Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

•••

Jaq's POV

Finals had come and passed. Enrollment for second sem is here at last week na ng Oktubre. Nakapasa naman kami sa aming mga final exams at defense. 'yong mga grade namin is mostly 2.25 or 2, except kay Lucas, may 1.50 siya at 1.25. Mang-iiwan 'yon kupal na 'yon...wala siyang marka na dos pataas!

"Una na kami sa'yo Jaq, ah!" sabi ni Niccolo na kakatapos lang magbayad ng tuition fee.

"Kingina niyo pinahuli niyo ko sa pila mga animal talaga kayo!"

"Bagal-bagal mo kasi, sabi sa'yo sumingit ka na lang, eh! Angasan mo 'yong mga first year anong laban nila sa'yo, eh, senior ka nila!" sambit ni Seb.

"Gawain mo 'yan kasi demonyo ka." bwelta sa kaniya ni Lucas.

"Hintayin ka namin sa RD, ha? Nandoon sina Salem bumili ng pagkain!" sabi ni Niccolo.

"Susubukan namin na tirhan ka." sabi ni Lucas

"Aasa pa ba ako? Kitang kasama niyo 'yan si Seb!"

"Ha? Grabe ka naman sa'kin, ah?!" pagre-react nito.

"Bakit, hindi ba?"

"Totoo naman kaya bilisan mo kung gusto mong may maabutan ka pa na pagkain hahahaha!" aniya.

Nauna ng lumarga si Seb patungo sa may hagdan at sumunod naman ang dalawa. Lumapit ako sa may accounting para magbayad ng tuition, inabutan ako nito ng maliit na form na kailangan fill-up-an. Pagkasoli ko ng papel sa may accounting staff, kailangan ko pang maghintay. Napatingin ako sa aking kaliwa at doon nakita ko siyang muli.

Si Sining, nakatayo sa harapan ng registrar. Magkatabi lang kasi window ng registrar at accounting.

"Hi, Jaq." Bati niya sa akin at sabay ngiti.

Halos matagal na kaming hindi nag-uusap. Minsan namimiss ko rin 'yong mga chat niya na puro banat. Madalas pa nga binaback read ko ang mga ito.

"Hi, Sining." bati ko sa kaniya at aking siyang nginitian din.

"Ahmm, good luck sa second sem and sa internship." aniya.

"Sa'yo rin. Good luck."

May inabot na 'yong registrar sa kaniyang form at kinuha niya ito. Tumingin siya sa akin at ngumiti ulit.

"Sige, una na ako." Paalam niya.

"Sige, ingat."

"I wish you all the best in life, Jaq." sabi niya at nagsimula na siyang maglakad palayo.

She never looked nice. She looked like art, and art wasn't supposed to look nice, it was supposed to make you feel something.

Nakatingin pa rin ako sa kaniya habang naglalakad siya palayo. Ibinigay na rin sa akin ng accounting 'yong resibo ko. Naglalakad siya sa kanan patungo sa gate at ang daan naman na aking tatahakin ay sa kaliwa.

Sa tingin ko, dito na nagtatapos ang kuwento naming dalawa. Patungo kami sa aming magkahiwalay na paraan at desisyon sa buhay. At sana, inaasahan ko na magkikita ulit kaming dalawa sa kung saan sa hinaharap.

Napangiti na lang ako at nagsimula ng maglakad sa aking pupuntahan.

•••

Sining's POV

Inexpect ko na magkikita ulit kami, tutal maliit lang naman ang university na ito para hindi magkrus ang landas naming dalawa.

Thanks to Jaq, I learned that you cannot change things by loving them harder. And we were all just humans drunk on the idea that love, only love, can heal our brokenness...when actually, it wasn't.

And I finally realize that I am mine before I am ever anyone else's.

I was on my way out sa campus no'ng nag vibrate 'yong phone ko. kinuha ko ito and a pop-up message from Jaq appeared.



Jaq: whatever happens, I'm glad we met :)



And this was the first sincere message I have received from him.



Sining Fedeli: And even if you're not here to stay, I'm happy the universe allowed your soul to stop by :)

Sent



I got a new mission in life and it's not about fixing damage people, because I finally understand that it is not my job. I will work hard for the woman I want to become. Work hard enough that someday I'll tell to myself that; "This is the woman that I built. Better. Stronger. Wiser."

•••

Wakas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro