Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

34

KABANATA 34




Kanina pa akong nakaupo at nag-iintay dito. Ang sabi kasi noong humarap sa akin na babae ay maupo muna ako dahil matatapos na ang meeting ng amo niya. Ito ang unang beses ko na makapasok sa Aquino Firma. Noon ay si Tito Ben ang nag-aasikaso ng kompanyang ito. Pero dahil isa lamang ang anak nila kaya naman si Miguel na ngayon ang namamalakad ng kompanya ng pamilya niya.










Ang alam ko ay sa Aquino Firma nanggagaling ang kapeng ginagamit ng Cafe ni Lolo. Simula noon hanggang ngayon ay sila parin ang nagsusupply ng kape na totoong mabenta. Hindi ko alam kung ilang farm ba mayroon ang mga Aquino Isa, dalawa? Ewan, marami sila noon. Hindi naman ako ganoon kainteresado sa pamilya ni Miguel. Basta ang alam ko lang ay marami silang Farm tulad ni Lolo.








Mula sa Tagaytay ay nagbyahe pa ako pa-Makati para lang makausap siya. Hindi ko alam na nasa Makati pala ang Aquino Firma. Akala ko noon ay sa parte lamang ng Tagaytay ang company nila at hindi ko inaasahan na ganito kalago ang business nila. Sinigurado ko namang dala dala ko ang cheque dahil malayo pa ang pinang-galingan ko para lang personal na ibigay ang pisting cheque na ito! Kagabi pa ako nagtitimpi! Minasahe ko ang sentido ko dahil kulang na kulang ako sa tulog.








Nag-angat ako ng tingin ng bumukas ulit ang pintuan ng opisina ni Miguel at lumabas doon ang assistant niya o secretary, hindi ko alam kung ano niya ba ito. Medyo maganda at bata pa... like Shantal? Oh, ito na ba ang mga hilig niya ngayon? Iyong mga fresh pa at mukhang bata.








Alessa, stop!








"Excuse me, Miss Hernandez... pwede na po kayong pumasok sa loob." Ngumiti muna ito at saka kinuha ang tasa ng kape na ininom ko kanina. Ngumiti nalang din ako dahil wala naman akong ibang sasabihin sa kanya.








Huminga ako ng malalim bago itinulak ang pintuang bubog. Bumungad sa akin ang isang sofa set na kulay cream with matching wooden centre table. Napakamodern ng ayos ng office niya. Nagpalinga-linga pa ako bago lumapit sa isa pang pintuan. Kumatok ako at hindi na inintay pa ang sagot ng nasa loob. Tinulak ko agad ang pintuan kaya naman medyo nagulat pa ako ng makita siyang nakaupo lang roon.








"Hi." Bati ko pero hindi naman ako makatingin ng deretso sa kanya.








"Hi. Have a seat..." Hinubad nito ang suot na office blazer at saka niluwagan ang neck tie na suot. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano bang ginagawa niya? Naiinitan ba siya or what?








"Talk." Sabi ni Miguel... nagulat pa ako dahil doon. Napakurap ako ng makita ko siyang kanina pa palang nakatingin sa akin. Dali dali kong kinuha ang cheque mula sa dala kong bag.








"Here..." Inilapag ko ang cheque sa harapan niya.








Kinuha ni Miguel cheque at mabilis niyang inilagay sa drawer sa kanang bahagi ng kanyang lamesa. Muling tumingin si Miguel sa akin kaya naman nakaramdam na naman ako ng pagkailang.








"Are you done, Miss Hernandez? Marami pa akong gagawin." Tumayo si Miguel at saka ako pinamulsahan. Waiting for me to go out? Sa isip isip ko.








"Uhm... yeah. I think so..." Napapikit ako ng mariin. Ano bang problema ng dila ko at hindi ako makasagot ng maayos. Tumayo na rin ako para lumabas na. Hindi ako makahinga ng maayos sa tuwing napapalapit ako sa kanya. Ang layo nga binayahe ko tapos ito lang ang sasabihin niya...








Tumawa siya kaya naman napatingin ako sa gawi n'ya na nakatayo malapit sa pintuan, "You think so, huh?"








"Aalis na ako. Maraming salamat sa oras mo." Naglakad ako palapit sa kanya dahil malapit siya sa pintuan at nakaharang doon. Halos magkahiwa-hiwalay na ang tuhod sa binti ko dahil sa pangangatal noon, "Excuse me?" Tumingin ako sa kanya dahil hindi parin ito tumatabi. Paano ako aalis kung haharang s'ya sa pintuan!








"I said, excuse m—" Nagulat ako ng hilahin niya ako gamit ang isa niyang kamay at saka isinandal sa likod ng pintuan.








Hindi ko magawang kumurap dahil natatakot ako sa mata niya. Hindi ko mabasa kung anong gusto niyang ipahiwatig. Ultimo pagpintig ng puso ko ay huminto na rin dahil sa sobrang kaba at takot. Malapit na ring bumigay ang tuhod ko mabuti na lamang at nakasandal ako sa pintuan. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang kamay na nasa bewang ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya noon kaya naman damang dama ko.








"Look at my eyes, Alessa... at sabihin mo sa akin na hindi mo ako mahal." Napakurap ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. Mas malapit kumpara kanina. Kaya naman amoy na amoy ko ang mint sa bunganga niya.








"Hi—hin—hindi n..." Hindi ko kayang sabihin 'yon!








Namilog ang mga mata ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya o tutugon sa halik niya. Napaawang ang labi ko kaya naman naglaro pa ang dila niya. Pilit ko siyang tinutulak pero mas lalo lang lumalalim ang halik niya. Hindi ako makahinga, masyadong mabigat ang bawat pag galaw ng labi ni Miguel.








Tinulak ko siya ng ubod lakas kaya naman napahinto ito. Napahikbi ako at gusto kong maiyak.








"Your lips says it all, Alessa..." Ngumisi siya na para bang nang-aasar pa.








Mabilis kong tinulak ang pinto at patakbong lumabas doon. Narinig ko pa ang pagtawag niya na may halong pagtawa pero hindi ko na siya nilingon pa. Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko ng makapasok sa elevator.








Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin na hindi na kita mahal. Oo, napagod ako pero hindi ako tumigil na mahalin ka. Ikaw parin ang laman nito. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Napahikbi ako at muling tumulo ang luha ko. Napatigil lang ako ng lumabas ako ng elevator at maglakad palabas ng building. Ayokong maramdaman ulit iyong sakit, iyong sakit na halos patayin na ako.








Nagsisisi ako na hindi ko ginamit ang kotse ni Kiel. Mas maganda sana kung may dala akong sariling sasakyan dahil sa totoo lang ay nahihiya ako sa mga nakakasalubong ko. Pinagtitinginan nila ang ayos ko. Pasakay na ako ng byaheng Tagaytay ng tumunog ang cellphone ko. Nanliit ang mga mata ko makitang si Lucy ang tumatawag.








Huminga muna ako ng malalim, "Hi, what's up, Gorg?"








"We're just landed, come and pick us in the airport." Rinig na rinig ko ang pinong paghagikhik ni Hope...






Oh my god, ang anak ko...





Kanina pang naputol ang linya ni Lucy pero parang lutang parin ang isip ko. Kaya ba ang sabi ni Ate Maritez ay busy sila? Kaya ba hindi ko sila makontak kahapon? Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano? Kanina pa akong bumababa sa bus na dapat ay pabalik ng Tagaytay. Hindi rin ako nagdalawang isip na tawagan si Kiel kahit pa may pasok ito. Paano ko sila susunduin ultimo sasakyan ay wala ako. Wala na akong oras pa para mag-rent ng car. Siguradong maiinip lang sila sa airport. Sana naman ay dumating na si Kiel. Sinabi ko sa kanya kung saan ako mag-iintay. Hindi ko na kayang magbyahe pa mag-isa. Baka hindi na kayanin ng pangangatog ng tuhod ko. Takot, kaba... iyan ang nararamdaman ko ngayon.





Paano kung makita nila Mommy si Hope? Paano ko ipapaliwanag sa kanila at si Miguel... hindi ito ang tamang oras para malaman niya ang tungkol sa anak ko. Hindi na niya dapat pang malaman. Kung noon ay naiisip kung ipaalam at ipakilala sa kanya ang anak ko pero ngayon wala akong makapa sa parte ng puso ko na ipaalam pa sa kanya ang tungkol sa anak ko. Ayoko, hindi maaari. Ayokong sumugal, ayokong masaktan pa.





Paano kung ayaw niya sa anak mo, Alessa?





"No..." Bulong ko.





Ilang oras pa bago may tumigil na kotse sa harapan ko. Agad akong sumakay doon ng makitang si Kiel ang nasa loob. Nakauniform pa ito at takang taka sa itsura ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Natatakot na ako.





"What the hell are you doing here?" Inis na inis ang boses nito.





"Airport tayo, Kiel... si Lucy..." Napahikbi ako.





"What do you mean? Hmm... she's here? What about Hope? Iniwan niya ba si Hope sa London... baka umiyak na naman ng umiyak iyon!" Napasulyap si Kiel sa akin na mas lalong nagtaka.





"They just landed... an hour ago, Kiel. Nag-aalala ako para sa anak ko. Hindi siya pwede dito. Paano kung... paano kung kunin siya ni Miguel sa akin at—"





"Eh di sumama ka, ikaw ang Nanay!" Iritadong sagot nito.





"Akala mo ganoon kadali? Hindi mo alam kung ano ang mga pinag-daanan ko para isuko lang Hope sa tatay niyang may sira sa ulo!" Bulyaw ko. Nag-init ang pisngi ko ng sumagi ang imahe ni Miguel habang hinahalikan ako kanina. Nakapikit ito at dinadama ang labi ko at...






"Pareho kayong may tama sa ulo..." Bulong ni Kiel.





"Just drive, please... masakit na ang ulo ko. Huwag mo ng dagdagan pa." Pumikit ako at minasahe ang sentido ko.





Hindi ko na hinintay si Kiel na makapag-park. Agad akong bumaba at tumakbo sa arrival area. Palinga linga ako para hanapin sila. Hindi ko alam ang mararamadaman ko. Miss na miss ko na si Hope.






"Mummy! Mummy, here! Here!" Lumingon ako sa likuran ko ng marinig ang boses ng anak ko. Tumatalon talon pa sa siya sa sobrang saya.






"Hope!" Napahikbi ako, "Anak..." lumuhod ako para mayakap siya.






"Hi, Mummy... I missed you so much, Mummy!" Tumili tili pa si Hope ng yakapin ako.




Tumingin ako kay Lucy na nakahalukipkip lang habang nanonood sa amin ng anak ko. Bumaling ako kay Ate Maritez. Nagulat pa ito at saka umiling iling sabay nguso kay Lucy. Napangiwi nalang ako dahil alam kong si Lucy ang dahilan kung bakit nandito sila.





"Welcome back, Hottie!" Lumapit si Kiel kay Lucy at bahagyang yumakap.






Bahagyang tumitig si Hope kay Kiel bago ito lumapit sa kapatid ko, "Tito Lawrence..." Namilog ang mata ni Hope bago patakbong yumakap sa binti ni Kiel. First time ni Hope makita sa Kiel sa personal kaya naman halos lumukso ang puso ko sa saya.






"Hi, Hope!" Binuhat ni Kiel si Hope, "How was your flight?"






"Good." Ngumiti si Hope bago muling yumakap kay Kiel.






"Sweet naman ng anak mo, Ate. Mana sa Tatay ah." Tumawa si Kiel kaya naman kumunot ang noo ng anak ko. Matalino si Hope. Siguradong naiintindihan nitong siya ang pinag-uusapan namin.





"Kiel, ano ba!" Bulyaw ko.





"Hindi naman ako maiintindihan nitong anak mo ah!" Natawa si Kiel. Napalingon ako kay Ate Maritez na siyang malakas ang tawa. Pinanlakihan ko ng mata si Ate Maritez kaya naman agad itong natahimik.





"Let's go..." Aya ni Lucy. Hinila ko ang maliit na bagahe ni Hope. "Kiel, sa condo tayo... ayokong umuwi ng Tagaytay." Bahagyang ngumiti si Lucy kay Kiel. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay uuwi siya ng Tagaytay...





Tumango nalang si Kiel at saka muling binuhat si Hope. Sumunod naman si Ate Maritez kay Kiel dahil nauuna itong maglakad.





"We need to talk... Lucy." Tiningnan ako ni Lucy kahit pa may suot itong sunglass.





Bahagya itong tumawa, "Namumutla ka..."





"Pagod lang." Totoong pagod ako at puyat.






"Don't overthink, Alessa. He will never see, Hope." Umakbay si Lucy sa akin.





Huminga ako ng malalim, "We've just met. A while ago..."





Napahinto si Lucy sa paglalakad, "What did you say?" Pinanliitan niya ako ng mata.





"Mahabang istoya..."





"By the way... Gio's just engaged." Ngumiti si Lucy pero naroon ang sakit sa mga mata niya.





"Wow— just wow!" Ako naman ang napahinto sa paglalakad! Totoong nagulat ako sa sinabi niya, "Kaya ba umuwi ka?"





"Nope. Gusto ko lang magbakasyon." Sinuri ko ang mukha niya. Alam kong nagsisinungaling siya.




"Miguel kissed me." Muling huminto si Lucy sa paglalakad.





"You still love him, huh?" Iritadong tanong nito.






"Maybe... hindi ako sigurado, Lucy." Napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang tibok noon.





"Siguraduhin mong hindi. Baka lumubog ka ulit at hindi na makaahon pa. He is not good for you. Remember that. Kahit pa siya ang Tatay ni Hope." Muling naglakad si Lucy at naiwan akong nakatulala.






He is not good for you. Remember that.


He is not good for you. Remember that.


He is not good for you. Remember that.







:)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro