CHAPTER 1
Chapter One
Jasmine Sacha Delaney
"Hoy Jasmine Sacha? Anong iniisip mo diyan?" Pukaw ni Kuya na kakapasok lang sa kwarto ko.
Napalingon ako sa kan'ya.
Anong oras na kasi ay nakaupo parin ako sa kama ko at nakatulala sa isang bintana na may kurtinang puti habang hinihipan ng hangin galing sa labas.
"Kuya Jacob... Saan ba ako makakakita ng lalaking magmamahal sa 'kin habang buhay? 'yung lalaking hindi kayang manloko? 'yung lalaking through ups and downs? Ibili mo naman ako." Madamdaming salaysay ko sa kan'ya.
Nakita ko ang inis sa mukha ng kapatid ko pero mas nangibabaw ang pang unawa sa mga mata niya. Mukhang may nakain siyang masarap kagabi kaya medyo magaan ang mood niya ngayon. Kung sa ibang pagkakataon kasi ay baka piningot na niya ako dahil sa mga kabaliwang naiisip ko tungkol sa pag ibig.
Si Kuya Jacob Seth ang nag iisa kong kapatid at dahil kaming dalawa lang ay wala na akong ibang choice kung hindi ang maging malapit sa kan'ya sa kabila ng paghihigpit niya sa akin sa halos lahat ng bagay.
But seriously, he is a brother that everybody wish they had. Bukod sa nakuha niya ang good genes namin nila Daddy ay masyado siyang maalaga at mapagmahal. Well, ibang pagmamahal para sa babaeng mga nalandi niya. I cringe about the thought.
Bukod pa sa lahat ng dilemma kong kaya niyang sabayan ay alam kong kapag nahanap na niya ang babaeng para talaga sa kan'ya niya ay ipaglalaban niya 'yon kahit sa kamatayan. Just like my Dad.
Alam kong bata pa ako pagdating sa usapang pag-ibig pero alam ko sa sarili ko na balang araw ay gusto kong magkaroon ng katuwang sa buhay na kagaya ng Daddy. Ang Daddy ko na sobrang faithful kay Mommy.
"Are you kidding me, Jasmine? Umandar na naman 'yang pagka hopeless romantic mo. Nalipasan kana yata ng gutom!" Natatawang sabi niya at pagkatapos ay ginulo pa ang buhok ko.
"Hey! I'm serious!" Napanguso ako.
Katatapos ko lang magsuklay pero sa ginawa niya ay kailangan ko na namang ulitin! He doesn't really take me seriously when it comes to love! Nakakainis! Umupo siya sa tabi ko at sumeryoso ng tingin sa'kin.
"Alam mo Jas, lahat ng bagay may tamang oras. Tamang timing kumbaga. Don't act like you're that old. Ang love ay para lang sa mga matured na tao. And you're not." Sabi niya sabay pisil sa ilong ko.
"Ouch!" Wala sa sariling napahawak ako doon.
Gusto ko pa sanang umangal at ipagpilitan sa kan'ya na hindi na ako bata pero pinigilan ko ang sarili ko. Nasa good mood kasi siya ngayon at baka kapag sumagot pa ako ay magising ang masungit niyang pagkatao.
"Tsaka kaka-debut mo pa lang. You're too young to love, trust me. Halika na nga, kanina pa naghihintay sila Mommy sa baba and I'm freakin' hungry, too." Tumayo na siya.
Tamad ko siyang sinundan ng tingin habang papunta sa pintuan ng kwarto ko.
"Don't keep us waiting, okay?" Aniya bago tuluyang umalis sa paningin ko.
Nag ayos na ako at kaagad na bumaba para masaluhan silang mag tanghalian.
Oo nga at katatapos lang ng eighteenth birthday ko pero alam ko sa sarili ko na hindi na ako bata para sa mga gano'ng bagay.
Bata pa lang ako ay fan na ako ng mga disney movies. And you know disney, it makes you believe in love and magic!
Noong tumuntong naman ako ng high school ay nagsimula naman ang hilig ko sa pagbabasa ng mga novels at pocketbooks. 'yon nga siguro ang pinaka naka-impluwensiya sa utak ko para maniwala sa one true love.
Ano ba talaga ang tunay na batayan ng pagmamahal?
Sabi nila maganda ako, mabait, balingkinitan at totoong mayaman ang pamilya ko pero ni minsan sa loob ng labing walong taon ay hindi pa ako nagkaka boyfriend.
Kaya nga hindi na ako naniniwala kapag may nagsasabing maganda ako. Wala naman kasing nagtatangkang manligaw sa'kin. Siguro nga hindi mo pwedeng makuha ang lahat.
Sabi pa sa isang movie na napanood ko, "Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo."
Pero kahit na gano'n, hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw may isang tao parin na magmamahal sakin. Isa lang naman ang hinahanap ko e, yung makita ang lalaki na mag papahinto sa pag galaw ng mundo ko.
Pumunta nalang kaya ako sa Mars?
Dahil sa pagka hopeless romantic ko na 'to ay siguro noong paglabas ko kay Mommy ay may hawak akong banner na may nakasulat na, May Forever!
Ah basta, Hanggang magkasama ang Mommy at Daddy ko ay hindi magbabago ang pananaw ko sa buhay na mayroong forever.
Si Daddy kasi ay 'yung tipo na masyadong family oriented at sobrang mapagmahal. Gano'n narin si Mommy kaya kahit na may kan'ya kan'ya silang trabaho at busy ay gumagawa parin sila ng paraan para makasama kami ni Kuya at makasama rin nila ang isat-isa.
Lahat ng magagandang paguugali na dapat ituro sa mga anak ng isang magulang ay naituro samin at maayos nila kaming pinalaki ng Kuya ko.
That's why I'm so thankful to be their only daughter.
Natapos akong kumain na punong-puno ng ka-echosan ang laman ng utak ko.
Matapos no'n ay umakyat na ako sa kwarto ko at pagkatapos maligo't mag-ayos ay tinawagan ko ang mga bestfriend kong sila Maddy, Hailey at Bea. May usapan kasi kaming lalabas ngayon para mamili ng damit na susuotin sa debut ng isa naming kaibigan.
"Bea late ka na naman. Pinoy ka nga talaga." Natatawang kantiyaw ni Maddy kay Bea na halos isang oras nang late.
Sa aming tatlo ay siya talaga yung pinakamabagal kumilos.
"Wala ba kayong orasan man lang? Naghihirap na ba talaga kayo?" Dagdag pa nito.
"Sorry guys. Si Mama kasi ayaw akong paalisin..." Dahilan niya.
"Reasons." Natatawa na ring singit ni Hailey.
"Asus! Ikaw talaga last mo na yan ha! Masyado kang pa V. Tara na nga may nakita akong dress kanina tignan na natin do'n." Sabi ni Maddy sabay turo sa isang boutique.
Grabe talaga ang bunganga ng babaeng 'to. Masyadong pranka.
Lahat ng gusto niyang sabihin ay sasabihin niya talaga kahit na makakasakit o ano. She's also the most liberated in our circle!
Ah, Basta ako. Sinabi ko na sa sarili ko na ibibigay ko lang 'yung pinaka-importanteng bagay ng pagiging babae ko sa lalaking makakasama ko habang buhay.
Sa lalaking pakakasalan at mamahalin ako forever.
Hanggang ng dumating ang gabi ng party...
"Happy birthday Cassidy!" masayang bati namin sa kanya.
Nandito kami ngayon sa 18th birthday ng friend namin nila Maddy. ka-blockmate namin siya ngayong third year college.
Mas lalong naging mukhang prinsesa si Cassy sa suot niyang pulang ball gown. Napaka elegante nito at mas lalong lumabas ang kagandahan niya.
Engrande ang party ni Cassidy.
Yung place nila halos palasyo sa laki.
Yung mga bisita niya na galing pa sa mga kilalang personalidad.
Yung lamesang pagkahabahaba ay punong puno ng samo't-saring pagkain.
Tapos yung cake niya ay mas matangkad pa yata sakin and last ay yung mga regalo. Napamangha ako dahil ang iba do'n ay kasing laki pa ng balik-bayan boxes eh.
Kulang na lang ay lagyan 'yon ng to, from at address. Ano kayang laman non? Kotse? House and lot?
Noong debut ko kasi ay wala namang nagbigay ng kasing laki ng balik bayan box kaya napapaisip ako kung ano ang posibleng laman ng mga 'yon.
Bakit pa ba ako magtataka? Cassy's family is very wealthy. At halos lahat naman ng nag-aaral sa Campbell ay mayayaman pwera na lang siguro sa mga nakakuha ng scholarship na kagaya ni Bea.
Hindi naman sila gano'n kahirap na isang kahig isang tuka pero hindi rin naman sila mayaman kumpara sa nakararami.
Yung Papa niya ay ofw sa saudi at ang Mama niya naman ay teacher sa isang public school. Nakakuha lang siya ng scholarship kaya siya nakapag-aral sa Campbell International University.
"Thank you Guys! Mag enjoy lang kayo sa party ha." Sabi niya sa aming apat.
Umupo na kami sa table kung saan mayroong mga pangalan namin.
Pagkatapos ng kainan at program ay nag dim na ang ilaw at napalitan ang kaninang debut songs ng mga party songs. Napuno na ang bulwagang 'yon ng mga nagsasayawang tao.
"Hey let's get some drinks!" Pag-aaya ni Maddison samin.
"Let's go." sabi naman ni Hailey at lahat kami nagtungo na sa bar area para kumuha ng kanya kanyang drinks.
"Cheers!" At pagkatapos nun ay nasundan pa ng maraming shots at nag ka hiwa-hiwalay na kami.
Si Bea at Hailey ay nasa dance floor. Si Maddy naman ay kasama si Remi, yung ka-fling niyang player rin ng football team.
At ako? Heto nasa may table namin. Mag-isa. Tulala. Bored.
Hindi naman sa lasing nako pero wala lang talaga ako sa mood para sumayaw. Tsaka isa pa, I'm not really good at dancing.
"Miss can I join you?" Tanong sa'kin ng isang lalaki na sa ngayon ay nasa harapan ko.
"Uh... I- guess." Napilitang sagot ko.
Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil mga maliliit at magalaw na ilaw lang na galing sa dance floor ang nagpapaliwanag sa buong lugar.
"Are you alone?" Tanong niya.
Ayoko sana siyang kausapin pero Ican't help myself. Mas mabuti pang kausapin ko siya kaysa naman tumunganga ako buong magdamag sa party na 'to di ba?
Umupo na siya sa harapan ko. Kahit na madilim ay pilit kong inaaninag ang hitsura niya.
Nang makapag adjust na ang mga mata ko ay napasinghap ako sa nakita ko.
In all fairness, gwapo ang lalaking ito. Hindi ko alam pero may resemblance akong nakita sa features niya na parang nakita ko na sa kung saan.
"No. actually my friends are in there." Turo ko sa may dance floor.
"Oh okay, Cheers?" Medyo nahihilo na ako pero ewan ko ba at bakit alak na alak ang katawan ko ngayon.
I drink with him.
Hanggang sa nagka-kwentuhan na kaming dalawa. Nagta-trabaho daw siya sa kompanya ng Dad niya.
Ni hindi ko na nga maalala ang mga iba pa niyang sinabi eh. Maingay na masyado at alam kong lasing na rin ako.
Tumayo siya at tumabi sa inuupuan ko. He's wearing a gray long sleeves, black coat, gray tie and black pants. I saw him earlier. Kasali siya sa eighteen roses ni Cassy pero hindi ko 'yon masyadong napagtuunan ng pansin dahil sa daldalan namin ni Maddison kanina.
Malaki ang built ng katawan niya pero tamang-tama lang para sa height niyang siguro'y mga nasa 5"11 o 6 ft.
Sa pag tabi niyang 'yon ay amoy na amoy ko ang pabango niya. Parang ang sarap niyang halikan. Damn!
"Are you still listening?" Tanong nito.
Hindi ko napansin ang sinabi niya dahil sa mga kapilyuhang pumapasok sa utak ko.
"Ah sorry. Ano nga ulit 'yun?" tanong ko na lang.
"Where's your boyfriend?" Umalingaw-ngaw sa tenga ko ang tanong niya.
I wish I had one.
"He's... He's not here." Pagsisinungaling ko.
Gusto kong sabihing wala akong boyfriend pero ewan ko ba at bakit ko nasabi 'yun. Lasing na nga yata ako.
"Good." Maikling sabi niya.
His smile wiped out. Napailing ako. I started to examine his face like a rare specimen. He has thick brows, deep set of brown eyes, narrow nose, red lips and a define jaw that made a really good impression on his handsome face.
"Cheers?" Pag-iiba ko ng topic at sabay naming inubos yung mga drinks na nasa table.
Pagkatapos ng isang oras ay magkausap parin kami.
"I'm single... magiging woman hater na nga sana ako kaso nakita kita kanina. Kaya I changed my mind." Pabirong sabi niya.
I know it was only a joke but It made me happy. Oh Gosh, I'm stupid!
"Bakit ako? may magic ba ako?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
"Paano ako magiging woman hater, eh ang ganda mo..." Sagot niya.
Tama ba ang narinig ko? Lasing na din ba siya at kung ano-ano na lumalabas sa bibig niya.
Maganda ako?
Totoo ba 'yun?
Gusto kong maniwala pero pinanindigan ko sa sariling ko ang salitang hindi. Tsaka sigurado akong likas na sa kanya ang pagiging bolero, sa gwapo niya ba naman eh.
Ilang babae na kaya ang nasabihan niya ng gano'n?
"Ang bolero mo naman. hindi bagay sayo ang pagiging woman hater no! Kawawa naman yung mga babaeng maiinlove sayo." Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko pero huli na.
Bumalik ulit sa isipan ko ang sinabi niya na maganda ako. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Meron pa rin pa lang lalaki na mabubulag sa ganda ko maliban kay Crisostomo.
"Kaya nga hindi na eh..." Maikling sagot niya ulit kasabay ng pag titig niya sakin.
Gusto kong mapaso sa titig na 'yon.
Say something Jas...
"Ang... Ang gwapo mo kaya..." I blurted out of nowhere.
Hell no!
Nabigla ako sa sarili ko ng bigla ko pang hawakan ang mukha niya. Oh c'mon Jasmine! Masyado kang flirty.
"Ikaw pala 'tong bolera eh." sabi niya sabay hawak naman sa kamay ko.
Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente dahil sa ginawa niya.
Hindi naman ako ganito. Palibhasa kasi ay ngayon lang ako uminom ng ganito karami.
Lasing lang ako.
Lasing lang.
Shit!
Lasing na ako!
Paano na...
"I'm not..." Pakonti na lang ng pakonti ang mga tao sa party.
Hinagilap ng mga mata ko sila Bea pero hindi ko sila makita.
Iniwan na ba nila ako? Nakakainis naman oh!
"Excuse me." Tatayo na sana ako pero bigla naman akong nahilo, mabuti na lang at mabilis niya akong naalalayan at nasalo.
"Hey, hindi mo na kaya. Ihahatid na kita." Gusto kong tumanggi pero may isang bahagi ng utak ko na nagsasabing just go with the flow.
Malay mo siya na ang prince charming mo...
Agad niya akong inalalayan sa pag labas sa bulwagang 'yon at sa pag sakay ng kotse niya.
Habang nag dadrive siya ay nakatitig lang ako sakanya. Yung labi niya. Para akong na hihipnotize. Lalo pa't nakita ko ang pag basa niya sa mga 'yon gamit ang kanyang dila.
Good grace! Bahala na...
Sabi ng utak ko at pagkatapos ay tinawid ko ang mga pagitan namin.
Wala akong pakialam kahit na madisgrasya kami.
Basta ang alam ko lang ay gusto ko siyang mahalikan.
His lips...
This kiss...
My first kiss...
Was with a total stranger...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro