Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

29

KABANATA 29





"Miss Hernandez are you with us?" Napakurap ako ng marinig ang boses ni Miss Principal.




"Oh... sorry..." Halos magdugo na ang labi dahil sa pagkagat ko noon.




Tumighim si Miguel kaya't napatingin ulit ako sa gawi n'ya. Mas lalo s'yang naging mature ngayon. Hindi na s'ya nakatingin sa gawi ko kundi ang atensyon n'ya ay na kay Nikola na. Kung hindi lang halata ang agwat ng edad nilang dalawa ay maaari na silang mapagkamalang mag-karelasyon.




Lumapit ang mukha ni Miguel sa tenga ni Nikola at bahagyang bumulong. Kitang kita ko kung paano tumingin si Nikola sa akin at saka ngumiti ng makahulugan. Hindi ko man marinig kong anong ibinulong ni Miguel kay Nikola pero sigurado akong ako ang topic nila.




Hinila ni Kiel ang kamay ko kaya't bumaling nalang ako at nakinig sa mga sinabi pa ng Principal. Ilang minuto pa ay lumabas na kami ni Kiel. Hinila ko na s'ya para hindi na kami magkasabay ni Miguel sa pinto. Bakit ba sa dinami rami ng pwedeng makita ay itong pang si Miguel Aquino ang nakita ko!




Halos limang taon na Alessa! Bakit hindi mo nalang kalimutan! Naiinis ako sa inasta ko kanina. Bakit ba tinitigan ko pa ang mga mata n'ya...




Pumasok ako sa kotse at sumunod naman si Kiel sa akin. Hindi ko inaasahang sa ganitong tagpo pa kami magkikita muli. Sa dinami rami ng araw na pwede s'yang makita ay bakit ngayong araw pa na ito? Hindi ba pwedeng before my flight pabalik ng UK! Umuwi ako dahil gusto akong makausap ni Daddy. Mabuti pa ay ako na ang kumausap sa kanya para makabalik na ko sa London. Sana naman ay ito na ang una at huli naming magtatagpo dahil baka kung anong katangahan na naman ang magawa ko.




Halos mahimatay ako sa gulat ng may kumatok sa bintana ng sasakyan. Napapikit ako ng mariin.




Huwag ngayon, God. Please.




"Ate... susi..." Kinalabit ako ni Kiel kaya't nagmulat ako at dahan dahang bumaling sa bintana at saka binuksan 'yun.




"You forgot your key..." Seryosong sabi ni Miguel na ngayon ay nakasuot na nga sunglass kaya naman hindi ko na makita ang mga mata n'ya na tulad ng kay Hope, "Hey..."




Napakurap ako at mabilis hinila ang susi sa kamay n'ya na kanina pa palang nakataas sa ere, "Thanks." Agad kong isinara ang bintana at hindi na muling nilingon pa s'ya. Narinig ko nalang ang pagpipigil ni Kiel ng tawa. Tiningnan ko s'ya ng masama bago ito natahimik.




"Fvck! Kung alam ko lang na makikita natin si Kuya Miguel doon, edi sana hindi nalang ikaw ang tinawagan ko!" Paghihimutok ni Kiel ng makarating kami sa bahay. Mabuti nalang at wala si Mommy at Daddy, may check-up daw si Dad kaya naman kami lang ni Kiel ang naiwan dito, "I am very sorry, Ate... pero grabe 'yong titigan n'yo kanina. Kahit yung principal namin nagtataka eh!"




Natawa ako bahagya kaya naman napatitig s'ya sa mukha ko, "I'm fine, Kiel... Titigan? Nope. Hindi ko s'ya masyadong tiningnan..." Naiiling pa akong umupo sa sofa at kinakikot ang cellphone ko para iwasan ang mga mata n'ya na pilit akong inuusisa.




"Di mo sure." Pangbubuska pa n'ya habang tumatawa ng malakas. Anong nakakatawa?




"Ugh, okay lang ako. Si Miguel lang 'yun. Pwede ba?" Ngumiti naman ako sa kanya ng magliwanag mukha n'ya. Tiningnan ko ang mga picture ni Hope na sinend sa akin ni Ate Maritez.




Ows? Si Miguela lang 'yun?






"Wow! I can't believe this, Ate!" Napasabunot pa s'ya kunware.




"Tell me about Nikola nalang, she's pretty huh!" Pang-aasar ko pero ang totoo, ayoko ng pag-usapan pa si Miguel.




"Damn, that papansin! Grrrrrrr!" Panggigil pa ni Kiel.




"She's pretty, isn't she?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.




"Nandun na ako s pretty pero yung attitude, kakaturn—off!" Natatawang si Kiel.




"I think...she likes you kaya naman ganoon nalang kung magalit. Papansin ika mo nga. Pero mukha naman s'yang mabait." Mukhang mabait naman si Nikola kahit pa pinagtsitsismisan nila ako ni Miguel kanina.




"What the hell! Yung papansin na 'yun? No way! Mag-sasayang lang ako ng oras sa kanya. Isa pa, maraming manliligaw ang isang yun at walang pinalalampas. Lahat naging ex-boyfriend!" Natawa naman ako sa itsura ni Kiel.




"Selos ka naman?" Pang-aasar ko pa.




Tumawa lang s'ya at tumayo na rin para magpalit ng damit. Umakyat na rin ako sa kwarto ko dahil kanina pang tawag ng tawag si Ate Maritez. Kanina pa daw nangungulit si Hope na mag-videocall kami kaya naman patakbo akong umakyat sa taas. Can't wait to be home! Namimiss ko na agad si Hope. Kagabi ko lang din naalalang itext si Gio na nasa Tagaytay ako at kanina lang n'ya ako nareplyan kasi busy daw s'ya.




Umiyak lang ng umiyak ang anak ko sa videocall namin. Halos maluha naman ako ng sabihin ni Hope na gusto n'ya akong kayakap pagtulog. Wala naman akong magawa kundi ang magsinungaling sa kanya na uuwi na ako bukas para lang tumahan s'ya. Ano ba namang alam ni Hope na halos isang araw ang byahe pabalik ng UK. Halos sukuan na ni Ate Maritez ang anak ko dahil sa pag-iyak iyak nito. First time ko lang makita kung gaano umiyak si Hope. Kaya naman habag na habag ang kalooban ko. Para tuloy gusto ko ng umuwi bukas mabuti nalang at nauuto pa rin ni Lucy si Hope. Pumasok si Kiel sa kwarto ko kaya naman ng makausap ni Hope ang Tito Kiel n'ya ay tuluyang tumahan na ang anak ko. Magkasundo silang dalawa kahit pa sa videocall palang sila nagkakausap. Naalala ko pa noong ayokong sabihin kay Kiel ang tungkol kay Hope pero masyadong matalino si Kiel para hindi n'ya malaman ang tungkol sa pamangkin n'ya. Nangako naman s'ya ililihim ang tungkol kay Hope. Alam kong pinuprotektahan n'ya kami. Alam kong mahal ako ng kapatid ko kahit pa masungit at isnabero s'ya.




"Akala ko si Kuya Miguel 'yung kausap ko..." Tumawa si Kiel bago lumabas ng kwarto ko.




Hindi agad ako bumaba ng ipatawag ako ni Mommy kay Kiel para sa dinner. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila na gusto ko ng umuwi. Siguradong hindi papayag si Daddy na umalis ako bukas. Siguradong tatanungin n'ya ako kung bakit atat na atat akong bumalik ng UK at sigurado akong tatawagan n'ya si Tito Fredo. Pag nangyari lahat ng 'yun sigurado akong malalaman n'yang hindi  naman ako nagtrabaho sa Supermarket nila Lucy.




Palakad lakad lang ako sa kwarto ko habang nag-iisip ng idadahilan. Sampong minuto na ang lumipas ng tawagan ako ni Kiel. Paano ko ba haharapin si Daddy at sasabihin wala akong interes sa pamamahala ng Cafe. Aaminin kong ginusto ko ang mamahala nito noon pero kasama ang Cafe sa mga kinalimutan ko pero... ito nalang ang ala-ala ni Lolo sa akin.




"Sorry, Lo..." Huminga ako ng malalim bago dahan dahang bumaba. Buo na ang desisyon ko. Uuwi na ako bukas na bukas din. I don't need anything from them. Kaya kong buhayin ang anak ko without their money, without her father.




"Ayokong makulong—"




"Sinong makukulong?" Napatingin sila sa akin ng hilahin ko ang upuan mismo sa harap ni Daddy. Lahat sila ay natigilan at hindi makatingin ng deretso.




"Alessa..." Si Mommy na hindi mapakali sa kinauupo.




"Sinong makukulong, Dad?" Kumunot ang noo ko ng mapansing yumuko ito at nag iwas ng tingin sa akin. "Dad... I'm asking you!" Lumakas bahagya ang boses ko kaya naman napahawak si Mommy sa braso ko. Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak n'ya.




"Sabihin mo na, Dad..." Napatingin ako kay Kiel na katabi ko lang.




"Ano ba! Sumagot kayo!" Sigaw ko kaya naman napaharap si Daddy na hindi parin nag-iiba ang ekspresyon. Tumingin rin ako kay Ate Deinna na nakayuko na para bang nakakatakot ako.




"Dad..." Si Kiel.




"Kiel, stop..." Humarap si Ate kay Kiel.




"Ano bang nangyayari? Pwede bang masalita kayo! Ano? Gagawin n'yo na naman ba akong tanga na aping api sa pamilyang 'to!" Hinampas ko ang lamesa at saka tumayo. Hindi ko makayanang makipagsigawan sa harap mismo ng pagkain.




"Anak..." Bumaling ako kay Daddy.




"Dad, please... karapatan n'yang malaman lahat!" Tumayo rin si Kiel at lumapit sa akin.




"Kiel, stop it!" Sigaw ni Ate Deinna.




"Shut up!" Sigaw din ni Kiel kay Ate Deinna kaya naman nagpalipat lipat ang mga mata ko sa kanilang apat habang tahimik lang si Mommy na parang takot na takot na magsalita.




"Makikinig ako, Dad... makikinig ako." Halos ibulong ko na 'yun sa kanya. Inaamin kong bumilis ang pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Daddy... sinong makukulong? Ano bang nangyayari?




"Alessa... anak, patawarin mo ako. Gusto ko lang talagang makabayad ng utang kay Ben..." Nahihiya pa s'yang yumuko, "Kaya naisanla ko ang Cafe...sa mga Aquino."




"What???" Gulat na gulat kong tanong, "Huwag mong sabihin na iyan ang dahilan ng pagkamatay ni Lolo!"




"Nailansa ko kay Ben ang Cafe sa tagaytay... pero kulang parin 'yun para makabayad ng utang sa kanya kaya pinilit ko si Kiel na tawagan ka, pinilit ko ang Mommy mo na pauwiin ka. Nagbabaka-sakaling maibebenta mo 'yong minana mong farm sa Lolo mo..." Umiling iling ako. Hindi ako makapaniwalang pagkalipas ng halos limang taon ay panibagong gulo na naman ang kasasankutan ko. "Sorry... wala na akong maisip na paraan para mabayaran lahat ng utang ko sa kanila. Ayokong... ayokong makulong. Ginigipit nila ako... ng Tito Ben."




"Walang maisip na paraan? Kaya naman ako itong binubulabog mo? Ninyo!" Sigaw ko. Hindi ko magawang maawa. Inis na inis ako sa mga sinasabi ni Daddy, "Matagal akong nanahimik, Dad! Halos makalimutan ko na ngang may pamilya pa pala ako!"




"Alessa... maawa ka naman kay Daddy." Singit ni Ate Deinna. Tumingin lang ako sa kanya kaya naman napayuko muli ito. Marahil dahil sa sobrang hiya.



"This is your fvcking fault, Ate Deinna! Kaya huwag mong idamay si Ate Alessa! Sino bang nalulong sa bisyo? Huh!" Bawi naman ni Kiel... Napahawak ako sa sentido ko.



Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi ni Daddy, "Magkano?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. Napatunghay sila at napatingin sa akin ng magsalita ako.




"Apat na milyon..." Halos hindi na umabot sa tenga ko ang boses ni Daddy. Pumikit ako ng mariin at bahagyang nag-isip. Kailangan ko pang tawagan si Paeng para sa apat na milyon...




"Ate." Humarap si Kiel sa akin habang umiiling, "Don't..." Pagbabanta ni Kiel pero hindi ko s'ya pinakinggan pa.




Ngumiti lang ako bahagya, "Pakisabi na kanila na gusto kong tubusin ang Cafe... ni Lolo at Lola. Dahil iyun nalang ang natitirang alala nila sa akin..." Tumalikod ako sa kanilang apat, "And please, pagkatapos ng lahat na ito ay hayaan n'yo na akong bumalik ng UK." Hindi ko na nagawang tingnan pa ni isa sa kanila.




Galit na galit ako sa sarili ko. Kahit anong pagtitimpi ay hindi ko magawang hindi maawa sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung bakit nagkautang si Daddy ng ganoon kalaking halaga sa pamilya ni Miguel and for god's sake sa kanila pa talaga nagkautang si Daddy! At si Ate Deinna... anong kinalaman n'ya? Anong bisyo!




Wala na akong oras para isipin pa kung anong dahilan ng pagkakautang n'ya kila Tito Ben. Ang mahalaga ay mabayaran ang utang na dapat bayaran, tubusin ang Cafe. Kaya naman ng gabing 'yun ay tinawagan ko sa Paeng. Mabuti na lamang at hindi s'ya busy. Gulat na gulat pa s'ya ng ikwento 'ko ang dahilan kung bakit kailangan ko ng pera, at kung bakit nga ba ako nasa Pilipinas.




Ilang oras lang ang pinag-intay ko ng itext ako ni Paeng na naibanko na n'ya ang pera sa account ko. Hindi ako mayabang na tao unlike Lucy na pinag-sisiigawan ang kayaman n'ya. Hindi ko ugaling magdala ng malaking halaga para lang may maipagyabang. Pinaghirapan ko ang pera na meron ako ngayon, ang marayang buhay na meron kami ni Hope ay pinaghirapan ko ng ilang taon at ang mga bagay na ito ay dapat hindi ipinagyayabang o kahit ipagdamot.




Alam kong hindi na maiibsan ang galit at poot ko kay Daddy, kay Ate Deinna... pero tama si Ate Matires. Pamilya kami at kailangan nila ako bilang anak, bilang kapatid. Siguro naman pagkatapos ng lahat ng ito ay tatahimik na. Ayoko ng gulo, ayoko ng maramdaman iyong panlilimos ng pagmamahal sa magulang o kahit pa sa taong minahal ko ng higit pa sa sarili ko.




Umakyat ako sa kwarto at nagkulong. Kanina ko pang tinatawagan si Lucy pero busy ang line n'ya. Noong tinawagan ko naman si Ate Maritez ay tulog si Hope. Tinanong ko rin si Lucy pero ang sagot ni Ate Maritez ay nasa kwarto at hindi pa lumalabas. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at andyan si Ate Maritez para iupdate ako. Hindi ako makapaniwala na sa loob ng dalawang araw ko dito at masstress ako ng ganito katindi.




Kaya naman kinaumagahan ay maaga akong bumangon kahit pa alam ko sa sarili kong hindi naman ako nakatulog ng maayos. Pagkababa ko ay si Kiel na agad ang bumungad sa akin. Siya na rin ang nagluluto ngayon. Bakit nga ba hindi ko napansing wala ni isang katulong si Mommy sa bahay.




"Bakit ikaw ang nagluluto? Nasaan ang si Manang?" Dumeretso ako sa ref at uminom ng tubig, "Marunong ka na n'ya?" Sabay nguso sa niluluto nitong almusalan.




"Wala na tayo katulong simula nong naubos ang pera nila..." Sagot ni Kiel habang abala parin sa niluluto nito, "At tinuruan ako ni Manang magluto bago s'ya umalis kaya marunong na ako nito." Humarap s'ya bahagya at ngumiti. Ito na yata ang pinakamalungkot na ngiti na nasilayan ko.




"Sorry about last night, Kiel... hindi ko lang talaga kayang... makita na nahihirapan sila lalo na si Mommy." Pinatay ni Kiel ang stove at saka humarap sa akin.




"They are just using to para hindi mapahiya si Ate Deinna... at maitago ang bisyo n'ya." Napagpakawala ng malalim ng paghinga si Kiel bago naupo.




"Bisyo?"




"Drugs... kaya nga galit na galit si Kuya Miguel noong nalaman n'ya and guess what? Si Tito Ben pa talaga iyong nagpacancel ng kasal nila..."




Napahawak ako sa dibdib ko, "That... that was... uhmm." Hindi ko malaman kong ano ang dapat kong isagot.




"By the way... Tito Ben wants to meet you in Cafe." Tumayo bigla si Kiel, "Let's eat at pagkatapos ay sasamahan kita doon." Ngumiti si Kiel ng tipid.




Isa lang ipinapanalangin ko. Ang hindi na muling makita ang lalaking 'yon!




Jeans at plain white t-shirt lang ang suot ko. Hindi naman ako magtatagal sa Cafe kaya hindi narin ako nag-effort pa. Si Kiel ang naghatid sa akin sa Cafe at ng makakaba ako ay hindi ko maiwasang mapakunot noo. Humarap ako kay Kiel na nanliliit pa ang mga mata.




"Bago mamatay si Lolo ay pinaganda n'ya pa ang Cafe, Ate." Ngumiti si Kiel, "Tara?"




Inalalayan ako ni Kiel ng makapasok sa Cafe. Lalo akong namangha dahil totoong binago ni Lolo ang disenyo ng Cafe. All cream... parang may humaplos sa puso ko ng makitang umiikot lamang sa kulay cream and brown ang Cafe. Halos may pagkakapareho ang Hope Clothing at The Coffee Station. Nangilid ang luha ko pero pinigilan kong maiyak dahil hindi ito ang oras para magdrama ako. Ito ang oras para bawiin ang lugar na ito sa mga Aquino. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang mga staff. They are all new staff at talagang mukhang pang five star hotel kung magsikilos. Unlike us, Sarina, Theo and old staff noon... Ang laki ng pinagbago. Malayong malayo sa alaala ni Lolo at Lola.




"Good morning, Miss... how may I help you." Nakalapit na pala iyong isang mestisahing crew dahil kanina pa kaming nakatayo ni Kiel sa entrada ng Cafe kaya siguro kami nilapitan nito.




Ngumiti ako at pinanliitan ng mata ang nameplate n'ya, "Oh, Good morning, Miss Anne. I am looking for Mister Benito Aquino." Siniko ako ni Kiel. Nilingon ko s'ya at pinanlakihan ng mata. Noon ko lang napansing gumamit pala ako ng British accent. Kaya naman napangiwi ako, "Sorry... meron akong meeting with him. I mean with Tito Ben." Ngumiti ako at nilingon si Kiel na gusto ng sumabog dahil sa pagpipigil ng tawa. Nakahinga naman ng maluwag si Miss Anne.




"Oh okay, Ma'am. I guess you are Miss Alessa?" Pag-aalangan n'ya. Tumango na lamang ako at saka kami sumunod sa kanya.




"Tandaan mo... nasa Tagaytay lang tayo." Bulong ni Kiel kaya naman hinampas ko s'ya sa braso n'ya.




Parang umurong ang dila ko ng makita si Tito Ben at Tita Lhea. Tumayo pa silang dalawa para makipagkamay sa akin. Nakakahiya.




"Oh my god, Alessa! You are so beautiful..." Bungad agad ni Tita Lhea ng makaupo kami ni Kiel, "Anything you want, Hija, Hijo? Drinks?"




"Thank you." Ngumiti ako ng tipid.




"Where is your father?" Kunot noong tanong ni Tito Ben.




"Hospital." Singit ni Kiel.




"I hope he is doing good now." Sagot naman ni Tito Ben kay Kiel. Tumango lang ang kapatid ko.




"Well, anyway. Uhm... I just wanna... Uhm, I mean about the Cafe..." Para akong tanga na hindi malaman kung paano sisimulan ang mga dapat kung sabihin.




"Sorry, I'm late." Nagulat ako ng may biglang humila ng upuan sa tapat ko. Sinipa ni Kiel ang paa ko sa ilalim ng mesa kaya naman natauhan ako saglit at muling tumingin kay Tito Ben. "Please, continue." Sabi pa nito ng makaupo.




"Well, uhm... yeah." Napangiwi ako kay Kiel. Bakit nandito to?




"Tito Ben, I am really really sorry about my Father's debt. Well... I am here to pay you." Bahagya akong ngumiti kay Tito Ben na seryosong nakikinig sa akin.




"Bakit ginagawa mo 'to, Hija?" Biglang tanong niya kaya napaupo ako ng tuwid. "This is not your Father's debt... Si Deinna ang dapat magbayad at hindi ikaw."




"Pamilya ko sila kaya..." Sagot ko.




"This is not actually debt. Ninakaw ni Deinna ang pera at hindi inutang." Napabaling ako.




"Miguel..." Saway ng Mama n'ya.




"Alright. Kaya nga ako nandito para magbayad at para tubusin itong Cafe..." Mahinahon kong sagot pero kay Tito Ben ako tumingin at hindi sa kanya. Bakit ba nandito ang lalaking 'to!




"That's not gonna happen, Miss Hernandez." Kitang kita ko kung paano ngumiti si Miguel ng bigla akong humarap sa kanya.




"What?" Bahagya lumakas ang boses ko dahil sa sinabi n'ya.




"Siguro ay iyong ninakaw ni Deinna... pwede mong bayaran iyon, but this Cafe? No. I am the new owner at hindi ko pinagbebenta ito." Pinag-krus ni Miguel ang bisig n'ya bago sumadal.




"Pero sabi ni Daddy ay sinanla lang n'ya itong Cafe..." Talagang pinupuno mo ako, Miguel!




"Ate..." Awat ni Kiel. Mabuti na lang at medyo malayo kami sa mga customer.




"Please... ibalik mo ang Cafe." Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa sobrang inis. Inilabas ko mula sa aking handbag ang personal cheque book ko at ballpen. Ramdam ko ang mga mata nila na nakatitig lang sa ginagawa ko. Isinulat ko ang pangalan ni Miguel, petsa, at halaga ng dapat bayaran at saka ako nag-signature. Mabilis kong pinunit 'yun ng walang kahirap hirap. Bago muling tiningnan at saka tumunghay. Tama nga ako, nakatingin lang sila sa akin.




Inilapag ko sa mesa ang cheque at marahang itinulak sa harap ni Miguel, "Please..."




"Ate..." Hinila ni Kiel ang braso ko.




Tumighim si Tito Ben kaya naman napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang ito at saka tumango kaya naman nagkaroon ako ng paasa.




Nagulat ako ng itulak pabalik ni Miguel ang cheque sa harapan ko.




"Date me, Miss Hernandez. Baka sakaling magbago pa ang isip ko."




"What? Are you crazy?" Pinanliitan ko s'ya ng mata. Hindi ito ang oras para makipaglukohan! Kailangan ko ng bumalik sa UK! Kailangan na ako ng anak natin! Gusto kong ipagsigawan yon pero mabuti nalang at hindi.




"Matagal na..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro