Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23

KABANATA 23




Pumasok ako sa The Cafe Station, alam kong nandito si Alessa pero pinili kong huwag na lamang s'yang pansinin. Nakiramdam ako, alam kong nakasunod ang mga mata n'ya sa bawat hakbang ko. Dumeretso ako sa counter desk at hindi na nag-sayang pa ng oras para tingnan manlang s'ya. I felt so empty... bakit nga ba?



Pagkatapos ng nalaman ko, gusto kong mag-wala sa galit dahil pakiramdam ko ay nagmukha akong tanga sa harap ng mga taong nakapalibot sa mundo namin ni Deinna. I don't like her since day one at wala akong magagawa pa roon. Pero ng makita ko ang social media account n'ya at mabasa ang mga comments doon, at malaman kong ex-boyfriend n'ya si David! Magkasama pa sila sa kwarto... at masayang masaya. Ano nalang ang sasabihin ni Papa kung malalaman n'ya 'to?



Si Alessa ang unang pumasok sa isip ko, ang maamo n'yang mukha.



Inabangan ko s'ya hanggang makalabas s'ya ng cafe. Gusto ko s'yang yakapin... pero bakit hindi ko magawa... nauuna ang galit ko. Bakit si Alessa? Bakit ka kay Alessa nagagalit?



Nauwi ang lahat sa hindi pagkakaintindihan. Napahawak ako sa pisngi ko kung saan tumama ang malakas na sampal. Alam ko na mali ako, na nasaktan ko s'ya sa nasabi ko... bakit nga ba?




Ilang araw na akong hindi nagagawi sa cafe... natatakot kasi akong makita s'yang galit sa akin. Kasalanan ko naman. Nagpadalus-dalos ako sa bugso ng damdamin ko. Nakausap ko si Deina at naging maayos naman ang pag-uusap namin kahit palagi s'yang nagmamadaling matapos ang pag-uusap naming dalawa... hahayaan ko na lamang s'ya tutal ito naman ang gusto ko di ba? Ang mapalayo sa kanya.



"What's up, Bro!!!" Hinampas ni Theo ang balikat ko. Nakilala ko si Theo because of Jetro.



"Lumabas sa lungga ang daga..." Bulong ni Gio.



"What..." Binalingan ni Theo ang nananahimik na si Gio, "So paano mamaya? Sasama ka ba?" Paalala ni Theo. Himala, after a month lumalabas na s'ya pagkatapos ng mapait n'yang nakaraan... nangingiti nalang ako sa mga kadramahan n'ya. "Jet will be there early with my sister so..."



"Pass!" Pangunguna ni Gio, "May date kami ni Veronica..."



Tumawa si Theo, "Who?"



"Veronica Alonte." Matabang sagot ni Gio.



"Yung hot momma na dating secretary ng Daddy mo?" Seryosong tanong ni Theo na muntik ko ng ikatawa ng malakas dahil sa pag-asim ng mukha ni Gio.



"Bro... hindi s'ya naging ano ni Papa, OKAY?" Asar nitong sagot.



"Are you sure?" Di paawat na si Theo... alam na alam nito kung paano aasarin ang kaibigan.



"Sige..." Sumingit na ako sa usapan bago pa may magsapakan, "tutal ay doon rin naman ang punta ko." Totoong doon ang meeting ko sa mga kliyente ni Papa. Mukhang gumawa ng paraan ang tadhana na magkausap kami.



"Nayyyyyyyyyyyyyyyyyy! Para-paraan!" Singit ni Gio na tumatawa.



Hindi ko nalang s'ya pinansin dahil pagpinatulan ko pa ang kapilyuhan n'ya ay siguradong mahahalata ako si Theo...



"So how? See you later..." Tumingin si Theo sa relo n'ya, "I'll be there at 6pm..."




"Okay." Tipid na sagot ko. Kailangan kong matapos agad ang meeting kay Mister Fuentes.




Nagdaan ang mahabang oras at ganoon na nga ang nangyari, maagang natapos ang meeting ko kay Mister Fuentes. Hindi nasayang ang mahabang byahe dahil pumayag s'ya sa mga napag-usapan namin. Well, si Papa naman dapat ang ka-meeting n'ya. Kung bakit ba naman tuwing nagkakaproblema ay ako ang humaharap sa mga dapat ay ka-meeting n'ya.



"This way, Sir." Napatango na lamang ako sa crew ng hotel ng magalang n'ya akong inihatid mismo sa harapan ng guess room nila.



Hinagis ko ang dala dala kong attache case sa bed at saka niluwagan ang suot kung necktie. Ala-sais na pala... ganoon kahaba ang naging pag-uusap namin ni Mister Fuentes?



Nag-shower lang ako at agad ring lumabas ng guess room dahil kanina pang nag-iintay si Theo sa akin. Naglakad ako palabas ng resort dahil 'yun ang sabi ni Theo... ano na naman kayang kadramahan ng isang 'to.



"Heheyyyyyy!!!" Nakipag-kamay ako kay Jetro sabay sulyap sa babaeng nakaupo sa tabi n'ya, "Zup?"



"So far so good, you?" Umupo ako sa tabi ni Theo na nilibot ang mga mata ko...




"Where's Sarina?" Seryosong tanong ni Theo.



"Ahh, pinapasundo ko kay Tosh... hindi kasi nila alam na may pa-yatch ako ngayon." Tumawa si Jetro sabay akbay sa babaeng katabi nito, "Alam n'yo na..."



"Oh." Tipid na sagot ni Theo na halatang iritado.



"Ohh... ayan na pala sila eh!" Napalingon ako sa entrada ng yate at ang unang hinanap ng mga mata ko ay ang maamo niyang mga mata. Halatang nagulat pa sila ng makita kami.



Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang kabuuan n'ya...



"Damn..." Mahinang sabi ko. Mabuti na lamang at wala ni isa sa kanila ang nakarinig dahil masyadong malakas ang musika.




Ang unang pumasok sa isip ko ay ang lapitan s'ya at mag-sorry pero mukhang hindi ko yata magagawa ang bagay na 'yun gayong mukhang bantay sarado itong si Theo sa kapatid at pinsan n'ya... napahinga ako ng malalim ng mag-umpisa na silang uminom.



Tequila? Beer?




Ganoon na ba sila kalakas uminom? Naiiling kong inisang lag-ok ang laman ng bote ko. Sumandal ako sa upuan at pina-krus ang mga bisig atsaka matamang tinitigan ang bawat pagkilos n'ya. Dyosa kung maihahalintulad ang maamong mukhang. Parang hindi makabasag pinggan dahil sa pinong kilos n'ya. Napalakas ng dating ng mga halakhak n'ya at ang katawan... bumaba ang mga mata ko sa suot nitong satin dress na bumabakat ang bawat kurba ng katawan n'ya. Kumuha muli ako ng beer at agad binuksan 'yun at nilaklak.



Habang lumalalim ang gabi ay lalo ko lang inaasam na makausap s'ya. Napatingala ako ng tumayo si Theo at magpaalam na may sasaguting tawag kaya't nagkaroon ako ng paraan para malapitan s'ya pero ang ending ay naharang naman si Alessa ng bestfriend nitong si Toshka. Wala akong nagawa kundi ang maupo at uminom na lamang. Baka nga tama yung sinabi ni Gio, PARA-PARAAN...



Ilang oras pa ang lumipas...



Lumakas ang tawanan at sigawan dahil sa countdown ng birthday n'ya. Ngumiti na lamang ako at nakitayo narin. Pumalapak kaming lahat ng matapos ang 'yun. Alam kong lasing na s'ya, sa dami ba naman kung tumungga. Halos hindi ko na mabilang ang tagay n'ya... mabuti sana kung simpleng alak but damn, that's tecquila baby! Naiiling na lamang ako...



Ang amo ng mukha, ang angas tumungga!



Gusto kung matawa sa mga pumapasok sa isip ko.



Tumayo ako ng humupa ang ingay, wala na akong pakialam kung ano pang isipin ni Theo, Sarina at ninuman... ang mahalaga ay mapatawad n'ya ako sa mga akusasyon ko sa kanya noong nadaang gabi. Hindi na makayanan ng puso ko kung patatagalin ko pa ito.




"Happy Birthday, Alessa. Forgive me..." Napalingon s'ya sa akin at halatang nagulat pa. Namumula na ang mukha n'ya dahil sa alak.




"Migs..." Halos ibulong na lamang n'ya yun... 





"Are you drunk?" Hinatak ko ang bewang n'ya sa pagaalakalang matutumba ito.






"Tipsy?" Sagot nito.




"You need water para mahulasan ka." Inalalayan ko s'ya. Bumaba kami sa dali daling ikinuha ng tubig si Alessa.




"Thanks." Bulong nito.




"You okay now?" Tanong ko.



"Not that okay, but i'm good." Sagot n'ya atsaka inihilig ang ulo sa sofa.




"Mabuti pa ay bumalik na tayo sa hotel." Di mo sure, Miguel...




"No, no..." pagtanggi n'ya. "Hindi pa sila lasing."



"Hindi ka naman sanay uminom kaya dapat hinay hinay lang." Parang pinapatunayan ko na magiging Kuya n'ya ang ako... erase erase!



"You damn care huh?" Nagulat ako ng salubungin n'ya ang mga mata ko.





"Halika ka na, magpapahatid na tayo sa hotel." Pamimilit ko pa.





"A.YO.KO!" Napangiti ako. Iba talaga ang nagagawa ng alak.





"Wag ng matigas ang ulo..." Bulong ko.






"Whatever!" Totoong lasing na nga s'ya.






"Hey..." Bulong ko atsaka inalog ang balikat n'ya.





"OKAY FINE!" Pagsusumigaw pa nito.




Inayos ko muna ang pagkakahiga hilig n'ya sa sofa at matamang pinanood ang nahihimbing n'yang pagtulog. Sana araw araw kitang nakikita kasi naaalis mo ang pagod sa katawan... ang maamo mong mukhang malamlam na mga mata... mga katangiang gustong gusto ko pero...


Napatayo ako ng mag-ring ang cellphone ko, DEINNA?


"Hello, Love..." Lumayo ako bahagya.


"Yes, I went to your condo yesterday, ummm yes, I fixed it." Damn! Pagsisinungaling ko.


"I miss you so bad." Wala akong masabi kundi buti kasinungalingan...


"Uhmm, i'm here in... in my room." UGH! Napahawak ako sa batok ko.


"Okay, Love. I love you too. I'll call you later." Napahinga ako ng maluwag ng mamatay ang linya ng tawag ni Dienna.




"Hey, are you okay??" Agad kong inalalayan si Alessa ng makitang titig na titig s'ya sa akin.





"Si Ate ba yun? Bakit hindi mo sinabing kasama mo ako?" Yun agad ang lumabas sa bibig n'ya...





"Yes." tipid kong sagot.




"You lied to her..." Tumawa ito ng mapakla.




"Anong gusto mong sabihin ko sa kanya? na I'm with your sister? ng ganitong oras?" Ala-una na ng gabi... "Look, I am very sorry for what I've done... sa mga nasabi ko sayo noong nakaraang araw and I am sorry because I lied to her, sa Ate mo. I just... I just wanna say sorry, Alessa."





"Kaya ba sinundan mo pa ko dito??" Tumingin s'ya ng deretso sa mga mata ko bagay na lalong nagpalambot ng mga tuhod ko.





Ngumiti ako, "Nagkataon lang."





"So talagang hindi ka dito pupunta, nagkataon lang?"




"Hey..." Hinabol ko s'ya ng akmang lalabas na ito pero kusang nagkadikit ang katawan namin at hindi pamilya ang pakiramdam na 'yun... "Stay with me..." Kusang humigpit ang yakap ko sa malambot n'yang katawan. Mabango ang buhok pati narin ang leeg kahit pa lasing 'to.




"NO!" Tinulak n'ya ako. Hinabol ko s'ya hanggang sa gilid ng yate. Humampas ang malamig na hangin, kinilabutan ako sa madilim na kulay ng dagat... 




"Alessa..." awat ko sa kanya, "stay away from... shit baka mahulog ka d'yan!" Hindi ko magawang makalapit sa kanya... Dagat!




"As if you care?" Sigaw n'ya.




"Please, come over here!" Wala akong magawa, parang pinako ang mga paa ko.




 "Tatalon ako dito at sasagipin mo ako tulad noon kung paano kita tinulungan ng masiraan ka ng sasak—" Napasigaw ako ng malakas ng tuluyang mahulog si Alessa mula sa yate.



Hindi pa man ako nakakalapit ng bilang may tumalon upang tulungan s'ya. Nagpasalamat ako ng makitang lumutang ang katawan n'ya na yakap yakap ng isang babae. Hindi ko na nabigyang pansin pa ang mga huling pangyayri ng marinig ko ang ilang speedboat na paparating... What was just happened? Napaluhod ako at nasapo ang ulo ko...



"She's okay now..." Lumapat ang palad ni Jetro sa likod ko na makitang buhat buhat ni Theo ang pinsan n'ya habang nakaalalay naman ang ilang staff. Nagawa pang ibalot ni Theo ang katawan ni Alessa upang hindi makita ang bakat nitong panloob.



Sinalag ko ang palad ni Jetro, "Okay?" Tumayo ako at hinawakan ang kowelyo n'ya, "She's not fucking okay!" Tinulak ko s'ya at agad namang lumapit si Sarina... "You plan this yatch party? Hindi mo ba naisip ang mga bisita ni Alessa, o kahit manlang si Alessa! Lasing na silang lahat! Pwede talagang silang malunod kung mahuhulog sila dun!"



"Fuck you, Miguel! Bakit? hindi ba't ikaw naman itong gustong madikit kay Alessa? Fuck you, Man!" Gusto ko s'yang sapakin sa sobrang inis!



"Please... guys, wag na kayong magsisihan!" Umiyak si Sarina.



"Excuse me po..." Napalinga kami sa isang staff, "Mister Aquino, excuse me... pinapatawag ko kayo ni Sir Mendez for some questions about what happened just now." Napahinga ako ng malalim at muling nilingon si Jetro at Sarina.




Lumipas ang mahabang oras, araw, na hindi ko s'ya nakausap o kahit manlang nakumusta pagkatapos ng mga nangyari. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nalagay s'ya sa panganib. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil doon. Hindi ko rin kinausap si Jetro at lalong lao na si Theo. Tahimik ang lahat hanggang sa makauwi kami ng araw na 'yun. Naging abala ako sa ilang business ni Papa. Halos gabi gabi na rin akong hindi nakakauwi sa bahay at kung minsan naman ay hating gabi na o di kaya naman ay sa condo na ako dumideretso.




Pero dahil hindi naman trapik ay uuwi na lamang ako dahil mag-isa lamang si Mama sa bahay. Hindi pa nakakabalik si Papa mula sa business trip n'ya.




Ipinark ko ang kotse ko at humaway sa sa house-guard at dahil tinted glass 'yun ay baka hindi ako napansin ni Kuya Berto.




Dumeretso ako agad sa loob ng bahay dahil pagod na pagod ako at gutom na rin. Niluwagan ko ang suot kon necktie atsaka tumunghay.



"Alessa?" Napakunot ang noo ko, gutom lang siguro ako...




"Hi." Ngumiti s'ya bahagya.





"My god, you here!" Sa sobrang gulat ko ay agad ko s'yang niyakap ng mahigpit. Oh god...





"I'm sorry..." Bulong n'ya pero hindi ko s'ya pinansin.





"Ssshhhh."






"Sorry, Miguel. Kasalanan ko lahat..." Nataranta ako ng magsimula s'yang umiyak...






"Don't cry, please... i'm okay. I'm not mad so don't say that."


"Hey..." hinawakan ni ko ang kamay n'ya.





"Hindi ka ba galit?" Tanong n'ya na halatang napipigil pang tumulo ang luha.





"Nope." Ngumiti na lamang ako upang mabawasan ang lungkot ng mga mata na.





"As in hindi talaga?" Pagmimilit n'ya pa.





"As in hindi talaga."





"Pinagalitan ka ba nung may ari nung resort?" Napahikbi s'ya.




"What? Ofcourse not!" Gusto kong matawa sa sinabi n'ya, bakit naman ako papagalitan? Family resort nila Gio ang resort na 'yun... Nagtanong lang si Tito kasi nag-alala s'ya sayo, Alessa... Ngumiti ako.




"Kasi di ba—" oopppss!






"Hindi sila galit, nagtanong lang sila. So please, wag mo ng i-overthink ang lahat ng nangyari. Ang mahalaga ay okay ka..."





"Uhhh, okay."





"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa n'ya. Naglakad ako palapit sa sofa at ibinaba ang mga gamit ko.




"Uhhhh, yes. Kanina sa café."




Parang lumilipas ang oras na wala akong maintindihan sa mga sinasabi n'ya. Nakafocus ang mga mata ko sa bawat pagpikit at pagbuka ng mga labi n'ya. Ganito ba talagang ang pakiramdam ng lalaki kung nagkakagusto na sila sa isang babae?



Gusto ko s'ya paulit ulit yakapin at siilin ng matamis na halik pero nauwi ang lahat sa isang simpleng halik sa noo na nagbigay ng kakaibang pagnanasa sa buong katawan ko. Bahagya pa s'ya namula at dali daling umalis. Napakamot naman ako sa batok ko ng tuluyang makalabas ang kotse n'ya sa bakura namin.



Para akong tanga tanga na nakangiti ng makapasok sa loob, nawala rin ang gutom at pagod ko dahil sa kanya.



"Iba talaga pag-inlove." Napatigil ako sa paglalakad at dahan dahang tumingala, Mama! "Napapangiti kahit hating gabi, Nak..." Magsasalita pa sana ako at ipagtatanggol ang sarili ko ng bigla s'yang tumalikod at tanging paglapat na lamang ng pinto ang narinig ko mula sa taas.




"Damn it ugggggghhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Huli ka balbon!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro