CHAPTER 9
Chapter Nine
Trystan
Pauwi na sana ako ng condo nang tumawag sa'kin si Cassy. Ngayon kasi ang graduation niya at nasa downtown daw siya para sa graduation party. Nagpapasundo ito sa'kin dahil ang driver daw nila ay umuwi muna sa probinsiya.
Ang mga magulang niya naman ay siguradong tulog na. Well kahit naman may kuya ito ay hindi naman iyon maaasahan dahil mas pinili no'n ang buhay probinsiya kasama ang kanilang mga grandparents.
Kahit na pagod ako at gusto ko ng umuwi ay hindi ko naman pwedeng iwang mag-isa ang pinsan ko.
Cassidy is like my sister. We grew up together at dahil nag-iisa lang ako ay silang dalawa ni Ellis ang kasangga ko noon sa lahat.
Kapatid ng Mommy ko ang Daddy niya at sila lang ni Ellis ang pinaka-malapit sa'kin noong una. But when their parents decided to move to Buenavista ay naging malapit na rin ako sa iba ko pang pinsan na narito lang sa Manila.
Bumalik lang ulit sila nang tumuntong na sa kolehiyo si Cassy samantalang si Ellis naman ay nagpaiwan na lamang doon.
"Hello kuya, Trys? are you still going to fetch me here?"
"I'm on my way Cass."
"Thanks Kuya. I'll be waiting outside." 'Yun na lang ang nasabi niya at pagkatapos ay ibinaba na niya ang telepono.
Maya maya pa ay nakarating na ako sa club kung saan ang venue ng party nila. Nakita ko siyang nakaupo sa may hagdan at naka kalumbaba.
"Hey, are you okay?" Agad na tanong ko rito ng makalapit ako sa pwesto niya.
"Yup! But I'm tired and tipsy." Tatayo na sana ito ngunit muntik na itong matumba. Mabuti na lang at naalalayan ko siya kaagad.
"Cassy I told you to drink moderately! You look like a mess." Pagalit ko sa nakapikit kong pinsan.
"Hot mess kuya, I'm a hot mess..." Sagot pa niya.
Hindi ko na lang siya pinansin bagkos ay inalalayan siya papunta sa kotse ko. Binuksan ko na ang pinto at dahan dahan siyang pinaupo sa passenger's seat bago ikinabit ang kanyang seatbelt. Pagkatapos 'non ay isinara ko na ang pinto.
Umibis ako para makasakay na sa driver's seat pero ng mahagip ng mga mata ko ang isang magandang babae na nakatayo sa entrance ng bar at natigilan ako.
Damn it!
Nakita kong nakatitig din siya sa'kin at ngayon ko lang napansin na may kasama siyang lalaki. Mag kahawak pa ang mga kamay nila.
Para tuloy may mga langgam na kumukurot sa dibdib ko. Kumawala siya sa pagkakahawak sa lalaki pero ang tingin niya ay nakapako pa rin sa akin.
I don't know how to react! Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko kahit na gustuhin ko mang lapitan siya at kausapin.
What's wrong with you Trystan! You've been looking all over the place for that girl and you can't even talk to her? You Coward!
Pagalit ng utak ko. Sumakay na ito sa sasakyan at maya maya lang ay umandar na ang sasakyan nila papalayo sa akin.
I was left dumbfounded!
Parang ngayon lang bumalik ang buong lakas kong gumalaw at hinabol ang sasakyan pero mabilis nang nakalayo iyon.
Nasapo ko na lang ang noo ko habang humihingal dahil sa paghabol ko sa sasakyang nila.
Ano bang nangyayari sakin? Halos ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang hindi dapat nangyari pero heto ako, still longing to see that girl again!
Inihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko bago bumalik ng sasakyan. Mabuti na lang at sa pagbalik ko ay mahimbing na ang tulog ni Cassy.
Inayos ko ulit ang seatbelt niya pagkatapos ay saka sinimulan ang pag usad ng sasakyan at binaybay ang daan kung saan ang bahay nito. Ilang sandali lang ay nakarating na kami doon.
"Cassy, we're here." Niyugyog ko ang balikat ni Cassidy na mahimbing ang tulog sa loob ng kotse.
Umikot lang ito sa kabilang side pero hindi pa rin nagigising. Ungol lang ang isinagot niya sa'kin. Ang tigas kasi ng ulo 'e!
"Cassidy, Hoy!" Pagpapatuloy na yugyog ko sa balikat niya.
Mukhang naparami nga ang inom nito kaya pagod at antok na antok ito ngayon.
"Kuya!" pupungas-pungas na sabi niya pagkatapos niyang imulat ang mga mata niya.
Gusto ko pa sana siyang pagsabihan pero pinigilan ko ang sarili ko. Graduation naman niya kaya sa ngayon ay pagbibigyan ko siya. Pero last na ito. I don't wanna see her looking like a big mess.
"Go on, magpahinga kana." Sabi ko ng nakapag adjust na siya at bumalik na ang lakas niya.
"Oh, were here. Thank you kuya, Trys. You're the best kuya in the whole wide world." Pambobola pa nito.
Niyakap niya pa ako. Amoy na amoy ko tuloy ang alak sa kanya. Umiling na lang ako at ginulo ang buhok niyang magulo na.
"Sige na Cassy. Wag ka ng mambola dahil alam ko naman na 'yun! Uhm, Congratulations for making out of Campbell."
Tumango siya at ngumiti.
"Thanks kuya. Thank you talaga!" Sabi nito bago pa lumabas ng sasakyan.
Siguro nga mabuti na rin na wala akong kapatid na babae dahil kung hindi ay baka makapatay lang ako kapag nakita ko itong umiyak dahil sa lalaki.
Nagdrive na rin ako pauwi. Mag uumaga na ay nasa daan pa rin ako. May meeting pa man din ako bukas ng umaga. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo. Bahala na.
Jasmine
"Go left here..." Turo ko sa daan kay Garret papunta ng bahay. Nakapasok na kami sa Village.
"Thank you ulit Garret. Mabuti na lang dumating ka kanina kung hindi baka kung ano na ang nagawa sa'kin ni Cris."
Thank Goodness talaga na dumating si Garret para i-save ako sa walang hiyang Crisostomo na 'yun!
Kahit na gusto kong magalit ay pinigilan ko na lang. Gusto ko na lang kasing i-enjoy ang oras ngayon na kasama ko ang lalaking 'to.
"No worries. That kid is weird, Jasmine. You should try harder to avoid him or might as well file a case so that he can't be near you." Napangiti ako sa sinabi niya.
Concerned ba siya sa'kin? Teka lang, bakit parang kilalang kilala niya ako dahil sa paraan ng pag tawag niya sa pangalan ko?
"Pag-iisipan ko." Napuno ng katahimikan ang loob ng sasakyan niya.
"Garret... Uh," tawag ko na puno ng pag-aalinlangan. Napailing ako.
"Yes?"
Pangit ba ako? Bakit sa apat na taon kong nasa Campbell ay ngayon lang kita nakausap ng ganito? Ngayon mo lang ako napansin?
Gusto kong itanong sa kanya ang lahat ng bagay na bumabagabag sa utak ko pero ni isa ay walang lumabas sa bibig ko.
"May sasabihin ka ba?" Ulit na tanong niya.
Kahit na nahihilo pa rin ay hindi na ako nagtanong pa sa kanya. Yung lakas ng loob ko kasi ay baka sa iba na naman mapunta. Just like the last time.
That guy.
Masaya akong nakita ko siya at malaman na tama ang sinasabi ng iba na maliit lang ang mundo.
Natutuwa akong makita siya at masabi ko sa sariling kong totoong nag eexist siya. Pero may parte sa pagkatao ko na parang nanghihinayang dahil hindi ko man lang siya nakausap o kahit natanong man lang kung ano ang pangalan niya.
"What are your plans after this?" Tanong ni Garret na pumukaw sa pag-iisip ko.
"I don't know yet. Maybe work for the family business or apply in any airline." Pero mas gusto ko ang huli kong sinabi.
Napag usapan na ng pamilya namin 'yon at sana nga ay payagan na nila ako ng walang halong sama ng loob.
"That's great!" Nakangiting sabi niya.
Kay ganda ng view. Sana lagi na lang siya ang nakikita ko. Ang gwapo niyang mukha na nakangiti lang sa'kin. My heart is freaking melting!
"Garret, okay lang kahit dito na lang sa labas ng village mo ako I drop off." Sabi ko ng marating namin ang malaking gate na entrance ng village.
"No." Maikling sagot niya.
"Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo, eh." I blurted.
Para-paraan, Jas?
"It's okay. Siguro naman okay lang sa kanya." Ouch!
Dapat pala ay hindi ko na lang sinabi 'yon. What a stupid move!
"Taga Campbell din ba siya?"
Pakiramdam ko ay uminit sa loob ng sasakyan dahil sa mga tanong ko.
Kung taga Campbell siya..
Uhm, pero hindi ko naman nakita si Garret na may kasama ni minsan ah! Siguro hindi. Baka taga ibang university.
"I don't know..." He answered.
Ano bang I don't know? Pwede ba 'yon? Kumunot ang noo ko at dumoble ang kuryosidad ko sa kanya.
"What do you mean you don't know?" Follow up question ko.
"I don't have a girlfriend at kung magkakaroon man, siguro naman ay okay lang sa kanyang ihatid kita sa ngayon." Sagot niya habang nakatuon lang ang tingin sa kalsada.
"Ah..." Tipid na sagot ko.
Isang ngisi ang sumilay sa labi ko dahil sa sinabi niya.
Hoping!
Napabaling pa ako sa may bandang bintana bago pakawalan ang isang mas malaking ngiti.
Ano ba 'tong nararamdaman ko? Kanina lang iniisip ko si Mr. Stanger tapos ngayon naman ay kinikilig ako dahil kasama ko si Garret.
Ganito naba talaga ako kababaw? Palibhasa kasi ni minsan ay hindi ko pa naranasan 'yung ganito. 'Yun bang may naghahatid sayo. O kahit man lang 'yung may kasamang lalaki. Feeling ko tuloy boyfriend ko siya ngayon.
Assumerang Sacha!
"Garret, diyan na lang sa may gray na gate..." Sabi ko rito ng matanaw ang bahay namin.
Huminto naman ito sa harapan ng bahay.
"Thank you for everything you did for me today..."
Gusto ko siyang yakapin pero ako lang mag bebenefit no'n. Ako lang kasi ang nagiisip ng malisya dahil crush ko siya. Imbes na yakapin ay nginitian ko na lang ito.
"You're welcome."
Bumaba na ako ng sasakyan at siya naman ay umalis na sa harapan ko. Bago pa man ako pumasok at inayos ko muna ang sarili ko. Hindi ko kasi alam kung gising pa si Kuya. Ayokong makita niyang namumugto ang mga mata ko dahil baka kung anong mangyari kapag nagkataon.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makita kong wala ng tao sa loob ng bahay. Agad akong dumiretso sa kwarto ko at nag shower.
Pagkatapos no'n ay nahiga na ako sa kama ko. Bukas ko na lang siguro itetext sila Maddy at ike-kwento ang buong pangyayari ng pagkawala ko.
I'm always MIA! Baka kung ano na ang isipin nila sa pagakawala ko. I can't. Last na 'yon at hindi na muling mauulit ang katangahan ko.
Ang daming nangyari ngayong araw. I'm so exhausted. Ang bigat na ng mga talukap ko ngunit sa bawat pagpikit ko ay nakikita ko ang isang lalaki na tumatakbo at hinahabol ako.
That scene earlier.
Maybe someday magkikita rin tayo.
Makikita rin kita, Mr. Stranger!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro