Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10

KABANATA 10




Kinaumagahan ay maaga akong nagising kahit pa ang totoo ay halos hindi naman ako nakatulog. Akala ko ay makikita ko si Ate pero sabi ni Kiel kanina pa daw ito nakaalis. Nakahinga ako ng maluwag. Parang ang sikip sikip ng bahay para sa aming dalawa. Naligo ako kaagad dahil may work pa ako sa cafe. HIndi naman sinabi ni Lolo kung hanggang kailan ako sa Coffee Station. Wala rin si Mommy kagabi, laking pasasalamat ko rin dahil wala ang parents namin ng dumating si Ate Deinna. Sabi pa ni Kiel biglaang uwi daw ni Ate. Hindi naman sinabi kung bakit pero sigurado akong ako at si Miguel ang dahilan. Paano n'ya nalaman? Si Sarina... dali dali akong umalis patungo sa cafe at dahil malapit lapit lang naman sa bahay yun kaya't madali ko lang ring nadarating. Dumeretso agad ako sa counter desk kung saan abala si Sarina sa mga hawak na paper.






"Sarina, let's talk!" hinila ko s'ya kaya't nagulat pa si Sarina dahil sa ginawa ko.








"Hey!" sigaw n'ya ng marating namin ang restroom.





Naglaglagan agad ang luha ko sa sobrang takot at awa sa sarili ko. Naalarma naman si Sarina dahil sa pag-iyak ko.





"What happened?" inalo-alo n'ya ang likod ko para patahanin.





"Did you... did you..." hindi ko masabi ang mga dapat kong itanong dahil sa pag-iyak.





"Did what???" naguguluhang tanong ni Sarina.





"Did you tell to Ate Deinna?" binitawan n'ya ang mga kamay ko.





"What the hell! Ofcourse not!" pagtanggi n'ya. Noon lang napuna ni Sarina ang namamagang bahagi ng labi ko.





"She came back from London and..." napahagulhol ako sa sobrang takot.





"Hey, listen up! I didn't tell to anyone, Jade... dahil kahit anong gawin ko mas maiintindihan ko ang kalagayan mo." niyapos ako ni Sarina.








"I don't know what to do, Sarina... Dad will kill me pagnagsumbong si Ate." halos manginig na ang buo kong katawan sa pag-aalala na baka magsumbong si Ate kila Daddy. Siguradong magagalit sila.


"Hey, cheer up! There's nothing wrong with being inlove... hindi naman mapipili kung sino, ano, ang mamahalin." Niyapos ako ni Sarina. "Let's go... baka marami ng customer." Inaya n'ya ako palabas ng restroom kaya't inayos ko agad ang sarili. Mukhang bangag na bangag ako sa puyat at pangamba.


Tumuloy agad ako sa counter desk ng makita kong parami na ng parami ang customer kaya't sinabi ko sa isang staff na ako na ang magkakahera. Si Sarina naman ang humarap sa mga customer. Inayos ko ang desk bago ako huminga ng malalim para kumuha ng mga tale outs na order. Medyo mahaba na ang pila kaya imbes na isipin ko pa ang problema ko kay Ate Deina ay itinuon ko na lamang sa trabaho. Kesa nasa bahay ko, siguradong magkikita lang kami ni Ate doon. Pero dito sa cafe... ugh! Hindi ko alam kung paano iiwas.



"Hi, 1 coffee flat, please..." tumaas yata ang lahat ng balahibo ko.


"Miguel?" Nanginig ang mga tuhod ko at napabaling kay Sarina. Nakatingin sa akin si Sarina... parang sinasabi n'ya na "Relax" pero hindi ko naman magawa yun.


"Did she hurt you?" Kumuha si Miguel ng extra sugar habang nakatutok ang mga mata sa labi ko na may kaonting sugat.


Napanganga ako, "Huh? No." Sagot ko naman.


"What happened to your lips then?" Nasa tono ng pananalita n'ya ang pagtitimpi ng galit? Inis? Hindi ko na alam.


"Hmmm... it was uhmmm." Inabot ko ang coffee flat.


"It was what?" Inabot naman n'ya ang kape. Hinawakan n'ya bahagya ang kamay ko. Nakugalat pa ako at napatingin sa paligid checking if there's people looking at us.



"She's mad." Bulong ko, "why the hell you did this to me..." pumiyok pa ako at nagpipigil umiyak.


"Oh, she's mad like that na kailangan ka pang saktan?" Nag-aapoy ang mga mata n'yang napatitig sa labi ko, "She's with Dave, Yssah... all this year? Si Dave ang mahal n'ya and how about me? Just because of your Father—" Huh? Bakit nasali sa Daddy, gusto ko s'yang tanungin pero walang lumalabas sa bibig ko. Nakakatakot makitang nagagalit s'ya.


"Oh hi there sister!" Ikinawit ni Deinna ang kamay sa braso ni Miguel. Hindi naman nagulat si Miguel sa ginawa nito bagkus ay inalis ni Miguel ang kamay ni Ate Deinna. "Love, let's go... iniwan mo ko sa car eh." Paglalambing ni Deinna. Napayuko ako sa sobrang hiya.

"Enough, Deinna..." narinig kong sabi ni Miguel. "See you late, Alessa. We need to talk." Lumalikod si Miguel at naglakad palabas habang naiwan naman si Ate Deinna na ngingiti ngiti sa harapan ko.


"Kailan ka pa naging... MALA?" Tanong ni Ate.


"Please, not here Ate..." pagmamakaawa ko sa kanya. "Next order please!" Wala namang nagawa si Ate ng biglang lumapit ang customer sa likod na na kanina pa nag-iintay.


"Wag mo akong subukan, Jade..." hinawakan ni Ate ang palapulsuhan ko.


"Wag mo rin akong pilitin na subukan ka." Iwinaksi ko ang kamay n'ya. "Yes, ma'am... what's your order again?" Hindi ko na pinansin pa si Ate. Para s'yang batang nagmamartsa palabas ng cafe ni hindi manlang binati si Sarina ng madaanan n'ya ito. Nakahinga ako ng malalim at halos matumba na sa kinatatayuan ko. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? Paano kung bukas, makalawa ay si Daddy naman ang sumugod dito?





"You okay?" inilapag ni Sarina ang tray sa counter.





Tumango na lang ako kay Sarina.





Ngumisi s'ya na parang baliw, "Go home." lumapit s'ya sa akin, "Talk to him..." si Miguel ang tinutukoy n'ya.





"Para saan pa? hindi ba't s'ya itong gumawa ng gulo?" naiiyak kong sagot.





"You don't know, maybe something happened between them? I know, Miguel. Hindi n'ya magagawang ipahamak ang isang tao lalo na kung mahal n'ya 'to." napatitig ako kay Sarina. Mahal? Nakakatawa, gusto kong matawa.





"You mean?" umayos ako ng pwesto dahil baka matumba na ako sa sobrang panghihina.





"Maybe he loves you? kaya nagkakaganyan si Ate Deinna mo." ngumiti pa talaga s'ya.





"NO." sagot ko, "He will never..."





"Paano mo nasabi?" tinaasan n'ya ako ng kilay, "Ask him, at pag-OO ang sagot... ipaglaban mo." tumalikod na sa akin si Sarina, "Go home woman!" nagba-bye pa s'ya sa akin.








TAMA ang hula ko, wala si Ate  sa bahay. Si Kiel lang ang inabutan ko kasama ang dalawang bagong kasam-bahay. Hindi parin umuuwi sila Mommy at Daddy. Kanina nakatanggap ako ng text from Daddy na nagtravel sila papuntang Davao, business meeting. Yan ang laging sagot nila sa amin ni Kiel. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras kaya't umayat ako sa room ko at agad naligo. Nang makababa ako ay tsaka ko lang napansin si Kiel na abala sa computer. I don't know what his doing, might paper works? Nah!





"Hi..." sabi ko at naupo malapit sa kanya. Isinuot ko ang oldskool shoes ko kapares ng leggings at oversized tee.





"May lakad ka?" tumingin s'ya bahagya sa akin.





"Yes, saglit lang naman 'to. May kakausapin lang. If ever Dad call, pakisabi hmmmm shopping si Ate. Okay?" paliwanag ko sa kapatid ko.





"Hinahanap ka ni Ate Deinna kanina. Sabi ko nasa cafe ka." Busy parin s'ya sa computer at hindi manlang humarap sa akin, "Don't tell her na lalabas ako, please."





"Alright, you take care, Ate..." humarap s'ya bahagya, "kung malalate ka, text me. I'll open the door for you. Goodluck." parang may kung anong kumirot sa puso ko. Parang ngayon ko lang nakitang nag-care si Kiel sa akin. Sa tono ng pananalita n'ya, parang alam n'yang magkikita kami ni Miguel.





Miguel? oh shit, nakalimutan ko s'yang i-text. Saan ba kami magkikita?





Nasa loob na ako ng kotse ni Lucy ng i-dial ko ang number n'ya, once, twice hanggang sa makatatlo apat pa. Inilapag ko ang phone ko at nag-focus sa pagmamaneho. Tama si Sarina, dapat noon ko pa ginawa ito. Bakit ba hinayaan ko ang sarili kong mahalin kita ng paraang ako lang ang nag-mamahal? hindi kaya mahal mo din ako, Miguel. Ugh, mababaliw na ako!


Agad kong kinuha ang phone ko ng magring din agad yun, si Miguel. S'ya lang naman ang maaaring tumawag sa akin. Kaya't sinagot ko agad yun. "Hello..."





"Alessa..." napatikom ang bibig ko, bakit ba ang ganda ganda ng boses n'ya.





"Hi, meet me in... uhmmm." shit saan ba? bakit walang pumasok sa isip ko.





"Let's meet in Batangas Port." napanganga ako.





"Huh? bakit dun?" napatingin ako sa orasan ko, damn hahapunin ako!








"Just meet me there, okay. Take care. I'm on my way." pinatay n'ya agad ang phone n'ya. Napahampas ako sa manobela! Another trouble?





"Shit!" sigaw ko ng kamuntikan ko ng mabangga yung aso na balak tumawid sa kalsada, "Damn! Alessa Jade!" pinagalitan ko ang sarili ko. Huminga muna ako ng malalim ng makalabas ako sa tagaytay road at pasukin ang Batangas H-way. "Bahala na!"





Nakarating naman agad ako sa pier ng Batangas, pero halos mamuti na ang mata ko pero walang Miguel na dumating. Halos palubog na ang araw ng magpasya akong bumalik nalang ng Tagaytay. Maybe something happened na naman? baka, hindi ko alam. Sinabi ko kay Miguel na nasa ako sa pier na ako, sinabi ko rin kung saan ako nag-park, isang private parking lot na ang mahal ng per-hour. Halos matusta na ako sa sobrang init ng klima sa Batangas but yes, walang Miguel na dumating. Ni reply wala. Kung alam ko lang at sinabi n'yang he can't make it, eh di sana mas maaga akong nakauwi. Now, here I am!





Napakurap ako ng makita... "Miguel?" agad akong lumabas sa kotse at pinatay ang makina. Takip silim na pero hindi agad ako umalis, pinalipas ko muna ang paglubog ng araw. Tutal ay nandito na rin naman ako, so why not di ba? Para kahit kaonting tensyon sa puso ko ay mabawasan dahil sa ganda ng sunset na nakita ko.





"Sorry!" humihingal s'yang niyapos ako, nagulat naman ako sa ginawa n'ya. Pawis na pawis s'ya pero napakabango parin. Napatingin ako sa travel bag na dala dala n'ya. Magtatanan na ba kami?





"Uhmmm, I'm good... ah, late na eh... let's go home nalang kaya?" pinilit kong alisin ang pagkakapulupot ng kamay n'ya sa bewang ko.





"No... please." niyakap ulit n'ya ako.





"Hey..." naramdaman kong parang umiiyak s'ya habang nakayakap parin sa katawan ko na parang linta sa sobrang higpit.





"I'm sorry, Alessa... I'm so so sorry..." hinarap n'ya ako at tama nga ako, namumula ang mga mata n'ya, "Hey, umiiyak ka ba? Okay naman ako ah. Wala namang nangyaring masama sa akin, and hello, heyy... I'm good." pinilit kong ngumiti atsaka pinahid ang butil ng luha n'ya. Si Miguel umiiyak? WTF!





"No, see... may sugat ka pa sa lips." hinawakan n'ya bahagya ang gilid ng labi ko.





"I'm okay, maliit lang naman eh..." napasigaw ako ng hatakin n'ya ako at yakapin ulit, "Ouch!" hinampas ko s'ya, "Nakakagulat ka kasi! basta ka nalang yumayakap..."





Ngumiti s'ya, "I just miss you..."





"Bored ka na naman." ngumiti din ako.





"Nah, let's go?" hinawakan n'ya ang kamay po at hinila-hila papasok ng pier.





"Saan ba tayo pupunta kasi, aray! hinay hinay naman... ang kamay ko, Miguel!" pagmamaktol ko. Sa sobrang tangkad n'ya halos tingalain ko na s'ya tuwing haharap s'ya sa akin. Pero ngumiti lang s'ya at bahagyang niluwagan ang kamay ko.





"Puerto Galera." sabi n'ya.





"Whuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuut!" napatigil ako sa paglalakad.





"Kuya Ben!" tawag ni Miguel, agad namang lumapit ang lalaki na halatang kanina pa nag-iintay sa amin. Napakamot naman sa batok si Miguel ng kunin noong Ben ang travel bag n'ya. Shit, wala akong dala na kahit ano kundi wallet, phone, at susi ng car.





"Tara..." sabi n'ya ng alalayan n'ya akong sumakay ng bangka.





"May byahe pa pala po ng gabi?" tanong ko kay Manong Ben. Nakakapagtaka kasi.





"Nako, wala na. Pero itong si Boss Miguel eh, bigla biglang tumatawag eh! Ay hindi ko naman po ma-hindian! Buti nalang pumayag ang pier na maihatid ko kayo. 45 minutes lang naman ito, Ma'am. Mabilis ang bangkang ito." paliwanag ni Manong Ben. Napatingin ako kay Miguel na nakangiti. Inirapan ko s'ya. "Bossy..." bulong ko.





Hindi na ako nakapag-isip ng mabuti, "Bakit ba ako sumama sayo?" bulong ko sa kanya dahil sa maingay ang makina ng bangka.





"Bakit nga ba?" bumulong din s'ya sa akin pero hinalikan n'ya ang noo ko pagkatapos ay umupo ulit ng maayos dahil medyo maalog ang bangka.





Para akong mahihimatay sa sobrang pagtambol ng puso ko. Bakit ba ang dali dali lang para kay Miguel ang maging komportable sa ganitong sitwasyon?





"Si Ate?" pagkuwa'y tanong ko. Akala ko hindi n'ya maririnig pero napabaling ang mga mata n'ya sa akin. Titig na titig s'ya sa mga mata ko. Dahan dahang lumapit ang mukha n'ya sa mukha ko. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit n'ya.





Napasinghap ako ng lumapat ang labi ni Miguel. Saglit na yun pero iba ang dating ng malambot n'yang labi.








"Try to ask me about her again... hahalikan ulit kita." ngumiti s'ya at hinawakan ang kamay ko.








Napasimangot tuloy ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro