Kabanata 10
Babalik sa pinagmulan
•••
Kina-umagahan hindi kami pinayagan umuwi ni nanay lolita hanggat hindi pa kami nag-aalmusal kaya para kaming isang pamilyang nagsasalo-salo sa hapagkainan.
"Musta naman ang pag-aaral ninyo?" tanong ni tatay sevi sa amin habang nagsasandok ng sinangag sa kaniyang plato.
"Ayos lang po, tay." sagot ni Seb na nagsasandok din ng pagkain niya.
Kaniya kaniya kaming sandok ng pagkain. Sinangag, scramble egg, hotdog at tuyo ang nakahain sa mesa.
"Ayos lang, ah. Rinig ko kagabi puro kayo mura tapos puro bobo lumalabas d'yan sa mga bunganga ninyo. Akala ko ba nagrereview kayo?"
Nagtinginan kaming apat. Napuyat kasi kami kakalaro ng ML tapos GG pa, mga bobo kasi kakampi ko na silang tatlo tapos isang kaklase namin.
"Nako umayos kayo at graduating kayong apat!" paalala ni nanay lolita sa amin, "Itong si Sebastian sinasabihan namin 'yan palagi na pagbutihan naman para walang bagsak, para naman makatulong na sa amin ng tatay niya!" dagdag pang sambit ni nanay lolita sa amin.
"Nay, 'wag ka sabi mag-alala. Kitang ako magpapaahon sa inyo sa kahirapan, eh!" pagmamayabang ni Seb.
"Huwag mag-alala mo mukha mo d'yan, ilang beses ka na na-guidance! Tapos panay ka inom! Ilang taon ka pa lang, lasinggero ka na!" ani ni nanay Lolita habang binabatukan ang anak.
"Siguraduhin mo lang na ga-graduate ka Sebastian, ah. Pati rin kayo." sambit sa amin ni tatay sevi na tinanguan na lamang namin bilang tugon sa kaniya.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain no'ng biglang nagsalita si Seb na kalaunan, eh, hindi namin pinansin.
"Nay, tay, may gusto lang talaga akong sabihin sa inyo..." seryosong bigkas ni Seb kaya napatingin na lang kami sa kaniya.
"Ano naman 'yon, ha?" tanong ng nanay niya.
"Huwag kayong magagalit, ha? Gusto ko lang sabihin sa inyo 'yong totoo, basta sana huwag kayong mabibigla, ha?" seryosong bigkas nito sa kaniyang magulang.
Nagkatinginan kaming tatlo nila Lucas at Niccolo, gano'n din sila nanay lolita at tatay sevi. Minsan hindi ko rin alam tumatakbo sa isipan nito ni Seb kasi madalas naman puro kalokohan lang. Bihira lang siya magseryoso sa buhay.
"Nay, Tay, ayoko sana sabihin sa inyo 'to pero kasi deserve niyo rin malaman ang katotohanan at sana maintindihan niyo ako."
Halata sa mukha nila nanay lolita at tatay sevi na nagtataka at kinakabahan sila. Kami namang tatlo ta-me-me lang dito at patuloy pa rin sa pagkain.
"Ang totoo kasi niyan nay, tay," pagbibitin ni Seb sa lahat.
Lahat kami ay nakatingin na sa kaniya, naghihintay kung ano ba ang big revelation niya sa kaniyang magulang. Kung tungkol ito sa kasarian, eh, ewan ko na lang.
"Ampon lang kayo." seryosong bigkas ni Seb, hindi na lang kami kumibong tatlo pero halata ang pagpipigil namin ng tawa.
"Tangina kang bata ka! Kinabahan ako sa'yo!" galit na sambit ni nanay lolita at malakas na binatukan ang kaniyang gagung anak na humahalakhak pa nga.
"Ampon nga lang kayo! ako na nagsasabi hahahaha!"
"Bwisit na batang 'to, kami pa ginawa mong ampon, kitang natagpuan ka lang namin sa tae ng kalabaw no'ng sanggol ka pa! Naawa lang kami ng nanay mo sayo kaya kinupkop ka namin!" pagkukwento ni tatay sevi.
Medyo umurong si Niccolo sa akin para may maibulong.
"Mabantot since birth pala si Lance. Naknampotsa, sabi na nga ba at hindi amoy fabcon 'yon." bulong ni Niccolo sa akin at kay Lucas.
"Luh, tay, huwag mong i-kuwento talambuhay mo sa amin! Shatap!" bwelta ni Seb sa tatay niya.
Napuno ng halakhak ang hapag kainan at para bang ito ang kumumpleto ng almusal namin...kumumpleto sa almusal nila pala.
Habang nakikita ko 'yong mga tawanan nila Seb at ng kaniyang magulang ay bigla na lang pumasok sa aking isipan ang sarili kong pamilya. Kailan ba kami naging ganiyan kasaya? 'yong totoong masaya, hindi 'yong mga tawa at ngiti nilang pinapakita sa amin na akala mo ayos lang ang lahat. Na akala mo masaya sila? Pinagpipilitan nilang masaya sila sa harapan namin ng kapatid ko? Kailan ba kami naging ganito kasaya? Hindi ko na halos maalala.
Habang nakikita ang masasayang mukha nila seb at ng kaniyang magulang para bang may kirot sa puso ko na aking nararamdaman. Naiinggit ako sa ganitong klase ng pamilya. Iyong masaya, iyong nagkakasundo't nagkakasama sa hapagkainan. Naiinggit ako na bakit masaya sila...na bakit ganito ang pamilya nila...bakit pinapakita nila ito sa akin? Bakit hindi kami ganito ng sarili kong pamilya?
Bigla na lamang nawala 'yong mga ngiti ko at bumalik na lamang sa pagkain ang aking atensyon.
"Bwisit kang bata ka, 'yong iba nga na ampon d'yan nagpapasalamat pa sa mga hindi nila tunay na magulang tapos ikaw na tunay na anak...nako Sebastian, maghugas ka ng pinggan d'yan mamaya, ah!" sabi ni nanay lolita kay Seb.
"Si nanay hindi ma-joke!"
"Joke joke joke ka d'yan, maghugas ka ng pinggan!"
"Luh, bakit ako? Naghugas na ako d'yan kagabi, ah?"
"Sige subukan mong huwag maghugas, lilipad 'yang mga pinggan sa pagmumukha mo!" pananakot ng nanay niya sa kaniya.
"Niluwal niyo lang yata ako para maging tagahugas, eh." dalamhati ni seb.
"Oo, kaya huwag ka na umangal d'yan para naman may silbi ka dito sa bahay!"
At bigla ko na lang naisip na baka niluwal lang ako para iparamdam nila na wala akong silbi...na wala akong kuwenta.
"Sabi sabi pa kayo na paborito niyo 'yong bunso tapos gagawin ninyong tagahugas lang?" reklamo ni Seb.
At nagpatuloy na kami sa pag-aalmusal pero unti-unti akong nawawalan ng gana.
•••
Hinintay pa namin matapos maghugas ng mga plato si Seb dahil ihahatid daw kami nito sa sakayan ng jeep sa may labasan ng kanilang eskinita. Mabilis din naman kami nakahanap ng masasakyan na jeep kaya hindi na kami nagtagal sa pag-aabang. Nakapuwesto kami sa bandang gitna sa right side malapit sa may passenger seat.
"Ang ingay talaga sa pamilya nila Lance, noh?" sabi ni Niccolo.
"Mukha nga silang masaya, eh." sabi ko.
"Sabagay..." pagsang ayon ni Niccolo sa akin.
"Ang angas nga ng samahan nila, eh, para lang silang magtotropa." sambit ni Lucas.
"Pero masyado ng over 'yon, noh? Medyo nasobrahan na?" sabi ni Niccolo.
"Paanong nasobrahan?" tanong ni Lucas.
"Hindi ba, parang nakakalimutan ni Lance na magulang niya 'yon?"
"Tama ka, medyo nawawalan na siya ng respeto. Ako nga hindi ko nasasagot ng gano'n si mama sa harapan ni papa, eh, baka masuntok ako no'n." sabi ni lucas.
"Si mommy bihira ko lang makita sa bahay kaya hindi ako sanay sa bungangerang magulang, sa totoo lang."
"Eh, ikaw, Jaq?" bigla na lamang bumalik 'yong atensyon ko sa kanila no'ng narinig kong tinawag ako ni Lucas. Nakadungaw kasi ako sa labas.
"Huh?"
"Kuwento mo naman relasyon niyo ng magulang mo," sambit ni Niccolo. "Katulad din ba kina Lance?" pahabol niyang tanong.
"Hindi ah, kabaligtaran nila."
Malungkot, magulo, kung makikilala lang nila ang pamilya ko maiintindihan nila ang tinutukoy ko.
"Si mommy kahit wala palagi sa bahay ay napaka supportive no'n sa akin!" sambit ni Niccolo.
"Kahit gagu ka?" banat ni Lucas sakanya.
"Akala mo siya hindi. Hoy! lahat tayo may gago side, huwag kang feeling santo!"
"Oo na, supportive rin naman magulang ko. Anong akala mo ikaw lang?" bwelta ni Lucas kay Niccolo.
Paano naman 'yong mga anak na lumaking may emotionally unsupportive parents? Tapos maririnig nila 'yong ibang tao kung gaano ka supportive 'yong magulang nila sa kanila. Paano kami? Hindi ko talaga minsan mapigilan na malunod sa sarili kong isipan at dalamhati.
"Barya lang po, konting tulong lang po..." biglang sulpot ng isang batang badjao at lapag ng coin envelope sa aking hita.
Isa-isa sa mga pasahero ang binigyan niya nito sabay upo sa may labasan ng jeep, katabi ang isa pang badjao na may tambol na gawa lamang sa lata ng gatas at goma.
"Hindi po kami magnanakaw, hindi po kami masamang tao..." pag-sabay ko sa kanta nila.
"Gagu ka, ano 'yan lss?" sambit ni Niccolo sa akin na natatawa pa nga.
"Ano kaya title ng kanta nila?" tanong ko sa dalawa.
"Sino kaya nagcompose niyan? Alam na alam ng mga badjao 'yong kantang 'yan, eh." sabi ni Lucas.
Pero hindi mo rin mapipigilan isipin na 'yong mga batang kagaya nila, eh, hawak ba talaga ng sindikato o ganiyan lang talaga buhay nila?
"Suwerte na lang natin kasi hindi ganiyan naging buhay natin, noh?" bulalas ni Niccolo.
Kung tutuusin masuwerte nga naman ako sa buhay pero madalas kasi kung sino pa 'yong walang-wala sa buhay, sila pa 'yong masaya ang pamilya. Sila pa 'yong magulo pero walang titibag, 'yong maaasahan ang isa't isa at may masasandalan kapag may kailangan ka. Kasi alam nila ang buhay ng walang-wala pero punong-puno ng saya at pagmamahal.
"Aba aba aba good samaritan, ah!" sabi ni Niccolo ng makita niyang nilalagyan ko ng barya 'yong coin envelope.
"Ikaw ba talaga 'yan, Jaq?" paninigurado ni Lucas.
"Ikaw Niccolo, magbigay ka naman!" sambit ko.
"Wala akong barya."
"Heto oh, pahiramin kita ng nuebe." binigay ko ang barya kay Niccolo at agad niya itong inilagay sa envelope.
Maya-maya pa ay kinuha ng badjao 'yong mga envelope nila at tumalon na pababa ng jeep habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan, buti na lang walang napahamak sa dalawang badjao, sanay na sanay na sila gano'ng buhay...buwis buhay.
"Sa lunes ko na lang bayaran 'yong nuebe, ah." sabi ni Niccolo sa akin.
"Kahit 'di mo na bayaran, iyo naman 'yon."
"Huh?"
"Hindi ko pa kasi naaabot 'yong pamasahe natin kaya 'yong binigay mo sa mga badjao ay 'yong pamasahe mo." bulong ko kay Niccolo.
"Kingina mo hinayupak ka!"
Natawa na lamang ako ng malakas dahil sa pagkainis ni Niccolo at pagsiko nito sa akin ng hindi kalakasan.
"Bakit?" tanong ni Lucas sa amin dahil hindi niya alam ang kaganapan.
"Gagu ka!" sabi ni Niccolo sa akin.
"Kuya may mag 1,2,3 po dito, ingat-ingat po kayo hahhahaha!" mahina kong sabi para maasar si Niccolo.
"Inamo talaga, Jaq!" sambit niya habang kumukuha ng fifty sa pitaka niya kaya sa huli, nalibre pa kami ng pamasahe.
•••
Pagkauwi ko sa bahay, wala si Jorge. Bahala na siya sa buhay niya malaki naman na siya. Ngayon din ang araw na uuwi ako sa amin dahil debut na kapatid ko. Sa totoo lang wala naman akong balak pumunta kasi sigurado naman akong wala ako sa listahan sa 18 roses niya kahit yata sa mismong guest, eh, wala ako ro'n. Asa pa ako.
Humiga ako sa aking kama at muling natulog dahil mga mag-aalasais na yata kami mga nagsitulog kanina tapos ginising kami ng alas syete ni nanay lolita. Promise para siyang may mega phone kapag nanggigising, 'yong tipong pati kapitbahay yata magigising din.
At sa kasamaang palad alas tres na ako nagising, napasarap ang aking tulog. Mahigit ilang minuto pa nga ako nakatulala no'n ng maalala ko na aalis pa pala ako ngayon. Pota.
"Pupunta ba ako o hindi?" tanong ko sa sarili ko habang namimili nang damit na susuotin ko para sa okasyon.
Nang makapili na ako ay agad na akong naligo.
Siguro nangingibabaw pa rin talaga 'yong pamilya sa huli, kahit na ayaw mo ay mapipilitan ka talagang sumunod. Pagkatapos ng aking mabilisang pag-aayos, kinuha ko na rin 'yong inihanda kong regalo para sa kaniya. Love Yourself: Tear Album. Napapansin ko kasi sa fb na fan siya ng BTS kaya baka puwede na ito. Matagal ko rin pinagtipiran sa allowance ko 'to.
Pasado alas kwatro na ako nakaalis ng bahay at nakarating ako ng mga 5:17 ng hapon. Halos wala naman nagbago sa lugar na kinalakihan ko...pintura lang naman nagbabago rito, eh. Ngayon ko lang napansin kung gaano pala nakakasawa tignan 'yong lugar na ito. Halos lahat ng bahay ay magkakatulad, ganito pala kapag nakatira sa isang compound na halos pareho ang design ng bahay.
Sa loob ng tatlong taon kong hindi pagdalaw rito, hindi ko pa rin naman nalilimutan kung saan ang bahay namin...buti naman. Kumatok ako sa pinto, mga ilang katok pa ang tinagal ko bago may nagbukas ng pintuan. Binuksan ito ng isang lalaking hindi ko kilala pero nagpakilala na kaklase ng kapatid ko.
Madami na agad ang tao sa loob, para lang siyang club party dahil sa padisco-disco light pa. Kung nandito lang siguro sila Niccolo at Seb parang tanga na 'yong dalawang 'yon na nagsasayawan sa sala. At dahil wala akong kakilalang pamilyar na mukha, umakyat ako sa taas upang tumungo sa kuwarto ni Jackie, baka sakaling nandoon siya at maibigay ko na rin ang regalo ko at makauwi na rin agad, pero pagpunta ko roon ay walang tao. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kuwarto niya at nilapag ang regalo sa kaniyang kama.
"Ang dami na rin nagbago dito..." sambit ko habang nililibot ng aking paningin ang kaniyang kuwarto.
Hindi na rin naman ako nagtagal sa loob at agad naman din akong lumabas ng kwarto niya. Sa tabi ng kuwarto ni jackie ang isang kuwarto na pamilyar na pamilyar sa akin. Nakatayo ako sa harap ng pintuan ng dati kong kuwarto, madami akong gamit na iniwan dito kagaya ng mga paborito kong comics, laruan, libro, damit, cd at sa pagkaka-alala ko may ilang FHM magazine pa nga.
Dahan-dahan kong binuksan ang dati kong kuwarto at pagbukas ko bigla akong nanlumo. Wala na halos lahat ng gamit, tanging natira na lamang ay 'yong kama at bentilador.
Kung namatay ako, hindi ba nila gagalawin 'yong gamit ko rito na parang isang mahalagang bagay?
Pumasok ako sa dati kong kuwarto. Bukod pala sa bentilador at kama, may naiwan ding pulang marker. Kinuha ko ito at nagsulat sa pader, pagkatapos ko mag senti sa lumang kuwarto ko ay lumabas na ako. Sumandal ako sa may railings ng hagdan at kitang-kita sa aking harapan ang nag-iisang family picture namin na nakadisplay sa may pader. Kailan ba 'yan kinunan? Wala akong maalala.
Nakadisplay naman katabi ng family picture namin ang police uniform ng papa ko at mga parangal na nakuha nito no'ng siya'y nabubuhay pa.
"Wow, kung sino pang patay siya pa 'yong importante. Paano naman 'yong humihinga pa? balewala pa kasi hindi pa patay? tsss." dalamhati ko.
Tinignan kong muli 'yong malaking ngiti ng aking erpat sa litratong nasa aking harapan.
"Peke, plastik."
Ang tanging tao na aking kinakatakutan noon ay ang aking ama. Tao siya kapag nasa labas ng bahay, halimaw siya kapag nasa loob. Hindi alam ng ibang tao 'yon kasi hindi nila nakikita ang isang pangyayari kapag sarado na ang pinto ng bahay.
"Jaq!" rinig kong sambit ng isang may edad na babae sa may hagdan, paakyat. Patuloy siya sa pag akyat at lumapit sa akin.
"Nandito ka pala, sana tinawagan mo muna ako na makakapunta ka." sabi niya at inabutan ako ng maiinom na akin namang tinanggap.
"Nasaan si jackie?" tanong ko sa mama ko.
"Nasa sala, nandoon lang ako sa may kusina nagluluto ng ibang handa kaya kung may kailangan ka puntahan mo lang ako roon, ha? O kaya dadalhan na lang kita ng pagkain dito mamaya." sabi niya na may ngiti sa labi at agad na rin akong iniwan.
Hindi ko alam kung iinumin ko ba 'yong coke na binigay niya sa akin o hindi kaya hinawakan ko na lang ito. Iinumin ko na lang kapag na-uhaw ako.
Napatingin ulit ako sa may family picture namin kung saan kinuha dalawang buwan bago mamatay si papa. Naalala ko pa na siya pa ang nagpumilit na magpakuha kami ng family picture para i-pa-frame niya at i-display sa bahay dahil ang tunay raw na pamilya ay may family picture.
Kalokohan.
"Sa palagay mo ba ang pagkuha ng family picture ay tanda ng isang tunay na pamilya?"
Ang pamilya ay dapat ligtas na lugar, pero bakit ito ang nagiging lugar kung saan nakukuha ang depresyon? Bakit ang pamilya ko ay hindi ligtas na lugar para sa akin?
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro