Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please be advised that this story contains, Trigger warnings, sensitive content, mature theme and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.

Covers are not mine. All credit goes to the rigthful owners.

Copyright © 2020 zane199X

Alessa had a big secret.

Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened. Nagpakalayo layo siya kasama ng mga alaalang hindi na mabubura pa sa puso at isip niya.

"Loving the wrong person is self-harm." Alessa said.

PROLOGUE

Parang gusto kong pagsisihan na sa tapat pa ng pakpak ng eroplano ako napaupo, masyadong maalog at maingay. Mukhang mahangin, masama ang panahon o baka naman dahil sa elesi ng eroplano. Hindi ko tuloy magawang ipahinga ang sarili ko. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nakapagbook agad ako ng ticket, direct flight from London Heathrow to Manila International Airport. May limang flight lang sila kada isang linggo kaya't hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon. Hindi ko rin alam kong magdiriwang ba ako dahil ilang oras nalang ay lalapag na ang eroplano o parang mas gusto ko yatang bumalik nalang kinaumagahan, kung pwede lang sana, why not? Maririnig ko palang yung salitang Pilipinas, parang gusto ko ng tumakbo palayo. Kung hindi lang ako tinawagan ni Kiel ay baka wala ako sa eroplanong ito. Dad needs me, dahil? Bakit? Anong meron? I know he's in hospital pero alam ko rin na hindi naman malala ang iniinda niyang sakit. Kaya't nagtataka ako kung bakit bigla bigla silang tatawag, yun pa naman ang ayoko, natatakot ako. Natatakot akong maramdaman ulit yung sakit.

Hindi nagtagal ay narito na ako sa labas ng airport. Palinga linga ako, hindi ko kasi alam kong sino ba ang susundo sa akin dito, si Ate Deinna ba? Napakaimposible naman o baka si Kiel? Ewan. Sobrang siksikan, walang pinagbago. Maingay, magulo. Sumasakit na ang binti ko, buti nalang at hindi ako nakaheels ngayon. Hindi tulad noong unang travel ko, kinarer ko talaga ang heels from Manila to London, London to America, nilibot ko ang mundo na nakaheels. Napapailing ako. Hindi ko na uulitin iyon, never again!

"Ate Alessa!" nagulat ako sa sobrang lakas ng sigaw na yun.

"Kiel?" malabo na ata ang mata ko, masyado s'yang malayo kaya kinusot ko muna ang mata ko bago lumapit sa tumatakbong lalaki.

"Kiel? Oh my gosh!" Gulat na gulat ako, sobrang laki ng pinagbago ni Kiel, mas matangkad na siya sa akin slash parang mas lalo atang gumwapo ang kapatid ko, mukhang maraming pinagbago ang kapatid ko sa loob ng halos limang taon... "You look great, brother!" Iba talaga ang itsura ng tao pag sa phone mo lang sila nakikita.

"Sus, ako lang 'to!" Pagmamayabang n'ya.

"Where's Mom?" Tumingala pa ako para makita ang mukha ng kapatid ko.

"Hindi ko na pinasama, malamig ang panahon, katatapos lang ng bagyo tsaka malapit na ring mag-pasko." Sabi ni Kiel habang hila hila ang luggage ko. Kaunting damit lang naman ang dinala ko dahil wala naman akong balak magtagal dito, 1 week is enough.

"Kumusta ka naman ate? Parang tumaba ka yata?" Napahinto si Kiel at luminga linga para hanapin ang sasakyan n'ya. Sa dami ba namang sasakyan sa parking lot siguradong makakalimutan niya na kung saang parte s'ya pumarada.

"So far so good...at hindi ako tumaba, nagkalaman lang." Sagot ko.

"Mabuti naman." sagot ni Kiel na napapakamot pa sa ulo, "Hala hayun pala! Dun ko pala nai-park..." sabi pa ni Kiel ng mamatahan niya ang kotse n'ya.

Tahimik lang akong natingin sa bintana ng lumang Porsche ni Kiel, minana pa n'ya ito kay Lolo. Mukhang walang balak bumili ng bago si Kiel kahit pa may minana naman s'yang pera sa grandparents namin. Lalo na kay Lola, kahit hindi na kami magtrabaho, mabubuhay kami dahil sa mga negosyong naiwan ni Lola. Tulad nalang ng "The Coffee Station" si Ate Deinna ang namamahala nun. May dalawang branch ito, isa dito sa Tagaytay at isa naman sa Baguio. Malakas kumita ang coffee station lalo na iyong sa Baguio. Tag lamig kaya't punuan na naman ang mga cafe ngayon. Yung ibang kabataan ginawa nilang tagpuan ang mga cafe ngayon kaya alam kong patok na patok ito. Di tulad sa London, kalimitan mga negosyante ang laman ng cafe.

"May bagyo pala..."

"Oo ate, dami ngang nasalanta sa bikol eh lalo na yung sa marikina gosh... pati na rin sa cagayan." Sabi ni Kiel.

"Ohh..."

"Siguradong matutuwa si ate Deinna pag nakita ka n'ya!"

Sa palagay ba ni Kiel masaya si ate Deinna na umuwi pa ako? Hindi ba niya alam?

"You think so..."

"Oo naman, ikaw talaga ang nega mo."

Ngumiti ako at ibinaling nalang sa labas ang aking mga mata. Gumagabi na, siguradong maninibago ang katawan ko sa oras lalo pa't magkaibang magkaiba naman ang oras sa UK kesa dito sa pinas.

"Malapit na tayo ate..."

"Yeah." Sagot ko. Parang kung anong sakit at kaba ang humahampas sa dibdib ko.

"Ayaw mo ba talagang hawakan yung cafe sa baguio?" Tanong ni Kiel.

"Ayoko."

"Bakit naman? Eh sayo yun binigay ni Lolo ah..."

"Pwede namang ikaw nalang."

"Aba ayoko din, apakalayo nun tsaka parang boring."

"Sus, palibhasa nakakapagmaneho ka na kaya nasasabi mo yan."

"Noon pa naman ako marunong mag-drive di ba? Kaso bawal pa, so ngayon naeenjoy ko na lalo na't malapit na akong magtapos ng highschool." Sabi pa ni Kiel.

"Ohh..." wala akong masabi.

"Ikaw, nagdadrive ka ba sa UK?"

"Oo, minsan. Pero madalas nagtetren lang ako kase masyadong trapik dun eh."

"Eh kumusta naman ang trabaho mo dun?" Ipinarada ni Kiel ang sasakyan niya sa harapan ng bahay namin. Hindi naman kalakihan, sakto lang para sa isang pamilya. Up and down, may sariling garahe at maliit na hardin? May garden na pala dito?

"Okay naman." Yun lang ang naisagot ko kahit ang totoo nahihirapan akong makibagay sa mga tao roon.

"Welcome home ate Alessa!" sigaw ni Kiel with open arms pa.

Ngumiti lang ako kay Kiel bago bumaba sa sasakyan niya. Tumingin ako sa malaking pintuan namin, ganon parin, walang nagbago. Yung hardin lang, wala kaming hardin dati. Ang natatandaan ko ay mga luma at sinaunang sasakyan lang ang meron si Daddy noon. Meron na ding swimming pool? huh? may swimming na din pala, maliit lang ito at makipot. May mga fairy light din sa tabi at tables. May bamboo trees sa gilid na halatang pagod na pagod dahil nakalupasay pa ito, marahil dahil sa bagyo.

"Tara bilis!" Sabi ni Kiel. Hinila ako ni Kiel papasok ng bahay.

Nagulat pa ako ng makita ko si Daddy na nakaupo sa sofa. Parang okay naman siya at walang sakit.

"Alessa..." sabi ni Daddy.

"Hi, Dad." Lumapit ako at nagmano. "Si Mommy?" Kinakabahan ako na nakaharap ko na s'yang muli pagkalipas ng ilang taon.

"Maaaaaaa!" Sigaw ni Kiel, "We're here na!"

"Alessa anak!" Tuwang tuwa si Mommy. Niyapos niya ko at hinalikan sa noo. Nagmano rin ako at ngumiti, "Kumusta po?"

"Okay naman, katatapos lang ng bagyo nariyan nga't nakahelera pa ang mga paso ng halaman ko." Napatingin ako sa gilid ng salas, tama marami ngang halaman dun. Ito na ba ang bagong libangan ni Mommy?

"Have you eaten yet anak?" Anak? Tanong ni Daddy na parang wala namang nangyari noon?

"Uhm... sa airport, kanina." pagsisinungaling ko dahil ang totoo naman eh hindi pa ako nagugutom o mas mabuting sabihin ko na wala akong gana? Parang ganon na nga ata.

"Hala! Nagugutom na ko, Ma!" Sabi ni Kiel.

"Deinaaaaaaaaa!" Sigaw ni Mommy, nagulat ako. Nandito s'ya? Akala ko ba nasa cafe si ate.

"Alessa's here! Come over... dinner na!" Sabi pa ni Mommy. Hinila hila n'ya ako sa dining table. Pinaupo n'ya agad ako at nilagyan ng pagkain.

Mula sa hagdan ay nagmamadaling bumaba si ate Deinna. "Ysah??" Gulat na gulat siya, halatang hindi niya alam na darating ako.

"Ate..." halos hindi na lumabas sa bibig ko yun.

"Oh my god you here!" Niyakap ako ni Ate na para bang walang nangyari noon. Masaya s'ya, alam ko. Nararamdaman ko.

Pinipilit kong maging masaya sa mga kwento ni Kiel. Pinipilit kong tumawa sa lahat ng joke nila. Gustong gusto kong tanungin si Daddy kung bakit pinauwi n'ya pa ko. Nakalimutan na ba ni Daddy na pinalayas n'ya ako noon? Nakalimutan na ba nila yun? Bakit parang ang saya saya nila? Habang ako, halos limang taong nagtsaga ng walang karamay, walang pamilya. Kinokonsenya ang sarili, sinisisi sa lahat. Bakit ang saya saya nila.

"Anak." Si Daddy. Parang gusto kong masuka sa tuwing naririnig ko ang katagang 'yan mula sa kanya, ANAK?

"Yes, Dad." Kinakabahan ako.

"I decided na ikaw na ang mag-manage ng Coffee station dito sa tagaytay at si Deinna naman sa Baguio." Iyon agad ang lumabas sa bibig ni Daddy, "May mga iniwang farm si Papa sa'yo, Alessa..."

"I can't promise, Dad. Marami rin akong naiwang trabaho sa UK..." Nasa tono ko ang pagtanggi.

"Dad, huwag ngayon..." Sabi ni Ate Deinna.

"Alessa..." tumingin si Daddy sa akin. Nababasa ko ang mata n'ya. "Kaya naman ni Fredo ang negosyo dun kahit pa magresign ka at mag for good dito..." ang tinutukoy ni Daddy ay ang kapatid niyang bunso.

Gusto kong sabihin na kahit kailan ay hindi ako nagtrabaho sa company ni Tito Fredo. Gusto kong sabihin na may sarili akong companya. Pero naisip ko, mahalaga pa bang malaman nila 'yun? May halaga pa ba ako sa kanila?

Bakit nga ba ako umuwi? Para pasakitan ang sarili ko? I am not belong here anymore...

"I'll think about it, Dad..." sabi ko.

"Give me your final answer tomorrow."

"Okay po, Daddy." Yun nalang ang nasabi ko.

"Hay nako, ang seryoso n'yo namang lahat." Awat ni Kiel.

Tumingin ako sa kanya atsaka ako uminom ng tubig. Alam kong nararamdaman ni Kiel na ayoko sa mga pinaplano ni Daddy. Alam kong naiintindihan ako ni Kiel dahil alam n'ya kung paano at gaano kahirap ang dinanas ko noon. Siya lang naman ang nakakausap ko mula noon, siya lang ang nag-aalala, siya lang ang may pakialam sa akin noon. Siya lang ang hindi tumigil mangumusta.

Tama nga ang hula ko, alas tres na ng umaga pero hindi parin ako dalawin ng antok. Kahit hikab manlang ay hindi ko magawa. Lumabas ako sa teres at pinagmasdan ang taal volcano. Malayo ito pero matatanaw parin dahil sa liwanag na buwan. Malamig na ang simoy ng hangin, magpapasko na. Niyakap ko ang aking sarili. Ninamnam ang sariwang hangin bago muling pumasok sa kwarto ko. Ganon parin ang ayos ng kwarto ko. Bagong pintura ito dahil naaamoy ko pa ang gas mula sa pintura. Humiga lang ako at inintay na makatulog. Nalulungkot ang puso ko, nasasaktan. Walang araw o gabing pinalangin ko na sana hindi ako nagkamali sa mga desisyon ko. Sinisisi ko ang sarili ko.

Nagising nalang ako sa sunod sunod na ring ng cellphone ko. Inaantok ako pero ng makita ko ang pangalang ni Kiel sa screen ay sinagot ko agad. Nasa boses ni Kiel ang inis kaya sinunod ko lang lahat ng sinabi niya. Nagmamadali akong pumasok sa Monterde Prime School. Sabi ni Kiel ay kailangan n'ya ng parents dahil nagkaproblema daw siya. Nagtataka naman ako dahil ako ang tinawagan n'ya at sinabi pang huwag sasabihin kila Mommy. Buti nalang hindi ako naligaw at mabuti ring pinayagan ako ni Mommy na magdrive mag isa. Pumasok ako agad sa principal office.

Principal's Office,

"Ate!"

"What happened?" Tumingin ako sa babaeng nakaupo sa harapan ni Kiel. Tinaasan pa ako ng kilay noong dalagita at sinuri ako mula ulo hanggang paa.

"Si Nikola kasi eh..." Ipinagpag ni Kiel ang uniform n'ya na puno ng putik.

"Baka ikaw..." agad singit niyong tinawag ni Kiel na Nikola.

"Aba't sasagot pa nga!" Ngumisi si Kiel.

"Please sit down, Miss Hernandez." Napatingin ako sa nagsalita. Umupo naman ako sa tabi ni Kiel.

"Where's your parents, Nikola?"

"Busy ho eh..." Nahihiyang sabi naman nito sa principal nila.

"Your behavior, Miss Alonte... hindi ko na mapapalampas pa itong gulo sa pagitan ninyong dalawa nitong si Mister Hernandez." narinig kong sabi ng principal na umiiling iling pa. "Mga graduating pa naman kayo..."

"Ano bang nangyari?" Humarap ako kay Kiel.

"She pushed me..." Parang batang nag-susumbong sa nanay n'ya ang ganap ni Kiel. Napangiti ako bahagya.

"And?" para tinulak ka lang pala eh... gusto ko pa sanang sabihin 'yon but... nevermind, I know my brother. Hindi siya magpapatalo sa mga ganitong kaganapan.

"Puro putik na..." Galit si Kiel ng humarap sa kasama. Habang itong si Nikola naman ay nakakrus pa ang mga kamay sa dibdib. 

"Nag-sorry na ako di ba?" Singit naman ni Nikola. Napansin kong kakaiba itong si Nikola, iba ang kulay ng mga mata n'ya pero itim ang alon alon nitong buhok.

"Saan aabot ang sorry mo?" Singit naman ni Kiel.

Para silang mga bata sa elementary school. Hindi ko alam kong matatawa ba ako sa itsura ni Kiel o sa itsura nitong si Nikola.

"Enough!" Saway ng Principal sa kanila. Para silang aso't pusa! Ganito na ba ang mga kabataan ngayon? Hindi na marunong gumalang?

"Nako, Ate Ysah, pigilan mo ko..." bulong ni Kiel sa akin, "baka—"


"What happened, Ninay???" That voice... Napalingon agad ako sa pintuan.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Napatingin ako sa lalaking pumasok sa pinto. Nagmamadali itong lumapit kay Nikola. Nanginig ang tuhod ko at kumalabog ang puso.

"Kuya Miguel..." Nagulat pa si Nikola. Napaayos siya ng upo at halatang nagpaawa pa ang mukha nito.

Humawak ako sa kamay ni Kiel, mahigpit. Tumingin sa akin sa kapatid ko bago tumingin sa lalaking bagong dating. Tumaas bahagya ang kanang kilay ni Kiel. Nagulat pa ito ng maupo mismo sa harapan ko. Sana ay panaginip lang ito. "Ate..." si Kiel na hawak hawak din ang kamay ko.

"A-Alessa?"  Gulat na gulat ito ng mapagtantong ako nga ang nasa harapan niya.

X

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro