CHAPTER 10
Chapter Ten
Best Tool
The photos I've seen of her didn't even gave a bit of justice to what she looked like in person. Triple ang naging paghanga ko sa kanyang napakagandang kabuuan. Hindi na nakapagtatakang naulol sa kanya ang ama ko. Nag-igting ang aking panga sa naisip.
Mabilis kong ipinilig ang ulo at agad na itiniklop ang nag-iisang litratong dinala ko sa pagsisimula ng misyong hanapin siya ng personal. I didn't sleep that night. Maaga rin akong bumangon para simulan ang araw.
"What's your plan now?" tanong ni Sam, nagising sa ingay ko. "Are we going to seize her? Should I send our men now?"
Agad akong umiling. Tahimik kong sinimsim ang aking kape habang siya ay lukot ang noong lumapit sa akin.
"We're not going to do anything?" He asked while pouring himself some coffee.
"I will not enforce violence this time, Sylvestre," mas lalong nalukot ang noo niya sa aking sinabi. "I have a much interesting plan."
"Ano 'yan?"
"Do you think I could charm her?"
Hindi ko pa natatapos ang gustong sabihin ay nakuha na niya kaagad ang naiisip ko.
"Yes, pero kaya mo 'yon? Kaya mong manligaw at sumuyo ng babae? Have you ever done that before?"
"No, but I can if I have to... no, I will."
Natahimik siya, iniisip siguro kung saan nagmula ang mga kabaliwang sinasabi ko.
"Do you know that love is the best tool to completely destroy someone?"
Hindi nakapagsalita si Sylvestre. Nanatili ang mga mata ko sa labas ng kahoy na bintana, hinahayaan ang galit na magsalita para sa akin.
"And that will be my weapon to get my perfect revenge. I'll do everything to make her fall in love with me. I will ruin her. I'll fucking make her my whore and once she has nothing, I will leave her like a trash. Buong buhay niyang tatanungin sa sarili niya kung anong mali. I'll make sure she will never recover on that pain until her last dying breath. Isa siyang basura kaya ilalagay ko siya sa dapat niyang paglagyan."
"I wish you good luck, Mikolos."
Ibinalik ko sa kanya ang tingin at saka tumango. I called my mother after that. Nang matapos ay binalikan ko ulit si Sam.
"Do you know someone who lives near that mountain?"
Marahan siyang umiling. Bumagsak ang balikat ko at tinapos na lang ang kape pagkatapos ay dumiretso na kaagad sa shop.
"Maaga ka yata ngayon, Adam? Nag-almusal ka na ba?"
Nginitian ko si Mang Jude, ang may-ari ng vulcanizing shop na pinagtatrabahuan ko.
"Tapos na Mang Jude. Hindi rin ako makatulog tsaka wala namang gagawin sa bahay kaya dumiretso na ako rito. Okay lang bang buksan ko na ang shop?"
"Ikaw ang bahala. Walang problema."
Napangiti ako. "Ah, Mang Jude..."
Natigil siya sa pagbukas ng pinto pabalik sa loob ng kanyang bahay at kunot-noo akong binalikan ng atensiyon.
"May mga kakilala ka bang nakatira malapit sa trail ng Mt. Maayo? Ang sabi kasi ni Aling Ging ay may koprahan doon. Kailangan ko kasi ng extra para ipadala sa mga magulang ko. May sakit kasi si nanay kaya kulang ang sahod ko rito. Baka sakaling makapagtrabaho ako doon."
"Maswerte ka at katatawag lang ng aking kumpare kahapon tungkol diyan. Napakasipag mo, Adam. Maswerte ang mga magulang sa 'yo pero tiyak mas lalo ang magiging asawa mo!"
Napakamot ako sa ulo. I just want to have a good fuck right now. Putang ina, saan ba mayroon?
"Sandali at kukunin ko ang numero ng kumpare ko. Tamang-tama at nangangailangan sila ng mga tauhan para mag-harvest."
Lumawak ang aking ngiti at tumango na lang sa matanda. I was pumped while waiting for him. Sa kanyang pagbalik ay agad ko nang tinawagan ang numerong kanyang ibinigay. Hindi naman naging mahirap dahil totoong kulang nga sa tao kaya pati si Sylvestre ay naisama ko. Mabuti na lang at pumayag si Mang Jude sa dalawang linggo kong pagkawala dahil mas malaki ang sahod doon.
"Sigurado ka bang makakapunta ka na bukas? Aba't malayo ang tinitirhan n'yo kung bukas pa kayo diyan aalis. Mas mabuti kung narito na kayo para mas mapabilis ang trabaho lalo na't maaga magsisimula. Stay in ang ibang bagong tauhan kaya walang problema kung dito na rin kayo ng pinsan mo."
"Mamayang gabi ho ay pupunta na kami diyan, Mang Isko."
"Oh siya, sige, magkita na lang ta buwas."
"Salamat, Mang Isko."
I told Sam our plan. Kahit ayaw niya, wala naman siyang magawa. We almost got lost in the river. Ginabi na kami patungo sa koprahan mabuti na lang at may mga sumundo sa aming tauhan ni Mang Isko kaya hindi na kami naligaw.
I was too big for the habal-habal. Hindi ko alam kung paano ako nakaya no'n gayong kasama ko rin si Sam na malaki rin ang katawan gamit lang ang iisang motor.
There were five guys when we got into Mang Isko's warehouse. May kalakihan pero mas maliit kumpara pa rin sa mga normal na warehouses namin. Alex, one of the trabahador told us that there will be twelve of us who will work tomorrow. Tahimik ang kapaligiran sa malawak na lupain ni Mang Isko pero patungo rito ay may mga nadaanan kaming mga bahay. Hindi ko man nasilayan ang pakay ko ay alam kong hindi na malayo ito rito.
Kami ang unang nagising ni Sylvestre kinabukasan. We had cigarette outside. Ilang poste lang ang may ilaw sa lupain ni Mang Isko. Wala pang liwanag pero sa kalayuan ay may mga natatanaw namang iilan. Ang sabi ni Alex ay mag-ha-harvest ngayon ng mga niyog. Aniya ay aabutin kami ng tatlong araw o higit pa para makuha ang lahat ng pwede nang gawing copra.
Maya-maya lang ay nagising na rin ang iba nang magsidatingan ang mga makakasama namin. Most of them were old. Sila raw ang mga talagang tauhan ni Mang Isko at gamay na nila ang ginagawang trabaho.
"Taga Oviedo pa pala kayong dalawa. Napakalayo naman ng pinanggalingan ninyo." si Mang Luis, ang magmamando sa aming lahat at gabay sa gagawin hanggang sa matapos ang trabaho.
I explained to him how we ended up here. Mabuti naman at kahit na masuri ang titig niya sa amin ni Sylvestre na mukhang hindi naniniwalang kaya namin ang trabaho ay wala naman itong sinabi.
I prepared myself for the work. Ako na rin ang nagboluntaryong maghatid ng mga niyog sa lugar kung saan ito bibiyakin at ipo-proseso. Kahit na nanakit ang likod ko sa bigat ng trabaho ay hindi ko iyon ininda. I focus on the work so I wouldn't think much of that girl. Mahaba pa ang oras para sa trabaho at hindi pa masyadong malinis ang plano ko kung paano ko tutuntunin ang bahay ng babaeng 'yon.
I thought I'd lose focus and will just agreed with Sam's plan para matapos na kaagad ang kagaguhang ito dahil sa unang araw ay bigo ako pero nang makilala ko ang anak ni Mang Luis ay parang bumalik ang sigla ko.
Sa tagal kong hindi nakatikim ng babae ay para akong gagong natakam ng makita ang babaeng naghihintay sa duyang pahingahan namin dala ang mga ilang supot ng kung ano. Malayo pa lang ay namintig na ang sabik kong pagkalalaki dahil kahit na simpleng damit lang ang suot nito ay pwede na siya sa panlasa ko. Morena, maganda ang katawan at mukhang alaga ang sarili. She looks young and perfect for my taste.
Everyone was busy harvesting the coconut. Dahil ako lang ang naghahatid dito ay kaming dalawa lang ang nasa lugar. Agad siyang napatayo nang matanaw ang kargahan ng niyog na aking minamaneho. Mabilis na lumatay sa kanya ang kaba nang makababa na ako roon.
"Magandang tanghali!" nahihiya niyang bati sa paglapit ko. Binati ko siya pabalik.
"N-nagdala lang ako ng ulam na pwede n'yong kainin. Nagluto kasi si inay ng marami kaya ipinadala ang iba rito. Anak nga pala ako ni Mang Luis."
Tumango-tango ako. Sa gilid ng aking mga mata ay hindi nakaligtas sa akin ang kanyang paglunok, nahihiya at kinakabahan sa aking presensiya.
"Adam, bago lang ako rito. Mamaya pa babalik sila Mang Luis para mananghalian."
"Mia," tinanggap ko ang kamay na kanyang inilahad. "Hindi naman na ako magtatagal. Talagang hinatid ko lang ang mga ito."
Kinuha ko sa kamay niya ang mga pagkain.
"Marami 'yan siguro naman kasya sa inyong lahat."
"Salamat."
"Sige mauna na ako, Adam."
Awtomatikong napapihit ako para panuorin siyang maglakad palayo. I almost cursed when her perfect round butt was looking right back at me. Damn, I am fucking thirsty for that.
"Mia!"
Nahinto siya't napabaling sa akin. Nagmamadali kong inilapag sa lamesa ang mga pagkaing dala niya at agad siyang nilapitan.
"Pabalik na rin ako sa niyugan, ihahatid na kita."
"Naku, hindi na Adam! Perwisyo lang ako sa trabaho mo tsaka isa pa, malayo ang bahay namin rito."
"Lalakarin mo lang?"
"Oo," she smiled. "Okay lang 'yon. Sanay naman na ako tsaka ayaw kong makaabala-"
"Ihahatid na kita kung malayo para hindi ka na maglakad." I cut her off.
Nakatulong ang paghawak ko sa kanyang kamay para hindi na siya makapagprotesta. Wala na itong nagawa kung hindi ang magpahatid sa akin. I know I wasn't supposed to flirt or do something stupid because I had so much on my plate right now, but I felt like Mia could help me solve my problems and I was right.
May twenty minutes ang layo ng tinitirhan nila mula sa pinagtatrabahuan ng ama pero malapit na iyon sa jump off ng Mt. Maayo.
"Bago ka lang 'no? ngayon lang kita nakita rito sa amin."
"Oo. Taga-Oviedo pa kami ng pinsan ko."
"Ang layo," she chuckled.
Napalunok ako nang maramdaman ang pagkiskis ng braso niya sa aking likuran.
Putang ina, ganito na ba talaga ako katigang?
Binilisan ko na lang ang pagmamaneho para hindi na ako mademonyo.
"Diyan na lang sa tabi, Adam." aniya turo sa isang maliit at bungalow na bahay.
Halos lahat ng mga bahay na nadaanan namin ay ganito lang rin ang hitsura. Sa magkabilang gilid ng kalsada ay ang mga palayan bago ang kanilang maliit na baryo.
"Salamat sa paghatid at pasensiya na sa abala."
I smiled and nodded at her. "Sasabihin ko na lang kay Mang Isko na pumunta ka."
Matamis siyang ngumiti. Hindi nawala ang pamumula sa kanyang mukha sa matagal kong pagtitig sa kanya.
"Oh, sige na. Baka hinahanap ka na nila tatay baka malagot ka do'n."
Natawa ako at kumaway pa sa kanya bago tuluyang umalis. The thing between my legs didn't stop throbbing as I head back to work. Mabuti na lang at naging abala ako sa pagbalik sa niyugan.
I told Mang Luis about her daughter and he was happy to know that I sent her back home. Iyon ang naging simula ng pagdaloy ng swerte ko.
~~~~~~~~~~~~
This story is already completed. You can now read the full version on VIP group as this will not be updated here anymore to avoid wattpad deleting it.
Just message our FB page Ceng Crdva with 135k followers for full VIP details.
Thank you!🍀
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro