Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

[SAYO by Silent Sanctuary — credit/cover by Gigi De Lana from Youtube]


To, @chelssie18 —

[Keep doin what you love]

[I really find this story interesting and one of my most awaited author to update. Thank you for the update author]

Hi Chelssie18, Thank you so much. Isa ka sa mga tumatak sa isip ko because of your words. So, nagpapasalamat ako sayo. — Love, Suzmetha;






To, @Danicafayepalua5 —

[Naol mabilis ang utak]


[Author please maawa ka pampagoodvibes bago entrance exam]



Hi Danicafayepalua5, HAHA! Salamat dear, tuwang tuwa po ako sayo! Isa ka sa mga talagang abangers nitong ML! Sana naipasa mo ang extrance exam mo. Goodluck, stay safe! Goodbless :) — Love, Suzmetha;


To, @Darkskinnedman —

[Goodluck author to your journey as a writer. More stories to come have a good health and keep your pen, bleeding]


Hi Darkskinnedman, well, same to you! Thank you so mucho! — Love, Suzmetha;





To, @Zydane05 —

[Nakakabitin pero the story is veryyyyy nice! Good job dear ❤️]



Hi Zydane08, thank you so much! Nakakataba ng puso at kaluluwa! — Love, Suzmetha;





To, @Miraalunaa —

[Ngayon niyo na po ba ipost? Kais ayaw kung magbasa ng iba hanggat hindi ko pa natatapos ang Midnight Lover]


Hi Miraalunaa, Oh my gosh, ito na po ang Epilogue, wakas na po ito. I hope you like it po, Madam :) — Love, Suzmetha;





To, @Loidaenriquez29

[Good morning too. Abangan namin Miss A! Ingat lagi, stay safe ❤️]


Hi Loidaenriquez29, Ingat din po kayo, Madam. :) — Love, Suzmetha;





To, @Mildredramire7

[I love you author update more please]


Hi Mildredramirez7, aaand I love you too, Madam! Enjoy reading :) — Love, Suzmetha;





To, @Eronheart

Hi Eronheart, thank you so so so much po. You are my first wattpad reader na talagang nag-follow pa sa akin sa Twitter.








Sa lahat po ng aking mga taga-pagbasa. Hindi ko na kayo maisa isa, HUHU! Wohooo! Maraming Salamat po! Sanay ma-enjoy niyo itong last chapter ni Miguel at Alessa. Sana po ay suportahan niyo iyong series #2, hindi po kayo magsisisi, gagalingan ko pa po ng todo todo! Huwag niyo po kalimutang mag-vote, I love comment po, at syempre, pwede niyo rin akong i-follow para mas madali niyong makita iyong mga susunod ko pang stories!


Hanggang sa muli! Maraming Salamat! — Love, Suzmetha;








LET'S BE FRIEND ;)

TWITTER : Zane199x

INSTAGRAM : Zane199x or Suzmethazaneasilo











EPILOGUE








"Alessa is here..." Bulong ni Mama, inilayo ko bahagya ang tenga ko sa telepono. Alessa? Nagbibiro ba siya?








"Anak, I said... Alessa is here, sa cafe. Hindi ko alam na may meeting pala sila ng Papa mo. Come here, madali ka..." Bulong parin ni Mama. Huh?








"And so what?" Ano naman kung naroon nga si Alessa? Baka nagbibiro lang ito dahil kanina ko pa siyang hindi nirireplyan. Busy ako at walang oras para makipagchikahan kay Mama.








Naikwento ko kasi sa kanya na nakita ko si Alessa doon sa school ni Ninay, anak ni Manang Nella. Nagkaproblema kasi ito at nakisuyo si Mama na ako na muna ang pumunta dahil busy si Manang Nella. Wala naman akong nagawa kaya't pinuntahan ko si Ninay doon. Hindi ko naman alam na si Kiel pala ang involved sa gulo, kasama itong si Ninay at lalong hindi ko nabalitaan na umuwi na pala siya.








Tumatak sa isip ko iyong mga sinabi ni Celine, iyong pinsan ni Alessa. Noong una ay hindi ako makapaniwalang pinsan niya ito dahil medyo malayo ang mukha niya. Mas lutang iyong pagiging anak mayaman, pang ramp model nga kung tumindig. Ang kaso noong kinakausap ko siya ay sinabi nitong 'If you really love her, leave her alone, hayaan mo siyang mabuhay because of what you did... Layuan mo siya, huwag hanapin pa. Because if you guys are meant to be... si God na ang gagawa ng paraan. Kahit saan pa kayo mapadpad, magkikita parin kayo. So, now? Move! Get out!' Pinakaladkad niya pa ako sa mga security guard.





Naiiling akong tumayo. Naniniwala ako sa mga binitawang salita ni Celine. Ito na siguro iyong tamang panahon para ipaglaban ko siya. Kailangan kong bumawi, sa loob ng halos limang taon, mukhang mahihirapan akong bawiin lahat ng oras, panahon na nagkulang ako sa kanya. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi na siya umalis, at makita niyang mahal ko siya, maramdaman niya na siya lang at wala ng iba. Kaya naman ng malaman kung gusto niyang bawiin ang Cafe ay nag isip agad ako ng paraan para mapalapit siya sa akin.








Date, pumayag siyang makipag-date pero sa ang malas ko, nakita ako ni Shantal. Yung akala kong date na magdadala sakin palapit sa kanya ay nauwi lang sa wala. Alam ni Shantal na si Alessa iyong kasama ko, pero dahil gusto niya akong asarin ay kung ano ano pang sinabi niya, at umastang may relasyon kami. No way! May boyfriend si Shantal! Iniwan ko si Alessa para ihatid si Shantal sa labas ng restaurant dahil magugulo lang ang mga diskarte ko. Pero itong si Shantal ang daming pakulo!








Sinabi niyang iwan ko si Alessa doon at hayaang umuwi mag isa para may rason daw ako na makita ulit si Alessa after ng date namin. Magsorry daw ako, alo aloin si Alessa. Dahil nababasa daw niyang mahal na mahal parin ako ni Alessa at mukhang nagseselos na ito sa kanya. Dahil nauto ako ni Shantal ay hinatid ko muna siya at saka bumalik ng restaurant. Si Alessa pa iyong nagbayad ng pagkain namin, halos lumubog na ako sa sobrang kahihiyan! Inis na inis ako kay Shantal dahil hindi naman umepekto kay Alessa, nagalit pa ito at pinagtabuyan ako noong gabing pinuntahan ko siya.








Kahit galit na galit si Alessa ay nag-effort parin ako. Lagi kong inaalala iyong mga sinabi ni Celine kahit pa mukhang hindi naman boto sa akin iyong pinsan niya. Pinadalahan ko siya ng maraming rose, as in marami! Nakita ko lang naman iyon sa Tiktok eh, ginaya ko lang. Imbis na kiligin si Alessa ay mas lalo pa yata itong nagalit sa akin at sinabing may mahal na siyang iba. Totoong dinamdam ko iyon, pero hindi ako sumuko, hindi ako naniwala kasi alam kong mahal niya ako, nararamdaman ko iyon.








Si Alessa na yata iyong babaeng punong puno ng pride sa katawan. Hindi ko kinuha ang cheque dahil wala naman akong gagawin sa perang pilit niyang pinagduduldulan sa akin, wala akong interes doon. Ang gusto ko lang ay makasama pa siya ng matagal. Kaya naman sinabi ko kay Tito Donn na ibigay nalang kay Alessa iyon. Pero hindi ko sukat akalaing pupuntahan niya pa ako sa Aquino Firma para lang kusang ibigay iyon? Damn, sobrang niyang ganda! Halos hindi ako mapakali dahil sa pagkagulat. Kailangan kong magkaisip ng paraan para hindi masayang iyong pagpunta niya dito. Gusto kong may mangyari kaya naman hinalikan ko siya. Naramdaman kong nagustuhan niya iyong halik ko pero umalis parin siya.








Ilang araw kong hindi nakita si Alessa, pabalik balik ako sa bahay nila para lang makausap siya. Alam kong nagulat siya noong hinalikan ko siya. I can't help it but to smile like an idiot. Kinikilig ako eh. Mahal niya ko! Dahil kung hindi, bakit niya masabi sa akin ng harapan na hindi niya ako mahal? Ewan, para akong tanga na nahuhuli ang sariling nakangiti sa kawalan kaya naman mabilis kong natapos iyong mga trabahong palaging pinapasa ni Papa sa akin. Noong una ay nagrereklamo pa ako, pero ngayon ay ako na iyong nagtatanong kay Papa kung wala na bang ibang trabaho. Daig ko pa ang nakashabu sa sobrang lutang.








"What's your order, Sir?" Binulsa ko ang phone ko at saka humarap sa counter.








"One banana cafe, please." Ngumiti pa ako sa crew kahit ang totoo ay naiinis na ako. Kanina pa akong nakapili dito pero inabot pa ako ng sampong minuto dahil doon sa customer na nasa unahan ko.








"I'm sorry, Sir. Ubos na po eh..." Nakangiwing sagot nito.








"What? How come? Ako lang yata ang customer na bumibili ng banana cake dito ah..." Napahawak ako sa batok ko. Pumila pa ako ng maaga tapos naubusan parin ako.








"Nako, Sir. Sorry po talaga," Alam kasi nitong regular customer ako dito at malimit kong dayuhin ang banana cafe nila. Isang himala nga't nangyaring naubusan pa ako, "May customer ho kasing bumili. Binili niya lahat iyong bagong gawang cake kaya natagal po kami. Para daw ho kasi sa alaga niya."








"Ganoon karami? As in binili niya lahat? Wow! Just wow!" Napailing iling nalang ako.








"Paborito daw ho kasi noong alaga niya eh..." Tinaas ko ang isa kong kamay para awatin siya sa pagpapaliwanag.








"It's okay. Basta next time tir'han niyo 'ko, huh..." Ngumiti nalang ako at saka lumabas ng Cafe pero iba ang bumungad paglabas ko.








Alessa?








Mukhang problemado ito kaya naman hindi na niya ako pinansin pa noong tanungin ko siya. Abala ito sa phone niya at may tinawagan pa. Kung ano anong sinabi niya kaya naman ngingiti ngiti nalang ako habang pinagmamasdan siya. Napailing pa ako ng mapansing magkaiba pa iyong suot niyang tsinelas. Halatang balisa at kabado ang itsura niya pero pinilit ko paring pakiligin siya pero mukhang wrong timing ako ng layasan niya ako bigla. Kaya naman lumapit ako sa guard na building para itanong kung kilala ba niya si Alessa. Maaaring dito siya tumutuloy dahil ilang araw na akong pabalik balik sa bahay nila.








"Good evening, Sir Miguel..." Bati ng guard.








"Magandang gabi," Ngumiti ako.








"Ano pong atin? Ginabi kayo ah..." Napakamot pa ito sa batok niya. Nahihiya. Siguro ay naririnig niya iyong mga pinagsasabi ko kay Alessa kanina.








"Kilala mo ba iyong kausap ko kanina?" Ngumiti ako bahagya ng makitang muntik na itong maubo sa sariling laway.








"Ahh, iyong magandang babae na iyon ho ba?" Napakamot din ito sa batok niya, "Hindi ho eh. Minsan ko lang ho siyang makita na lumabas." Napatango tango nalang ako. Siguro ay talagang bago nga lang si Alessa sa Makati High Bldg.








"Pero 'yong isa ho kilala ko." Nanliliit kong tiningnan siya, "Doon ho siguro siya tumutuloy sa unit ni Ma'am Celine. Dahil sila ho iyong nakita kong magkakasama noong nakaraang araw. Kilala ko ho si Ma'am Celine dahil lagi niya ho kasing binibigyan ng pasalubong tuwing umuuwi siya dito." Tatawa tawa pa ito.








Celine?








"Oh." Okay, gotcha!








"Kayo ho, kilala niyo?" Napakurap ako sa biglang tanong niya.








"Oo naman. Hindi ko lang alam kong anong floor sila." Nagulat nalang ako ng may iabot siya sa akin.








"Alam ko hong bawal ito, pero para ho kasing magkagalit kayo noong girlprend n'yo eh. Suyuin n'yo nalang ho, Sir." Kakamot kamot kong kinuha iyong kapirasong papel.








Hindi ako pinatulog ng imahe ni Alessa. Maghapon at magdamag akong mulat. Sinubsob ko nalang ang sarili ko sa trabaho habang naririto pa ako sa Manila. Hindi muna ako uuwi ng Tagaytay, siguro ay pagkatapos na lamang ng farewell party ni Shantal. Aalis na kasi sila ng Fiance niya. Kaya naman inimbitahan niya ako for lunch date kasama ng family niya. Hindi na ako humindi dahil hindi naman ako busy.








Antok na antok ako habang nakamalag sa computer. Hindi na muna ako papasok sa office ng maaga. Mamaya nalang siguro. Nasa gitna ako ng nakakabaliw na katahimikan ng biglang tumunog ang phone ko at ng makitang si Alessa iyon ay para akong ipu ipong sinagot ang tawag niya at pahigang bumalik sa kama.








Para akong teenager sa sobrang pagkakilig. Bakit niya ako tatawagan?








"Oo naman, kahit ano pa iyan. Oo ang sagot ko, Yes ofcourse!" Sagot ko dahil inaaya niya akong mag-date kami. Siya pa talaga iyong nag aya? Sabi na nga ba't mahal niya parin ako.









"No, basta para sayo, Alessa. Hindi ako magiging busy." Para akong lintang namimilipit sa sobrang kilig.









Kaya naman ng maputol ang tawag niya ay nagsimula na akong maghanap ng susuotin ko. Kailangan ay gwapong gwapo ako sa suot ko. Maaga akong naligo at nagrelax muna. Tumawag rin ako sa office na icancel muna lahat ng meetings ko dahil may importante akong pupuntahan.








"Eh, Sir... may meeting ho kayo sa 'The Mendez' eh. Paano ho ito, cancel na rin ho ba?" Balisadong tanong ni Pilar.








"Ang sabi ko nga ay lahat, di ba?" Paiinitin pa yata ni Pilar ang ulo ko.








"Pero, Sir..." Pinag-patayan ko siya at hindi na pinakinggan pa ang mga sasabihin niya.








Good mood ako, kaya naman naupo ako sa sofa hanggang sa humapon ay wala akong ginawa kundi magrelax at magpractise ng mga dapat sabihin sa kanya. Ito na ang huling pagkakataon ko para mapaibig ko siya ulit. Kaya naman ng sumapit ang alas sais ay nagpasya na akong umalis dahil ayokong malate sa usapan namin. Pero ang lintik na kamalasan ay ayaw talaga akong lubayan. Mahabang trapiko.








Traffic sa Edsa, malakas na ulan! Kulog at kidlat. Ano ba ito? Senyales na hindi kami para sa isa't isa? Siguradong umuusok na ang ilong ni Alessa sa sobrang galit. Simula noon palagi nalang ako late tuwing magkikita kami. Una, iyong sa Batangas Port... late ako. Halos palubog na ang araw ng makarating ako doon. Pangalawa, iyong huling araw ng pagkikita namin. Halos hating gabi na noon pero inintay niya parin ako. Tapos ngayon, siya na nga iyong nag aya ng Dinner, tapos male-late parin ako?








"Shantal, ano ba?" Bulyaw ko ng sagutin ko ang tawag niya. Alas syete na pero nandito parin ako at nakikipagsiksikan sa trapiko.








"Miguel, help me! Oh my gosh!" Tili ni Shantal. Parang maiiyak na ito sa sobrang takot.








"What? Why? Where are you?" Nataranta ako ng marinig ko ang sunod sunod na busina sa kabilang linga.








"Edsa! Tumirik kasi ang car ko, nagagalit na iyong ibang car sa likod ko, oh my gosh!" Tumili ulit siya at sunod sunod kong narinig iyong busina na walang hinto.








"Send your location, I'm here in Edsa." Bumuntong hininga nalang ako at saka gumawa ng paraan upang mahanap siya.








Kung hindi kami magkakatuluyan ni Alessa, si Shantal ang sisisihin ko! Kaya naman pala walang usad ang mga sasakyan ay dahil sa kanya. Kaya naman pala inabot na ako ng isang oras sa Edsa ay dahil siya iyong nasa unahan ng mga sasakyan at kabilang na ako roon. Gusto ko siyang lamukusin sa sobrang inis!








Tinulak ko patabi ang car niya upang makaraan iyong ibang sasakyan. Basa na suot kong business suit dahil sa kamalasan ni Shantal na pati ako ay nadamay pa. May tumulong rin ilang driver upang mapabilis ang pagtutulak ko. Nang matapos ay umayos ang daloy ng trapiko. Wala akong magagawa kundi ang ihatid si Shantal sa Taguig dahil hindi ko siya pwedeng isama sa dinner namin ni Alessa. Baka mapatay na ako nun! Una late, tapos isasama ko pa si Shantal? NO FUCKING WAY!








"Thank you, Miguel, babe!" Pang aasar pa ni Shantal.








Tumingin ako sa relo ko, late na ko. Baka nga wala na akong abutan eh, "Your welcome, Shans." Pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay nauubusan na ako ng tiwala sa sarili.








"What's with that face?" Tumawa siya ng malakas.








"You ruined my dinner date with Alessa, Shans. But it's okay, I will never attend your wedding day, I promised." Nawala ang ngiti ni Shans at napalitan ng pagkagulat.








"Oh my giiii! Are you serious? Oh god, I didn't know!" Nagpalakad lakad ito na halatang guilty.








"It's okay... I'll go ahead, but can I use your other car?" Agad tumakbo si Shantal kung saan at may kinuha.








"Here, oh my god. Sorry, sorry..." Inabot niya iyong suri ng sasakyan. Lumabas naman ako agad. Pupuntahan ko parin siya kahit abutin pa ako ng madaling araw. Hindi ko pwedeng gamitin iyong sasakyan ko dahil basang basa ang mga upuan noon. Basang basa ako ng ulan, ganoon din si Shantal. Halos mapuno ng tubig itong sapatos ko.








Mabilis kong tinungo ang rooftop na sinabi ni Alessa. Napahawak ako sa tuhod ko sa sobrang hingal. Pero wala ng tao doon. Napailing ako, ano bang oras na? Siguradong tulog na siya. Para akong lutang na naglakad pabalik sa elevator. Eh paano kung gising pa?








May kinuha ako sa wallet ko, matagal bago pa ako nakapagdesisyong puntahan siya. Kakapalan ko na ang mukha ko. Tinatawagan ko naman siya kanina, paulit ulit pero mukhang sira yata ang signal ng... globe.








Gulat na gulat si Alessa ng pagbuksan ako noong kasama niyang babae. May sinasabi ito pero hindi ko naman maintindihan kasi iyong atensyon ko ay nakapako na sa kanya. Hindi naman siya galit, mas mukha pa nga siyang nag aalala kesa sa akin. Napansin niyang basa ang suot kong damit kaya naman nagoffer na din siyang pahiramin ako. Pati kape, at saka banana cake meron din. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kulang siguro iyong salitang salamat.








Habang umiinom ako ng kape ay nasa malayo ang tingin niya, parang masyadong malalim iyong iniisip niya. Gusto kong matawa ng bahagyang nagulat siya sa kulog samahan pa ng kidlat. Hindi ko alam kung bakit nilapitan ko siya at niyakap. Tinanong niya pa ako kung takot ako sa kulog at kidlat kasi nagugulat rin ako. Kaya naman napapahigpit ang yakap ko sa kanya hanggang sa halikan ko siya.








Para akong nagdideleryo sa sobrang sarap sa pakiramdaman. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang ganito, sa kanya ko lang ata mararamdaman ang ganitong sarap. Nakakalunod na sarap. Hanggang sa may nangyari ng maganda. Alam kong gusto rin niya ang bawat galaw at halik ko. Para kaming uhaw na hindi na makapaghintay pa. Pumaibabaw ako sa kanya at siniguradong magiging akin siya, sa ayaw man o sa gusto niya. Sinigurado kong walang natapon, sinigurado kong pakakasalan niya ako.








Akala ko ay magiging okay na kaming dalawa, dahil nakilala ko si Hope. Nakilala ko ang anak ko sa kanya na tinago niya ng halos limang taon. Sobrang gago ko, hinayaan kong mahirapan siya ng ganoon. Hinayaan ko siyang mag isa sa pag aakalang hindi na niya ako babalikan. Naniniwala ako na pag pinagdasal mo ay pagbibigyan ka ni Lord... pero tumagal pa ng ganito katagal bago ko malaman na may anak kami? At ang masakit pa doon, pagkatapos naming pasaluhan ang sarap ng hating gabi kasabay ng kulog at kidlat ay iiwan niya ako ng ganito nalang?








Ito ba ang balak niya? Pagkatapos niyang ipakilala si Hope ay magtatago sila. Tao rin ako, nasasaktan. Siya lang ba ang nahihirapan? Lagi nalang bang babae iyong nahihirapan? Nahihirapan din naman kami! Nahihirapan din ako! Bakit ba ang hirap paniwalaan iyong salitang mahal ko siya, ano pa bang kulang para maniwala siya sa akin?








Para akong baliw, kung sino sino ang tinawagan ko para mahanap lang ang mag ina ko. Si Shantal ang tumawag sa lahat ng airline dahil naniniwala itong hindi umalis si Alessa. Tama siya, walang Alessa ang lumabas ng bansa. Tatlong araw na akong bangag kahahanap sa kanila kaya naman kinapalan ko na ang mukha ko.








"Ilocos?"








'Yes. Are you familiar with Hacienda Luisita?" Parang, di ako sure, sa isip isip ko.








"Okay, salamat..."








Hating gabi na ng makarating ako sa Hacienda Luisita. Kaya naman nahirapan akong makipag usap sa mga guardiya doon. Marami silang tanong at lahat naman ay nasagot ko pero hindi parin nila ako pinapasok. Tama si Shantal, maaaring narito si Alessa at ang anak ko.








Napansin kong may tinawagan iyong gwardiya. Kaya naman lalo akong kinabahan. Sana naman ay hindi ako kaladkarin ng mga ito pabalik sa kotse ko. Malayo pa ang binayahe ko para lang masigurong narito ang babaeng pinakamamahal ko.








"Okay, Ma'am... Okay po. Oh, mag isa lang po eh. Osige po. Okay po, Boss. Okay po, Madam..." Iyon lang ang narinig ko sa gwardiya habang patango tango pa na hindi inaalis ang mga mata sa akin.








"Pasok na po kayo, Sir. Pakipasok na rin ho niyong sasakyan niyo. Wala na hong service papasok, madaling araw na eh. Baka umagahin kayo pag naglakad kayo n'yan. May nag iintay ho sainyo sa bukana, si Sir Burgos po..." Nakahinga ako ng maluwag bago nagpasalamat.








Inabot ako ng kalahating oras bago matanaw ang isang malaking bahay. Tumigil ako sa harapan ng may mapansin lalaki, hindi naman ganoon katanda pero may edad na ito. Halatang nabulabog pa ito sa pagtulog dahil sa suot nito. Bumaba ako sa sasakyan ko at saka nagpakilala sa kaharap,








"Magandang umaga po," ilang oras nalang ay sisikat na ang araw, "Ako ho si Miguel... Miguel Aquino."








Tumango tango lamang ito, "Burgos." Pagpapakilala nito.








"Gusto ko sanang makausap si Celine." Panimula ko, bahagya niya akong sinipat, sinuri, "Lucy?" Sabi ko pa dahil hindi ko naman alam kung ano bang itatawag ko kay Celine.








"Miguel?" Natunghay ako, "Masyado ka yatang napaaga para sa pagpili ng mga Kalabaw at Baka..." Ngumisi pa ito na parang aso, nangaasar ba ito.








"Hindi iyon ang ipinunta ko dito! Nasaan ang mag ina ko?" Lumapit ako sa kanya. Hindi ko pwedeng sayangin ang oras ko dito. Kung wala sila dito, eh di aalis na ako at hahanapin sila bago pa sila makalayo.








Ngumiti ito, "Feel na feel mo ang pagiging anak ah, 'Mag ina ko'," panggagaya niya pa sa sinabi ko.








"Please lang, Celine. Kung narito sila, sabihin mo! Kung wala, aalis na ako dahil wala akong oras makipaglokohan sayo... kailangan ko silang hanapin bago pa sila makalayo. Baka hindi ko na kayanin pag iniwan na naman niya ako..." Halos mapaluhod ako sa sobrang pagod, puyat, ultimo gutom ay hindi ko na maramdaman.








Ngumiti lang ito at nagisip, "Okay, fine. pagod na rin akong payuhan iyang si Alessa. Tapos si Hope pa. Hindi ko alam kung anong pinakain mo sa pamangkin ko para hanap hanapin k. Well, maybe because you are her father..."








"Thank you..." Nakahinga ako ng maluwag.








"Natutulog si Hope sa kwarto ko, so... mamaya mo nalang siya puntahan pag nagising na siya. Si Alessa naman ay naroon sa guest room, bukas mo nalang din kausapin. Masyadong nagdamdam ang isang iyon kaya nagkukulong lang sa kwarto. Kumain ka muna, o maybe coffee if you want... aakyat na muna ako sa taas." Tumingin si Celine kay Burgos, tumango lang iyong matandang lalaki, "Ah, Miguel... feel at home. Mag isip ka naman kung paano mo mapapa 'oo' si Alessa..." Ngumiti lang ito at parang super model na naglakad papalayo.








"Oh, Hijo, kumain ka muna..."








"Ah, salamat ho..." Pag aalangan ko.








"Tatay Burgos nalang." Ngumiti ito at nag iba ang pakikisama sa kanya. Siguro ay naintindihan nitong ako ang ama ni Hope, "Ito naman si Sol. Asawa ko."








"Manang Sol nalang, Hijo..." Ngumiti ito at saka nagsalin ng tubig sa baso. Totoong gutom na ako kaya naman hindi na ako nahiya pang kumain.








"Sayang wala iyong anak ko dito, sana'y ipinakilala kita. Mahilig rin iyon sa mga Farm..." Dagdag pa ni Tatay Burgos.








"Nasaan ho?" Pagkuwa'y tanong ko.








"Lumuwas ng maynila eh..."








"Oh." Sagot ko at saka muling sumubo.








Nang matapos ako sa pagkain ay hindi parin ako dalawin ng antok. Dalawang oras nalang at magbubukang liwayway na kaya naman uminom nalang ako ng kape at nagpalakad lakad sa balkonahe. Isa isa naring nagdadatingan ang mga tauhan ng Hacienda Luisita. Hanggang ngayon ay hindi ko parin akalain na sa mga Hernandez pala ang isa sa pinakamalalaking Hacienda dito sa Pilipinas, ang Hacienda Luisita na nalaman kong pagmamayari ni Fredo Hernandez at ng kanyang nag iisang anak na si Lorraine Celine Hernandez.








Huminga ako ng malalim at saka naupo roon. Ilang minuto nalang ay makikita ko na si Hope. Sana naman ay may magandang dahilan si Alessa kung bakit sila umalis ng walang paalam dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong rason para umalis sila at pagtaguan ako. Akala ko ay okay na kami pero heto, nagbabajasakaling makita sila ng anak ko.








Narinig ko na parang may nagtatakbuhan sa loob kaya naman napatunghay ako ng may isang bata na mabilis lumabas habang tili ng tili,








"Daddy! Daddy! You here, My Daddy!" Tumayo ako at sinalubong si Hope. Gusto kong maiyak dahil mabilis kong nakasanayan iyong pagtawag niyang 'Daddy'. Ni hindi ko manlang nasabi kay Mama at Papa na may apo na sila eh. Gusto kong ayusin muna ang lahat sa amin ni Alessa bago ko ipaalam sa kanila ang tungkol kay Hope. Sa loob ng tatlong araw, kahit busy ako sa paghahanap sa kanila ay nagawa ko rin ipalinis iyong bahay ko sa Tagaytay, meron din sa Makati, baka kasi gusto ng mag ina ko sa Manila. Kung gusto nila dito sa Ilocos, bibili ako ng bagong bahay basta sumama lang silang dalawa sa akin. Ganoon ako kahanda para sa kanilang dalawa. Matagal na akong handa pag sa pagbabalik niya pero bakit ang hirap hirap parin. Parang wala lang iyong mga araw na lagi kong pinagdadasal na masama siya, mayakap, maangkin... ng paulit ulit! Hindi ako magsasawa sa kanya!








Dahil narito narin naman ako ay inutuo ko na rin iyong drama ni Shantal na bibili ako ng Kalabaw at Baka para sa Farm ko. Kaya naman sinamahan ako ni Celine at Ate Maritez na bahagya pang masama ang tingin sa akin.








"Ah, excuse me, Ate Marites..." Pag aalanga ko.











"Yes? and correction lang, it's Maritez, letter 'Z'..." Inirapan niya pa ako bago naglakad. Halos magkapantay lang kami habang nauuna si Celine. Pinapayungan kasi niya si Hope.








"You look very familiar..." Napahinto siya at saka tumingin sa mukha ko, pinagkatitigan pa ako. Iniisip siguro nito kung nagkita na ba kami...








"Ikaw ba iyong pumapakyaw ng Banana Cake sa BIGBITE?" Ewan ko ba, pero parang siya talaga iyon. Hindi lang isang beses akong naubusan ng banana cake doon eh at palagi ko siyang nahahagip ng mga mata ko.








"Eh ano naman? Kay Hope 'yon!" Inirapan niya ulit ako.








"You love babana cake, Hope?" Yumakap ulit si Hope sa leeg ko habang karga karga ito.








"I love banana cake, Daddy! So so so muchooo!" Tumawa ito kaya naman natawa narin ako. Nang makarating kami sa koral ay naglaro laro pa kami ni Hope kaya naman pawin na pawis ang anak ko. Hindi sapat iyong salitang saya sa tuwing nakikita ko si Hope. Siguradong aatakehin si Mama pag nakilala niya ang apo niya.








Nag uusapan kami ni Celine tungkol sa mga Kalabaw at Baka na bibilihin ko ng biglang yumakap si Hope sa binti ko kaya naman napatunghay ako at sinalubong ang mga mata niya.








Ito na iyong mahabang panahon na pag iintay ko para makausap siya ng maayos. Dahil hindi ko na alam kung anong magagawa ko kung hindi siya mapapasaakin ngayon. Kaya naman nagpaiwan kami ni Alessa doon.








Noong una ay sinusumbatan ko siya kung bakit niya ako iniwan, kung hindi niya ako hinintay. Pero noong nagsimula na siyang magpaliwanag sa sabihin lahat ng hinanakit niya ay kusang yumakap ang mga bisig ko sa katawan niya para alo aloin siya. Hindi ko makakayanan pang makita siyang umiiyak ng ganito dahil lang sa mga kagaguhan ko. Ang selfish kong tao! Sana pinili ko nalang siya, sana pinaglaban ko nalang siya. Maraming sana ang tumatakbo sa isip ko kaya naman ng sabihin niyang mahal niya ako ay inalok ko siya ng kasal.








"Sinigurado kong masusundan si Hope ng gabing may nangyari sa atin, Alessa! Kaya 'Yes' lang ang dapat mong isasagot, okay!" Kabado man ay nagawa ko parin siyang yakapin. Natatakot ako, paano kung 'No' siguradong maoospital ako nito!









"Yes..." Tumigil ang mundo ko ng marinig ko 'yon! Sinalubong ko ang labi niya ng halik. Malalim, magaan, masarap na sa kanya ko lang naramdam.








"I love you, Alessa." Niyakap ko siya ng mahigpit.








Napakunot ako habang yakap yakap siya. Iniintay ko ang sagot niya pero tahimik lang ito habang yakap yakap ako. Hindi niya ba ako mahal? Akala ko ba ay 'Yes' ang sagot niya sa—








May naramdaman akong kakaiba. Napamulat ako.











"MIGUEL!"








Naalimpungatan ako sa pagkakahimbing ng tulog, napabalikwas agad ng marinig ang pagsigaw ni Alessa. Kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya.








"Hon, why? Ano? Manganganak ka na ba? Mag salita ka!" Sigaw ko rin.








"Manganganak na yata ako!" Huminga ito ng malalim, paulit ulit. Sa sobrang kaba ko ay mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko. Inalalayan ko siya palabas ng bahay. Mabuti nalang at naisipan kong sa guest room sa ibaba matulog kasama siya dahil mahihirap siyang umakyat at bumama kung sa master bed room pa kami matutulog. May dalawang araw pa bago lumabas ang baby namin pero mukhang mapapaaga pa yata! Wala si Hope, nasa Lola Mama at Lolo Papa niya ito tuwing sabado at linggo, tapos doon naman siya kila Kile tuwing lunes at martes. Umuuwi lang dito si Hope pag sawa na siyang kalaro ang grandparents niya both side.








"Miguel, please... bilisan mo! Lalabas na talaga!" Umiyak si Alessa kaya naman lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho. Mabuti nalang at madaling araw, walang traffic. Kung hindi baka kung ano ng nangyari sa anak ko.








Halos mahimatay ako ng makita yung ano niya habang umiiri si Alessa, hirap na hirap ang Doctor na paanakin siya dahil malaki daw ang baby namin. Hinawakan ko ang kamay niya, "Iri pa, Honey. Malapit na siya oh, one more long long long na iri nalang, please. I love you..." Umiri si Alessa ng sobrang haba kaya naman nailabas na ang baby namin. Nakahinga ako ng maluwag pero hindi na muling sinilip ang anak ko. Ganoon pala ang itsura noon pag nanganganak ang isang babae.








"I love you, Honey..." Hinalikan ko siya sa noo.








Ngumiti ito bahagya, "I love you too, Hon. Ten more baby to come..." Bulong niya.








"Honey... Pwede bang last na ito? Hindi biro iyong pinagdaanan mo, ang hirap maglihi, di ba?" Bumulong pa ako, "tsaka... Honey, ang hirap palang manood ng nanganganak..." Hinalikan ko siya sa pisngi ng tumawa iyo bahagya.








"Akala ko ba ay sasamahan mo ako kahit isang dosenang anak pa ang iiri ko?" Pumikit si Alessa dahil pagod ito at ramdam na ramdam ko iyong sakit ng pagkababae niya.








"Sige na nga..." Bulong ko pa kahit mukhang nakatulog na yata ito, "Bilisan mong magpagaling huh... I miss making love to you na..." Ngumiti ako at kinintilan siya ng halik.








Nilapat ng kwarto si Alessa kaya naman naroon lang ako nag iintay sa pag dating ng baby namin. Tinawagan ko na rin sila Papa at Mama, sinabi kong sila na ang tumawag kila Mommy at Daddy. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag ng pagmasdan ang nahihimbing na si Alessa. Hindi ko akalain na asawa ko na siya ngayon. Lahat ng dasal ko ay natupad. Kahit gaano katagal basta si Alessa ang dahilan.








Napakurap ako ng may kumatok sa pinto, pumasok ito habang buhat buhat ang baby namin. Lumapit ako sa kama nito ng iwan kami ng nurse. Malusog ito, mapulang mapula ang labi. Napangiti ako, she got her Mommy's cute and round face. Tumulo ang luha ko sa sobrang saya. Tatay na talaga ako, damang dama ko! Siguradong ilang buwan pa at may dalawang nag-gagandahang chikiting ang sisigaw ng 'Daddy, My Daddy' sa akin! Can't wait for that moment!








"Welcome to the family, Faith Elleanor Hernandez Aquino." Hinalikan ko ang maliit niyang kamay at saka dinama ang haplos niya.


W  A  K  A  S

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro