Kabanata 1
KABANATA 1
"Hi! what's your order, Sir?" Halos umabot na sa langit ang ngiti ko pag siya ang nakikita ko.
"Alessa?" Parang nakakita s'ya ng multo sa reaction n'ya.
"Yes, ako nga!" Ngumiti lang ako bahagya.
"Why are you here?" gulat na gulat parin s'ya dahil siguro first time niyang oorder sa akin?
"Hmm... because this is our family business, family cafe?" hindi ko parin inaalis ang ngiti ko, yun ang turo ni Lolo. He's our customer, regular customer.
"No, I mean, where's Sarina?" kunot noo pa s'ya. Huh? si Sarina pala ang hanap.
"She's dayoff kaya ako muna ang casheir, as if namang mahihindian ko si Lolo, di ba?"
"I see," tatango tango lamang ito.
"So what's your order, Kuya Miguel?" inilapag ko ang menu sa counter desk.
"Just one flat white and babana cake," ngumiti rin ito sa akin. "Takeout, please."
"Okay, one second," kinindatan ko s'ya. Kadalasan kong ginagawa yun sa mga taong kakilala ko, close friend or friend ay nakasanayan ko na iyong gawin.
Tumawa s'ya bahagya, "Sure."
"Hindi mo kasama si Ate?" biglang tanong ko habang iniintay ang order n'ya. Nakakapagtaka namang hindi niya kasama ang Ate ko.
"Hindi eh, busy s'ya. Minamadali na kasi n'ya yung papers for UK trip..."
"Oh..." pumayag ba si Kuya Miguel na umalis si Ate Deinna?
"Pumayag ka?" tanong ko habang kumukuha ng sugar at plastic spoon sa tabi ng counter habang si Kuya Miguel naman ay abala sa cellphone n'ya.
"What to do?" ngumiti s'ya sakin pero alam ko na malungkot s'ya.
"That's her dream, pagbigyan mo na..." pampalubag loob kasi nababasa ko sa mga mata n'ya yung kalungkutan lalo pa't tatlong buwang mawawala si Ate Deinna.
"I know but yeah, you're right, one of her dreams." ngumiti ulit s'ya sakin at ibinulsa ang cellphone.
"Here's your order, enjoy Kuya!" inilapag ko ang supot.
"Thank you, Alessa." sinilip niya ang loob ng plastik at sinamyo ang amoy ng kape, napangiti ako sa ginawa ni kuya Miguel.
"You're welcome po!" kumaway pa ako sa kanya bago tuluyan na siyang lumabas ng cafe.
Kanina pang nakaalis si Kuya Miguel pero nakatitig parin ako sa glass door ng Coffee Station kung saan s'ya lumabas. Humalumbaba ako sa counter at ngumiti, kung ganito ba naman bubungad sa akin tuwing umaga baka magpresinta na ako kay Lolo na palitan nalang si Sarina bilang cashier tutal busy naman ang isang yun.
Pero dahil si Tita Mara naman ang manager, panganay na kapatid ni Daddy kaya't imposible na mapalitan ko si Sarina. Balita ko nga ayaw talaga ni Sarina dito pero mapilit si Tita Mara, kasi daw pag dating ng panahon kami kami lang rin naman daw ang makikinabang ng Coffee Station kaya't habang maaga pa ay dapat na naming pag-aralan ang pasikut-sikot ng negosyong ito.
Mukhang ako lang naman ang nag-eenjoy sa cafe ni Lolo, dahil siguro mahilig ako sa kape? dahil kung si Sarina lang din naman ang tatanungin isang malaking "NO" sa kanya ang magtrabaho dito, lalo na si Theo, ni bumisita hindi manlang magawa. Si Ate Deinna naman mas busy pa sa presidente ng bansa at si Kiel, anong aasahan namin kay Kiel? Kung nandito lang sana si Lucy, baka ganahan ako lalong magpursige sa cafe na ito lalo pa't matumal ngayon dahil summer na.
Bagsak presyo na naman ang hot drinks namin. Dapat siguro ay i-suggest ko kay Lolo ang milktea or something cold drinks. We are always in classic stage, ano ba naman kung maglevel up kami ng kaunti. Wala namang mawawala kung susubukan.
"Saang bansa ka na? Iniisip mo ba kung gaano kagwapo ang boyfriend ng ate mo or iniimagine mo na ikaw ang jowa n'ya?"
Biglang nawala ang ngiti ko, "Pinag-sasasabi mo?" inirapan ko s'ya.
"Sige itanggi mo pa yan," nilakihan n'ya ako ng mata.
"Can you not, Toshka?" gusto kong matawa sa mga sinasabi n'ya. Isang malaking tsismis!
"Duh! Nakita ko si Miguel, may bitbit na plastik, so galing s'ya dito? Tapos hello, from parking lot I can see your face duh, nakangiti ka na para bang sinapian ka ng malanding kaluluwa tapos sasabihin mo sakin na CAN YOU NOT?" ang lakas ng tawa n'ya buti nalang wala pang masyadong customer.
"Okay, enough please." Sabi ko nalang dahil baka kung ipagpatuloy ko pa ang pagtanggi sa isang 'to ay lalo lang humaba ang nobena n'ya sa akin.
"So... he's here huh!" Umupo si Toshka sa isang bar chair at humarap sa akin.
"Yes, cafe 'to kaya nandito s'ya. Baka gustong magkape kaya napadaan..." hindi ko tinitingnan si Toshka dahil alam ko na ang itsura ng mukha n'ya. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagsasalansan ng sugar sachet.
"Talaga lang huh?"
"Please lang, Toshka! Kabahan ka nga..." Pinadilatan ko s'ya ng mata.
"Kailan ka ba aamin? Eh halata ka naman..." Tumatawang sabi nito.
"My goodness Toshka baka marinig ka ni Ate Deinna! bakit ka ba nandito?" Naiinis na ko.
"Boring sa bahay, walang Alessa." kunwareng malungkot na boses n'ya.
"WOW?" Palibhasa sa bahay nila ako tumatambay pag hindi ako busy. Boring din kasi sa bahay, laging wala sila Daddy at Mommy, si Ate Deinna naman sa condo tumutuloy, si Kiel kwarto lang palagi. Parang sa gabi nalang kami nagkikita-kita. Minsan nga mag-isa lang akong kumakain ng dinner.
"By the way, ano? Tuloy ba tayo sa Zambales?" Iyon siguro ang dahilan kaya s'ya nandito. Pag beaches kasi ang pag-uusapan s'ya ang nangunguna-nguna, pero palagi namang late.
"Omorder ka muna, dami mong satsat nakikiupo ka lang naman yata?" Inabot ko ang menu sa kanya.
"Ganyan ka ba sa mga customer n'yo? Walang kalambing lambing?" reklamo pa n'ya.
Tumaas ang kanang kilay ko, "Yes Sweetie pie, American pie, what's your order Ke-pie?"
"ANG BASTOS MO!"
Iniwasan ko ang kamay n'ya na sana'y ihahampas sa braso ko. Halos mahimatay na ako sa katatawa, "Okay what's your order bestfriend ng taon?" Pagseseryoso ko.
"Parang gusto ko rin ng isang Miguel..."
"Wala kami nun, Miss."
"I mean yung inorder n'ya..." kumindat pa sa akin si Toskha. Tease me more Toshka para mahampas na talaga kita.
"Noted!" Iniwan ko s'ya habang tumawa parin, gusto n'ya ng isang Miguel? Parang gusto ko rin si Kuya Miguel. Napakaswerte ni Ate Deinna...
MAG AALAS DOSE na ng umaga ng makauwi ako. Late kasing dumating si Sarina kaya't inintay ko pa s'ya. Buti nalang at hindi naman ganoon karami ang tao. Dahil open naman ang cafe 24 hours kaya't may kanya kanyang shift naman so hindi masyadong mahirap kumpara sa ibang restaurant at cafe, patayan sa trabaho. Inilapag ko ang hand bag ko sa sofa at hinubad ang mid black heels ko. Medyo nangalay ang paa ko sa maghapong nakatayo, takbo rito, takbo roon. Menasahe ko ang sentido ko bago tumuloy sa kusina para uminom ng tubig. Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng madatnan ko si Daddy at Mommy habang umiinom ng kape.
"Bakit hindi pa kayo natutulog?" kumuha ako ng tubig at uminom agad.
"Kanina ka pa ba?' tanong ni Mommy.
"Nope, kadarating lang po." Umupo rin ako sa tabi nila. Parang may pinag-uusapan silang importante dahil hindi sila aabutin ng dis'oras ng gabi dito kung hindi importante ang pinag-uusapan nila.
"Problems?" Tanong ko ng mapansing tahimik sila pareho.
"Maliit na problema lang..." sabi ni Daddy at humigop ng kape.
"About saan naman po, Dad?" Tanong ko ulit.
"Cafe."
"Why?" Napaayos ako ng upo.
"Mababa ang kinita last month, at ngayong buwang ito parang mas mababa pa yata..." Napamasahe si Daddy sa sentido n'ya, "I don't know why Mara didn't talk to me about this matter. Si Fredo lang ang nag-sabi sa akin,"
"Hon, don't stress yourself, that's not your problem. Si Mara ang may problema..." sabi ni Mommy.
"I know, pero pag naiisip ko si Papa na baka maubos na ang pera n'ya para lang maisalba ang cafe... ahhh sumasakit na ang ulo ko." Sabi pa ni Daddy.
"Daddy, how about we add milktea in our menu? Salads and breakfast like sausage and fried rice? Kasi summer na, mainit ang panahon, bagay na bagay ang milktea or shake, right? Buko shake much better? also... marami naring turista na maagang bumabyahe, perfect for our breakfast meal. Siguradong papatok naman 'yon dahil mag-mamahal na araw na," Ewan ko ba at nasabi ko lahat ng ito kay Daddy. Hindi naman kami ganito mag-usap kahit noon pa.
Nakatingin lang silang dalawa sa akin, tumayo ako at nagtimpla na rin ng kape, "What do you think Dad? Mom?" ngumiti ako.
"Very good, Alessa! Magandang ideas lahat ng iyan, " napangiti si Daddy. Mukhang nabawasan ang tensyon sa sarili n'ya.
"Thank you, Dad. Ayoko ko pong malugi ang cafe, dahil panahon pa ni kupong kupong ang cafe nila Lolo at Lola, di ba nga? Hindi pa sila kinakasal may cafe na sila at 'yun ay ang The Coffee Station." ngumiti ako. Totoo naman iyon, si Lola ang nagkwento sa akin. Kung nabubuhay lang sana si Lola baka walang problemang ganito.
"That's true, sweetheart." Sabi naman ni Mommy.
"I'll go up na, Dad, Mom." Inubos ko ang kape ko at humalik ako sa kanila tsaka binitbit ang bag ko.
"Any plan for your 20th birthday?" Habol ni Daddy.
"No plan, Dad. I hate parties, please don't suggest it."
"Alright sweetie."
"With friends?" Tanong ni Mommy.
"Oh I guess so, Zambales if okay?" tumawa ako.
Kahit hindi naman ako magpaalam or kahit last minute na 'ko magpaalam, papayagan parin nila ako. Hindi sila strict as long as mag-eenjoy ang mga anak nila. Kung strict sila siguradong hindi nila papayagan si Ate Deinna na mag-London trip with her friends lalo pa't wala yatang balak si Ate na isama si Kuya Miguel sa mga travels n'ya. I don't know why, baka gusto lang ni Ate Deinna na kaibigan ang kasama n'ya kesa kay Miguel. Baka ini-enjoy na niya bago s'ya tuluyang ikasal kay Kuya Miguel.
"Ofcourse, Alessa." sabi ni Mommy.
"Thanks, Mom..." umakyat na ako sa taas at sumalampak sa kama ko. Hindi naman ako ganon kapagod pero iba talaga pag nakahiga. Nagshower ako saglit, skincare, and pajama set.
Kanina pa akong palinga-linga, halos maputol na ang litid ko sa leeg. Bakit wala s'ya? Ngayon na ang flight ni Ate Deinna at kanina ko pang hinahanap si Kuya Miguel. Tatanungin ko ba si ate Deinna? Parang nakakahiya naman kung pangungunahan ko sila Daddy at Mommy. Nasa harap na kami ng departures at ilang oras na lang papasok na si Ate sa loob. Hindi n'ya ba alam? Isang linggo ko na s'yang di nakikita or kahit dumalaw sa bahay.
"Where's Migs?" Sa wakas may nagtanong din, si Kiel na katabi ni Daddy.
"Uhm, busy eh." tamad na tamad na sagot ni Ate.
What the hell?
"Enjoy!" sabi ko nalang, she just nodded.
"Don't forget to update us, okay?" sabi ni Mommy.
"Sure, Ma. I'm with Mingso. Teya, Yurie, and Dave, so don't worry about me, guys." halata kay Ate yung saya n'ya. Kumusta na kaya si Kuya Miguel? Alam ba n'ya na kasama si Dave? Kilala n'ya ba si Dave? Bakit kasama si Dave?
"I'll go inside na guys, see you in three months! Gonna miss you all!" Nag-group hug kami at saka pumasok siya sa loob. Kumaway kami sa kanya at inintay namin s'yang mawala sa paningin namin bago kami isa isang tumalikod. Ang weird.
"Why she's with Dave?" biglang tanong ko.
"With Mingso, Teya, and Yurie... so please can you think positive?" singit ni Kiel.
I rolled my eyes, "That's her ex-boyfriend, Kiel. Anong mararamdam ni Kuya Miguel?"
"Was ex. Wala siyang mararamdaman," yun lang ang sagot ni Kiel habang busy naman si Daddy sa pagmamaneho.
"Just stop overthinking, Jade." Sabat ni Mommy.
"But, Mommy that's Dave who cheated on her... my gosh!" Bakit ba hindi nila ako magets?
"None of your business, Jade." sabi ni Daddy, "I know your sister. She can handle that. She's matured enough, so alam na n'ya yan and move on, Jade." Tumawa sila Mommy at Kiel sa sinabi ni Daddy.
"DAD!" Sigaw ko.
"Opss, sorry." tumawa ulit sila.
Nagising ako sa ringtone ng cellphone ko, nakailang ring ulit bago ko tiningnan kung sinong caller. Unknown. Hinayaan ko lang ulit tumunog ang cellphone ko. Alas dos na ng madaling araw, sinong baliw ang sasagot sa tawag kung unknown naman yun. Pumikit ulit ako dahil sa antok pero sunod sunod naman ang mga text na natanggap ko, sa inis ko, bumangon ako at umupo sa gilid ng kama ko, mumukatkat ang mata.
"Who the hell are you?" binuksan ko agad ang messages.
[Alessa...]
[Are you still awake? it's me, Miguel.]
Napahinto ako sa pagbabasa. MIGUEL? sinong Miguel naman ito? Nagising tuloy ang diwa ko.
[I need your help, please. Naflat ang gulong ng car ko. I'm here at Aguinaldo Highway. I need your help, please...]
[C'mon pick up the phone, please!]
Agad akong nagreply sa mga text n'ya kahit kinakabahan ako.
[HUH?]
Nagreply agad s'ya. Napatayo ako sa kama dahil sa sobrabg kaba. Tiningnan ko ulit ang wall clock ko, damn it's almost 3AM.
[Flat coffee and babana cake.]
WHAT THE HELL?
Nagbibiro ba s'ya?
Dali dali 'kong sinuot ang hoodie ko at tumakbo pababa. Patay na lahat ng ilaw kaya't dahan dahan akong lumapit sa mga susi ng mga sasakyan na nakasalansan sa tabi ng TV namin. Kinuha ko ang susi ng lumang kotse ni Lucy dahil yun ang nakapark sa likod, malapit sa gate kaya't hindi ako masyadong maririnig nila Daddy at Mommy. Baka mabulabog pa sila kung yung kotse ni Ate Deinna ang gagamitin ko.
[Stay where you are, I'm on my way!]
Yun lang ang reply ko dahil finocus ko na ang mata ko sa daan. Medyo malayo layo rin ang Aguinaldo Highway mula sa bahay. Pero dahil madaling araw na kaya't wala ng masyadong sasakyan sa daan.
Mabilis 'kong tinahak ang highway na sinabi n'ya. Napansin ko agad ang isang matangkad na lalaki, nakasandal ito malapit sa side-mirror ng sasakyan habang nakakrus ang mga hamay. Dali dali kong pinadara ang kotse sa likuran ng sasakyan ni Miguel, yeah that his car. BMW X6.
"Alessa!" nagulat ako sa sigaw n'ya.
Sinalubong n'ya ako ng yakap, yakap? Bakit niya ako niyakap? Parang gusto kong matumba dahil sa gulat. Parang may fiestahan sa loob ng dibdib ko dahil sa lakas ng pagtambol ng tibok ng puso ko. Hindi ko magawang ilapat ang bisig ko sa likod n'ya dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap ni Miguel.
"Hey..." sabi ko.
"Hmm?"
"Are you okay? May masakit ba sayo?" tanong ko pa.
"I'm okay now." bulong n'ya. Sa sobrang tangkad n'ya halos sa tapat ng dibdib n'ya lang umabot ang mukha ko. Naririnig ko din ang pintig ng puso n'ya. Kalmado, hindi tulad ng sa akin.
"Let's go?" kumawala ako sa pagkakayakap ni Miguel pero pinigilan n'ya ako.
"Yeah, sorry naistorbo pa kita."
"It's okay, K-Kuya..."
"Tara, lumalamig na."
"Teka, paano ang sasakyan mo?" Pagtataka ko pa. Iiwan niya ba ang kotse niya rito?
"I settled already." Sabi n'ya habang hila hila ang kamay ko.
"Ako na ang mag-dadrive." Sabi ko sa kanya ng agawin n'ya ang susi sa kamay ko.
"Are you sure?" Pagtataka nito.
"Yeah." Oo naman, sure na sure.
"Okay," Nagkibit balikat nalang siya at saka naupo roon.
Tahimik lang ako habang nagmamaneho. Nagsasalita lang si Miguel para ituro kung saan ang daan papunta sa condo n'ya. Nagmakarating kami ay agad rin naman s'yang bumaba. Dumungaw s'ya sa bintana ko. Amoy alak s'ya at namumungay na ang mga mata. His eyes are so beautiful. Kahit hindi naman siya lasing ay ganoon na talaga ang mga mata niya.
"Thank you again, Alessa." Napakurak ako ng magsalita siya.
"Ysah nalang." Ngumiti ako.
"Your nickname?" Parang nagulat pa s'ya.
"Yes, Kuya."
"Migs nalang." Short for Miguel siguro.
"Nickname mo?" Natawa ako.
"Yes." Tumawa rin s'ya.
"Uhmm bye?" Tumango lang s'ya at agad ring naglakad papasok.
"Weird..." Bulong ko.
Nang makarating ako sa bahay ay ganoon parin, tahimik. Mukhang walang nagising sa pag alis ko kanina. Nahiga ako at umaktong walang nangyari. Pero hindi ko maikalma ang puso ko. Bakit ko ba tinulungan ang isang iyon? Hindi na ako dinalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa kisame at inaalalang mas napapalapit na ako sa boyfriend ng Ate ko na dapat ay hindi naman dapat.
Ilang beses pa akong pumikit para sana antukin pero gising na gising ang diwa. Kinuha ko ang cellphone ko at saka tinitigan ang mga text ni Kuya Miguel kanina.
"Bakit ba kasi nasiraan ka pa ng sasakyan?" Hinagis ko ang phone ko at saka isinubsob ang mukha sa unan at pinanggigilan.
X
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro