CHAPTER 1
CHAPTER 1
They said it was fun at the beginning of the story. They say, it's like magic 'cause even the old ones are happy, yet it doesn't always bring happiness, but it may also bring pain.
I thought the beginning of my story was like a scene in stories...... but it turned out to be a chapter from an unfinished story.
"Diana Salvacion, do you take Alphonse Montecarlos to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?"
"I do." Diana grinned broadly.
Her eyes twinkle like stars in the night sky. I locked my gaze on them.
"Alphonse Montecarlos, do you take Diana Salvacion to be your wife? Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?"
I reminisce again the memories of the two of us. Those memories that we shared with each other. Those happy days of ours. I met her those times when I felt I was a low person. I clung to her when I was down and struggling with my problems in life as well as in the company.
"I—" I close my eyes when I can't say the right word.
"Babe, are you okay?" I immediately opened my eyes when I heard her voice.
Am I really, okay?
She rolled her eyes and shyly smiled at those who attended our wedding.
"I-i—" Hindi ko ito masabi ng deretso. Nakakapagod rin palang pilitin ang sarili sa ayaw mong gawin.
"Alphonse!" I heard Daddy's loud shout at my side.
I looked Diana in the eyes once more. I sought to find love there, but all I saw was embarrassment. She is my strength and I can't deny it but she is also my weakness. . .
We became buddies before we started dating. Since our families are friends, we have known each other for years. She has been my friend since we were a child. We also took several trips across the country when we're teenagers. From our senior year of high school till college, she's been my everything, and I can't take my gaze away from her until I realize I love her.
Sabi nga nila kami daw ang itinadhana para sa isa't-isa pero sa tuwing naiisip ko yung mga nagawa niya nung nakaraan...hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa tadhanang sinasabi nila.
"I'm sorry," I shook my head one after another. "I'm sorry..." I'm not sure where I get the strength to keep my posture.
"Alphonse," she tried to take my hand but I didn't let it. "Babe, what's happening to you?!" she sobbed.
"I can't marry you! I can't marry you, Diana!" I shouted.
Doon na siya tuluyang humagulgol ng malakas. Rinig ko ang mga bulongan mula sa mga bisitang nakasaksi sa aming kasal ngayon pero wala akong pakealam sa kanila. Ang gusto ko lang ay umayaw at umalis sa kasalang ito.
"Alphonse, nandito na tayo. Huwag mo namang sirain ang araw na ito." She said between sobs.
"Diana, this wedding was wrecked from the start. You're the one ruined this marriage."
Sunod-sunod akong umiling at humugot ng malalim na hininga. Kumukuha ako ng tamang lakas. Hinanap ko ang taong punot dulo ng mga paghihirap ko. Nakita ko siyang nag-aalala habang nakatingin sa amin. Pero hindi ako naniniwalang ganun lang iyon, alam kong sa kaloob-looban niya'y masaya siya sa nangyayari ngayon.
"I can't love someone who hasn't finished loving someone else."
"W-what are you talking about!? Alphonse, babe, please pagusapan natin 'to pagkatapos ng kasal." Nanginginig na siya sa kakaiyak.
Tumawa ako. "How can I marry you, kung umpisa palang lokohan na ang relasyong ito? You cheated, Diana. Alam mo sa sarili mong nangloko ka."
I love you, pero minsan ang pagmamahal na iyon ay hindi sapat. Ayokong makulong sa pagmamahalang hindi naman ako yung mahal.
"I'm sorry."
After I said that I slowly turned around and walked down the long aisle. They say it's usually women who turn away from marriage but in my story... myself. I was the one who turned away, kasalanan ko ba 'yon? Nasaktan lang naman ako. I'm just a Man.
Lalake? Ayon nga, dahil sa lalake ako akala na nila hindi ako nasasaktan. Akala nila hindi umiiyak ang mga lalake pero ang totoo, tinatago lang namin iyon.
Ayaw namin nakikita ang totoong emosyon namin dahil iyon kami, sa labas lang masaya pero sa likod ng mga matatapang naming mukha. ...daig pa namin ang isang patay na walang buhay. Isang patay na ngayon ay lumalakad palayo sa kasalukuyan para hindi na muling masaktan.
Diana cheated with my best friend. And for fucking sake, ako mismo ang nakakita ng pagtataksil na iyon. Kung paano nila hinalikan ang isa't-isa na parang wala ng bukas. Kung paano nilang sinabi na mahal na mahal nila ang isa't-isa.
Mahal nila ang isa at ako lang ang tunay na ume-ekstra.
I drank another beer after the other. I'm not sure how many bottles I've drank, but I'm certain I still want to drink more. There was not enough alcohol to satisfy me and enable me to stop drinking.
How many years have gone and yet the pain remains?
"Bro, when will you fix your life again?"
"Diana..." I whispered.
"Oh, shut up, Bro. We all know that she's now happy with your so-called best friend!" he hissed.
"I still love her."
Kailan ba ang araw na tumigil akong mahalin siya? Kailan ba yung araw na sinabi ko sa sarili kong tapos na akong magmahal pero ang totoo ma'y parte pa rin siya sa puso ko.
"You're completely messed up. Can you make your life better again? Because, uh, you know. Alcohol cannot cure the pain you have felt all along. You love her, yet learn to let her go, bro."
"I can't," muli kong ininom ang alak na hawak ko.
Agad naman niyang kinuha ito kaya kinuha ko naman ang isang may laman pa't agad itong ininuman.
"No, you can." Parang sigurado niyang tugon.
Tuluyan na akong napatingin sa kaniya.
"Paano? Kasi kahit anong gawin ko hindi pa rin e. Andon pa rin ang sakit."
I can feel my tears pouring. How can I stop this feeling?! Siya yung una kong minahal at wala na akong balak magmahal pa ng iba. I planned everything for our future yet she wrecked it and planned another future with someone else. I should stop loving her. I should.
"Isla Del Olvido..." basa ko sa malaking sign ng Private Resort.
Kumunot ang ulo ko.
Totoo ba itong pinuntahan ko? Sabi pribado pero bakit andami pa rin tao dito?
I just shook my head.
Nang mag-anunso ang driver ng sinasakyan kong bangka na pwede nang bumaba ay agad na rin akong bumaba. Sinalubong ako ng mga staff ng resort at binigyan ako ng map. Tinanggap ko ito at dumeretso na sa Crowne Hotel. Sobrang laki nito. May iilan din na nasasalubong ko na naka bikini lang at ready na sa pagligo.
Bitbit ang aking mga gamit ay pumasok na ako ng Crowne hotel, bumungad sa akin ang malawak at modernize na disensyo ng hotel. Matapos kong busogin ang paningin ko sa buong area'y tinahak ko na ang daan patungong receptionist.
"Good morning, Sir. Welcome to Isla Del Olvido," she greeted me with a big smile on her lips. "Do you have a reservation?" she said again, politely.
"Yes, Alphonse Montecarlos." I replied.
Tumango siya at hinanap na ang aking pangalan sa kaniyang computer. Hindi naman nagtagal ay hiningi na niya ang ID ko.
"Could I have your ID and credit card, please?"
Agad ko naman itong kinuha sa wallet ko at binigay sa kaniya. "Here,"
May kinalikot pa siya sa kaniyang computer bago binalik ang ID ko at credit card. "Thank you, sir, your room is on the 7th floor, room number 105."
"Thank you." Tipid kong tugon.
"Enjoy your stay."
Akmang aalis na ako ng mayroon akong naalala. Muli akong humarap sa receptionist. "Ah, can I have my breakfast in my room?"
"Sure, sir. I will call the restaurant."
I just nodded and left.
I took the elevator and immediately hit the 7th floor. Nang makarating naman ako ng 7th floor agad ko na rin hinanap ang room ko, which is ang room 105. When I saw it, I tapped my card. Pumasok ako sa room at nilagay ang susi ko sa lalagay kaya automatikong nagbukas yung mga ilaw pati narin ang aircorn.
After putting my things down on the bed, I went straight to the kitchen. I just sighed when I didn't even see beer in the refrigerator.
Mamaya nalang siguro, pagbaba ko.
I just took off my clothes and went straight to the bathroom. I opened the shower and bowed to it. I savored the taste of the cold water while wondering what I was really doing in this island.
Move on? that's what my friend said. Go here to move on!
How can this island change how I feel if at first, I wanted to get rid of this pain, but I couldn't. How can I forget the pain just because of this island.
Kitang-kita ko kung paanong naging masaya ang taong mahal ko ngayon sa dating kaibigan ko habang ako naiwang lugmok. Sa mga nakalipas na taon, siya pa rin talaga, kahit gaano ko man iwasan ang sarili ko...siya pa rin ang hinahanap ng puso ko.
Lumipas ang araw at mas naburyo lang ako sa aking kwarto kaya lumabas ako para bumili ng mga alak pero wala palang maliliit na tindahan dito. Nasa may restaurant na ako ng makakita ako ng golf cart na nakaparada. Agad akong lumapit doon at nagpahatid sa bar.
Akala ko, maliit lamang ang bilang ng mga taong nagbabakasyon dito pero hindi pala. Halos lahat ng mga nakikita ng aking mga mata'y mga billionaires, congressman, at mga sikat na artista. Sikat na ang mga ito pero siguro tulad ko'y gusto lang namin ang isang tahimik na bakasyon kung saan walang mangangambala sa amin dito.
Marami nang taong wala na sa katinuan ng makapasok ako sa bar. Mas dumami pa ang nakikita kong mga sikat na tao pero binalewala ko lang, Hindi ako pumunta dito para makipagsiyahan sa kanila.
"Vodka," ani ko sa bartender.
Tumango siya at kinuha ang gusto kong alak. "Bago ka lang boss?" sabi ng bartender at nilapag sa aking harapan ang aking vodka.
"Yeah," tamad kong tugon.
"I see," napatingin siya sa katabi kong upuan pero nung walang makita'y tumango-tango siya. "Walang girlfiend, sir? Sino kasama niyo?"
Ayaw ko mang tumugon ay wala na akong magawa kundi kausapin siya. Parang ganito siya sa lahat ng customers niya, friendly.
"Ako lang." tugon ko agad nung matapos na siyang gawin ang hinihinging champagne ng babaeng bagong dating.
"Move on," agad akong napatingin sa kanya at kumuot ang noo. "You see, sikat ang Isla del Olvido dahil sa maraming taong dito nakakahanap ng lovelife o dito isinusumpa ang pagmamahalan nila. Minsan din may mga tulad mong pumupunta dito para maka move on. Kaya hindi na bago para sa akin magkaroon ng customers na kagaya mo."
Tumango ako.
Kaya pala dito ako pinadala ng hinayupak na 'yon ay dahil alam niyang may karamay ako dito! Aba'y gago!
Nang magpasado alas dose na ng gabi'y lumabas na ako ng bar at dumeretso sa dalampasigan bitbit ang binili kong isang boteng vodka. Pagewang-gewang na ako habang naglalakad pero alam ko pa rin kung saan ako patungo. Nang mabasa na ng tubig ang mga paa ko'y doon na ako tumigil. Rinig ko pa rin ang ingay mula sa Bar pero hindi na gaanong malakas. Malayo-layo rin pala ang nilakad ko.
"Makakalimutan rin kita! Mawawala ka rin sa puso ko! Kakalimutan din kita!" paulit-ulit ko iyon sinigaw habang tinuturo ang malaking buwan na nagbibigay ng liwanag sa madilim na dagat.
Pagod na pagod na akong paulit-ulit maramdaman ang sakit na ito.
Lahat ng mga babae, gago! Lahat ng babae sa una ka lang mamahalin ng todo pero mga manloloko! Lahat sila, sinaktan ako... sinaktan ako ng sarili kong ina at ng taong mahal ko.
Ilang beses na ba akong nagtangkang magpakamatay dahil sa parehas na dahilan? Ilang beses ko na bang sinubukang manatili pero hindi ko pa rin kinaya.
"Mahal kita e, sobrang mahal kita pero ginago mo ako."
Nanghihina akong bumagsak paupo sa buhangin. Pinunasan ko ang mga basang luha na lumalagkit sa aking pisngi. Para tuloy akong batang lansangang iniwan ng mga magulang.
Muli akong nagpalipas ng oras sa dalampasigan habang inuubos ang aking alak. Akmang patayo na ako ng may mahagip ang mga mata ko.
Sinubukan kong idilat ng mabuti ang nanlalabo kong paningin para mas makita lang iyon.
Ano iyon?
Itutuloy. . .
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro