Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14

#1 IN ROMANCES

(May 22, 2021 /Saturday)




KABANATA 14




Umalingaw-ngaw ang malakas na musika sa kahabaan ng dalampasigan ng White Beach, may kanya kanyang musika ang bawat dikit dikit na resorts kaya naman halos mapuno na ang tenga ko sa iba"t ibang tunog noon. May rock music, sweet music, halo halong musika. May mga fire dancer din na kanya kanyang diskarte para kumita. Yung iba sasayaw sa harap mo habang may hawak hawak na apoy at pagkatapos ay babayaran mo sila. Picture dito, picture doon. Inom dito inom doon. Masasabi kong magulo ang lugar na ito pero sobrang saya. Hinila ako ni Miguel sa tabing dagat para panuorin ang papalubog na araw.



Kahanga hanga ang halo halong kulay ng kalangitan. Lumusong kami ni Miguel sa dagat at nakayakap s'ya sa bewang ko ng maabot namin ang tubig hanggang leeg. Nangingiti ako sa kanya ng makitang humigpit ang pagkakayakap n'ya sa katawan ko. Ewan ko ba, masyado ata s'yang takot? Kunsabagay, kahit siguro ako, kung hindi ako marunong lumangoy ay baka ni tampisaw ay hindi ko gagawin. But ofcourse, I know how to swim kaya naman wala s'yang dapat ipag-alala pa. Isa pa, napakababaw naman nito't hanggang leeg lamang ang tubig.



"Alessa..." nakayakap parin s'ya sa akin, "You are so beautiful." inilagay n'ya pa ang baba n'ya sa balikat ko atsaka parang kinikilig na tumawa. Anyare naman sa kanyan? Naiiling akong tumawa.



"Sira ka talaga..." hinampas ko s'ya, "Ahon na tayo, malamig na." pagkukunware ko pero ang totoo ay yung nararamdaman ko sa pagitan ng mga hita n'ya. Masyadong matigas na kumikiskis sa katawan ko.



"10 minutes pa, okay lang?" paglalambing n'ya pa.


Natawa ako bahagya, "Alright, alright." humiwalay ako sa pagkakayakap n'ya, "Do you wanna try to swim?"



Nagulat s'ya bahagya, "You wanna teach me??"



"Not, aalalayan lang kita." Natawa ako sa itsura n'ya.



"Ugh, no thanks." Yumakap ulit s'ya sa akin. Palibhasa'y madilim na kaya naman okay lang na ganito ang posisyon namin. Wala namang masyadong makakakita kong yayapusin n'ya ako. Halos mangilan-ngilan lamang ang naliligo ngayon sa dagat at yung iba ay pumaparty na. Sayaw doon, sayaw dito. Halakhakan doon, halakhakan dito. Talagang walang may pakialam sa bawat isa. Freedom ika nga.



"Kailan pala tayo uuwi?" bigla'y naitanong ko. Nag-text kasi ako kay Kiel pero wala s'yang reply sa isang katutak na text ko.



"Gusto mo na ba?" tanong din n'ya habang inaayos ang hibla ng buhok ko.



"Hindi naman sa ganun." ngumiti ako sa kanya. Kinakabahan.



"Maybe next next day?" isinukbit n'ya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga. Nakagat ko ang labi ko ng lumapat muli ang matigas na bagay na 'yun. Naiiling ako at hindi makatingin ng deretso sa kanya. Kumikiskis pa 'yun sa pagitan ng aking mga hita at masasabi kong sa mas madalas tumama sa puson ko.



"Ahh!" napasigaw ako ng halikan n'ya ako sa leeg.



"Oh, sorry..." nahihiyang si Miguel bago napakamot sa sariling batok.



"uhm, Le-let's go? ma-malamig na k-kasi oh." nagkanda-uutal na ako sa sobrang hiya, "tsaka d-di ba mag-pufloating b-bar pa ta-tayo." napangiwi ako.



"HAHAHAHAHA you are so cute, but yes, let's go. Floating bar is waving!" tumatawa s'yang hinila ako paahon sa dagat.





I Love Puerto Galera




Yan ang nakasulat sa suot kong T-shirt na mukang naging dress na  sa sobrang laki. Nagkaubusan daw ng stock eh, no choice na. Pareho kami ng t-shirt ni Migs. Ugh, couple shirt ba ito? Lihim akong napahingi dahil sa totoong magkapareho kami ng t-shirt na hindi ko naman inaasahang iyun din ang bibilihin n'ya para sa kanya. Bumili rin kami ng tsinelas at extra t-shirt pa para bukas. Binilhan n'ya rin ako ng short na mag maikli pa sa short kaya naman halos hindi na talaga yun makita sa suot kong t-shirt.



Handa na ako para sa floating bar habang si Miguel naman ay abala parin sa kapipindot ng cellphone n'ya. Salubong pa ang kilay at kunot ang noo. Tumingin ako sa watch ko, maaga pa naman para mag-bar. "Are you okay, Migs?"



Napatunghay agad si Miguel at halatang balisa, "Nah, Baby... about work lang." ibinulsa ang cellphone at agad lumapit sa akin. "Tara?" inalalayan n'ya ako palabas ng cottage. Simpleng cottage na gawa sa bato na mismong nakaharap sa dagat ang balkonahe. Mula sa cottage na ito ay aabutin ng limang minuto bago marating ang White Beach na katapat mismo ng Floating Bar.



Humawak si Miguel sa bewang ko. Gusto ko ng mainis sa tsinelas na suot ko dahil naiiwan ito at bumabaon sa buhangin, "Damn..." bulong ko ng muntik na akong ma-out of balance.



"I'll carry you nalang?" Tanong ni Miguel na di mapigilan matawa.



"I'm fine, OK?" naiinis kong sagot.



"Uhm, Alessa..." Napatingin ako bahagya sa mukha n'ya. Tutal ay maraming resort itong nadadaanan namin kaya naman maliwag na maliwag ang paligid.



"Hmm..."



"Don't drink tequila..." seryosong sabi n'ya.



Napanganga ako bahagya, "What?" natatawang kong tanong.



"Uhm, naalala ko lang noong...nevermind!" napakamot s'ya sa sariling batok.



"Hmp! bakit nga??" pangungulit ko pa.



"HAHAHAHA nag-susungit na naman ang baby..." natatawang umakbay s'ya sa akin.



"Ewan ko sayo!" inalis ko ang kamay n'ya at lumapit ako doon sa lalaking nakauniform ng Floating Bar Guide.



"Baby naman..." napakamot na naman s'ya sa batok n'ya.



"Ano ba?" nang-gigigil akong hinarap s'ya habang tumawa mismo sa harapan ko, "Kuya, paguide naman..." ika ko dun sa lalaki na palipat lipat pa kung tumitig sa amin ni Miguel kasi tawa ng tawa si Miguel habang heto't inis na inis ako.



"For two po?" tanong nung lalaki.



"Ehem..." si Miguel, "yes, for couple." kinindatan pa ako ni Miguel na siyang dahilan ng pag-ikot ng mata ko.



Tahimik lang akong sumakay sa bangkang di sagwan. Payapa naman ang alon kaya wala akong dapat pang ikabahala. Malapit lang naman sa dalampasigan ang Floating Bar na ito. Dalawang minuto mula sa pangpang ay mararating mo ito. Nang makasampa kami ni Miguel sa Floating Bar ay agad kung inilibot ang aking mga mata. Tama, mukhang karamiram ay couple nga at kapansin-pansin ding mga taga ibang bansa ang karamihan dito.



Nalakad kami papunta sa gitna, napakaaliwalas. Halos hindi ko maramdamang nakalutang kami sa dagat. Nang makaupo kami mismo sa harap ng bartender ay agad itong lumapit sa amin, "Good evening!" tumungo pa ito tanda ng pag-galang sabay abot ng maliit na menu. Kinuha naman ito ni Miguel at bahagyang ngumiti sa akin.



"Let me." iyun lang ang sinabi n'ya atsaka muling humarap sa menu.



"Take your time." sabi pa ni Miguel 'don sa babaeng bartender. Kaya naman tinalikuran kami noong babae at agad pumwesto doon mismo sa harapan namin para gumawa ng drinks. Marami na kasing nagdadatingang customer at yung iba ay mukhang uhaw na uhaw pa sa alak.



Mabuti nalang at malaki itong t-shirt na suot ko. Medyo mahangin kaya't nalilipad pa ang buhok ko. Malamig ang dampi ng hangin. Kung sa pangpang ay sari saring musika ang maririnig mo, dito naman ay acoustic music, pang brokenhearted? tama ba itong napuntahan amin? Bar ba talaga ito? parang mas okay kung cafe nalang pero alak ang tinda. Nangingiti nalang ako.


"Are you cold?" bigla'y humarap si Miguel sa akin sabay hawak sa kamay ko sa ilalim ng mahabang mesa na nakaharap sa mga alak na pinag-hahalo halo ng babaeng barista.



"I'm good." sagot ko, akala n'ya ata ay hindi na ako naiinis sa kanya.



"Oh, wag na sumimangot. Nanunulis na naman bibig mo." aakbay sana s'ya sa akin ng iwasan ko 'yun.



"Stop it... nakakahiya!" gigil kong bulong sa kanya.



"We're here to relax, to enjoy... and I hope you do so." seryosong sabi n'ya. Nawal bigla yung mapang-asar na tingin n'ya kanina.



Muling humarap si Miguel doon sa barista habang namamangha sa pag-papaikot ikot ng mga kagamitan nito sa pag-mimix ng alak. Napakalumbaba naman ako sa mesa at nakinuod na rin. Ayokong ganoon siya kaseryoso, pakiramdam ko ay may problema s'ya itinatago sa likod ng masaya at mapang asar n'yang mukha. Nilingon ko s'ya saglit, ganoon parin. Seryosong nanonood.


Ang arte mo kasi, Jade!



"Here's your order, Sir!" ngiting ngiti yung barista kay Miguel. OA naman si Miss kung makangiti naman 'to! Paghihimutok ko!



"Thank you... uhm, Isabel?" napalingon ako sa sinabing 'yun ni Miguel, what the fvck! Magkakilala ba sila?


Mukhang kinilig naman si Ate mo Isabel!


Tumango lamang yung barista na tinawag n'yang Isabel, "Here, try this. Masarap 'to!" humarap sa akin si Miguel.


"You know her??" kunot noong tanong ko. Parang yung malamig na hangin ay uminit.



"HAHAHAHAHA YES!" halos hindi ko na marinig yung musika dahil sa lakas ng tawa n'ya.



"Stop it... hindi nakakatawa!" Selos ka?



"She's wearing nametag, Baby..." lumapit s'ya sa akin at basta nalang ako hinalikan sa noo. Nagulat pa ako dahil 'dun, "Nagseselos ang Baby ko..." nangingiting sabi pa n'ya sabay tungga ng alak.


"I am not!" pagsisinungaling ko. Pero, UGH! I hate him! Baby, Babe, whatever!



"Alessa, let's drink and enjoy, OK? because tomorrow is never promised?" itinaas n'ya yung hawak hawak n'yang alak. Napatingin naman ako doon sa basong iniabot n'ya kanina. Huminga muna ako ng malalim bago ko 'yun kinuha. "Cheers?" tanong ko.


"Cheers!" sagot n'ya at naglapat ang basong hawak namin. Ininum ko agad 'yun.


Ano 'to? Gumuguhit sa lalamunan! Mag-rereklamo na naman si Atay!


"Do you like it?" bigla'y tanong n'ya.



"Uhm... y-yes!" pisti ka, Jade, no dapat!



Natawa s'ya, "Sure? Gusto mo order nalang ako ng iba if you don't like it." sabi pa n'ya.



"Ah, no. It's okay." mabilis kong sagot.



Kinakabahan ako sa pag-babago ng emosyon n'ya. Naging seryoso ang mukha n'ya. May nagawa ba ako? Wala naman di ba? S'ya nga itong ang lakas mang-asar eh! Hinayaan ko lang s'ya omorder pa ng alak dahil mabilis n'yang naubos yung sa kanya. Habang ako naman ay parang babawian na ng buhay sa sobrang tapang ng iniinum ko, hindi ko tuloy maubos agad. May galit ata sa akin yung barista nila dito!


Nagdaan pa ang ilang minuto at muling omorder si Miguel. Isa, dalawa, tatlo, at hanggang apat bago n'ya napagpasyahang beer na lamang ang inumin. Nahalata n'ya ata akong hindi ko maubos yung inorder n'ya para sa akin. Nagpalakpakan ang tenga ko, "San Miglight, Sir!" sabi nung si Isabel na may nametag. Tumaas bahagya ang kilay ko ng mag-ngitiian sila sa isa't isa. Aba't ngumingiti pa...


Lumalalim na ang gabi at hanggang 2AM lamang ang Floating Bar na ito kaya naman agad kong kinuha ang baso at naglagay ng icecube. Sinalin ko ang beer sa baso ko, pinaikot-ikot para mabilis lumamig atsaka tinungga! Salamat sa tips ni Toshka, ang dakilang guro ko! Sabi n'ya kasi huwag kong iinumin kung may bula pa, nakakalasing daw 'yun!


"Cheers?" itinaas ko ulit ang baso ko.


"Cheers!" at sabay naming inubos ang lama ng baso namin. Nang maibaba ko ang baso ko atsaka ko nahuling nakatitig s'ya sa akin. Napakalalim ng iniisip n'ya, halos hindi na kayang hukayin. Ang lamlam pa ng mata, lasing na s'ya?


"Are you okay?" tanong ko ng mailapag ang baso ko, "Drunk?" pag-aalala ko pa. Kasi kung malalasing s'ya, paano ko s'ya iuuwi?


Natawa s'ya na wari ko'y nababasa ang nasa isip ko, "I am not drunk... I can walk by myself if that's what you thinking right now." nagsalin ulit s'ya ng beer. Hinayaan ko lang ang empty glass ko. Ayoko na! Mukhang walang relax itong ginagawa namin at lalong walang enjoy kung ganito't parang problemado s'ya.



"Can we talk?" bigla'y tanong ko.


'We're talking..." napatingin s'ya sa akin.


"After this." inisang lagok n'ya yung beer sa baso n'ya atsaka humarap sa akin.


"Sure." tinawag n'ya bigya si Isabel ang babaeng may nametag para sa bill. Binayaran naman n'ya agad 'yun atsaka tumayo. "Let's go." hinawakan n'ya ako sa kamay, nalilito ako.


"You haven't finish all..." usal ko dahil sa bilis ng pangyayari. Tinawag si Isabel ang babaeng may nametag, nagbayad, tumayo, at nag-ayang umuwi? anong trip 'to? hindi manlang ako nalasing, at lalong hindi 'to nakakarelax. Nasaan ang enjoy dito?



"Mas gusto kong kausap ka eh." Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinalikan.



"Balik pangpang, Sir?" salubong nung bangkero sa amin.



"Yes." maikling sagot n'ya atsaka inalalayan n'ya ako pasakay ng bangka. Naramdaman ko pa ang paghigit n'ya sa t-shirt ko pababa kasi tumataas yun ng yumuko ako at sumakay sa bangka.



Maya maya pa'y katahimikan. Katahimik ang namagitan sa amin ng makarating sa tapat ng cottage. Naupo s'ya sa buhanginan at naupo rin naman ako. Hindi ko nga namalayang nakarating na pala kami dito. Ang bilis n'ya kasing mag-lakad habang hila hila ang isang kamay ko. Tahimik lang s'ya nakasalampak sa buhanginan. Malayo layo na rin naman ito sa White Beach kaya naman hindi na ganoon kaingay.


Napatingin ako sa suot kong relo, mag-aalas dose palang pala. Sayang naman yung beer na hindi naubos, nakakapanghinayang lang...




"Alessa..." pagkuway tawag n'ya.




"Hmm." kinabahan ako bigla dahil sa seryosong pakikitungo n'ya.




Ano bang problema nito? Napaka-moody!




"I'm gonna miss you." bulong n'ya ngunit hindi sapat yun para hindi ko marinig ang sinabi n'ya.




"Aalis ka?" pagtataka ko.




Natawa s'ya, pekeng tawa, "Of course not! Hindi kita iiwan, OK?"




"HUH?" Ano daw?




"Nag-enjoy ka ba?" hinawakan n'ya ang kamay ko at bahagyang hinila upang mapalapit ako sa kanya.




"Oo naman!" Jade, wag kang sinungaling! Napangiwi ako, palibhasay medyo madilim kung saan kami nakaupo ngayon kaya naman kahit dilaan ko pa s'ya ay hindi n'ya makikita!




Hinalikan n'ya bigla ang kamay ko kaya't napasinghap ako sa gulat.




"Sorry..." bahagya pa s'yang natawa.




"Uhm, Migs... may problema ba? Andit-to lang a-ako, pwede akong makinig sa-sayo." Kabadong kabado ako at nagkanda-uutal utal na ako sa sobrang kaba. Bakit ba ang kulit ko?




"Wala akong problema." natatawang sagot n'ya atsaka kinulong ng kamay n'ya ang pisngi ko upang mapaharap ako sa kanya. "Ang cute mo lang talaga, lalo na pag-nagseselos ka." natatawa pa talaga s'ya.




"Hindi ako nag-seselos..." depensa ko naman.




Hindi daw? ASA!




"Alessa..." bigla'y sumeryosong tinig n'ya. Nakatitig s'ya sa mga mata ko.




"Miguel..." pag-aalangan ko pa.







"I Love You, Alessa... I Love You So Much." namilog ang mga mata ko sa sinabi n'ya atsaka walang pasabing siniil n'ya ako ng halik.





I Love You Too





Kusang pumikit ang mga mata ko upang namnamin ang sinasabi n'yang pagmamahal.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro