na parang bula. Hindi na mapapadpad pa kahit saan 'yong negativity kasi ikaw na mismo 'yong nag-alis nito." dugtong niya.

Hindi ko makita 'yong logic niya, kasi kahit ilang beses pa pumutok ang bubble gum ay puwede mo pa ring palobohin...titigilan mo lang naman 'yon kapag wala na 'yong matamis na lasa. Ang pinag kaiba lang naman nila ng yosi ay 'yong lasa at 'yong fact na puwede kong ikamatay ang paninigarilyo, at least 'yon may sense.

"Have you ever cried on your birthday?" seryoso kong tanong kay Sining.

"Oo naman! Tears of joy syempre! Ikaw ba?" masaya nitong sagot.

"Oo, tears of...joy." pagsisinungaling ko.

Ang pinaka ayokong araw sa buong buhay ko ay ang birthday ko...May 31. Ayokong binabati ako sa araw na 'yan lalo lang akong nalulumbay. Ayoko rin dumadalo ng mga birthdays, nadedepress ako bigla ng hindi nila alam. Siguro kasi huling celebrate ko sa birthday ko ay no'ng 10 years old pa lang ako? O dahil sa tuwing sumasapit 'yong araw na 'yon may problema laging dumadating sa buhay ng magulang ko kaya hindi na-ce-celebrate 'yong birthday ko at baka malas lang talaga ako? O baka kasi mag-isa lang akong nagdidiwang sa birthday ko, mag-isa sa kuwarto dahil bakasyon 'yon...nasa bakasyon 'yong mga kaibigan ko habang kinakantahan ko 'yong sarili ko ng Happy birthday kahit hindi ako masaya sa araw na 'yon. Pero ang mas malinaw na dahilan ay, ito 'yong nagpapaalala sa akin na pinanganak ako...na sana hindi na lang.

"Kailan ba birthday mo?" tanong ng katabi ko.

"February twenty-nine." pagsisinungaling ko.

"Wehh? Leap year?"

"Pfft!" natawa ako ng mahina at napangisi.

Bakit napaka inosente niya? Ang dali niya maloko.

"Alam mo lalo akong na-i-inlove sa'yo kapag nakangiti ka!" pagkasabi niya no'n ay agad akong napapoker face.

"Sinasayang mo lang 'yong oras mo sa pagkagusto sa taong hindi ka naman gusto." saad ko.

"Ayon na nga, eh. There's a weird pleasure in loving someone who doesn't love you back!"

"Katangahan tawag d'yan."

"Aruy naman! Sinasaktan mo ang aking damdamin! Ouch! Ang sakit!" madrama niyang banggit habang umaarteng nasasaktan 'yong puso niya. Nang mapansin niyang wala akong pake sa nararamdaman niya ay tumigil na siya sa pagdadrama.

"Puwes, hindi mo man ako tatanungin kung bakit ako naparito, eh, sasabihin ko na lang sa'yo ang rason. Dahil nararamdaman ko ang presensya mo na nandito ka! Open twenty-four hours ang Jaq radar ko!"

Ano ba 'tong babae na ito? No'ng una manghuhula, pangalawa magnanakaw, ngayon naman parang hindi ko na siya maintindihan...GPS na yata siya ngayon o mangkukulam na yata 'to. Taragis na mga sideline niyang 'to!

Hindi ko na lang siya pinansin baka kapag gano'n, eh, kusa na lang siyang umalis kaso mali ako sa isang ito. Tigas ng bungo, eh! Nakaubos na ako ng isang stick ng yosi, eh, ayaw pa rin umuwi!

"Ano bang gusto mo sa'kin, ha?" tanong ko sa kaniya.

"Ikaw!" sagot niya habang nakangiti, "I like you." pagpapatuloy niya pa.

"Hindi mo ako kilala."

"I want to, though."

Huminga ako ng malalim, wala na yata makakapigil sa isang 'to sa mga trip niya sa buhay. Ilang minutong katahimikan at nagsimula na siyang magsipol...bored na yata.

"Masama ba na hilingin mo na mamatay na ang isang tao?" seryoso kong tanong sa kaniya.

Nag-isip-isip muna siya bago sumagot.

"Hmm, hindi naman." sagot niya.

"Hindi?"

"Sa tingin ko hindi, kasi naman palagi kong hinihiling na dumating 'yong araw na ikaw naman ang patay na patay sa akin!"

"Ewan ko sa'yo."

"I think I can make you happy, Jaq."

"Bakit? Aalis ka na ba? Good bye."

"Hays, bakit ba gusto mo akong umalis agad? Nakakatampo ka na, ah!" naiirita nitong saad kaya medyo natawa ako.

"Ang korni mo kasi, napaka cringe mo!" sumbat ko sa kaniya pero natawa lang siya.

"Are you a time traveler? because I see you in my future! Ayieee!" pagkasabi niya no'n tinutusok tusok niya 'yong tagiliran ko.

"Luhh, parang tanga pota!"

Natawa lang siya ng malakas na parang sirang plaka at hindi ko na rin mapigilan dahil nakakahawa ang kaniyang pagtawa.

Halos isang oras din kami nagtagal sa parke at puro pick-up line lang siya ng pick-up line sa akin. Ngayon, tinitignan ko siya habang nakasakay sa motor niya at isinusuot ang kaniyang helmet.

"Teka." pagtigil ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Pasabay ako pauwi." bigla kong sambit dahil naisip ko rin na nakakapagod maglakad at gusto ko na lang din makauwi agad.

Tinignan niya ako habang nakangiti na para bang there's something in me that is worth looking at...

"Angkas na!" bigkas niya kaya lumapit na ako sa kaniya at umangkas.

Medyo nakakailang pa nga.

"Yumakap ka sa 'kin ng mahigpit, ah?" sambit nito pero syempre hindi ko sinunod...suki na ako sa pagiging uto-uto sa kaniya. Humawak ako sa likurang handle.

•••

Nagpababa ako sa may labas ng eskinita papunta sa inuupahan ko. Wala pa rin akong tiwala sa babaeng ito lalo na kanina pinagpipilitan niyang kunin 'yong kamay ko para yakapin siya sa may baywang.

"Salamat." saad ko sa kaniya pagkababa ko ng motor.

"Salamat lang?" aniya.

"Ano gusto mo, kutos?"

"Relasyon. label."

"Osya salamat, goodnight, ingat sa pagmaneho pauwi." sambit ko at nagsimula ng maglakad papasok sa eskinita.

"Jaq!" malakas niyang sigaw kaya napalingon ako.

"Kung kailangan mo ng makikinig sa mga rant mo sa buhay, puwede mo ako tawagan! I'll be your listener, I'm always free to listen! Just contact me, and I'm all yours!" pagkasabi niya no'n humarurot na siya paalis.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko patungo sa aking inuupahan. Pagkarating ko sa mumunti kong tirahan, walang tao. Wala na naman si Jorge. Binagsak ko ang aking sarili sa higaan, kisame na naman ang aking tanawin. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa, naka off 'yong data ko kaya hindi ko alam kung sino ba ang nagchat sa akin. Pinindot ng aking hintuturo ang music player at nagpatugtog...nilaksan ko rin ang volume nito at sabay ibinagsak ang cellphone sa aking tabi. Pinatong ko ang kanang kamay ko sa aking noo at 'yong kaliwa naman ay nakapatong sa aking tiyan.

Pinapakinggan ko ng mabuti ang awitin na Superman by five for fighting, at bigla na lang nagflashback 'yong nangyari tatlong taon na ang nakalilipas,

Alalang alala ko pa ang pagsapit ng unang linggo ng unang semester noong ako'y first year pa lamang sa college.

Pagkauwi ko ng bahay galing school mga alas sais, nakita ko na naman 'yong eksena na palagi kong nakikita simula no'ng eleven years old palang ako. Bungad agad pagpasok sa bahay ang sigawan sa kusina at mga kaluskos ng mga gamit doon. Palaging ganito, kapag galit si papa sa trabaho, sa amin ni mama niya inilalabas 'yon. Siguro no'ng mga oras na 'yon, napuno na lang din ako. Hindi ko na kasi matanggap 'yong mga hagulgol ni mama habang sinasaktan siya ng lalaking mahal niya...bilang isang lalaking anak niya, sinasalag ko lahat ng iyon para hindi siya masaktan.

"Jaq..." malungkot na bigkas ni mama sa pangalan ko.

"Tama na, puwede!?" galit kong sambit sa lalaking nakatayo sa harapan ko.

"Umalis ka sa harap ko kung ayaw mong ikaw ang masaktan!" pagbabanta niya sa akin.

"Pa, puwede ba tama na!?"

"SABING UMALIS KA!" tinulak niya ako ng malakas, sanhi ng pagkatumba ko pero mabilis akong tumayo at hinarangan si mama ulit.

"ANO BA! HINDI KA SUSUNOD SA AKIN!?" sigaw nito ulit sa akin.

"Osige, gusto mo ikaw ang nasasaktan, ah! Ang tigas talaga ng bungo mong bata ka!" Binatukan niya ako ng malakas na normal na bagay naman na sa akin...hindi na bago sa akin 'yon.

Iyong mga suntok at batok wala lang sa akin 'yan ngayon dahil sa sobrang tagal ay naging manhid na lamang ako. Pero 'yong masakit na sinabi niya noon sa akin sa tuwing mangingialam ako sa away nilang mag-asawa? Ayon na yata ang pinaka masakit na naramdaman ko kaysa sa mga hampas ng mabibigat niyang kamao.

"Sana hindi na lang kita naging anak!"

Masakit ang marinig 'yon sa sariling kadugo, sa sariling ama...at halos iba't iba pang masasakit na salita gaya ng,

"Pinag-aaral kita tapos ganiyan lang grado mo? Kanino ka ba nagmana? Ang bobo mo!"

"Kanino ka bang anak talaga, ha? Pambihira!"

"Ano Jaq, Bakla ka ba? Bakit hindi ka lumaban? Bakla ka ba, ha?"

"Wala akong anak na katulad mo!"

"Sabi ko 'di ba mag pulis ka? Anong kurso 'yan? Sasayangin mo lang pera ko!"

"Pagka-graduate niyan mag-aasawa na 'yan ka agad! Walang utang na loob! Nagrelasyon relasyon ka agad tapos kapag nakabuntis dito tatakbo at hihingi ng tulong!"

Tapos halos lahat na yata ng mura natanggap ko sa kaniya...buong teenage years ko unti-unti niya akong pinapatay sa mga salita.

Sinuntok niya ako ulit sa pisngi, kagaya nga ng sabi ko hindi na 'yon masakit para sa akin.

"Diyan ka lang naman magaling eh, saktan mo 'yong walang laban sa'yo." sambit ko sa kaniya na lalong nagpainit ng kaniyang ulo.

"Kapag galit ka sa trabaho, 'wag mo sa amin ilabas 'yang galit mo! Sa tingin ko kailangan mo ng magpatingin sa doktor kasi may sayad ka na sa ulo!" dugtong ko.

"Anong sabi mong hinayupak ka!?" kinuha niya 'yong kawali at akmang ihahampas sa akin ng awatin siya ni mama.

"Joaquin, tama na!" pagmamakaawa ni mama.

"Tignan mo 'yang walang utang na loob mong anak, Janna! Naririnig mo 'yong sinasabi niya? Walang galang! Walang respeto! Simula ng mapabarkada wala ng respeto sa akin! Ang lakas na ng loob ng animal na 'yan! Sigurado ka bang anak ko 'yan!?"

"Joaquin, huminahon ka na! Tama na, please..." pagpapakalma ni mama sa lalaking nasa harapan ko.

"Sana nga hindi mo na lang ako naging anak!" sigaw ko sa kaniya.

"Anong sabi mo?" tugon ni papa.

"Wala kang kuwentang ama!"

"Jaq!" Galit na sigaw sa akin ni mama.

"Sino ba namang anak ang gustong magkaroon ng ama na kagaya mo!? Minsan mabait ka pero madalas hindi kita kilala! Sige lang suntukin mo pa ako o ihampas mo 'yan sa mukha ko kasi alam ko naman na walang maniniwala kapag sinabi ko na ikaw ang nanakit sa akin, 'di ba!? Sino naman kasi maniniwala sa isang anak na kung kumilos ay parang rebelde! Walang kuwenta!"

"Manahimik ka!" sigaw niya.

"Hindi, ikaw ang manahimik at makinig ka sa akin! Sawa na ako, pagod na akong intindihin ka kaya intindihin mo ang sasabihin ko! Wala kang kuwentang ama! Pakitang tao ka lang sa iba pero ang totoo niyan kasuklam-suklam ka! Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ka pa iniiwan ni mama! Bakit nananahimik lang si mama para sa'yo! Bakit ikaw parati pinipili ni mama! Bakit ikaw pa naging tatay ko!?"

Hindi ko alam kung ano 'yong lumalabas sa bibig ko, sumabog na lang bigla 'yong mga kinikimkim kong sama ng loob sa kaniya. Hindi ko na napigilan pa.

"Lumayas ka! Lumayas ka sa pamamahay ko at huwag kang tutungtong dito hanggat hindi ko sinasabi!" nanggigigil niyang bigkas.

Pagkasabi niya ng mga salita na 'yan lalo akong nagalit kaya siguro nabigkas ko 'yong mga salita na nagpasira sa buhay ko hanggang ngayon.

"Sana mamatay ka na! At kung mamamatay ka man, hinding hindi ako iiyak sa burol mo! Hindi karapat-dapat ng isang kagaya mo ang mga luha ko! Sana mamatay ka na talaga! Mas sasaya pa ako kapag nangyari 'yon! Maririnig mo ang halakhak ko sa burol mo! Ang pagkamatay mo ang magiging kaligayahan ko!"

"LAYAS!"

No'ng gabing iyon, lumayas nga ako.

Tumuloy ako sa dati naming hide-out ng mga ka-frat namin ni Jorge no'ng highschool. Kaya lang naman ako sumali sa frat noon ay para maging nakakatakot ako at lumakas ang loob ko. Si Jorge rin nag-alok sa akin na mag-rent na lang sa ngayong inuupahan ko at may kalapitan naman din ito sa school na pinapasukan ko, pina-utang niya rin ako. Hindi ako umuuwi sa bahay pero pumapasok ako sa school para ma-occupied 'yong isipan ko sa ibang bagay. Buti na lang talaga nililibre ako ng tatlong kumag ng pagkain...lalo na si niccolo.

Two weeks. Two weeks simula no'ng naglayas ako ng mabalitaan ko kay Jorge na patay na 'yong erpat ko. Wala akong balak dumalaw pero napilitan ako no'ng araw ng burol niya. Sabi nila inatake raw sa puso. Sabi rin nila bigla siyang nanghina, nalumbay, walang ganang kumain at kung ano-ano pang nakakalungkot na pangyayari. Siguro dinamdam niya 'yong mga salitang narinig niya sa akin tapos bigla na lang sinapian ng konsensya...pero huli na ang lahat. Sa burol niya, tinupad ko ang pangako ko, hindi ko siya iniyakan kasi kahit anong pilit ko, walang luhang tumutulo sa mga mata ko. Pero hindi ako humalakhak doon, hindi rin ako nakaramdam ng konsensya. Ang tanging naramdaman ko lang ay kapayapaan...na sa wakas...wala na akong kakatakutan.

Pagkatapos no'n akala ko babalik na ang lahat sa dati. Napagpasyahan kong umuwi sa bahay pero para bang nagbago na lahat. Nakahain na lahat ng kailangan ko, minsan nakahanda na 'yong baon ko pati 'yong uniform ko. May note pa nga na nakasulat sa ref na; 'may ulam sa loob, initin mo na lang'. Hindi ko sila nakasabay kumain, kapag nasa living room ako para akong patay. Si Jackie nilalayuan ako ng hindi ko alam kung bakit, madalas hindi niya ako pinapansin. Kaya naisipan ko na lang ulit umalis sa walang kabuhay-buhay na bahay na 'yon. Sinabi ko kay mama na mangungupahan ako ng mas malapit sa school at pumayag naman siya. Siya na raw bahala sa rent at sa allowance ko, papadalhan niya raw ako ng pera buwan-buwan. Ayos naman 'yon, siguro nga mas pabor sa kanila 'yon kasi alam kong ayaw nila akong Makita sa bahay. Ilang taon na ang lumipas pero bakit wala pa ring nakakalimot? Bakit parang ako pa rin 'yong sinisisi nila?

Iyong tugtog masyadong nakakadala at unti-unti para akong nakakaramdam ng kalungkutan sa hindi ko mapaliwanag na dahilan.

"Ang unfair naman, 'yong mali ko paulit-ulit nilang isusumbat sa'kin, pero 'yong mga sakripisyo ko hindi man lang nila mapahalagahan."

Hindi ko namamalayan na may luha na palang tumutulo sa aking mga mata, dahan-dahan itong tumutulo pababa sa aking tainga. Kinuha ko ang aking cellphone, binuksan ang data nito at pagbukas ko ng messenger may mga message na galing sa gc naming apat at ilang gc sa mga subjects namin sa school. Pagtingin ko sa mga active friends, isang pangalan ang kumuha sa aking atensyon.

Sining Fedeli (Active now)

Pinunasan ko ang pisngi ko na nabasa ng kaunting luha kanina. Nagsisimula na rin akong mag-type habang patuloy na pinapatay ang katahimikan ng awitin sa buong kuwarto.



Jaq: Pinatay niya ako sa salita, gumanti lang naman ako.



Ang pinakamatapang na bagay na ginawa ko na yata ay ang tumakbo palayo.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro