Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

28

KABANATA 28






Naupo ako sa dulo ng kama ni Hope habang mahimbing parin ang tulog n'ya. Maliit lang naman ang kama n'ya kaya maingat akong naupo roon at saka tinitigan ang mukha ng anak ko. Parang nakikita ko si Miguel dahil sa mga pilik mata ni Hope. Huminga ako ng maluwag bago binuksan ang sobreng hawak ko. Ilang taon na ba ang sulat na ito? 3 years... 4 years? hindi ko na maalala.



Sinubukan kong sulatan si Lolo noong malaman kong buntis ako pero hindi ko magawang ipadala sa kanya. Pagkapanganak ko kay Hope ay binalak ko muling ipadala ang sulat ko pero hindi ko magawa dahil natatakot akong magalit si Lolo kila Daddy dahil sa ginawa nila sa akin. Ayokong masira ang samahan nila kahit pa alam naman naming lahat na malayo sa isa't isa ang mga loob nila but still we are family at hanggat maaari ay protektahan namin ang isa't isa pero ako... hindi nila 'yun nagawa, ang protektahan ako. Walang alam si Lola sa mga nangyari. Ang alam lang n'ya ay mag-aaral ako sa London ng kursong gusto ko pero isang malaking kasinungalingan ang lahat ng 'yun.




"Pasensya na, Lo... hindi pa ako handang makita ang lahat lahat... hindi pa ako handang magpatawad." Baka nga wala lang lahat ng nakaraan sa kanila, kay Dad, kay Ate... "Masakit parin... masakit na masakit parin dito." Hinaplos ko ang dibdib ko.




Gusto kong basahin ang sulat ko kay Lolo pero binalik ko ulit 'yun sa sobre at saka niyakap ng mahigpit. Nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga at saka tumayo. Gusto kong bisitahin si Paeng sa mall, nabalitaan ko kasi na maraming order nitong nakaraang buwan at pagkatapos ay puntahan naman si Lucy. Ilang buwan narin s'yang hindi dumadalaw sa amin at nag-aalala ako para sa kanya eventhough she texted me everytime pero iba parin iyong nakikita at nakakausap ko s'ya.



"Kumain ka muna kaya..." Sabi ni Ate Maritez habang mabilisang inilagay ang pritong itlog at baccon sa plato.



"Hindi na, Ate Maritez... sa mall nalang mamaya." Sagot naman, "Ikaw na muna ang bahala kay Hope." Ngumiti ako pero alam kong hindi ako makakaligtas sa talas ng mga mata n'ya.



"Alam kong pinoproblema mo 'yang Tatay mo... pinapauwi ka ng Pinas... narinig ko ang usapan n'yo nung kapatid mong lalaki..." Sabi na nga ba't kunware ay naglilinis s'ya pero ang tenga ay nakadikit sa cellphone ko.



Gusto kong matawa pero ngumiti na lamang ako, "Alam mong hindi ako uuwi kahit anong pilit pa." Sagot ko.



"Umuwi ka... andito naman ako para bantayan si Hope." Wala akong nagawa kundi ang maupo sa harap n'ya.



"Uuwi ako pero hindi sa ngayon, Ate Maritez..." Napatitig s'ya sa akin.



"Kahit anong sakit o anuman ang nangyari noon... Tatay mo parin 'yun, Ysah." Naiintindihan ko ang punto n'ya pero...



"Mag iisang taon na rin ang Lolo mo nung pumanaw, ayaw mo manlang bang bisitahin s'ya... Hindi naman sa nangi-ngealam ako, Ysah... pero magulang rin ako, Lola rin ako dahil may apo na ako sa panganay ko pero, Ysah... yung presensya mo doon ay malaking bagay na sa kanila. Paano pala kung nagsisisi na sila?" Sabi pa n'ya.




"Paano kung hindi?" Tanong ko.




"Imposible 'yun. Anak ka parin nila." Napatitig ako kay Ate Maritez.




"I'll think about it, Ate... mahirap ng magkamali ulit." Ngumiti ako sa tumayo na rin para umalis.




Hindi muna ako dumeretso sa shop. Dadalawin ko muna si Lucy sa bahay n'ya. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko nitong mga nakaraang gabi. Parang ang bigat bigat ng kalooban ko, parang ang hirap huminga pag ganitong maraming iniisip.




Huminto ang sasakyan ko sa basement tulad ng palaging ginagawa ko. Bumaba ako sa sasakyan ko at saka naglakad papasok ng elevator. Hindi ko na rin tineks si Lucy... baka tanggihan na naman n'ya ako na dalawin s'ya. Bumukas ang elevator kaya naman mabilis kong kinuha ang paper bag ng may mga prutas at saka lumabas. Huminga muna ako ng malalim bago nag-doorbell. Paulit ulit kung pinindot yun hanggang sa bumukas. Noong una ay nagulat ako at napatingin ulit sa numero ng pinto. Tama naman 'yun kaya tinulak ko ang pintuan para makapasok ng tuluyan.




Hindi ko sinasadyang mahulog ang paper bag muna sa kamay ko, "Lucy?" Patakbo akong yumakap sa pinsan ko na ngayon ay parang wala sa sariling nakatingin lang sa akin. Magulo ang buhok na parang hindi nakapagsuklay ng ilang linggo. Napalingon ako sa mga bote ng beer. Meron sa lasa, sa ibaba ng kama, sa mga lamesa, halos bawat kanto ng condo n'ya ang may mga bote ng beer. Magulo, magulong magulo ang unit n'ya.




"Hi." Ngumiti si Lucy ng ilayo ko ang katawan ko sa kanya, "Napadaan ka?" Lumapit ito sa single sofa ay walang ano anong tinapon ang kalat doon para makaupo s'ya. Nanatili lang akong nakatitig sa mga mata n'ya.




"Ano bang nangyayari sayo? Ito ba ang dahil kaya ayaw mo kami ni Hope na pumunta dito?" Mababang boses na tanong ko.




"Alessa..." Humikbi s'ya at saka ngumiti.




"Ano ba, Lucy? Ano bang problema?" Gulong gulo na 'ko... awang awa ako sa itsura n'ya! Hindi s'ya yung Lucy na kilala ko, iyong maarte sa pananamit, malinis sa bahay... maganda, mabango!




"I'm okay, Couz... don't worry about me." Ngumiti lang s'ya pero alam kong malalim ang iniisip n'ya. Sa itsura palang ng eyebags n'ya ay halatang hindi nga ito natutulog.



"Lucy... please, makikinig ako. Ngayon ka pa ba maglilihim?" Lumuhod ako sa harap n'ya at hinawi ang matigas nitong buhok na humaharang sa mga mata n'ya.



"Iniwan na n'ya 'ko, Alessa..." Ngumiti s'ya pero napahikbi rin sa huli, "Hindi ako pumayag syempre because you know how much I love him... pero ang sabi n'ya hindi magwowork ang relasyon namin... wala naman akong magawa, ako iyong inayawan n'ya. Ako iyong iniwan... Damn!" Napaiyak na s'ya ng tuluyan.




Hindi na 'ko nagulat pa. Nararamdaman ko kasing may problema silang dalawa. I texted Gio two days ago. Walang reply. I texted him yesterday... simpleng OKAY lang ang reply nito. When I asked him about Lucy, IDK naman ang sagot n'ya. Kaya alam kong may problema because I know their relationship since day one. Alam ko kung paano mag-care si Gio sa pinsan ako at alam ko na mahal nila ang isa't isa.



"Gusto mo ba kausapin ko s'ya? I can call him now..." Maagap n'yang hinawakan ang kamay ko ng iaro ko ang phone ko.



"No! Don't, please... ayokong isipin n'ya na hinahabol ko s'ya, ayokong isipin n'ya na ginagamit kita para puntahan n'ya ako... ayokong maawa s'ya sa akin, Couz..." Napahagulhol si Lucy sabay takip ng kamay sa mukha.



"Ssshh, ssshhh... I'm here for you, don't cry..." Niyakap ko s'ya ng mahigpit.




"Ganito pala kasakit... ganito pala..." Namuo ang luha ko.




"Oo, ganito nga kasakit..." Niyakap ko pa s'ya hanggang sa mahulasan s'ya sa pag-iyak.




Isa isa kong pinulot ang mga bote ng beer bago itinapon. Nilinis ko ang kitchen n'ya na inipis na dahil sa makapal na dumi at basang sahig. Binuksan ko ang ref at napatakip ang kamay ko sa ilong dahil sa matinding sangsang na amoy. Agad kong nilinis yun. Nag-mop rin ako ng sahig. Nilinis ko rin ang toilet. Nag-pray lang ako ng air-freshener bago bumaba sa sa groundfloor. May supermarket doon kaya naman makakapagluto pa ako bago umuwi. Iniwan ko muna si Lucy at sinabihan ko s'ya na maligo at mag-ayos dahil kung ano nga ay nakaya ko, siya pa kaya? Mukhang natauhan naman s'ya sa mga advice ko kaya naman napilit ko rin s'yang maligo dahil sa totoo lang ay talagang ang baho n'ya. Amoy kanal na ewan!




Bumili ako ng iba't ibang gulat at nagdagdag na rin ako ng prutas. Bumili rin ako ng fresh chicken, pork, beef, and sausage... Ayokong nauubusan s'ya ng pagkain dahil tamad s'yang magluto kaya naman ang ending ay cup noodles ang kakainin n'ya. Tinapon ko na rin lahat ng stock n'ya... expired man o hindi!




Saktong tapos na akong magluto ng lumabas s'ya sa kwarto n'ya, "Ang bango... nagutom ako!" Umupo s'ya bar-chair at humalumbaba habang nag-iintay ng niluto ko.




"Oh, kain na..." Inilapag ko ang plato na may kanin at mangkok na may umuusok na sabaw. Ipinaglagay ko rin s'ya ng fresh milk at apple juice na, "Oh, ikaw na bahala kong anong gusto mo, milk or juice..." Ngumiti ako at saka inilapag ang fried pork chops.




"Thank you..." Napatingin ako sa kanya ng hindi parin s'ya kumikibo para kumain.




"Kain na... hindi ako uuwi hanggat hindi ka kumakain, Lucy... wag mong hintayin na ihatid ni Ate Maritez si Hope dito para mabantayan ka namin ng anak ko..." Pinanliitan ko s'ya ng mata. Ngumiti lang s'ya at saka nagsimulang kumain.




Nasa kalagitnaan kami ng pag-kukwentuhan ng kung ano ano dahil ayokong pag-usapan namin si Gio ng biglang tumunog ang phone ko na nasa centre table kaya naman nag-excuse ako at saka sinagot ang tawag...




"Kiel?" Bungad ko.




"What..." Napakawak ako sa dibdib ko. Hindi na ko nakapagsalita pa ng maputol ang kabilang linya.




Nagpalakad lakad ako sa kabuuan ng salas ni Lucy habang nakamatsag lang ang pinsan ko na abala parin sa pagkain, "Hey... what happened?"




"Si Daddy..." Sabi ko sabay hawak sa batok ko. Totoong kinilabutan ako at nagulat ng marinig ang boses ng tatay ko. Parang bumalik lahat ng sakit, lahat ng hinanakit, lahat lahat...




"And?" Huminto si Lucy sa pagsubo at lumapit sa akin.




"Pinapauwi na ko..." Naguguluhan man ay pinilit ko paring ngumiti sa harap ni Lucy. Ayokong mag-alala pa s'ya sa akin. Lalo pa't mas mabigat ang problema n'ya ngayon. Nag-paalam ako kay Lucy na uuwi muna para makapag-isip isip. Pumayag naman s'ya at nangakong hindi na muling iinum ng beer dahil kung gagawin n'ya ulit 'yun ay lilipat talaga kami ni Hope ng bahay ora-mismo.




"Ito lang ang dala mo?" Namilog pa ang mga mata ni Ate Maritez ng mapasukan n'ya ako sa kwarto ko kinaumagahan.





"Yes... bakit?" Napatunghay ako. Kinuha ko ang ilang toiletries ko at saka isiniksik sa handcarry bag ko. "Isang linggo lang ako, 'Teh..." Pinadilatan ko s'ya ng mata dahil iba na naman ang nasa isip n'ya.





"Eh kung sumama kaya kami ni Hope, Ysah?" Alam kong nagbibiro lang s'ya kaya naman tumawa nalang ako kesa patulan ang pang-aasar n'ya.





Humalik muna ako kay Hope bago nagpaalam sa anak ko na busing busy sa paglalaro. Alam kong hindi s'ya pababayaan ni Ate Maritez at lalong lalo na si Lucy. Isang linggo lang akong mawawala pero bakit parang maiiyak ako na maiiwan ang anak ko dito. Gustuhin ko mang isama s'ya pero hindi pwede. Not now, never.





Inintay ko muna si Lucy sa bahay bago umalis. Malalate na ako sa flight ko pero dahil nagpresinta si Lucy na ihahatid n'ya ako kaya naman tinanggap ko na dahil ayokong malate. Lagi kasi kaming late ni Hope sa mga flights namin nitong mga nakaraang travel naming mag-ina. Noong una ay talagang hinintay pa kami ng eroplano pero itong huling travel namin ni Hope at Lucy papuntang Florida ay talagang naiwan kami ng eroplano. Huwag naman sanang mangyari iyon ngayon dahil limit lang ang mga direct flights sa ngayon.





"Pasok na ko..." Pagmamadali ko dahil ilang minuto nalang ay paalis na ang eroplanong sasakyan ko.





"See you around, Ya take care, couz!" Kumaway si Lucy bago tumalikod. Natigilan ako sa sinabi n'ya. Gusto ko pa sana s'yang tanungin pero talagang malalate na ko sa flight ko. Tatawagan ko nalang s'ya mamaya pagkalapag ng eroplano.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro