4
KABANATA 4
Kanina pa akong tahimik habang pinapanood si Sarina sa pagsi-serve ng mga order na kape. Napalingon naman ako kay Theo na nasa counter desk at abala din. Yung ibang staffs namin ay balik sa pagiging busy. Ako, heto. Hindi ko alam kung paano magsisimula, magsisimulang mag-sorry sa kanila. Lalo na kay Sarina at Toshka. Mabuti't nakarating pa ako ng Tagaytay ng buhay. Mula kahapon ay nagsimula na akong mag-sorry kay Toshka, at ang huling text n'ya sa akin ay, "Talk to you soon." yun lang at hanggang ngayon ay hindi pa n'ya ako tini-text. Tinatawagan ko s'ya kanina pero kinakansela naman ni Toshka. Nai-stress na ako sa mga nangyayari at gustong gusto ko ng matapos ito. Pero paano?
"Alessa, pakilinis nga ng table 4." sigaw ni Sarina, tuloy ay kamuntikan ko ng mabitawan ang basong hawak hawak ko.
"Oh, uhm... OK!" sagot ko at dali daling lumapit sa table na sinabi n'ya. Umiwas pa s'ya ng magkasalubong kami. Napayuko naman ako dahil sa ginawa n'yang pag-iwas.
Agad kung nilinis ang table 4 at bumalik sa harapan ng counter desk. Wala na dun si Theo kaya't nakahinga naman ako ng maluwag. Naiilang ako sa kanya mula ng may mangyaring aksidente at buong puso ko yung pinag-sisisihan. Masasabi ko yung pinakamalas na birthday ko. Parang gusto kong maiyak ng maalala na naman ang lahat. Napayuko na naman ako ng dumaan si Sarina sa harap ko at pumunta sa counter desk kasi may customer na magbabayad at ng makaalis naman agad ang customer ay narinig ko pa ang buntong hininga ni Sarina. Napatingin ako sa kanya, nagulat pa ako ng makita kong nakatingin din s'ya sa akin habang nakakrus ang mga bisig sa dibdib n'ya. Lumapit ako bahagya para kausapin s'ya. Hindi naman umalis si Sarina at hinintay n'ya akong magsalita. Para akong batang pinapagalitan dahil titig na titig sa akin si Sarina. Huminga muna ako ng malalim at tuluyang lumapit sa kanya.
"Sarina, I am very very sorry for what I've done, for what I did..." halos pumiyok na ako dahil pinipigilan ko ang luha ko.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo? For god sake Alessa! Tinakot mo kaming lahat? At si Miguel, ano? Alam mo bang hindi marunong lumangoy yung tao! Pwede ba, please lang can you answer me now? Bakit ka ba tumalon sa yatch? At lasing na lasing ka pa! My goodness, Alessa! Mapapatay ako ni Tito Donn!" Pang gigilaite ni Sarina. "And now what? You saying sorry? My goodness, Jade!"
Napayuko ako bahagya, mabuti nalang at medyo malayo kami sa mga customers kung hindi baka narinig na nila si Sarina, "Sorry..." biglang tumulo ang luha ko.
"Tapos ano? Iiyak ka d'yan?" Inismiran ako ni Sarina.
"Hindi ko alam kung paano at kanino ako magsosorry..." para akong batang musmos na nagpapahid ng luha.
"Kay Toshka, dahil s'ya ang unang tumalon sa yatch. Napunit pa ang damit n'ya..." parang inaantok na sabi ni Sarina sa akin.
Napayuko ulit ako, kaya pala ganon nalang ang galit ni Toshka sa akin.
"Kay Kuya, dahil s'ya ang nagbuhat sayo papasok ng Hotel. Halos matunaw na s'ya sa hiya." Sabi pa ni Sarina habang inaayos ang counter desk kahit maayos naman na ito.
"At kay Miguel... dahil s'ya ang kinausap ng owner ng Hotel kasi akala nila tinulak ka n'ya." Noon s'ya tumingin sa akin na. Nakikita ko ang pag-aalala n'ya para kay Miguel.
"You know what, Jade... that Hotel? Connected s'ya sa mga business ng mga Aquino. Alam mo bang Aquino si Miguel? Oh baka naman pati yun ay hindi mo alam?" Tinaasan n'ya ako ng kilay.
Nagulat ako sa sinabi n'ya, "What? Connected like?" Pinahid ko ang luha ko at curious na napatingin kay Sarina.
"Business...yun lang ang alam ko at alam mong Aquino s'ya. Malaking pangalan saan mang sulok ng Pilipinas. Kaya pwede ba Jade, answer me now, why? Bakit? Bakit ka ba tumalon sa yatch..." kinabahan ako bigla.
"I was... I was really drunk and annoyed and..."
"Stay with me..." bulong ni Miguel sa puno ng aking tenga atsaka ko naramdaman ang paghigpit ng yakap n'ya. Napapikit ako ng mariin at napahawak sa tapat ng aking puso.
"No." Lumabas parin ako at tumuloy sa gilid ng yatch dahil nasusuka ako. Gusto kong ilabas lahat ng ininom ko kaya't pinilit kong masuka pero wala namang lumalabas sa bibig ko kahit pa pakiramdam ko ay nasusuka ako.
"Alessa..." awat sa akin ni Miguel, "stay away from... shit baka mahulog ka d'yan!" Awat n'ya pa.
Napalingon ako sa kanya, "as if you care?"
"Please, come over here!" Sabi pa n'ya sa akin pero para akong bingi na hindi nakikinig sa kanya.
"Why? Takot ka sa tubig? Oh come on, Miguel... tubig lang yan and marunong naman akong lumangoy 'nohh!" Pagmamayabang ko pa. Dumungaw ulit ako sa handle ng yatch at sinalubong ang hampas ng hangin.
"Shit!" Narinig kong bulong ni Miguel, ngumiti ako ng mapansing alalang-ala s'ya.
"Kung tumalon ba ako ngayon, sasagipin mo ako?" Biglang tanong ko sa kanya.
"Please, Alessa! Don't jump!" Pinaglapat pa ni Miguel ang palad n'ya habang hindi magkaintindihan kung lalapit ba s'ya sa akin o hindi.
Natawa naman ako sa itsura n'ya, "Tatalon ako dito at sasagipin mo ako tulad noon kung paano kita tinulungan ng masiraan ka ng sasak—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng madulas ang paa ko tuluyang nahulog.
Nagising nalang ako... sa loob ng isang private room. Kulay puti, walang tao.
Napahikab si Sarina matapos kong ikwento ang lahat ng naaalala ko, "Paano kung pareho kayong nahulog dun? Sa lakas ng music sa yatch, sa palagay mo ba may makakarinig sa saklolo n'yo? And please lang, Alessa... talk to him. Sa kanya ka mag-sorry."
"I don't know how—" may sasabihin pa ako ng itaas ni Sarina ang kamay n'ya.
"Just talk to him." Yun lang ang sinabi ni Sarina at iniwan na n'ya ako sa counter desk. Wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa sinabi n'ya kaya't nagpasya akong itext si Miguel pero wala naman itong reply. Wala naman akong ibang choice. Tineks ko ulit si Toshka, pareho lang sila ni Miguel, no reply.
Mag-aalas otso na nga gabi ng magpaalam ako kay Sarina na may pupuntahan lang ako. Sa palagay ko naman ay alam na n'ya kung saan ako pupunta. Pinag-isipang kong mabuti ang lahat bago ako nagpasyang puntahan nalang si Miguel sa bahay nila. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay n'ya. Almost 30 minutes drive. Ang pinangangamba ko lang ay baka walang Miguel akong datnan. Maingat akong nagmaneho dahil medyo marami rami parin ang mga sasakyang nagbabyahe. Nakahinga naman ako ng maluwag na pinapasok ako agad ng guard ng isang village. Ilang beses na ba akong tumangging sumama kila Daddy pag bumibisita sila dito? Halos lahat yun tinanggihan ko dahil hindi naman ako pala-attend ng mga ganoong okasyon kaya't heto, hahanapin ko pa kung saan at alin ba sa mga bahay na ito ang bahay nila Miguel.
Nakakailang round na ako at sa palagay ko naman ay naliligaw na ako. Kaya naisip kong gumamit ng wase. Ilang minuto lang at dinala ako ng wase na ito sa isang mataas at kulang itim na gate, napapaliputan ng mga halaman ang pader kaya't wala akong makita mula sa labas. Hindi na ako nagsayang pa ng minuto at agad akong bumaba. Nilapitan ko agad ang guard na abalang nanonood ng isang teleserye sa cellphone n'ya. Nagulat pa ito at napakamot sa ulo.
"Yes, Ma'am?" Aniya.
"Uhh, I'm Alessa, Alessa Hernandez." Panimula ko.
"Ohhh, Good evening po, Ma'am! Ano pong atin?" Tumingin pa s'ya sa relo n'ya. Mukhang nagtataka pa s'ya dahil gabing gabi na.
"Ahh, andyan po ba si Miguel?" Yun agad ang lumabas sa bibig ko. Nasamid naman ang guard sa sinabi ko. Palihim kong itinaas ang kanang kilay ko.
Ayoko ng magsayang pa ng oras. Kailangan ko na s'yang makausap. Nahihiya ako sa kanya, sa mga nagawa ko.
"Ahh nako wala pa po eh pero parating na din si Sir, baka natrapik lang." anito.
"Intayin ko nalang po..." ang sabi ko habang chini-check ang cellphone na baka sakaling may nagreply sa mga tineks ko.
"Sa loob nalang po, wait lang po, Ma'am." Aniya ulit at agad niyang iniradyo ang pangalan ko, agad naman may sumagod dun.
"Pasok na kayo, Ma'am... hindi n'yo naman po sinabing anak kayo ni Sir Donn." Napakamot ulit siya sa ulo. Napangiti naman ako sa reactions n'ya.
"Salamat po, Kuya Guard." Ngumiti ako sa kanya kahit ang totoo ay kinakabahan ako. Ano namang sasabihin ko kay Tita Lhia?
Hindi na ako nagulat kung bakit napakaraming sasakyan ang nakaparada sa garahe nila. Alam ko naman kung gaano kayaman at kakilala ang pamilya nila. Pero hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga bahay na yun dahil si Miguel ang dahilan kung bakit naparito ako. Isa pa, hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang magsorry sa kanya at pagkatapos nun ay mabuting huwag ko nalang siyang kausapin, iwasan s'ya sa abot ng aking makakaya. Sana'y hindi na lumaki pa ang gulong nagawa ko. Pinagdarasal ko na mapatawad n'ya pa ako.
Pagkababa ko sa sasakya ay agad akong sinalubong ng isang babae, sa suot pa lamang niya ay alam ko na isa siyang kasam-bahay, ngumiti ako agad ng makalapit siya sa akin at ngumiti rin naman s'ya sa akin.
"Good evening po, Ma'am. Pasok po tayo sa loob." Anito, sumunod lang naman ako papasok sa loob. Hindi na rin ako nagulat sa laki ng salas at sa taas ng kesama ng bahay. Dahil nakikita ko naman ang lahat ng ito sa mga pictures nila Daddy, nila Ate. Kaya ano pa't mamamangha ako?
"Alessa? Oh my god, dalagang dalaga ka na, Hija." Sinalubong ako ng isang hindi katandaang babae, Si Tita Lhia. Ang Mama ni Miguel.
Napangiti ako, "Good evening po, Tita." Bati ko, hindi kami ganoon kaclose pero kilala n'ya ako. Lagi ko siyang nakikita noon sa mansion ni Lolo at minsan naman ay pag birthday ni Daddy.
"What's bring you here, Hija?" Pagtataka niya pa, "late night na, may nangyari bang masama?" Kinabahan ako bigla.
"Ah, wala naman po. May ano kasi, ahh si Miguel po ang sadya ko." Ngumiti ako ng pilit.
"OH, my son... uhmmm siguro'y natrapik lang ang batang 'yun." Aniya sa akin na may halong malisyong ngiti. Ugh! Paano ba ito.
"Si Tito po?" Pagiiba ko.
"Business trip, kaya nga si Miguel muna ang pinag-asikaso ko ng ilang trabahong naiwan ng Papa n'ya. Ahhhhh, gusto ko ng magpahinga sa mga work na iyan at tumatanda na ako." Ngumiti s'ya sa akin, "Oh si Deinna, nakauwi na ba?" Biglang tanong nito.
"Ah, medyo matagal pa po s'ya dun..." sabi ko.
"No wonder, walang bumibisita sa akin dito." Tumawa s'ya bahagya.
Ngumiti lang ako.
"Oh baka si Miguel na 'yan." Biglang sabi niya ng may marinig siyang ugong ng sasakyan. Bumilis ang pintig ng puso ko at napatingin sa trangkahan ng pinto. Nagpaalam naman si Tita Lhia na aakyat na sa taas dahil may inaabangan daw siyang teleserye tuwing gabi. Wala akong nagawa kundi tumayo sa harapan ng pinto.
Nagulat pa ako ng biglang pumihit ang trangkahan ng pinto. Bumukas 'yun at si Miguel nga ang pumasok. Nag-aalis siya ng coat at necktie ng bigla niya akong mapansing nakaabang mismo sa dadaanan niya. Napatigil siya at halatang nagulat pa.
"Alessa?" Kunot noong sabi nito.
"Hi." Yun lang ang nasabi ko. Sa bilis ng tibok ng puso ko. Halos manginig na ang tuhod ko.
"My god, you here!" Nagulat ako ng dali dali n'ya akong nilapitan at yapusin. Mas naging doble ang kabang nadama ko. Hindi ba s'ya galit?
"I'm sorry..." bulong ko habang hindi n'ya parin ako pinapakawalan sa pagkakayakap.
"Ssshhhh." Bulong din n'ya.
"Sorry, Miguel. Kasalanan ko lahat..." hindi ko na napigilang maluha habang binabanggit ko ang mga salitang yan.
"Don't cry, please... i'm okay. I'm not mad so don't say that." Sabi niya pa.
Tahimik lang akong nagpipigil ng luha habang si Miguel naman ay nakayapos sa akin na para bang ayaw na n'ya ako pakawalan. Ilang minuto pa ang nagdaan ng tuluyan na n'ya akong pakawalan.
"Hey..." hinawakan ni Miguel ang mga kamay ko. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig n'ya.
"Hindi ka ba galit?" Tanong ko habang sinisipa sipa ang sahig ng bahay nila.
"Nope." Napatingin ako sa kanya, ngumiti lang s'ya.
"As in hindi talaga?" Pagmimilit ko pa.
"As in hindi talaga." Pang-gagaya n'ya sa akin.
"Pinagalitan ka ba nung may ari nung resort?" Napayuko ulit ako at napahikbi.
"What? Ofcourse not!" Gulat na gulat si Miguel sa tanong ko.
"Kasi di ba—"
"Hindi sila galit, nagtanong lang sila. So please, wag mo ng i-overthink ang lahat ng nangyari. Ang mahalaga ay okay ka..." napatanga ako sa sinabi n'ya. Huh? Ansabe?
"Uhhh, okay." Wala na akong masabi pa. Kung hindi naman pala s'ya galit, mabuti pa'y umuwi nalang ako at kulitin si Toshka.
"Kumain ka na ba?" Tanong ulit n'ya. Naglakad siya palapit sa sofa at ibinaba ang kayang mga gamit. Ang kaninang hinuhubad ng coat at tie ay inilapag din n'ya. Binuksan ni Miguel ang dalawang botones ng suot niyang cream longsleeve atsaka muling tumingin sa akin.
"Uhhhh, yes. Kanina sa café." Sagot ko pero ang totoo namanay hindi. Hindi kasi ako nagugutom sa sobrang pag-iisip ko.
"Ganon ba." Tumingin ulit siya sa akin. Bakit ba sa tuwing tumitingin siya ay naiilang ako.
"Hindi rin ako magtatagal, uuwi na rin ako. Pumunta lang ako dito para personal na mag-sorry sayo." Tumingin naman ako sa ibang dereksyon.
Napatawa s'ya bigla kaya napatingin ako sa kanya, "Sabi ko naman sayong okay lang, di ba? Uhhhh, kumusta ka? Wala bang masakit sayo." Tanong n'ya.
"Wala naman." Tipid kong sagot, gusto ko ng umuwi dahil kung tatayo pa ako dito ay baka bumigay na ang tuhod ko. Kinakabahan ako.
"Ihahatid na kita..." Pagpipresinta n'ya.
Sunod sunod akong umiling, "No need, may car akong dala." Sabi ko agad.
"Ahhhh, ihatid nalang kita sa labas..." pangungulit pa n'ya.
Tumango nalang ako para matapos na ito at ng makauwi na rin ako. Nang makalabas naman ako ay agad akong lumapit sa sasakyan ni Lucy, halos maiwan ko na si Miguel sa bilis ng paglalakad ko. Bago ako pumasok sa loob ay hinarap ko muna siya, "Uhhh... una na 'ko." Ngumiti ako bahagya.
"Ingat ka." Lumapit s'ya sa akin at kinintilan ako ng halik sa noo.
Sa gulat ko ay agad akong pumasok sa loob ng sasakyan at inistart ang makina. Bahagya akong kumaway bago ako tuluyang lumabas ng gate.
SHIT! nahampas ko tuloy ang manobela!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro