Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

32

KABANATA 32




"Death anniversary ni Papa sa linggo... uuwi ka na ba talaga?" Napatunghay ako at hindi naitago ang pagkagulat. Isang taon ng wala si Lolo sa linggo at ngayon ko lang naalala 'yun.










"Pag-iisipan ko..." Pagsisinungaling ko kay Mommy pero ang totoo ay mamayang gabi na ang flight ko pabalik ng London.









"Paano ang Cafe? Hindi mo na ba talaga 'yun mababawi kay Miguel?" Napalingon ako kay Ate Deinna.









"Bakit hindi ikaw ang mag-effort para bawiin ang mga bagay bagay na ikaw naman ang may kasalanan?" Bahagya akong ngumiti at muling sinubo ang pagkain. Masyadong maaga para makipagtalo sa kanya.









"Mapagmalaki ka na ngayon porket ikaw ang hinahabol habol ni Miguel... bakit? Hindi mo ba gusto 'yun? O baka naman gustong gusto mo huh! Alessa!" Napatingin ako sa kanya.








Hinampas ko ang lamesa at saka tumayo. Wala akong panahon para makipagtalo sa kanya, "Isipin mo na ang gusto mong isipin tutal ay doon ka naman magaling... hindi ba?" Tinalikuran ko sila.








"Masyado kang mayabang! Bakit? Dahil ba may pera ka na at kaya mo ng magmagaling? Well, sorry to say dahil wala ka paring kwenta! Ni hindi mo nga mabawi ang Cafe..." Tumawa s'ya at sumunod sa akin.








"Deinna... enough!" Si Daddy na hinawakan ang braso ni Ate Deinna.








"Tama na, Deinna... anak." Sumunod rin si Mommy hanggang sa makalabas ng living room.








"Pwede ba, Ate! Huwag mong isumbat sa akin ang mga bagay na ito dahil ikaw ang problema dito!" Tumingin ako ng masama sa kanya habang ito naman ay pinagkrus ang mga bisig at tinaasan pa ako ng kilay.









"Ate... please...." Lumapit sa akin si Kiel, "Tama na."









"Ano sumagot ka, Ate Deinna... ano bang kaya mo pang gawin bukod sa pagdadrugs? Dinamay mo pa iyong mga bible ni Mommy para ano? To show us na nagbago ka na?" Tumawa ako dahil naalala ko iyong unang beses ko s'yang nakitang magbasa noon. Parang ni hawak ng bible ay hindi nito nagawa noon.









Nagulat si Ate Deinna dahil sa sinabi ko kaya naman sinugod n'ya ako para sampalin but sorry, hinding hindi na lalapat ang mga kamay n'ya sa mukha ko. Hindi ngayon, hindi kailanman! Sinalag ko ang kamay n'ya at saka itinulak. Inawat siya ni Daddy habang si Mommy naman ay hinawakan ako ganoon rin si Kiel.









"Akala mo ba ay gusto ko ang buhay na ito, huh! Well, nagkakamali ka! Nagkakamali kayong lahat!" Sigaw n'ya at saka sinalag ang kamay ni Daddy, "Hirap na hirap na akong makisama sa pamilyang ito! Do you really think na ang saya saya ko, Alessa! Kahit kailan ay hindi ko pinangarap maging anak lang sa pagkakamali! Hirap na hirap akong makihati sa pagmamahal ni Daddy, sa pagmamahal ni Mommy! Ni Kiel! Dahil sino ba naman ako sa pamilyang ito! Sino ba naman ako? Kundi isang anak lang sa labas ni Daddy! Thanks to you, Mom! Tinuring mo parin akong anak kahit hindi naman talaga! Tinanggap mo parin ako kahit anak lang ako ni Daddy sa kung sinumang babae! Minahal mo parin ako kahit dumating na si Alessa, tapos may Kiel pa!" Tumulo ang luha n'ya bago tumawa, "Ano masaya ka na, Alessa? Dapat magpaparty ka na dahil bukod sa nasayo ang atensyon ng lahat, nasayo narin ang atensyon ni Daddy! At si Miguel? Siya nalang ang tanging alas ko para mas lalong maging proud sa'kin si Daddy dahil sino ba naman ang aayaw sa gracia! Sa sobrang yaman ni Miguel kahit iwan ko ang pamilyang 'to ay mabubuhay ako! Pero anong ginawa mo? Napaibig mo rin s'ya! Tulad kung paano mo inagaw lahat ng atensyon ng mga tao na dapat ay nasa akin! Si Lolo, si Lola! Ikaw nalang palagi ang magaling! Matalino! Ikaw nalang palagi ang bida!" Humikbi s'ya.









Halos mapaluhod ako sa pagkagulat, "A—anong sabi mo?" Nanliit ang mga mata ko sa pagtataka! Ano bang sinasabi n'ya! Gulong gulo na 'ko!









"Mom? Dad?" Nagpalipat lipat ang mga mata ko sa kanila, "Kiel..."








"Come on, Daddy! Sabihin mo kay Alessa na anak mo ako sa ibang babae na kinuha n'yo lang ako noon dahil akala n'yo ni Mommy ay hindi kayo magkakaanak! Pero dumating si Alessa kaya naman nawalan ng amor si Mommy sa akin dahil hindi talaga n'ya ako anak, hindi ba, Mommy! Come on, Dad! Speak up! Sabihin mo kay Alessa na nagkamali ka noon, na may anak ka na katulad ko! Rebelde, drug addict, sabihin mo sa kanya na ang paborito mong anak na si Deinna ay anak mo lang sa pagkakamali!" Luhaang sigaw n'ya.









"Hindi totoo 'yan, Deinna... anak. Mahal kita, mahal na mahal. Kahit hindi ako ang totoo mong Mommy, mahal kita. Inalagaan, inaruga, pinalaki—"








"Pero 'nong pinagbuntis mo si Alessa, nagbago ang lahat, Mommy!" Pinahid ni Ate ang luha n'ya, "Nagbago lahat..."








"Dahil maselan ang pagbubuntis ng Mommy mo kay Alessa... please, Deinna. Matalino kang tao kaya dapat maintindihan mo 'yun..." Niyakap ni Daddy si Ate Deinna kaya naman naiyak ito lalo hanggang sa mapaupo sa sahig.









"Ate..." Tumulo ang luha ko, "I'm sorry... hindi— hindi ko alam..." Lumapit ako sa kanya at saka lumuhod sa harap n'ya para maabot ang dalawa n'yang kamay. "Hindi ko alam na may ganito kang pinagdadaanan. Hindi ko alam lahat ng ito. Kung alam ko lang mas lalo ko sanang pinilit ang sarili kong mapalapit sayo... Dahil sa tuwing gusto kong mapalapit sayo ay lagi mo akong nilalayuan. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto sayo. Noon naiisip ko ba baka talagang ito ang attitude mo like Lolo, kasi ganyang ganyan s'ya tulad mo na pag ayaw n'ya sa isang tao ay hindi s'ya mag-aaksaya ng oras para kausapin 'yun. Sorry, Ate. Pinilit ko namang huwag mahalin si Miguel, na huwag nalang s'ya pero hindi ko mapigilan eh. Hindi ko maawat yung puso ko. Sinikap kong kalimutan s'ya. Sa loob ng halos limang taon... pinilit kong kalimutan s'ya. Dinaya ko ang sarili ko na kahit makita ko s'ya ay wala na akong pagmamahal sa kanya. Pero, Ate... siya parin ang laman nito," Napahawak ako sa dibdib ko, "Ang sakit sakit parin. Halos hindi ako matulog sa gabi kaiisip kong kinasal na ba kayo, na may anak na ba kayo... na ang saya saya n'yo. Ang sakit sakit na iyong pamilya mo kinalimutan ka na. Kahit isang tawag, kahit isang kumusta mula kay Daddy, kay Mommy... wala akong natanggap. Kahit galit na galit ka, inintay kita. Inintay ko 'yong araw na tatawagan mo 'ko. Kakausapin, patatawarin. Pero dumaan ang ilang taon..." Napahagulhol ako sa pag-iyak. Niyakap ko si Ate. Niyakap ko si Ate ng mahigpit. Ang sakit sakit.








"Sorry... I'm sorry, Ate..." Niyakap rin ako ni Ate Deinna. Naramdaman ko nalang ng may yumakap rin sa likod ko, si Kiel... si Mommy... si Daddy. Napahagulhol si Mommy sa pag-iyak.








"Sorry, Anak..." Halos manlabo na ang mata ko. Kinintilan ako ni Daddy ng halik sa ulo, "Sorry, Anak..." Paulit ulit nitong sabi. Tumango nalang ako bago niyakap si Daddy.







"Sorry sa lahat ng nagawa ko, sa mga nasabi ko... Hayaan mo, babawi ako. Ako ang kakausap kay Miguel para mabawi ang Cafe at para makabalik ka na sa—"







"There's no need, Ate... ako na ang bahala doon." Niyakap ko si Ate at niyakap n'ya ako. Naramdaman ko na parang may nabunot na tinik sa bahagi ng puso ko. Kaya ko pa palang magpatawad. Dahil pamilya ko sila.







"Kiel..." Humarap si Ate Deinna kay Kiel na tahimik lang, "Pumapayag na ko..." Ngumiti si Ate, "Pumapayag na akong magparehab."








Lumapit si Kiel at hinila si Ate Deinna para yakapin, "Dalahin mo iyong bible ni Mommy. Iyong pinakamalaki!" Hinampas ni Ate Deinna si Kiel bago tumawa.








"Aray! Ang sakit huh!" Sigaw ni Kiel.







"Huwag ka na munang umalis..." Ngumiti si Ate. Tumango ako bago muling niyakap si Ate.









Pagkatapos ng mga nangyari ay agad kong tinawagan si Gio tungkol sa flight ko mamayang gabi. Pinaliwanag ko sa kanya lahat kaya naman naunawaan n'ya ako. Sinabi ko rin na Death Anniversary ni Lolo sa linggo at sinabi nitong hindi siya sigurado dahil marami itong meeting na kailangang unahin. Hindi ko na rin s'ya pinilit pa dahil alam kong hindi s'ya pupunta.









Nag-long distance call ako kay Lucy. Paulit ulit ko siyang tinawagan pero hindi s'ya sumasagot kaya naman si Ate Maritez ang tinawagan ko.








"Ate Maritez, si Lucy po? Wala ba d'yan?" 'Yun agad ang unang bungad ko ng sagutin nito ang tawag ko.








"Hala, kakaalis lang ni Lucy!" Maingay ang paligid, mukhang nagbavacuum ito.









"Si Hope..." Bumulong ako bahagya.








"Tulog na... kanina pa. Pinagod ni Lucy sa kakashopping! Araw arawin ba naman! Kunsabagay, nalilibang iyong anak mo sa pagala gala nila ni Lucy. Ang kinatatakot ko ay baka mamana ni Hope ang kaartehan ng tiyahin n'yang iyon! Jusko huwag naman sana!" Napangiti ako dahil sa pagmamaktol ni Ate Maritez. Huwag naman sana dahil kong mamana ni Hope ang pagiging maarte ni Lucy siguradong mauubos ang savings ko para kay Hope. Napangiwi ako bahagya.







"Hayaan n'yo na... basta tawagan mo ako pag andyan na si Lucy, Salamat po." Binaba ko agad ang phone ko ng may kumatok.








Binuksan ko ang pinto at bumungad agad ang isang kumpol ng bulaklak, "Kanino galing 'to?" Kunot noong tanong ko. Sino namang sira ulo ang magpapadala ng ganito kalaking kumpol ng bulaklak. Halos hindi ko na mahawak dahil sa laki nito.








"Ewan. May nagdeliver lang nasa baba. Ayan may card oh! Alis na mo, malalate na naman ako sa school!" Sigaw ni Kiel na patakbong bumaba.








"Sus! Gusto mo lang makita si Nikola!" Sigaw ko. Napahinto si Kiel at saka tumingin sa akin ng masama.









"Asa!"








"Umaasa!" Sigaw ko sabay tawa.








Pumasok ako sa kwarto ko at saka kinuha ang card. Awtomatikong tumaas ang kanang kilay ko bago naupo sa single sofa.








I'll never give up on you — M









Napangiti ako at saka sinulyapan ang kumpol ng red roses, "Let see kung hanggang saan ang kaya mo..." Ibinalik ko ang card at saka binuhat ang bulalak pababa, "Bakit ba kasi inakyat pa sa taas 'to! Ang bigat bigat!"










Halos pagpawisan ako hanggang sa maibaba ko ang mga bulalak sa living room. Hindi ko na makita ang daan dahil sa laki nito, "Ugh! I hate you!" Sigaw ko pa.









"Sorry. Let me..."









Nabitawan ko ang bulaklak dahil sa gulat.









"What are you doing here? Sinong nagpapasok sayo dito? And wait... nakalimutan mo ba 'yung sinabi ko sayo kagabi?" Pinandilatan ko s'ya ng mata sa sobrang inis. Hindi ba pwedeng isang rose nalang ang ibigay n'ya hindi iyong ganito kabigat!









"Hindi ko nakalimutan lahat ng sinabi mo kagabi... pero wala naman akong sinabi na susundin kita, di ba?" Ngumiti siya kaya naman napahawak ako sa dibdib ko dahil bumilis na naman ang pintig noon.









"Tantanan mo na ko!" Sigaw ko sa kanya.










"No..."










"Oh, Juses! Ano bang naging kasalanan ko at lahat nalang ng kamalasan sa mundo ay pinaparasan mo!" Tinalikuran ko s'ya at dumeretso sa kusina. Kailangan kong uminom ng tubig. Hindi na ako mahinga dahil sa sobrang kaba. Araw araw nalang ba?








"Just give me one more chance, Baby..."








Naibuga ko ang tubig at sunod sunod na naubo dahil sa sinabi n'ya! Agad akong kumuha ng tissue paper at pinunasan ang labi ko.









"Are you okay." Pag-aalala n'ya.









"Oo, basta umalis ka lang!"








"No, hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabing may pag-asa pa tayo... ako..." Pinanliitan ko s'ya ng mata. Ano na naman bang kadramahan 'to.









Umirap ako at saka lumabas ng kusina. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot. Iniisip ko si Gio, dapat lang na sundin ko ang mga sinabi n'ya. Nasaktan na ako noon at pag pinagpatuloy ko lahat ng ito ay maaaring masaktan ulit ako at baka mas malala pa 'yun kung hindi ko susupilin ang damdamin ko na kahit minsan ay hindi naman nagbago, hindi nawala... yung pagmamahal.








"Please, umalis ka na..." Tinitigan ko s'ya sa mga mata, "Nakikiusap ako, Miguel. Hindi ito ang tamang oras para sa mga ganitong bagay..."









"Alessa naman... just one more chance..." Sumersoyo ang mukha n'ya. Alam kong mahirap ito. Pero ito ang dapat, ito ang tama.










"Sorry, Miguel... pero ma—may ma—mahal na akong ib—iba..."








Tumango tango si Miguel, "Oh. I—I'm sorry..." Napahawak ako sa dibdib ko dahil walang tigil ang pagbilis ng tibok ng puso ko.







Sorry, Miguel. Pero hindi ko hahayaang saktan mo ulit ako. Hindi ko hahayaang maging bahagi ka ng makulay na mundo ni Hope. Hindi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro