Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

6.5

KABANATA 6.5




Parang mapuputulan ako ng hininga ng hawakan ni Miguel ang kamay ko. Gusto kong bawiin yun pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak n'ya. Tumingin s'ya sa akin na parang walang naganap kanina, natural lang ang kilos n'ya. Nakakangiti pa s'ya gayong halos maubusan na ako ng hangin sa sobrang kaba. Bakit ba ako napadpad sa lugar na ito? Gusto ko lang naman tumakas sa birthday celebration ni Daddy, pero bakit nandito ako?



"Hey relax..." inalog alog ni Miguel ang kamay ko. Hindi ko s'ya pinansin. Nakatingin lang ako sa pintuan ng bukas yun.



"Sir Miguel?" gulat na gulat yung babae na halatang kasam-bahay dahil sa uniform na suot nito.



"Sila Lolo?" pumasok kaming magkahawak kamay. Well, it's kinda sweet pero pinagpapawisan na ang palad ko. Pasmado pa naman ako.



"Ahh sa loob po, Sir." nakatingin lang yung babae sa akin na mukhang sinusuri pa ako.



"Okay." hinila hila ako ni Miguel hanggang makalapit sa mag-asawang matanda na abala sa panonood TV ng hindi binibitawan ang kamay ko.



"Oh my Miguel, Miguel... apo!" nagulat ako ng yapos yapusin si Miguel ng Lola n'ya. Napatingin ang Lola n'ya sa akin, "Hello po." magalang kong bati.



"Kumain na ba kayo?" napabaling naman ako sa Lolo n'ya na nakatingin lamang sa amin at nangingiti.



"Hindi pa 'La." nakangiting sabi ni Miguel, mukhang maganda ang samahan nila ng Lola n'ya the way he talk to her ay parang mag-tropa lang ang dalawa.



"Hala, teka... Miniiiiiiiiiiiiiiiiing!" palirit ng Lola ni Miguel, agad namang lumapit yung Mining, "mag-hain ka't kakain ang Sir Miguel mo atsaka itong..." sinilip ako ng Lola ni Miguel bago tumingin sa apo n'ya, kay Miguel.



"Girlfriend, 'La." ngumiti si Miguel sa akin bago kumindat sa Lola n'ya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Miguel, anong kalokoha 'to? Hinila ko ang kamay ko na kanina pa niyang hawak hawak.



"...tsaka itong girlfriend ng Sir Miguel mo, madali ka, Mining!" paalala pa ng matanda.



"So ikaw pala si Deinna, hija." biglang nanayo ang balahibo ko sa gulat ng biglang magsalita ang Lolo n'ya.




"Lolo..." awat ni Miguel.



Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang sarili kong pagkatao, "Opo." sinakyan ko na lamang ang sinabi ni Miguel na girlfriend n'ya ako at ako si Deinna. Parang sinasaksak ang puso ko sa tuwing tinatawag akong Deinna ng Lola n'ya.



"So, Deinna... napakagandang babae pala nitong magiging asawa ng apo ko!" may pagpalakpak pa sa tuwa itong Lola ni Miguel.



"Bakit napadalaw ka, Hijo?" tanong ng kanyang Lolo.



"May free time kasi kami ni Deinna today kaya bumisita na rin kami, tutal gusto n'yo ng makilala ang magiging apo n'yo." nakatingin sa akin si Miguel habang sinasabi n'ya yun. Pinisil ni Miguel ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Tumango lamang ako at sinang-ayunan ang mga kalokohan nya. Sinungaling!




"Nako, pagpasensyahan mo na itong apo ko, Deinna. Matigas ang ulo n'yan! napakaworkaholic pa..." sabi ng Lola n'ya.



Ngumiti ako, "Wala naman pong problema, Ma'am." sabi ko, halos manginig na ang tuhod ko.




"Lola Miguella na lamang ang itawag mo sa akin." masayang masayang sabi nito. Oh, Miguella? Miguel?



"Uhm...okay po." nahihiyang pag sang-ayun ko.



Natapos kaming kumain ng nakatitig lamang ang Lolo n'ya sa akin. Matamang sinusuri ako. Hindi ko tuloy nagawang mabusog sa kinain ko. Sana'y umuwi na kami pag-katapos nito dahil siguradong galit na si Daddy sa akin. Dininig naman ng panginoo ang panalangin ko ng magpaalam si Miguel na uuwi na, nagbless sa ako sa mag-asawang matanda tsaka dali daling sumakay sa kotse si Lucy, si Miguel parin ang nag-drive mula sa Antipolo pababa ng Tagaytay. Hindi na ako nag-aksaya pang tanungin si Miguel kung bakit n'ya ako hinalikan, nagets ko na. Ginawa n'ya yun para maging komportable s'ya sa pagsisinungaling n'ya na ako si Ate Deinna sa harap ng Lolo at Lola n'ya. Ang tanga tanga ko! bakit ba ako umaasa sa pag-ibig ni Miguel? hindi pa ba obvious? mahal n'ya si Ate, that's all.


"Alessa..." tumingin sa akin si Miguel, bago muling humarap sa kalsada. Madilim na, siguradong isang damakmak na tanong ang itatanong nila Mommy at Daddy sa akin.



"Yes?" pormal kong tanong, hindi na ako nag-abala pang tingnan s'ya. Para saan pa? Nanlamig ang katawan ko, parang gusto kong maiyak.



"Are you okay?" nag-aalangang tanong nito.



"You kissed me and you lied, tapos ay itatanong mo kung okay ba ako?" natawa ako.



"Alessa..." napapahiyang si Miguel.



"I'm okay, kung yan ang gusto mong marinig." Napahikbi ako dahil sa pagpipigil ng luha. Nataranta naman si Miguel kaya't dali dali n'yang ipinark ang kotse sa tabi ng kalsada kahit pa maraming sasakyan ang maaabala sa ginawa n'ya.



"Hey, Alessa... please don't cry." naririnig kong sabi n'ya dahil parang nabinge na ako sa dami ng luhang pinigil ko kanina pa. "I'm sorry. I'm sorry!" niyakap n'ya ako at hindi naman ako tumanggi sa mga yakap n'ya. Pakiramdam ko ay naghihilom ang lahat sa tuwing nalalapit ang katawan n'ya sa katawan ko.



"How could you do this?" halos ibulong ko na yun sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. "May nagawa ba akong masama sayo para gawin mo ito sa akin?"



"I'm very sorry, Alessa." bulong ni Miguel, naramdaman ko pa ang mainit n'yang hininga.



"I wanna go home." kumalas ako sa pagkakayakap ni Miguel. Tumingi tingin pa s'ya sa akin bago muling pinaandar ang sasakyan. Hindi naman ako nagtaka kung bakit iba na naman itong daan na tinatahak namin. Sa condo n'ya. Mas malapit kasi ito sa bahay namin kesa sa bahay nila. Baka dito na s'ya magpapababa para madali akong makakauwi. Anong oras na ba? Ugh, late night na!



Naipark na ni Miguel ang car ni Lucy sa basement ng condo n'ya, at nakababa na rin si Miguel sa driver seat kaya't lumabas na rin ako para lumipat 'dun, kailangan ko ng makauwi at ipinapangako kung hindi na muling lalapit or magpapakita sa lalaking ito. Nakatitig lang si Miguel ng lumipat ako sa driver seat, hindi parin s'ya umaalis. Wala naman akong ibang sasabihin pa. Bubuksan ko na sana ang makina ng buksan naman ni Miguel ang pinto driver seat. Nagulat ako ng higitin n'ya ako at ilock ang car ni Lucy. Hinila hila n'ya ako papasok ng elevator.



"What the hell are you doing, Miguel?" sinigaw sigawan ko s'ya ng makapasok sa loob ng elevator. "Nababaliw ka na ba?" pindot ko ang basement button.



"OO! NABABALIW NA AKO SA'YO!" sigaw din n'ya, napanganga naman ako sa sinabi n'ya. Hinakawan n'ya ang kamay ko at hinila palabas ng elevator ng bumukas 'yun sa 8th floor. Para akong batang basta nalang niya hinila hila. Binuksan n'ya ang condo unit n'ya gamit ang isang kamay sa takot na baka tumakbo ako pababa pag inalis n'ya ang pagkakahawak sa kamay ko.



"NO!" pinilit kong alisin ang kamay n'ya pero walang nangyari, hindi ako makawala. Bumukas agad ang pinto at hinila n'ya ako papasok.


Binitawan n'ya ang kamay ko, namula pa yun sa higpit ng pagkakahawak n'ya. "Please, Miguel... I wanna go home." halos pumiyot na ako.



"Saktan mo ako, Alessa! alam kong galit ka, hindi ba? Umiyak ka ngayon, saktan mo ako! this is my fault at wag mong sisihin ang sarili mo!" sinigaw sigawan pa ulit ako ni Miguel kaya't dumaloy na naman ang luha ko.



"Dinala mo ako dito para ano? paiyakin?" napapahikbi ako sa takot, sa laki ng boses n'ya. Sa tangkad at laki ng katawan, nakakatakot kung magagalit ang isang Miguel.



"Look, I'm sorry, Alessa!" niyakap n'ya ako. Rinig na rinig ko ang pagtambol ng puso n'ya. Sa tangkad n'ya, kaya't ang tenga ko ay nasa tapat ng dibdib nito. Sa daming luha na lumabas sa mata ko ay nabasa na ang suot n'ya dahil sa pagkakayakap ni Miguel.




"Ssshhhh..." naririnig kong sabi ni Miguel habang hinahaplos ang likod ko. Tumigil naman ako sa pag-iyak. Kumalas ako sa pagkakayakap n'ya at ganoon din naman s'ya. Nakahinga ako ng maluwag ng mailabas ko ang luha na kanina ko pang paulit ulit na pinipigilan.



"Alessa..." hinawakan ni Miguel ang magkabila kong pisngi. Kusa akong napapikit sa init ng palad n'ya. "I wanna kiss you...again." rinig na rinig ko ang sinabi n'ya. Wala akong pagtutol na naramdaman. Gusto ko ang kuryenteng init na dumadaloy sa aking katawan.



"Go on." ikinawit ko pa ang braso sa leeg niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro