20
KABANATA 20
Napahawak ako sa sentido ko ng mapansin ang patung patong na papeles na iniwan ni Papa. Maraming delivery orders na kailangan isa isahing i-check. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog. Simula ng bumalik ako ng Tagaytay ay ganito na ang naging routine ko sa pang araw araw. Ang saluhin ang lahat ng trabahong naiiwan ni Papa.
Tulad nalang nitong nakaraang linggo, ilan sa mga farm namin ang kailangang bisitahin. Marami sa mga prutas ang napeste. Wala naman sila Papa at Mama para asikasuhin 'yun dahil dalawang linggo na silang nasa bakasyon at sa kabilang linggo pa sila uuwi.
Dagdag isipin ko pa ang pagiging walang kibo ni Deinna mula pa kahapon. Kahit anong pilit ko'y hindi n'ya naman sabihin kung anong problema n'ya. Wala naman akong magawan sa katigasan ng ulo n'ya. Ilang beses ko na ring sinubukang hiwalayan s'ya pero hindi ko magawa lalo pa't iyun lamang ang paraan para makita ko si Alessa.
Ugh, Alessa! Mapa araw man o gabi ay laging sumasagi sa isipan ko ang maaliwalas niyang mukha. Ang gaan gaan sa pakiramdam pag siya ang naiisip ko kahit pa nga mali ito.
Mas pinili kong makasama si Deinna sa loob ng mahabang panahon ng pagtitiis para lang mapalapit kay Alessa pero masyadong itong mailap at parang iniiwasan pa ako kung minsan. Tulad nalang nitong nakaraan...
Kahit anong topic basta makausap ko s'ya pero ang ending ay lalayuan n'ya ako at aabalahin ang sarili sa pag-aaral. Hindi kami ganoon kalapit sa isa't isa. Tipid na ngiti lamang ang laging sumasalubong sa akin t'wing nakikita ko s'ya. Minsan pa nga ay para akong hangin na dumaraan lang sa harapan n'ya.
Napapailing nalang ako sa t'wing naiisip ko na baka hinid lang s'ya sanay na may ibang tao sa bahay nila? O baka naman hindi n'ya ako gusto para sa Ate n'ya, O baka naman talagang hindi lang s'ya interesado sa presensya ko. Pero hindi ko maawat ang sarili kong humanga sa mga katangian n'ya.
Mabuti s'yang tao, maalaga sa magulang... maasikaso at higit sa lahat magalang. Mahiyain kung minsan pero kahit mukhang suplada ay nagagawa parin niyang ngumiti... Yung ngiting nakakawala ng problema, ngiting nakakaalis ng pagod... kahit pa nga laging tipid ang ngiting iyun.
Mabilis kong natapos ang mga papeles na dapat pang i-check isa isa dahil habang ginagawa ko ito ay s'ya na naman ang laman nito, ng isip ko, sabay kamot sa batok 'ko. Nababaliw na yata ako...
Sana makita ko s'ya mamaya...
Napangiti ako atsaka dali daling kinuha ang shoulder bag ko. Sa condo nalang ako uuwi dahil mas malapit ito sa bahay nila Deinna.
"Hijo napadaan ka, wala si Deinna rito..." Kahit ako ay nagulat rin ng pagbuksan ako ni Tita.
"Ahh, ganon po ba?" Gusto kong sabihing si Alessa ang pakay ko pero hindi pwede dahil unang una, hindi kami close. Pangalawa, bakit ko ba naman hahanapin ang nakababatang kapatid ng girlfriend ko? Pangatlo...
"Pasok ka... dito ka na mag-meryenda... baka pauwi na rin si Deinna." Sabay alalay ni Tita sa braso ko.
"Nakakahiya naman po kung..." Hindi ko na nasabi pa ang dapat kong ikatwiran ng makita ko s'yang nakatingin sa akin mula sa ikalawang palapag ng bahay nila.
Tahimik lang si Alessa ng makababa at maupo sa dining area. Bagong ligo ito at nakauniform pa... Anong oras na ba? Hapon na, bakit may pasok ba s'ya?
"Hi!" Halos umabot na yata sa tainga ang ngiti ko ng mapansin kong pinag-mamasdan n'ya ang mukha ko.
"Hello po..." Sagot n'ya.
"Try this, Hijo! Si Alessa ang nagbake nito..." Bahagya akong nagulat kaya't kinuha ko ang saucer kay Tita.
"Nagbe-bake ka pala?" Bumaling ako kay Alessa na mahinhing ngumunguya.
"Kinda." Maikling sagot naman n'ya.
"Hmmm... I like it! Masarap!" Napatitig s'ya sa akin na parang nagulat pa.
"Talaga?" Lumiwanag ang mukha nito na kanina lamang ay mukhang byernes santo. Sa sobrang tuwa ay lumapit pa s'ya sa tabi ko para ipatikim ang cake na nasa saucer n'ya, "Ako rin ang nag-bake ito..." Pumikit pikit pa ang mga mata n'ya na halos malapit lang sa mukha ko kaya't amoy na amoy ko ang hininga n'ya.
Amoy baby...
"I told you, Anak... masarap talaga!" Napatingin naman ako sa Mommy n'ya galak na galak rin.
"I'll make cookies for Lolo... siguradong matutuwa s'ya!" Tumayo si Alessa, "Mom, alis na po ako... Uhm, thank you, Kuya Miguel..." Tumingin sa sa mga mata ko. Oh god, thoes eyes...
WAIT! WHAT? KUYA MIGUEL? AYOKONG MAGING KUYA MO, OK?
"Huh? ah, oo! Your welcome, aalis ka?" Parang may sariling utak ang dila ko.
"Partime job lang..." Ngumiti s'ya at tsaka dali daling lumabas ng bahay.
"Ganyan talaga yan. Mana sa Lolo n'ya... Oh sige, Hijo kumain ka pa!" Oh, parang nabusog ako doon ah, parang gusto kong samahan s'ya... Bakit kailangan pa n'yang mag-partime job? Ugh! Dagdag isipin na naman 'ba?
Lutang ang isip ko ng makauwi sa sarili kong condo. Bakit ba gustong gusto kitang nakikita? Ang lakas lakas ng epekto mo sa sistema ko. Ang dapat na inaatupag ko ay kung paano ko maisasalba ang sarili ko... sa bitag ng sarili kong ama. I do like Deinna, but as a good friend. Nothing more, nothing less.
Eh si Alessa, ano?
Hindi na muling sumang ayon ang tadhana sa lahat ng plano kong mapalapit kay Alessa simula ng makabalik si Papa ay halos si Deinna ang nakakasama ko sa lahat ng biglaang lakad ko. Hindi ko namalayang gumagaan na ang loob ko sa kanya...
Hindi na rin ako gaanong nakakadalaw sa bahay nila. Tuwing may okasyon na lamang ako pumupunta sa kanila at palaging wala si Alessa doon. Ewan ko ba kung bakit s'ya parin ang hinahanap ng mga mata ko gayong di hamak na mas maganda si Deinna but Alessa, nasa kanya ang katangiang hinahanap ko. Katangiang ni isa ay wala kay Deinna. Paano ko naman mamahalin si Deinna gayong ang laging bukam-bibig ay ang mga negosyong mamanahin namin.
Dumaan pa ang isa, dalawa, at marami pang araw na si Deinna ang laging nariyan sa tabi ko.
"Happy Anniversary, Love!" Kumandong si Deinna sa binti ko atsaka pinulupot ang mga braso sa leeg ko. "I love you..." hinalikan n'ya ako sa labi ngunit umiwas rin naman ako ng magsimula n'yang haplusin ang dibdib ko.
"Love, pagod ako... pwede bang bukas nalang natin ipagpatuloy ito..." Hindi na ako nakapag-salita pa ng kusa s'yang tumayo at isa isang hinubad ang saplot nito.
"Deinna... I'm tired... get dress, please..." Panunuyo ko pa upang tumigil s'ya sa... pang-aakit?
"I'll do it for you... ako nalang sa top, Love..." Akmang n'ya akong hahalikan ng bigla akong tumayo.
"Deinna... please!" Mariing sabi ko. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko ang angkinin s'ya, halik at yakap lamang ang maibibigay ko.
"Okay! Fine!" Kinuha ni Deinna ang damit n'ya at dali daling isinuot, namumula pa ang mukha nito dahil sa hiya. Narinig ko na lamng ang paglapat ng pintuan ng condo unit ko ng lumabas ito, ni hindi manlang nag-paalam!
Si Alessa parin ba ang dahilan?
"Gusto na kitang makita..." Napasabunot ako sa buhok ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro