Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 4

CHAPTER 4 

"Hey, wake up!"

Tinapik-tapik ko ng mahina ang kaniyang pisngi, pero hindi pa rin siya nagigising. Pinakiramdaman ko ang kaniyang pulso at nang makumpirmang normal naman ito'y huminahon ako. 

"Hey, woman! Wake up please!? Gising. Huwag mo naman akong pag-alalanin ng ganito." I said.

Kinarga ko siya't dinala sa clinic pero dahil sa gabi na masyado'y wala nang nurse na pwedeng mag assist sa amin. I signed in annoyance. Wtf!?

After this day, I will freaking suggest to the owner to put some nurses and doctors around the hotels. Kung wala silang mahanap, ako mismo ang magdadala sa kanila dito.


Dinala ko nalang siya sa hotel room ko't doon pinagpahinga sa kama ko. I also call Knight Santibastian, a friend of mine, para magtanong kung ano ba ang dapat gawin sa taong nahimatay.

Agad niya naman sinabi sa akin kung anong mga dapat gawin kaya ginawa ko ito. Tinulungan niya rin akong itama lahat ng pagkakamali ko, kaya nung makita kong unti-unti niya nang idinidilat ang kaniyang mga mata kaya laking pagpapasalamat ko sa kaibigan.

Not bad for having a Santibastians' as a friend.

Sila lang talaga ang alam kong maaasahan pagdating sa mga ganitong problema. They willing to give us some time. Kung may broken man sa amin o kailangan ng matinding tulong, nariyan sila para mahingian ng tulong. Hindi lang sila matulungin, they also damn rich. At kahit billion pa ang halagang kailangan mo o kahit tao pa 'yan, bibilhin nila para sayo.

Hindi naman mahalaga sa akin ang pera e, ang mahalaga sa akin ay ang tunay na kaibigan. And if I say a true friend? Santibastian ang mauuna.

"Salamat, pre." Ani ko. Napahawak ako sa aking ilong at pinisil ito. Inaantok na ako pero nilalabanan ko pa rin ang antok ko para lang mas mabantayan ang kasama ko. Mamaya't ako pa ang sisihin kapag may mangyaring masama dito.

"Okay lang, kung may problema pa ulit at nahimatay ulit siya... kung maaari, pwedeng tawagan mo ako ulit?" Tumango ako. 

"Sure, pre." 

"Sige, I'll drop the call now." Aniya. 

Saktong pagkamatay ng videocall namin ay ang pagbungad naman ng tawag mula sa aking sekretarya. 

"Sabi ko sayo, kapag nasa bakasyon ako. Huwag na huwag mo akong iistorbohin." Singhal ko rito pagkasagot ng tawag. 

"Hello, good evening naman diyan Mr. Boss nuh. Secretary mo lang ako at hindi maid ha." Suminghap siya.

Naiimagine ko tuloy yung ilong niyang umuusok sa tuwing inuutusan ko siya tapos kailangan rush. 

"Where's the dress?" Tanong ko. 

"Huh! Andito na po kamahalan, naka ready na. Mula sa damit pambabae, mga accessories, sandal at suit niyo rin. Kailan niyo ho ba kukunin ito, kamahalan?" 


"Shut up, Adele, baka gusto mong isumbong kita kay Tito at sabihing hindi good girl ang kaniyang pinakamamahal na anak. By the way, Kukunin ko 'yan bukas pagkatapos ng meeting ko sa mga investors. Kailangan naka ready na 'yan at walang kulang para dere-deretso na ako pabalik dito." 

"I. Hate. You." Madiin niyang sabi na ikinangisi ko. "Isusumbong kita kanila kuya!" Sigaw niya bago pinatay ang telepono. 

Bumalik ang paningin ko sa babaeng nasa kama ko ngayon. First time in my life, na nagdala ako ng babae sa kwarto ko. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ang makitang may nakahiga sa unan ko.

Si Diana? Ayaw niyang pumapasok siya sa kwarto ko. Masyadong madilim daw at hindi niya gusto ang kulay. Naiinis siya palagi kapag pinipilit ko siyang doon nalang matulog sa kwarto ko kaya ang ending, sa guestroom siya natutulog. Pero itong babaeng ito? Ilang beses nang nakapasok dito sa kwarto ko! Tsk. 

"Are you okay?" Tanong ko. 

Kumurap-kurap siya at iniikot ang paningin sa kwarto ko. Siguro'y nagtataka kung bakit dito ko siya dinala. 

"Bakit tayo nandito? Anong nangyari?" Tanong niya pabalik. 

"You fainted. Sabi nang kaibigan ko, siguro sa pagod mo lang kaya ka nahimatay pero mas mabuti pa rin kung bibisita ka bukas sa clinic para magpa check up." 

"F-faint— I'm okay," biglang bago niya sa sinasabi. "Anong oras na pala?" 

Tinuro ko ang orasan. "Ten pm. Mga ilang minuto ka lang naman nawalan ng malay. May problema ka ba?" 

"Wala naman. Uuwi na ako." Ani niya sabay iwas ng tingin. Akmang tatayo na siya ngunit pinigilan ko siya. 

"May sakit ka ba? Ano? May nararamdaman ka ba? Bakit ka nahimatay?" Nag-aalala kong ani. 

"Wala akong sakit, okay? I just want to go home to rest. Bukas para makasigurado, magpapacheck up ako. Hindi mo kailangan mag-alala. Okay ako." 

Inalis niya ang aking kamay sa kaniyang balikat at tumayo na mula pagkakaupo sa kama. Dere-deretso ang lakad niya hanggang sa pintuan ng aking kwarto. Palabas na siya ng muli ko siyang higitin sa kamay. 

Kinuha ko ang invitation sa lamesa at inilahad sa kaniya.

"Hindi na kita pipilitin umalis but at least, take this with you." I sighed. "Aalis ako bukas at babalik lang sa susunod na araw before the event will start. I will take this opportunity para magpaalam sayo. Kukunin ko na rin ang mga damit natin na susuotin. Please, just this one." 

Tiningnan niya ang invitation sa kamay bago muling nilipat ang paningin sa akin. Palipat-lipat ang tingin ko sa kaniyang mga mata, umaasang may lalabas doong salita na nagsasabing pumapayag siya pero masyadong blangko ang kaniyang mga mata para makita ang kasagutan na aking hinahanap. 

"I will. Pupunta ka kasama ako." 

Doon na ako napanatag ng sabihin niya iyon. Nginitian ko siya.

"Thank you. Ahm, gusto mo ihatid na kita sa kwarto mo?" 

"No thanks." mabilis niyang sagot.

Napatawa nalang kami ng sabay kaming napairap dalawa.

"So..." I bite my lower lip. 

"So?" Taas kilay niyang sabi. 

"Goodnight." 

Tumango siya. "G'night." 

Tumalikod siya at binuksan na ang pintuan ng aking hotel room. Palabas na siya ng sumunod ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi mula sa likod. Saglit siyang natigilan dahil sa aking ginawa. 

"Alphonse!" Namumula niyang sigaw. Napahawak pa siya sa pisngi niyang hinalikan ko.



"Goodbye, babe." Kinindatan ko siya na mas lalong nagpaalab ng kaniyang pisngi. 


Damn, that unidentified woman makes my heart beats loud. 



Itutuloy. . . 

Short update. Bawi ako next time :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro