CHAPTER 2
Chapter Two
Aftermath
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, maganda ito at halatang mayaman ang nakatira dahil sa mga mamahaling gamit na naka-display.
Napaka masculine ng kwartong iyon na combination ng white at black. Babangon na sana ako sa kama ng mapansin ko ang hubad na lalaki sa tabi ko.
"Oh my gosh!" Bulalas ko.
His eyes were still shut, but you can tell how beautiful it was, those thick brows that really made a good impression.
His nose were perfect, his lips are so red and almost full. Jeez! nakaka-tempt pari siyang halikan.
Napaka manly talaga ng features niya. Like... what the fuck happened?! Ipinilig ko ang ulo ko.
Bumaba ang mga mata ko sa katawan niya. His chest, those tight abs... Napalunok ako sa isiping 'yon. He's a gorgeous man.
Parang nag overtime si God ng ihulma siya. Gusto ko nalang siyang titigan buong magdamag pero kailangan ko ng umalis bago pa siya magising.
Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng kirot "down there" and the thought hits me hard.
Yes, I surrendered my virginity to a total stranger.
You didn't even know his name Jasmine! Reklamo ng utak ko.
Bumaba na ako sa kama niya at agad kong pinulot ang mga damit ko na nagkalat sa ibaba.
Napaigtad pa ako ng bigla siyang gumalaw kaya naman napaupo ako sa sahig.
Hinihintay kong gumalaw ulit siya pero ni isang movement at kaluskos ay wala na akong narinig pa.
"Thank God! He's still sleeping..." Bulong ko.
Iniangat ko ang mukha ko sa kama at nakita ko ang pagbabago niya ng pwesto.
Nakatalikod na siya sa akin at bahagyang nakalihis ang kumot na tanging bumabalot sa katawan niyang hubad.
I can see his toned sexy butt! Damn! He's a fucking Adonis!
Ipinilig ko ulit ang ulo ko. I need to get the hell out of here! Dahil kapag tumagal pa ako ay baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
Nagsimula na akong magbihis at pagkatapos ay kinuha ko ang aking itim na sling bag na nasa lamesa na katabi ng lampshade.
Bago pa man ako tuluyang makalabas ay sinulyapan ko ulit siya.
Mahimbing parin ang tulog niya na para bang napagod sa ginawa namin.
"Bye Mr. Stranger!" Bulong ko bago lumabas ng kwarto niya.
Condo actually.
Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Masaya ako dahil sa isiping, finally ay dalaga na ako at isang adonis ang nakasama ko pero nalulungkot ako dahil ngayon palang nag si-sink in sa utak ko na wala na ang virginity ko.
Paano na yung magiging asawa ko?
Yung promise ko sa sarili ko?
Gusto kong umiyak pero kahit na gano'n ay may parte parin sa'kin na hindi naguguilty.
Hindi nga ba? Singit ng pakialamera kong utak.
"Jas, bakit ngayon ka lang Hija? bakit hindi ka umuwi kagabi? kumusta ang party?" Napapitlag ako sa boses ni Mommy pagkapasok ko ng bahay.
Sunod sunod ang tanong niya na lalong nagpakaba sa'kin. Hindi rin kasi ako sanay na nandito siya ng alas otso ng umaga. Kadalasan kasi pagkatapos naming mag breakfast ay umaalis na sila ni Daddy. Tinignan ko siya pero hindi naman siya mukhang galit.
"Ma, nandito pala kayo. You supposed to be at work. About the party... uhm, it went fine... Sorry kung hindi na po ako nakapagpaalam man lang na hindi ako makakauwi ha?" Sagot ko nalang sabay halik kay Mommy.
"May kinuha lang ako saglit pero aalis na rin ako... I'll tell your Dad and Kuya na nandito kana. Kagabi pa sila nag-aalala sayo. You text them okay?" Si Mommy.
"Thanks Mom. Sige po medyo inaantok pa po kasi ako. I'll go to my room." Paalam ko sa kan'ya pero ang totoo, hindi naman na talaga ako inaantok.
Gusto ko lang mapag-isa.
Dali-dali na akong umakyat sa grand staircase ng bahay. Pagpasok ko ng kwarto ay kaagad akong dumiretso sa banyo at binuksan ang shower bago tumapat doon.
Habang naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa ulo ko ay kasabay naman no'n ang pagisip ko sa lalaking 'yun at ang mga nangyari kagabi.
What were you thinking...
Campbell International University
Habang naglalakad ako papunta ng classroom na mag-isa ay sunod sunod naman ang pagsalubong sa'kin ng mga couples na nag lalandian.
Mayroon pang isa na halos kainin na ang mukha ng isang lalaki dahil sa kanyang paghalik.
Mayroon namang simple lang na magka-holding hands with pa sway sway pa.
"How great!" Bulong ko.
Normal people would say, "aw. They look so cute together." but I was like "I wonder if they fucked yet."
Ewan ko ba. Kahit naman nung virgin pa ako ay ganito na ako mag isip. Am I too advance?
Ako lang ba yung weird? Hindi naman sa green yung utak ko but I'm just seriously curious.
Napag-uusapan din naman kasi namin 'yun nila Maddison. Palibahasa sa aming apat ay siya ang unang lumandi. Her mouth is full of vulgarity.
Ngayong hindi na ako virgin, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila yung mga nangyari.
Ike-kwento ko ba? Pero kasi nahihiya ako. I sighed my frustrations. Bahala na. For the mean time I'll just keep it to myself.
"Hey Jas! Nag-iisa ka yata ah! Wait for me aking mahal!" Sabi ni Cris.
Ang malas ko naman talaga ngayong araw na to oh! What did I do to deserve this? Please, not today Satan.
Siya si Crisostomo Burgos, ang weird na classmate slash panget pero feeling pogi slash na nagkakagusto sa'kin.
First year palang kami ay gusto na daw ako nito.
Nakakatawa lang kasi pangalan niya palang ay nasusuka na ako! Para siyang galing pa sa panahon ni Rizal.
Hindi lang dahil sa pangalan niya kun'di pati narin sa pagmumukha niya. Lahat na nag evolve pati technology pero siya ay consistent parin at walang improvement!
"O? Ang aga mo yatang mambi-bwisit ngayon ano?" Hindi ko na talaga ma take!
Binilisan ko ang lakad ko pero narinig ko parin ang pares ng mga habang nito sa likod ko.
Hay nako! Hindi pa nga nag-uumpisa yung first subject kong financial management ay stress na ako. Tsaka ang dami dami pang gumugulo sa utak ko ngayon for fucks sake!
"Grabe ka naman my loves! This is what you called fate. Tignan mo, ngayon ka lang walang kasama tapos ako pa ang unang nakita mo. Di'ba? Dagdag pa niya.
Nanayo ang mga balahibo ko sa batok ng makita ang nakakalokong pag ngisi niya.
Kasi naman kung bakit nauna na sa'kin sila Maddy. Na late lang ako ng kaunti ng gising kanina kaya ganito. Kung alam ko lang ay sumunod na ako kanina kay Juliana sa pagtawag niya para hindi ako nahuli.
Pakiramdam ko tuloy ay lagi nalang akong iniiwan. Ayan at literal na kamalasan ang nasa harapan ko ngayon.
"Omg! Oo nga 'no? so totoo pala talaga ang fate..." Sabay hinto, lapit at hawak ko sa mukha niya.
Gusto kong mandiri ng mahawakan ko ang mga tigyawat niyang busog. Bakit ba kasi hinawakan ko pa 'to. Badtrip!
Bago pa man masunog ang kamay ko sa mukha niya ay nagsalita na ako ulit.
"My loves... Fate fate-in mo yang mukha mo!" Sabay takbo ko papunta ng classroom.
Ugh! See!? Ganyan ako kamalas sa pagibig 'yung mga nagkakagusto sa'kin kung hindi manloloko, playboy, ay likas na weirdo.
"Where are you my prince charming..." Bulong ko nalang ng makapasok na ako sa classroom.
Pagkatapos ng klase ay nag punta kami sa Casa Café ng mga kaibigan ko.
Maaga pa naman at wala ang professor namin sa last subject kaya medyo makakagala kami ngayon.
"Maddy kamusta naman kayo ni Remi? Kelan ang binyag?" Pabirong tanong ni Hailey.
"Same old same old. Tsaka binyag? Mauuna kapa sa'kin noh! It was just a fling Hails. Wala sa bokabularyo ko ang salitang love." Mahabang sagot naman ni Maddy.
"Teka kilala nyo ba 'yung classmate natin sa psychology? Yung matangkad? Buntis pala siya." Singit ni Bea sa dalawa.
"Pano mo naman nalaman?" Curious na tanong ko.
Andun ba siya nung nag make love 'yung dalawa? Ano siya dun? Referee or scorer?
"Hello? kaya nga siya naka civillian e, tsaka tignan mo oh! Ang laki na ng tiyan niya." Sabay turo ni Bea sa may dulo ng Cafe kung saan naroon kami.
"Damn! Oo nga. Sayang naman, ang ganda pa naman niya." Nanghihinayang na sabi ni Maddy.
Sabagay, tama siya matalino pa naman din 'yon.
"Oo nga no? Pero teka ikaw ba Jasmine mag mamadre ka ba? bakit hanggang ngayon nga nga parin ang lovelife mo?" Si Maddy ulit.
Well sino pa nga ba?
"Baka nga e, kaya lang wala akong kasama kasi hindi ka na pwede dun Maddy." Sabi ko at kunwaring nalungkot.
Sa totoo lang hindi narin ako pwedeng mag madre kung alam lang nila.
"Loka loka! Kahit kailan hindi ko pinangarap mag madre ang sarap kayang makipag do! Try mo din minsan." Sagot pa niya.
Nagtaas pa ito ng kilay sakin.
"Hoy! B.I ka talaga Maddison!" Singit ni Hailey habang binubuklat ang isang clear folder na laman ang mga gamit niya.
"Hoy ka din! Wag ka nga, totoo naman 'yun e. Di'ba Bea?" Sabay baling namin kay Bea.
"Totoo ba 'yun Bea?" Curious na tanong ni Hailey.
"Ha? e bakit ba ako? si Maddy ang tanungin nyo no!" Reklamo niya habang nakanguso pa.
Nakakunot ang noo nito at ibinaba ang tingin sa isang libro na nasa harapan niya.
Si Bea kasi ay yung babaeng maganda, simple lang pero matapang. Tsaka may pagkamahiyain.
Ewan ko ba dito, pakiramdam niya siguro ay ang liit liit niya sa paningin namin. Which is not true. We love her like a real sister.
Si Maddy naman ang pinakabulgar sa aming apat pero kung sa kaibigan, siya talaga ang maasahan mo sa lahat ng bagay. May pagka loka loka nga lang talaga siya. She also doesn't believe in love unlike the rest of us.
Si Hailey naman ay sakto lang. Neutral at magaling makisama.
Maganda rin si Hailey kagaya ng iba pang nauna. Martyr nga lang at pwede ng tayuan ng limang rebulto!
Sa aming apat ay kaming dalawa ang magkasundo pagdating sa usapang love dahil kagaya ko rin itong hopeless romantic at naniniwala sa mga fairytales.
Nagtawanan nalang kami sa naging reaksiyon ni Bea.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro