11.5
KABANATA 11.5
Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa napakalaki at kagandahan na resthouse ni Gio. Akala ko kagabi ay iyun lamang ang hahangaan ko pero heto't hindi ko na maigalaw ang leeg ko dahil nangalay na yata sa katitingala at pagtitig. Bukod sa bahay bakasyonan ay may mga maliliit na kubo rin malapit sa dalampasigan. Hindi ko masyadong napansin yun kagabi dahil kay Miguel but now, nag-eexist pa pala ang totoong paraiso? Well, nasa paraiso na nga ako. Naglakad ako palapit sa dagat para mas lalo kong mayakap ang maligamgam na simoy ng hangin. Hindi pa naman tanghali kaya hindi pa masakit sa balat ang sinag ng araw. Malayo nga yata kami sa kabishanan dahil hindi parin nakakabalik sila Gio mula sa pamamalengke. Wala si Miguel, kasama ni Gio. Iniwan nila ako dito dahil ang sabi nila ay baka mainip lang ako. Tama ba naman yun? Hindi naman ako magrereklamo kung matatagalan sa pamimili. Para akong batang nagpapahabol sa alon. Gustong gusto ko ng maglangoy dahil matagal tagal na rin akong hindi nakakapagswimming. Pero ang bilin ni Gio ay huwag muna akong lulusong sa dagat dahil walang ibang tao kundi mga kasam-bahay lamang, paano daw kung may mangyaring masama at wala sila? Kaya heto, inaaliw ko ang sarili ko kasama ng mga alon. Kagabi, halos hindi naman ako nakatulog dahil sa pagyakap ni Miguel. Wala namang nangyaring masama at lalong wala ring maganda. Ugh, ang sakit na ng ulo ko. Tumingin ako sa screen ng phone ko. Wala rin nagtetext sa akin. Alam nila Dad na magkasama kami ni Toshka at palagay ang loob nila roon dahil never naman akong nagsinungaling sa kanila. Toshka is out of town kaya hindi kami mahuhuli lalo pa't si Toshka ang tanging taga salba ng mga kalokohan ko noon pa but now, iba na. Siguradong pag nahuli kami, patay!
"Enjoy na enjoy ka." Napalingon ako.
"Nakabalik na pala kayo?" Lumapit ako kay Miguel na ngiting ngiti sa akin.
"Yes..." nagulat ako ng yakapin n'ya ako bigla. "Namiss nga agad kita eh!" Ginulo ni Miguel ang buhok. Para akong maamong tuta sa ginagawa n'ya sa akin.
"Sus!" Sabi ko at inalis ang kamay n'ya, "magkasama lang tayo kanina..."
"Malay mo last day na pala natin 'to? Kaya dapat namimiss mo rin ako." Lumungkot bigla ang mga mata n'ya. May problema ba? Gusto ko s'yang tanungin pero...
"OA mo..." yun nalang ang nasabi ko.
"Tara, magluluto daw si Gio." Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya, "tapos mamamasyal tayo." Ngumiti s'ya pero yung ngiti n'ya parang kakaiba.
"Wala ka bang work?" Pag-iiba ko. Masyadong iba ang dating ng mga sinasabi n'ya at kinakabahan ako dahil dun.
"Wala." Yun lang ang sagot n'ya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay n'ya para pigilan s'yang maglakad. Humarap s'ya sa akin dahil sa ginawa ko, "may problema ba?" Panunuyo ko sa kanya.
"Don't mind me, wala 'to." Hinalikan n'ya ang kamay ko.
"Ano nga kasi??" Pamimilit ko pa.
"Wala nga..." natatawang sabi n'ya.
"Eh anong nakakatawa?" Pagtataray ko.
"Ang cute mo kasing mangulit eh." Hinawi n'ya ang ilang hibla ang buhok ko na lumilipad lipad dahil sa hampas ng hangin.
"Ewan ko sa'yo!" Pagmamaktol ko atsaka sinalag ang kamay n'ya, "bahala ka nga!" Tumawa s'ya ng malakas kaya lalo akong nairita. Naglakad ako palayo sa kanya at iniwan s'yang tawa ng tawa.
"Hey!" Saway n'ya. Tumakbo naman ako kaya hinabol n'ya ako. Pero wala, nahawakan n'ya agad ako sa kamay atsaka pinulupot ang mga bisig n'ya sa bewang ko. Lumagabog kaagad ang tibok ng puso ko ng titigan n'ya ako. Ganito yung pakiramdam ko noong una n'ya akong ikulong sa mga bisig n'ya.
"What?" Tanong ko ng hindi s'ya nagsalita at nakatitig lang sa mukha ko.
"You're so beautiful and..." hindi na n'ya tinapos pa ang sasabihin n'ya ng bigla n'ya nalang akong halikan. Mabilis lang yun pero ang dating sa akin ay parang ngayon ko lang naramdaman ang halik n'ya. Ilang beses na n'ya itong ginawa ng hindi ako tumatanggi. Dahil gusto ko, dahil gustong gusto ko s'ya. Dahil mahal ko s'ya. Mahal na mahal.
Napatulala ako ng bumitaw s'ya sa pagkakayakap n'ya, "cute mo!" Pinisil n'ya ang pisngi ko na alam kong nagkukulay kamatis na sa pula.
"Nakakailan ka na sa'kin huh pero bakit ba halik ka ng halik?" Nagulat s'ya sa sinabi ko at nagulat rin ako sa tanong ko. Bakit ko ba naitanong yun? Alam ko naman ang sagot na hindi n'ya ako gusto. Tinanong ko na s'ya kagabi pero nakatulog ako ng walang sagot sa tanong na 'yun.
"See?" Sabi ko, wala s'yang maisagot.
"Can we just enjoy and forgot it?" Seryosong tanong n'ya.
"Forgot what? Na mahal na kita?" Napatingin s'ya sa akin. Napatulala sa sinabi ko.
"What..." bulong n'ya.
"Wala." Naglakad ako ng mabilis at alam kong hindi na n'ya ako hahabulin dahil alam ko namang narinig n'ya yun. Baka nagulat s'ya? Bakit ko ba sinabi yun? Gusto kong maiyak pero nakasalubong ko naman si Gio na parang kanina pa kaming pinapanood mula sa malayo dahil yung ngiti n'ya hindi mabibili ng bente. Ngiting nang-aasar.
"Oh nasaan ang jowa mong seloso?" Pang aalaska n'ya.
"Wala akong jowa, ikaw nalang kung gusto mo!" Hindi ko s'ya pinansin at dere-deretso ako paakyat sa taas. Uuwi nalang ako.
"Anyare dun?" Narinig ko pang tanong ni Gio kay Miguel bago ko isinara ang pinto ng kwarto ko... namin!
Bakit ba ganito kita kamahal? Dapat ba na mahalin pa kita ng sobra sobra? Anong pumasok sa kokote ko at nasabi ko yun? Dahil ba wala na sila ng Ate ko? Hindi ba parang nakakahiyang ginugusto ko s'ya? Bakit? Puro bakit ang gusto kong itanong sa kanya? Baka nga ito na yung huling pagsasama namin kaya dapat lubus-lubusin ko na? Tama pa ba ito? Alam kong ako ang dahilan mg lahat... kahit hindi n'ya sabihin ako ang dahilan kung bakit biglang umuwi si Ate at kung bakit galit na galit si Ate sa akin. Ako naman talaga di ba? Dahil ginusto ko si Miguel. Dahil noon pa man ay gusto ko na s'ya. Paghangang lumalim na naging pagmamahal. Bawal na pagmamahal. Alam kong mali pero gusto kong sumugal na bakasakaling pareho kami ng nararamdaman o baka ginagamit n'ya lang ako?
"Open the door!" Muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil sa lakas ng hampas n'ya sa pinto.
"Manigas ka d'yan!" Sigaw ko naman.
"I said open the door, Alessa!" Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay naiinis na s'ya.
"A.YO.KO!" Bahala s'ya. Akong makita ang mukha n'ya. Nahihiya ako.
"Sisirain ko 'to! Isa!" Pagbabanta n'ya.
"DALAWA!" Sigaw ko naman.
"Alessa Jade!" Sigaw n'ya ulit.
"Bakit ba kasi?" Sigaw ko ulit.
"Mag-usap tayo!" Sigaw din n'ya. Aba't sinisigaw ako ng mokong.
"Leave me alone, Aquino!" Sigaw ko rin.
Sinipa n'ya ang pinto at muntik na ngang masira yun. Naramdaman kong may tumatakbo palapit sa pinto. "Fuck! Can you just relax? Mahal yang door na yan, Pre! Shiiiit! Use this key!" Napahawak ako sa noo ko. Ugh, masakit na nga ang ulo ko mula kagabi nadagdagan pa ng isa.
Napasabunot ako sa buhok ko ng marinig ko ang pagpihit ng doorknob. Thank you, Gio! Gusto ko s'ya kalbuhin!
"I said open the door, right?" Lumapit s'ya sa akin.
Hindi ko s'ya pinakinggan. Wala akong naririnig. Ayokong makinig. Tumingin lang ako bintana. Para kaming aso't pusa. Hinayaan ko lang s'yang magsalita.
"Look, okay fine. I heard it. I feel it. I know it, Alessa..." hindi ko s'ya pinansin. Alam kong pagtumingin ako sa mga mata n'ya ay baka maiyak lang ako dahil sa awa. Awa sa sarili ko.
"Please... talk!" Hinawakan n'ya ang kamay ko. Yung gutom ko nawala na rin. Nakalimutan ko na rin yung paraisong sinasabi ko kanina. "Please..." napatingin ako sa kanya.
"Miguel, let's just stop this game." Naluluha man pero pinigilan kong maiyak sa harap n'ya.
"No. I can't..." dahil nakaupo ako sa kama kaya lumuhod s'ya sa harapan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay, "hindi ko kaya, Alessa."
"Miguel, I love you..." halos mabulunan na ako dahil sa pagpipigil ng luha ko.
Napayuko s'ya, hinihintay kong sabihin n'yang mahal n'ya rin ako pero wala.
"It's okay, hayaan mong mahalin kita sa paraang kaya ko." Niyakap ko s'ya.
"Alessa..." bulong n'ya.
"Ssshhhh... it's okay. I'm fine." Tumingin ako sa mga mata n'ya atsaka dahan dahan kong idinampi ang labi ko sa labi n'ya. This time I'll make him happy na hindi nagawa ni Ate noon. Walang kapalit ang lahat ng ito. Gagawin ko ang lahat para maging masaya s'ya kasama ako at kung may katapusan man ang lahat ng ito ay handa na ako.
Napapikit nalang ako ng ihiga n'ya ako sa kama. I know what will happen next at handa na akong magpaubaya sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro