Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

KABANATA 3

Palubog na ang araw ng lumabas ako sa sariling kwarto ko. Maganda ang napiling hotel ni Sarina, at maganda rin naman ang presyo nun, hindi ko ineexpect na 5 Star Hotel pala ang gusto n'ya. Kunsabagay siya naman ang nagbayad lahat.

Kaya't hindi ko maalis sa isip ko kung bakit ba nag-aaksaya ng pera ito at lalong hindi maalis sa isip ko kung bakit ganon nalang n'ya tulugan si Jetro, ang matalik niyang kaibigan. Dapat nga ay nagsasaya ako dahil bukas ay ganap na akong bente uno anyos pero heto, ang dami kong iniisip. Dagdag isipin pa si Ate Deinna. Paano n'ya nagawa yun kay Miguel? At si Dave? Ang kapal talaga ng mukha.

Naiiling akong humigop ng kape bago muling tumunghay sa kalawakan ng Hotel and Resort na ito. Sariwa ang hangin, tahimik at tanging mumunting musika lang ang naririnig ko. Malapit ng dumilim, babalutin na naman ako ng lungkot. Dapat ay nagsasaya ako at hindi nagmumokmok dito. Ipinikit ko ang aking mga mata at si Miguel ang unang lumitaw roon, ang mukha niyang galit.

"Dave?" pagtataka ko.

"Yes, David! You know him, right?" Wala ng sasakit pa sa mga ngiti, para bang may nagawa akong napakalaking kasalanan sa kanya.

"Oh, yes. Why?" Ipinasok ko muna ang hand bag ko sa loob ng kotse at muling humarap sa kanya. Sa mga oras na ito ay lalong bumibilis ang pagtambol ng puso ko. Bakit ba ang unang pumasok sa isip ko ay may ginawang mali o masama si Ate Deinna, at bakit ako ang tinanong ni Miguel about Dave? I'm not even close to him! Cheater!

"Why you didn't tell me?" Tanong ni Miguel.

"Huh? Tell what? Wait, I don't know what you talking about?" I asked him back, totoo naman, ano bang meron?

"Deinna slept with him... at anong iisipin ko?" Naroon ang galit sa boses niya. Galit ba talaga siya o masyadong nagasgasan ang ego niya?

Napanganga ako, ito ba yung sinasabi ni Daddy na Deinna can handle it, she's matured enough? "I... I really don't know about this..."

"Because she's your sister that's why you didn't get it, Oh come on Alessa! Look at yourself, hindi ka na bata para hindi mo maisip na maybe they fucked, or baka naman talagang alam mo?" Ngumisi-ngisi siya.

Dahil sa sinabi n'ya, kusang umangat ang palad ko at lumapat sa namumula n'yang pisngi. "How dare you to say that!"

"What's going on here?" gulat na gulat si Sarina, "Shit, teka, sandaleeee! Anong nangyayari dito?" Agad n'ya akong nilapitan ng makita n'ya akong napahawak sa aking tuhod habang humahagulhol sa pag-iyak.

Hindi ko alam, pero nasaktan ako sa mga sinabi n'ya. Sa mga paratang niya.

"Don't touch me..." sinalag ko ang kamay ni Sarina at mabilis akong pumasok sa kotse at pinaharurot iyon.

"Lalim ng iniisip ah?" Napalingon ako kay Sarina na pinagkrusan pa ako ng mga bisig. Mabilis namang bumalik sa katinuan ang pag-iisip ko.

"Not really..." inisang lagok ko ang kape sa tasa.

"Forget about him, Cous!" Hinampas ni Sarina ang hangin na parang nagtataboy ng kung ano, pweding aso o pusa.

"I did," tumingin ulit ako sa labas ng veranda.

"Hmm, ako pa ba ang lolokohin mo?" Lumapit s'ya sa akin, naaamoy ko agad ang alak sa katawan n'ya. Ganon na ba kalakas itong uminom samantalang ako isa, dalawa hanggang tatlo ay lasing na.

"Saan si Jet?" pag-iiba ko. Bigla namang umasim ang mukha n'ya at saka umupo sa bakanteng upuan na nakaharap din sa kalawakan ng resort habang ako naman ay nakatayo at pinagmamasdan ang pagpapalitan ng liwanag at dilim.

"Hayun, hindi na hiniwalayan si Lacsamana." umigkas ang nguso niya.

"Maka-Lacsamana ka naman! May pangalan yung tao!" natatawa kong sabi sa kanya.

"Aba malay 'ko ba." umiwas s'ya ng tingin. Tama, nababasa ko na ang ibig sabihin sa mga ikinikilos n'ya. Since before ganyan na s'ya kay Jetro pero di pumasok sa isip ko na baka gusto n'ya ang bestfriend n'ya? Pwede ba 'yun? Kunsabagay, ang magkagusto sa boyfriend ng kapatid ay hindi rin pwede.

"Do you like him?" Deretshang tanong ko. Umupo rin ako sa tapat n'ya para makita ng dalawang mata ko ang reaction ni Sarina.

"Do you like him?" She asked me back. I rolled my eyes, and laugh.

"Halata ka." Sabi pa ni Sarina sa akin.

"Ikaw din," sagot ko naman.

"My goodness!" Sinabunutan n'ya ang sarili n'yang buhok na parang nababaliw, "Why I ended up like this?" parang maiiyak na siya sa mga sinasabi n'ya.

"End up what?" Pagkukunware kong hindi ko alam ang tinutukoy n'ya.

"You're correct, I like him Alessa... parang mababaliw na ako!" humalumbaba siya. Nakikita ko yung pagod, lungkot at sakit sa mga mata n'ya.

"Bakit kaya hindi mo nalang aminin? Sabihin mong gusto mo siya," yun ang unang pumasok sa isip ko, ganon ba kadali yun?

"Bakit hindi sabihin mo yan kay Migue?"

"NO WAY!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit ba sakin papunta ang usapan? Mag-isa lang akong nag-eemote dito ah.

"So totoo nga?" Tanong n'ya sa akin.

Tumango lang ako. Parang alam naman talaga n'ya, ganon na ba kahalata? Paano? Minsan ko lang naman makita si Miguel at hindi naman kami ganoon ka-close. Mas napagkakamalan pa ngang mag-jowa si Sarina at Jetro tapos ako itong ginigina nila. Lalo na si Toshka, kung makapang-asar.

"Sorry nga pala nung nakaraang gabi," naalala ko na iniwan ko s'ya after kong marinig ang mga sinabi ni Miguel.

Nagdilim ang paningin ko sa sama ng loob, bakit ba ako ang sinisisi n'ya? Naiinis ako dahil parang may kasalanan ako na hindi ko sinabing Ex-boyfriend ni Ate Deinna si Dave. Malay ko bang hindi n'ya alam? Dapat alam n'ya lahat iyon kung mahal n'ya talaga. Dapat alam niya kung sino at ano ang mga dapat niyang pagselosan.

"HALA! Nandito lang pala kayo!" Nagulat kami sa sigaw ni Toshka mula sa elevator. Mukhang hingal na hingal pa ito? Duh, elevator naman yun at hindi hagdan.

"HALA! bakit ba?" Inirapan ko s'ya, "Ang ingay..."

Lumapit si Toshka sa amin at amoy na amoy ko din ang alak sa katawan n'ya, "Tara, shot na!"

"Ayoko," si Sarina agad ang unang tumutol sa Sestra n'yang si Toshka. "I have some beer in my hotel room so..." tama, mukhang nakainom na nga si Sarina pero hindi naman ito halata sa kanya.

"Ses, gora na tayo. Salubungin natin ang birthday mo, Jade!" sabi pa ni Toshka.

"Ayoko, bukas nalang." Sagot ko, iba ang pakiramdam ko sa inuman na yan.

"HALA! Sayang naman yung nirentahang yatch ni Jetro, tsaka kanina ka pa n'ya hinahanap, Sars!" Pamimilit pa ni Toshka.

"P*tang ina talaga itong si Jetro," pagmamaktol ni Sarina.

"Lakas ng tama kay Amanda," dagdag pa ni Toshka na walang kapreno-preno ang bunganga.

"Ah," umiwas ng tingin si Sarina.

"Tara na kasi, kayo nalang iniintay! Tsaka girls, hindi naman lalayo yung yatch kaya wag kayong mag-alala 'noh! Isa pa, nagrenta talaga si Jetro ang bestfriend mong madatong dahil pumayag na itong si Amanda na mag-paligaw yata? Yun ang pagkakarinig ko kanina eh," dagdag pa ni Toshka.

Ganon kabilis?

"Okay, bihis lang kami," ngumiti si Sarina at tumingin sa akin, huh? Bakit?

"Ay go na girls! Bikini Party?"

"Bikini talaga? Pweding dress nalang?" Kinabahan ako bigla.

"Of course, kung saan ka okay, Cous," baling sa akin ni Sarina.

"Birthday mo kaya dapat bikini talaga!" Sulsul naman ni Toshka sa akin.

"No, she can't wear those, to be honest," sabat naman ni Sarina. Feeling ko para s'yang bulkan na malapit ng sumabog.

"Talaga ba?" Pagtataka ni Toshka, "Last time nagbikini ka ah, yung sa Batangas vacay natin? Di ba?" Sabi pa ni Toshka.

"Well, that was in Batangas," pambabara ni Sarina.

"Init mo ah," natatawang sabi ni Toshka. Mukhang nahalata na nito ang pagkawala sa mood ni Sarina.

"Just wait us here, Tosh. Palit lang kami." Pag iiba ko. Pakiramdam ko malapit ng lumabas ang lava sa katawan ni Sarina.

Nagsuot lang ako ng isang satin halter dress, yung regalo sa akin ni Lucy na sakto namang dumating noong isang araw. Tamang tama, ito agad ang naisip kong suotin. Light yellow color ito na saktong sakto rin sa kulay ng balat ko. Naglagay lang ako ng lip and cheek tint. Ganon kasimple.

Nagulat ako ng makita kong nakadress lang din si Sarina, pure white lace dress na hanggang tuhod ang haba at ng tingnan ko naman si Toshka ay nakadress na din ito. Kanina ay naka-red bikini top at shorts lang s'ya, ngayon naman ay nakakulay hot red tube dress naman siya. Parang s'ya yung may birthday at hindi ako. Naiiling na nangingiti nalang akong lumapit sa kanilang dalawa.

"Let's go?" Excited na ipinulupot pa ni Toshka ang kanyang dalawang kamay sa magkabilaang bisig namin ni Sarina.

Mabuti nalang at naisipan kong magslipper dahil lumulubog sa buhangin ang paa namin kaya't halos puro buhangin na ang binti ko bago makarating sa yatch na sinasabi nitong si Toshka. At dahil parang si Toshka itong magbi-birthday ay s'ya na din ang nangunguna-ngunang pumanaog sa yatch habang kami ni Sarina ay tahimik lang, nagpapakiramdaman. Sana'y hindi kami malasing dahil baka kung ano ano ang masabi namin ni Sarina pagnagkataon.

Umakyat agad si Toshka at nakasunod ako sa kanya ng biglang huminto ito kaya't napahawak kami ni Sarina sa may hagdan para hindi mahulog.

"What the hell, Toshka?" Inis na inis na bulyaw ni Sarina sa likuran ko.

"Muntik na kaming mahulog..." pabulong kong sabi.

"Shit," yun lang ang narinig ko kay Toshka na hindi parin matuloy tuloy sa pag-akyat.

"Umalis ka nga! Ako na!" Sigaw naman ni Sarina na dali daling umakyat.

Sumunod naman ako kay Sarina habang itong si Toshka ay nagdadalawang isip pa yata kung tutuloy ba s'ya or uuwi nalang dahil sa reaction ng mukha n'ya. Nilakihan ko s'ya ng mata sa inis ko. Muntik na kaming mahulog kanina.

"Oh fucking shit," bulong ulit nito. Inirapan ko lang s'ya at saka tumuloy agad sa loob.

"KUYA?"

Gulat na gulat si Sarina ng makita n'ya si Theo sa tabi ni Jetro, at si Amanda naman ay halos nakayapos na sa sobrang dikit nito kay Jetro. Nang ilibot ko pa ang mata ko ay noon ko lang napansin si Miguel sa kanang bahagi sa tabi ni Theo. Biglang nanlamig ang katawan ko. Bakit nandito sila? Iyon agad ang gusto kong itanong pero parang ni isang kataga ay walang lumabas sa bibig ko.

"Dead," bulong ulit ni Toshka sa likuran ko.

"Can you shut the fuck up?" bulong ko kay Toshka, "Not now, Tosh..." dagdag ko pa.

Tumahimik lang din ito at naupo sa tabi ko. Iginala ko pa ang mata ko para hanapin ang ilang friends ko pero wala sila dun, baka mas pinili nilang mag-swimming pool nalang kesa sa dagat? masyadong malamig ang dampi ng hangin kahit alas-syete pa lamang ng gabi. Maya maya pa'y naramdaman kong gumalaw ang yate at pumunta sa medyo hindi kalayuan sa dalampasigan.

"Bakit nandito ka? Kayo?" Inis na inis si Sarina ng harapin n'ya ang Kuya Theo n'ya habang tahimik kaming nakikinig sa kanila.

"Why?" sabat naman ni Jetro, "I invited them..." sabi agad ni Jetro. Awtomatikong nanaas ang kanang kilay ko. What? Party n'ya ba ito?

Nakita kong nagtitimpi ng inis si Sarina, huminga pa s'ya ng malalim bago tumingin sa amin. Ngumiti siya at saka naupo sa tabi ko. Katahimikan lang ang bumalot sa amin sa yateng ito. Pakiramdam ko ay hindi ko birthday mamaya, parang out of place yung nararamdaman ko.

Tumingin ako kay Amanda na busy parin sa pakikipag-usap kay Jetro at paminsan minsan pa ay nagbubulungan sila dahil medyo malakas ang music sa yate. Tumingin lang ako kay Theo na abala rin sa pakikipag-kwentuhan kay Miguel. Magkakilala sila? Nakakapagtaka naman kung magkakilala nga sila.

Ang kaninang napakadaldal na Toshka ay parang naubusan yata ng sasabihin dahil sumandal lang siya at nilibang ang sarili sa kaniyang cellphone. Kunware'y busy. Para naman akong natutunaw na yelo, pakiramdam ko ay nalalasing ako sa hiya? Sa sobrang hiya... bakit ba s'ya nandito?

"Happy Birthday, Jade." Napalingon ako kay Theo ng itinaas pa ang kopitang hawak hawak n'ya.

Ngumiti ako bahagya at itinaas din ang isang beer na nakapatong sa lamesa, sa mismong harapan ko. Hindi ako nagdalawang isip na inumin yun, kailangan ko ng alak. Tama nga si Lucy, alak lang ang katapat ng hiya. Nang ibaba ko ang bote ng beer ay napatingin ako kay Toshka na nakanganga pa na para bang nagulat? Nagulat kasi uminom ako ng beer?

"That's mah Jade!" Kumindat agad si Sarina at dali daling kumuha ng tequila.

Bumalik ang mga mata ko sa lamesa nila Theo pero wala si Theo roon, nanginig ang tuhod ko ng makitang papalapit mismo sa kinauupuan ko si Miguel.

"Happy Birthday, Alessa. Sorry..." halos ibulong na niya iyon. Tumayo ang mga balahibo ko.

"A-ah?"

"Alessa Jade," napalingon ako kay Toshka. Matalim niya akong tinitigan, may pagbabanta.

"Alessa," si Miguel, "I-I just w-wanna..."

Hindi ko na narinig pa ang mga sasabihin ni Miguel ng mas lalong lumakas ang musika. Hinila ako ni Toshka kaya't nalayo ako kay Miguel. Mas mabuti ito, dahil wala naman akong dapat sabihin sa kanya.

"Ang rupok," mariing bulong ni Toshka bago tinuga iyong beer sa mesa.

X

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro