Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

11

KABANATA 11




Tama nga si Manong Ben, 45 minutes nga lang ay nasa pangpang na kami. Ngayon lang ako napunta ng Puerto Galera at ngayon ko lang din nalamang may mala-paraiso palang itinatago ang Mindoro. Maingay, parang boracay. Well, nakapag-Bora na ako at masasabi kong 'yun na ata ang pinakamagandang lugar ang napuntahan ko bukod sa Batanes at Palawan pero ang Puerto Galera, hindi manlang sumagi sa isip ko na maganda pala ang lugar na ito. Mula sa laot na matatanaw na agad ang napakaraming yate na may iba't ibang kulay ng ilaw idagdag pa ang musika. Paraiso nga kung tawagin.


Nang makababa kami sa bangka ni Manong Ben ay may isang kotse naman ang nakaparada na halatang naiinip na ang driver dahil nakasandal pa ito sa unahan mismo ng sasakyan. Mula sa malayo ay kapansin pansin agad ang pagiging matikas ng lalaki. Mukhang hindi naman s'ya driver. Sa tangkad at sa pananamit, parang mayor ata ito ng bayan or baka naman may ari ng rancho or anak mayaman?



"Migs!" Bati n'ya kay Miguel. Nagkamay muna sila bago bumaling ang mga mata sa akin. "Hi...Alessa, right?"






"Hello po." Bati ko naman at kumamay din sa kanya.






"Gio." Pagpapakilala n'ya. Ngumiti lang ako at bahagyang yumuko.




"So..." singit naman ni Miguel na pinag-krus pa ang mga bisig. "Let's go?"




Nagulat ako ng biglang tumawa ng malakas yung Gio. "Masyadong seloso itong boyfriend mo, Alessa."

"Hindi ko s'ya boyfriend!" Pagtanggi ko.

"Hindi pa." Singit na naman ni Miguel. Tiningnan ko s'ya ng masama. Ano bang pinag-sasasabi nito?




"Let's go couple, baka dito pa kayo mag-away." Pinagbuksan ako ni Miguel ng pinto habang s'ya naman ay naupo sa unahan. Inilabas ko agad ang cellphone ko para i-text si Kiel pati narin sila Daddy. Siguradong hahanapin nila ako kung saka-sakaling dumating sila Dad, baka mag alala pa si Kiel kung hindi ako uuwi. Nakapahinga ako ng maluwag ng magreply si Kiel, "Okay" hawak hawak ko lang ang phone ko para agad kong mabasa kung mag-rereply man si Daddy. Ilang minuto pa bago s'ya nagreply, "I'm busy here, anak... enjoy okay. Just update me and mag-iingat kayo."

Kayo.

Kailangan kong magsinungaling kay Daddy. I told him na kasama ko sila Toshka. Nagchat naman ako kay Toshka incase mag-tanong sila Dad. Lalo na si Ate Deinna.

"You okay?" Napatingin ako kay Gio.




"Hmm, yes..." napakamot ako sa tutok ng ilong ko. Nakakahiya.




"She's fine, Gio." Singit naman ni Miguel.



Natawa na naman si Gio, "Okay, okay. Relax man!" Naiiling pa ito.




Halos kalahating oras din ang itinagal namin sa byahe bago pumarada ang kotse ni Gio sa harapan ng isang mataas at medyo vintage na gate. Gawa sa kahoy pero mukhang mamahalin at matibay. Ito siguro ang bahay ni Gio?




"Welcome to my resthouse, Alessa!" ngumiti si Gio bago bumaba ng car. Sumunod naman ako agad kay Miguel na kanina pang abala sa cellphone n'ya. Hindi ko naman s'ya pwedeng tanungin basta basta, sino ba naman ako di ba?





"Hey, are you okay?" hinawakan ni Miguel ang bewang ko para alalayan.





"Yes...pero, hmmm..." hindi ko masabing wala akong damit pamalit. Tumingin ako sa watch ko. Alas otso na ng gabi at nasa bandang bukid pa itong resthouse ni Gio. Saan naman ako bibili ng damit pamalit?







"Why?" nag-alala agad ang mukha niya.









"Kasi...I don't have any clothes to wear if incase..." hindi ko na tuloy nasabi pa ang dapat kung sabihin ng yakapin n'ya ako agad.






"Ofcourse I bought some clothes for you because I know na wala kang dala. Sorry." hinalikan n'ya ako bigla sa noo. Napatingin naman ako kay Gio na pangiti-ngiti. "But I don't know if kasya sayo." napakamot s'ya sa batok n'ya na parang nahihiya.





"Enough, couple!" pasipol sipol pa si Gio ng makapasok kami sa resthouse n'ya.








Halos magkanda-bali bali ang leeg ko sa pagtingala. "Resthouse ba 'to?" bulong ko ng humiwalay si Miguel sa pagkakahawak sa kamay ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong resthouse, masyadong malaki ang living room. Mas nagmukha pa itong resort o mas mabuti pang sabihin na mansion? parang hindi ito bahay pahingahan. Tumuloy ako hanggang sa terrace para sumunod sa kanilang dalawa.





"Parang..." napatahimik ako, "Is this resort?" napanganga ako ng muling marinig ang hampas ng alon.





"Exactly!" napapangiti si Gio. "Sooner or later baka gawin ko na nga itong resort." natatawang sabi ni Gio.






"Come on, Yssah..." hinatak ako ni Miguel palapit sa kanya, "Look!" itinuro n'ya yung dalampasigan. Napatitig naman ako. Bilog na bilog ang buwan habang nakahalik sa dagat. Nagpatangay ako sa paghigit n'ya sa kamay ko palapit sa dagat. Umupo s'ya sa buhangin at naupo narin ako.




"Alam mo bang ayoko sa dagat?" Panimula n'ya.





"Huh?" Hindi ko maintindihan kung anong gusto n'ya palabasin, ayaw n'ya sa dagat?





"So bakit mo 'ko dinala dito?" Naiinis kong sagot.





Tumawa s'ya bahagya, "because I am with you." Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinalikan.




Napasingkap ako ng maramdaman ang init ng hininga n'ya, "malamig dito, pasok na tayo sa loob..." kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari kong ipagpapatuloy ko ang sitwasyong ito sa pagitan naming dalawa.




"Yes, gutom na 'ko... mabuti pa'y kumain muna tayo." Tumayo s'ya at hinila rin ko patayo. Nagulat pa ako ng bigla n'ya hatakin ang bewang ko para mapalapit sa katawan n'ya.


"You are so beautiful, Alessa..." hinawi n'ya ang ilang hibla ng buhok ko na sumasagi sa mukha ko. Napakurap kurap ako dahil masyadong malapit ang mukha n'ya sa akin.




"Migs..." bulong ko.




"Hmmm." Nakatitig lang s'ya sa mukha ko habang hindi parin inaalis ang pagkakadikit sa katawan ko na nagbibigay ng kakaibang daloy ng init.


"Nothing..." napayakap na ako ng tuluyan sa kanya. At dahil sobrang tangkad n'ya halos tumingkayad na ako para maabot ang batok n'ya. Mukhang nagulat pa s'ya dahil sa biglaang pagkakayakap ko. Tumagal pa ng ilang minuto bago ko s'ya pinakawalan. Ang sarap sa pakiramdam na abot kamay mo ang taong mahal mo kahit na sa maling paraan pa ito.



Hinalikan n'ya ulit ang kamay ko, "let's go?" tumango na lang ako at magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay ni Gio.




"Hey, couple! Kain na tayo, nagutom ako grabe!" Halatang gutom nga si Gio dahil mabilis s'yang naupo sa dining area. Naupo na rin ako sa tabi ni Miguel. Maganda ang pagkakagawa ng resthouse n'ya. Nakaharap sa dalampasigan ang dining area pati narin ang mini bar ni Gio. Open area s'ya at tanging whole glass lamang ang panangga kaya't tanaw na tanaw ang karagatan dahil sa liwanag mula sa buwan. Masyadong vintage ang paligin, halatang pinag-isipan ang pagkakagawa. Mula sa taas, ilaw, kagamitan... mukhang milyones ang nagastos.



Teka, kaano ano ba ni Miguel si Gio?



Napaharap ako sa kanilang dalawa para pagmasdan ang mga mukha nila. Baka magkamag-anak? Kaibigan?



Napansin ni Miguel ang pagtitig ko sa kanilang dalawa dahil palipat-lipat ang mga mata ko sa kanila. "What's wrong?" Biglang tanong ni Miguel kaya't napahinto rin si Gio sa pagsubo ng pagkain. Uminom muna si Gio bago humarap ulit sa akin.



"Oh, yes... I can read that eyes though!" Panghuhula ni Gio, "Well, we're just best friend. Not relatives or what..." tumayo si Gio at kumuha ng beer.




"Ohh... sorry, I forgot. Anyway, yeah! Magkaibigan kami since elementary." Ngumiti si Miguel sa akin.



"Kaya kilalang kilala ko si Miguel. Alam ko rin na baliw na baliw s'ya sa kapatid ni Deinna—" nagulat ako ng biglang batuhin ni Miguel si Gio ng tissue box. Mabuti nalang at nakaiwas agad si Gio.




"Kilala mo si Ate?" Naguguluhang tanong ko.




"Ofcourse..." natatawang sabi ni Gio. Ano namang nakakatawa kung kilala n'ya si Ate.




"Hey enough!" Saway ni Miguel at uminom din ito ng beer. Halos hindi naman n'ya nakibo ang pagkain. Hinayaan ko nalang silang mag-usap atsaka ko pinagpatuloy ang pagkain ko dahil sa totoo lang ako yata ang mas gutom hindi si Gio.




Pagkatapos kumain at hinatid ako ng katiwala ni Gio sa magiging kwarto ko. May dala dala ring mga paperbags yung katiwala ni Gio. Siguro mga damit yun dahil sabi ni Miguel ay bumili s'ya ng damit para sa akin. Nang mailapag ang mga paperbags ay nagpasalamat ako agad atsaka ko binuksan isa isa yun. Busy parin si Miguel at Gio sa pagkukwentuhan kaya't nagpaalam na ako para magpahinga. Kinuha ko ang isang pajama set. Tama lang ang size nun sa katawan ko. Muntik na akong mapasigaw ng makita ko ang ilang pares ng panty at bra.

"Seriously?" Bulong ko habang tinitingnan ang mga ito. Wala akong nagawa kundi kunin ang isang pares nun. Naiiling akong pumasok CR para maligo dahil lagkit na lagkit na ako sa katawan ko.



Halos matumba ako sa gulat ng makita ko si Miguel na nakaupo sa gilid ng kama ko. Napahawak tuloy ako sa towel na nakapaikot sa katawan ko. Balak ko kasing maglagay ng lotion ng mapansin ko ito sa harapan ng dressing table. Halos kompleto ang kagamitang pambabae.



"What are you doing here?" Hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko.




"Wanna shower too..." parang naiilang din s'ya kaya't nagiiwas s'ya ng mata.





"What? As far as I know room ko 'to!" Hindi ko na makayanan ang lamig dahil sa aircond kaya lakas loob kong kinuha ang damit ko na nakapatong sa kama. Napaiwas naman ng tingin si Miguel ng higitin ko ang damit sa gilid n'ya.





"I'll sleep here too." Tumayo si Miguel at pinagmasdan ako.




"No, that's not gonna happen." Ikinumpas ko ang kanang kamay ko na parang winawarningan ko s'ya. Pero hindi s'ya nagpatinag. Ngimiti lang s'ya at walang pakialam na kinubad ang damit pang-itaas.




"What are you doing!?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya.




"Maliligo syempre!" Ngumiti s'ya bago pumasok sa CR. Sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko halos hindi ko na namalayang naisuot ko ang damit ko. Hindi ko na rin nagawang maglagay ng lotion dahil sa hiya na baka makita n'ya ang katawan ko.




Akala ko nagbibiro lang si Miguel pero heto ako, kulang nalang ay ilibing ng buhay. Halos hindi ako makakibo ng lumabas s'ya sa CR at bagong shower nga ito. Nakatapis lang ng towel. Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang lumapit s'ya sa akin. Napangiti s'ya.




"Baka matunaw ako n'ya." Pagbibiro n'ya.




"Kapal..." bulong ko naman. Kinuha ko ang ilang unan para iharang sa pagitan namin. Nahiga ako at napapikit ng mariin ng humiga din s'ya sa kabilang bahagi ng kama. Si Miguel narin ang nag-switch off ng light. Kaya't tanging liwanag lamang ng buwan ang nagbibigay tanglaw sa amin. Napabuntong hininga ako. Bakit nga ba ako nandito?



"Miguel..." bulong ko.





"Hmmm?" Humarap s'ya sa akin habang ako naman ay nahiga ng tuwid at nakaharap sa kisame.





"Bakit mo ako dinala dito?" Yan ang kanila pang gusto kong itanong, bakit nga ba?




"This place is very special to me, Alessa. Dito ako palagi nagbabakasyon pag... malungkot ako." Hindi parin s'ya natitinag at nakaharap parin s'ya sa akin habang ako naman ay hindi makagalaw sa sobrang nerbiyos.



"Malungkot ka?" Tanong ko.




"Hindi, pero dito din ako pumupunta pag masaya ako." Natawa s'ya bahagya.



"Masaya ka?" Napatingin ako sa gawi n'ya habang titig na titig naman s'ya sa akin.



"Yes... because of you." Hinawakan n'ya ang pisngi ko. "You are the reason why I am happy right now. Atlast, nadala rin kita sa paraiso ko." Sabi pa n'ya habang ako naman ag nagtataka. Ano bang gusto n'yang sabihin?



Huminga muna ako bago muling nagtanong, "Dinala mo na rin ba si Ate dito?" Napapikit ako ng haplusin n'ya ang mukha ko.



"Never." Maikling sagot n'ya.



"Ohh." Dapat ba akong maging masaya sa sagot n'ya? "Kapatid ko ang girlfriend mo, Miguel... at—"


"Ex-girlfriend." Pagtatama n'ya sa sinabi ko.



Nagulat ako sa sinabi n'yang yun, "what? When?"



"A month ago. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi naman ikaw ang dahil kung bakit naghiwalay kami." Ngumiti s'ya.



"Pero—"



"Ssshhh." Hinawakan n'ya ang bandang labi ko. "She will never hurt you again..." nagulat ako ng bigla n'ya akong yakapin at halikan sa noon. "Let's sleep... alam kong pagod ka." Hinalikan pa n'ya ako ng ilang beses sa noo bago niyakap ng mahigpit.



Hindi ko malaman kong anong nararamdaman ko, tama pa ba ito? Gumanti ako sa yapak n'ya bagong lakas loob na tinanong s'ya ulit, "Do... do you love me?" Halos makapos na ako ng hangin sa sobrang kaba.



Ilang minuto pa pero hindi s'ya sumagot, baka natutulog na. Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya pero hinigit n'ya ulit ang bewang ko. Napatingala ako ng makitang gising naman s'ya at parang nalalim ang iniisp.



"Miguel..." bulong ko ulit. Hindi ako susuko, gusto kong malaman. Mahal n'ya ba ako?



Hindi s'ya sumagot bagkus ay niyakap n'ya lang ako ng mahigpit. Hindi n'ya ba talaga ako mahal? tulad kong paano ko s'ya paglaanan ng oras at pagmamahal kahit pa ang kapalit ay magalit ang mundong ginagalawan ko? 



Para saan ang yakap at halik?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro