CHAPTER 8
Chapter Eight
Graduation
"Congratulations Hija!" Masayang bati at yakap sa'kin ni Mommy at Daddy.
Nakabihis na kami at papunta na sa venue para sa aming graduation ceremony.
"Thanks Mom, Dad." I hug them back.
"Hey hey! Congratulations to my not so little sister!" Sabi ni Kuya Jacob na ngayon ay kakapasok lang ng bahay.
Lately ay naging abala na siya sa trabaho kaya hindi na kami masyadong nagkikitang dalawa. Napansin kong nakabihis din ito.
"Thank you kuya. Are you coming with us kuya?" Masayang tanong ko.
"Of course. I wouldn't miss the milestone of my favorite sister." Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.
"Kuya, I'm your only sister remember?!" Sabi ko ng makabitiw sa yakap niya.
Humalakhak siya at tumango tango.
"Yeah and with that, I have no choice." Pagbibiro nito.
Natawa na lang si Mommy at Daddy sa sinabi nito. Sinimangutan ko na lang siya. What a bully!
Pagkatapos ng mga pangaalaska niya ay sabay sabay na kaming umalis at pumunta sa kung saan gaganapin ang graduation namin.
"Jasmine!" Bati at yakap sakin ni Hailey.
Si Maddy at Beatrice naman ay hindi namin alam kung nasaan na. Pero siguro ay nauna na sila sa loob dahil sampung minuto na lang ay simula na ng ceremony.
"Hija congratulations to you too!" Bati ni Mommy kay Hailey na niyakap pa ito.
"Thank you, Tita." Sagot naman niya kay Mommy.
Pumasok na kami sa loob. Habang nagbibigay ng speech ang may ari ng Campbell International University na si Mr. Simon Escarcega II ay panay ang siko sa akin ni Beatrice.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko.
She handed me a note.
"Just a token. Meron din para kila Hailey." Ngumiti siya pero ang mga mata niya ay mayroon pa ring lungkot.
Suminghap ako. Alam ko ng mangyayari ang ganito. Ang paghihiwalay naming apat pero ang pag alis ni Beatrice pagkatapos ng graduation ay parang sumisira sa tuwa ko.
Ngumiti siya.
"I'll be okay." Matapang niyang sabi.
Bumaling na siya sa iba pang mga katabi namin para ibigay ang mga dala niyang tokens.
Ilang mga members ng school community pa ang sumunod na nagsalita at nangaral sa amin. Hindi naman kami nakikinig masyado dahil abala na kami nila Maddy sa pagpaplano kung saan kaming party pupunta mamaya.
Pagkatapos kasi ng program ay mag di-dinner kaming apat kasama ng family mga namin.
"Beatrice Loi Cazares." Tawag kay Bea sa malawak na stage.
Isa isa na kasing tinatawag ang mga rarampang estudyante para ibigay yung mga diploma.
"Garret Davidson." Oh Garret!
Ito na ang huling araw na makikita ko siya and by the way, he rocked that black toga. Parang kahit ano naman ang suotin niya ay nagmumura ang kakisigan niya.
Kahit na malayo ako kung saan ang stage ay kitang kita ko pa rin ang gwapo niyang mukha. That face I used to admire so much! Noon pa lang unang nakita ko siya sa court.
"Jasmine Sacha Delaney." It's me! That's me!
Tumayo na ako at lumakad papalapit sa stage.
Nilingon ko muna kung nasaan ang pwesto nila Kuya at nakita ko silang kumaway sakin. Si kuya Jacob ay nag thumbs up pa.
"Congratulations." Sabay hand shake ko sa president ng school namin at iba pang board members.
Natapos ang ceremony at ang sabay sabay na paghagis ng itim na cap na simbolo ng pagtatapos namin ng apat na taon sa Unibersidad ng Campbell.
"Time to party!" Masayang hiyawan ng mga studyante sa bulwagang iyon.
Halos hindi magkamayaw ang lahat sa pag co-congratulate sa isat-isa.
"Congratulations." Bati ng isang boses sa likod ko.
Nakita ko sa mga mata nila Hailey ang pagkagulat at panlalaki. Umikot ako para makita kung kanino nanggaling ang boses na 'yon.
"Garret-" Nauutal na sabi ko. Ngumiti lang siya.
"You supposed to say the same thing you know... I graduated too." Sabi niya at bahagyang itinaas pa ang diploma.
Gosh. Totoo ba kasi 'to? Siya nga ba talaga ang nasa harapan ko? Anong klase ng pagkain ang kinain niya para mabilhan ko siya araw araw at mapansin niya ako?
"C-congratulations din sa'yo Garret..." Halos tulala pa ring sabi ko.
Pakiramdam ko ay mukha na akong pomegrenade sa sobrang pula ng magkabilang pisngi ko. Ang tibok ng puso ko ay nakakabingi.
"Thanks! See you girls later sa party downtown. Bye!" Nag wave pa siya bago siya umalis sa harapan naming apat.
"Oh! Alam na!" Nag group hug kaming apat at nagtatatalon sa saya.
"So I guess we're settled. Downtown after our dinner." Sabi ni Maddison.
"Wait, yung hair ni Jasmine natatapakan mo." Pagbibiro ni Hailey.
"Sorry girl!" Maagap namang sabi nito at sabay sabay kaming natawa sa gesture na ginawa niya.
"Congratulations girls!" Kuha ng isang nakakairitang boses na galing sa aming likuran.
Hindi pa man ako nakakalingon ay alam ko na kung kaninong demonyo nanggaling ang boses na 'yon.
"Same to you Cris. Bye!" Sabi ni Maddy at hinila na kami papalabas ng lugar na 'yon at papalayo kay Crisostomo.
Pagkatapos ng dinner ng family namin ay nagpaalam na kami nila Hailey na pupunta sa party. Hindi naman tumanggi ang mga oldies at nagpaiwan na lang. Si Kuya Jacob ang naghatid sa amin doon.
"Text me after the party and please, you guys should drink moderately!" Pagpapaalala niya.
"Oo naman Kuya! I'm responsible just like you!" Sinubukan ko siyang bolahin pero kumunot lang ang noo niya.
"I am not." Masungit niyang sabi. Humagikhik ang mga kaibigan ko dahil doon.
"We'll behave, Kuya Jay!" Ani Maddison at itinaboy na ang kapatid ko.
Bumuntong hinga pa siya bago namin siya talikuran at lumakad patungo sa entrace ng Bijoux. I can hear the trance music even if we're still outside! Lumulundag tuloy ng todo ang puso ko dahil sa saya.
Pagdating namin sa loob ng bar ay halos puno na ito. Dito na nga yata dumiretso ang lahat ng mga taga campbell e. I'm thinking of a wild crazy night! I mean, not like the last one. Wala ng makakatalo doon. Ipinilig ko ang ulo ko.
"Cheers for surviving four crazy years!" Taas ni Beatrice ng shot glass na may lamang vodka.
"Cheers!" Sabi naman naming tatlo at agad na ininom ang laman ng shot glass na 'yon.
Halos mag iba ang mukha ko sa tapang ng ininom ko. Nagtawanan kami pagkatapos masundan pa ng ilang shots. Natigil lang ako dahil lumalim ang pag iisip ko sa mga bagay bagay.
Bukas ay hindi ko na sila makakasama.
Bukas ibang yugto na ng buhay ko ang haharapin ko.
Pero bukas alam kong nandiyan pa rin kami para sa isat isa.
Habang lumalalim ang gabi at sumasaya ang party ay mas lalo pa kaming nag e-enjoy.
Nakakausap ko rin ang mga taga ibang department na ni minsan ay hindi ko nakausap. Hindi kasi ako gano'n ka-friendly pero hindi rin naman ako snob or something. Siguro'y hindi lang ako palagay na i-entertain ang lahat ng mga nakakasalubong ko.
Nakita ko sila Hailey na sumasayaw pa rin sa dance floor.
Ganito naman palagi e. Ako yung naiiwan sa table. Hindi rin kasi ako mahilig sumayaw. Aaminin kong parehas na kaliwa ang mga paa ko. Tsaka masakit na rin ang paa ko dahil dito sa four inches na suot kong sapatos.
Tinungga ko ulit ang basong may lamang alak. Hindi ko nga alam kung gaano na karami ang nainom ko e. Basta ang alam ko ay kaya ko pa at masaya ako ngayon.
"Akala ko nga super masungit ka e. Kaya I never approached you." Sabi ni Kyla.
She was a cruise line student na never kong nakita sa campus. But she knows me so...
"Really? I'm not. I'm just... Uh, I don't know. Shy I guess." Sagot ko rito.
Siya na lang kasi ang natitira sa table namin. Yung iba ay bumalik na ulit sa dance floor para magsaya.
Habang tumatagal at lumalalim ang gabi ay parang mas lalo pang napupuno ang club imbes na maubos ang tao dito.
"Besides, you're always with your friends. You were like charlies angels or mean girls. No offense..." Pagpapatuloy nito.
Gusto kong matawa sa sinabi niya.
"You're funny! But seriously, simple lang kami ng mga kaibigan ko. Let's cheers again?" Yaya ko dito at uminom ulit ng alak.
"Excuse me, I'm going to the ladies room." Nakangiting sabi ko matapos ubusin ang laman ng basong hawak ko.
Tumayo na ako at iniwan siya sa table namin.
Medyo umiikot na ang mundo ko pero kaya ko pa naman ang sarili ko. Bago pa man ako makarating ng comfort room ay naharang na ako ng isang bulto.
"Babe! You're here. God, you're so beautiful! I could kiss you right now!" Kahit na malikot ang ilaw sa loob ng club ay kitang kita ko pa rin ang mukha ni Cris.
Gusto kong tumakbo papalayo sa kanya. Makita ko nga lang siya ay nagtataasan na ang mga balahibo ko e!
Ang mahalikan pa kaya siya?
Baka ikamatay ko na talaga!
"Fuck off Cris!" Inis na sabi ko ng pilit niyang hinaharangan ang daan ko.
What the hell is wrong with this guy aside from his face?
"Masyado kang pakipot e, no? Alam ko namang pare parehas lang kayo ng mga kaibigan mo." Hindi ko alam ang pinagsasasabi niya pero parang nabuhay lahat ng mga dead veins ko.
Isang sampal ang isinagot ko sa mga sinabi niya.
"Don't you dare talk shit about my friends!" Nakita kong nag iba ang ekspresyon niya.
Alam kong lasing na siya at mas lalo siyang nagiging demonyo sa paningin ko. Nagulat ako ng hawakan niya bigla ang isang kamay ko at pilit na hinihila.
"Don't touch me you asshole!" Pilit akong kumakawala sa mga hawak niya pero parang ang hina hina ko.
Hindi ko alam kung lasing na rin ba ako o talagang malakas lang siya.
Hinila niya ako sa isang sulok ng bar. Kahit kanina pa ako nagsisisigaw ay parang walang gustong tulungan ako.
Dahil na rin siguro sa ingay kaya hindi nila ako ganong marinig at sobrang hype na nila kaya wala na silang pakialam.
"You bitch! I know you want me!" Naiiyak na ako sa mga pinagsasasabi niya.
Nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak niya sakin. Bakit ba kasi nakasalubong ko pa 'tong unggoy na 'to. I should've stayed with Kyla!
Halos mag apoy ang mga mata niya sa galit. Hinawakan niya ang ulo ko na akmang hahalikan ako.
Gusto kong pumiglas pero masyado siyang malakas.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak at pilit na inilalayo ang mukha ko sa kanya.
"Let me go! Please stop!" Ipinikit ko ang mga mata ko. I give up.
Naramdaman ko na lang ay biglang pag bitiw niya sa'kin at ang pagbagsak ko sa sahig.
"You stupid piece of shit! Come on! Stand up!" Pinilit kong imulat ang mga mata ko kahit na hindi pa rin tumitigil sa pag agos ang mga luha sa mata ko.
Nakita ko si Garret na nakatayo sa harapan ko habang si Cris naman ay naka handusay na sa sahig. Nang hindi na gumagalaw si Cris ay nilapitan ako ni Garret at tinulungang tumayo.
"Are you okay?" Tanong niya habang iginigiya ako palayo sa nakahandusay na si Cris.
Bakas sa boses niya ang labis na pagaalala na humaplos sa puso ko.
Hindi pa rin ako maka move on. Sobrang takot na takot ako sa nangyari. Humahagulgol pa rin ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Sunod na naramdaman ko na lang ang paghinto niya at marahang pag yakap niya sa'kin. Napapikit na lang ako at niyakap din siya ng pabalik.
"Thank you, Garret..." Bulong ko sa kanya na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayakap.
Sakto naman na naging love song ang kanta sa loob ng bar kaya para lang kaming sumasayaw.
"It's nothing. Do you want to stay here? Or you want me to take you home?" Tanong nito ng bumitiw na ako sa pagkakayakap niya.
Pinunasan niya pa ang mga luha sa pisngi ko. Naghuhuramentado tuloy ang puso ko. If an ugly door closes, a handsome one opens? Gano'n ba kami ngayon?
"Can you take me home?" Hindi ko na rin kasi kaya.
Parang lalo akong nahilo sa pagkakabagsak ko. I can still feel the pressure on my hips. Napapangiwi na lang ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakita ko ulit si Crisostomo. Nakakatakot.
Nakita kong nakahandusay pa rin ito sa sahig hindi kalayuan sa pwesto namin at ni isa ay walang pumapansin.
"Let's go." Sabi nito at hinawakan na ako sa kamay para iginiya palabas ng club na 'yon.
Garret...
Nang makalabas na kami ay hindi pa rin nawawala ang lakas ng kabog ng puso ko.
Hindi ako makapaniwala na makakasama ko si Garret ngayon. Lalo na yung isipin na mahawakan siya at iligtas ako kay Cris.
Parang sa panaginip ko lang nakikita 'to e. Sinulyapan ko ulit siya.
Ang gwapo niya pa rin kahit na medyo magulo ang buhok. Yung kamay naming magkahawak.
Gosh! I am palpitating!
First time kong makipag holding hands sa lalaki. Gusto ko tuloy mag freak out!
Bago pa man dumating ang sasakyan ni Garret na kinuha ng attendant ng bar ay may isang lalaki nang sumagi sa paningin ko.
Isinakay niya ang isang babae sa itim na BMW.
Hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa'kin na huwag kong tanggalin ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Nang maisakay na nito ang babae ay nakita kong umibis na siya sa driver's seat pero bago pa man ito makasakay ay nagtama ang mga mata naming dalawa.
Siya.
Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatitig sa'kin at gano'n din naman ako sa kanya.
Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Garret pero maya maya lang ay nagsalita na ito.
"Let's go, Jas." Pinagbuksan ako ng pinto ni Garret kaya naman sumakay na ako sa loob ng sasakyan.
Nakatingin pa rin sa direksiyon ko ang lalaking 'yon. Sumakay na rin si Garret sa driver's seat at sinimulang paandarin ang sasakyan niya.
Nang madaanan namin ang pwesto nila ay parang doon lang nagkalakas ng loob yung lalaki na habulin ang sasakyan ni Garret.
Ang sinasakyan ko.
Hindi ako pwedeng magkamali.
He was the guy I gave my virginity without hesitations.
He's the only guy I slept with.
He's the one.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro