Capitulo Veintitrés
Kelvin was wrong. His day was definitely ruined. Heck, his year even. Malungkot siya. Malungkot na malungkot. He spent his new year's eve alone, because he doesn't want his family to notice how sad he is. Nagdahilan na lamang siya na kasama niya ang mga kaibigan pagsi-celebrate when in reality, nandoon lamang siya sa condo niya, nagmumukmok.
He wasn't sad about the fact that Yuan's already courting Celine. It's her reaction. Mukhang ang saya-saya nito. At alam niyang hindi malabong mangyaring sagutin nito si Yuan. Kapag nangyari iyon, ano na lamang ang gagawin niya?
Alam niyang may limitasyon ang pagiging kaibigan niya rito. He also knew na babakuran na ito ni Yuan kung sakali. Magkakaroon na ng restrictions.
He knew that he should be happy for her. Kapag daw nagmahal ka, dapat uunahin mo 'yong kasiyahan ng taong mahal mo. That's how selfless love works. Pero hindi niya kaya. He wants to be the one who makes her happy.
Napaisip tuloy siya kung ano ang mangyayari kung mas nauna siyang magsalita. Paano kung umamin siya rito? Magagalit kaya ito o tatawa at aakalaing biro lang iyon?
Gusto niyang umiwas. Gusto niyang tumigil na, pero kahit ano'ng gwain niya, bumabalik-balik pa rin siya rito. Kagaya ngayon, uuwi na dapat siya pero parang may sariling utak ang mga kamay niya. Parang wala siya sa sarili habang nagmamanibela at nang matauhan ay nasa tapat na siya ng boarding house nito.
He found himself dialing her number.
"Uy," bati nito.
"Hi."
"Bakit parang ang lungkot ng boses mo?"
"Nothing. I'm just hungry," he lied. Ni hindi na nga siya makakain nang matino dahil sa kaiisip niya rito. Sa weekend lamang siya nakakakain nang maayos dahil kasalo niya ang pamilya at ayaw niyang bigyan ng alalahanin ang mga ito.
"O? Kumain ka."
"Sabay tayo?" he asked. "I'm outside your place."
"Ha? Bakit di mo sinabi agad?" Narinig niya itong bumaba ng hagdan. Maya-maya ay bumukas ang pintuan, then the gate opened. Nakapambahay pa ito.
"Pasok ka," sabi nito sa kanya.
He followed her inside, while fighting the urge to hug her from behind. It's insane how much he misses her, considering the fact na madalas naman silang magkita.
"Upo ka muna. Magbibihis lang ako." Iniwan siya nito sa sala para magbihis. Maya-maya ay naka-jeans at blouse na ito. Inayos din nito ang buhok nito at saka naglagay ng kaunting makeup.
"Hindi mo naman na kailangang magpaganda para sa 'kin," pabiro niyang sabi.
Celine simply wrinkled her nose. Alam naman niyang hindi ito nagpaganda para sa kanya. Sino nga ba naman siya para pag-aksayahan nito ng oras sa pagpapaganda?
--
Sa malapit na kainan lamang sila nagpunta. He ordered for the both of them and insisted to pay for it.
"Ano ka ba, lagi ka na lang nanlilibre."
"Gano'n talaga."
"Kami nga ni Yuan, KKB e," sabi nito. He didn't comment. Ayaw niyang humaba ang usapan involving Yuan.
But right after their order arrived, tumawag naman ito kay Celine. He just knew that it's him when her face lit up automatically.
"Ngayon na?" tanong ni Celine sa kausap. "O, sige. Buti naman maya-maya pa. May ginagawa kasi ako ngayon e. Ano... basta. Kita na lang tayo sa tapat. Oo, sige. Bye."
"What did you talk about?"
Celine looked at the food they ordered. "Inaaya nya akong kumain, e. Okay lang ba kung konti lang ang kainin ko? Ayoko kasi syang tanggihan. Ayaw ko rin namang iwanan ka rito," paliwanag nito.
His shoulders slumped.
"Sorry ha."
"It's okay. Ipapabalot ko na lang 'yong matira," he told her. Pilit siyang ngumiti para mabawasan ang guilt nito.
Wala pang kalahati ng laman ng plato ang nakain ni Celine. She apologized again when she told him na uuna na ito sa pag-alis. He had no choice but to say okay. Hindi na niya ipinagpatuloy ang pagkain nang makaalis ito. Wala na rin naman siyang gana. Ipinabalot na lamang niya ang pagkain saka siya umuwi.
--
Kelvin's depression became evident for the next few days. Yuan's all Celine could talk about. Naririndi na siya. Tuwing magkasama silang dalawa, si Yuan palagi ang bukambibig nito.
"Can we not talk about him for once?" iritado niyang tanong. It's a weekend and they're at his condo with Janelle. He invited the both of them for a late housewarming party. Silang tatlo lang ang nandoon. Dahilan niya, the party's just for his two best friends.
They just ordered pizza, fried chicken, spaghetti and beer, na sila lamang ni Janelle ang umiinom.
"Sorry," Celine told him.
Janelle looked at him with concern. She knew what he's been going through and he's thankful that she still keeps mum about it kahit matalik nitong kaibigan si Celine.
"Let's just talk about my wedding," she suggested.
"Okay," they both agreed.
"Kelan ba?" tanong dito ni Celine.
"Gusto ni Marlon, sa December e. Peri gusto ko, June next year. Gusto kong maging June bride. Saka gusto kong sa beach ako ikakasal."
"Hindi pwedeng puro gusto mo lang. Alalahanin mong dalawa kayong ikakasal."
"Well, weddings are really all about the bride," he told Celine. "If I ever get married, I'd do whatever my fianceé wants. Kayo kasing mga babae, parang simula pagkabata, everything about your dream wedding's already set."
"True. Araw ng bride ang kasal," pagsang-ayon ni Janelle.
"Hindi rin," tanggi naman ni Celine. "Ako, never akong nagplano ng kasal ko."
"Hindi ka kasi normal."
Ngumuso si Celine sa kaibigan at binato ito ng beer can na wala ng laman.
"Ewan ko sa 'yo. Pero seryoso, dapat i-consider mo rin 'yong gusto ni Marlon. Sya pa naman yata ang gagastos."
"Aba syempre! Alangan namang ako?"
"Gaga. Tulong kasi 'yon!"
Celine slapped the back of Janelle's head with her hand. Gumanti naman si Janelle. Maya-maya pa'y kinailangan na niyang pumagitna dahil nawiwili sa paghahampasan ang dalawa.
"Bwisit! Ang hirap-hirap mag-ayos ng buhok, e!" reklamo ni Janelle.
Tumawa lamang si Celine habang tinutulungang ayusin ang buhok ng kaibigan. Nailing naman siya. These girls could get physical with each other. Magaan ang kamay ni Janelle. Si Celine naman, ang hilig pumatol.
"Sa'n nyo nga pala planong magpakasal?" tanong niya kay Janelle.
"Hindi ko pa alam, e. Kapag natuloy ang beach wedding, hahanap kami ng place na within the budget tapos keri na magdala ng maraming bisita. Para dun na rin ang reception. Kapag hindi pumayag si Marlon, e di sa church."
"Well, if he ever agrees, let me know. I have a place in mind."
Janelle's eyes shone. "Really? Saan?!"
"I have a private island in Palawan. It's usually used for family gatherings and reunions kaya may mga beach houses do'n. Sagot ko na rin pati catering."
Tuwang-tuwa itong yumakap sa kanya. "Oh my god! Thank you!"
"Grabe! May private island ka?!" manghang taning ni Celine. "As in sa 'yo, hindi sa family mo?"
He nodded. "Yep. When I was a kid, my lolo gave my mom a ridiculous amount of money. She asked me if I wanted it and I said yes. I used it to buy myself an island because I've always wanted one."
"Wow! Gano'n ba sa family nyo? Nagbibigayan lang ng pera? Ano 'yon, papasko ng lolo mo sa mommy mo?"
He chuckled. "No. My mom's in a complicated situation before. Tyrant kasi si lolo and he wanted my dad to marry someone else. So to get my mom out of the way, he gave her money. But when dad found out, he threatened to disown his family if lolo won't let him marry my mom. Lolo later on accepted us and I guess he just decided to let us keep the money to appease his guilt."
Pinagdaop ni Janelle ang mga palad. "Grabe, ang gallant ni Sir Vince!" she said dreamily. "Kaya crush na crush ko 'yon, e! No offense, Kelvin, pero mas bet ko talaga ang dad mo. Gwapo ka rin naman, pero mas may appeal talaga sya sa 'kin."
"It's okay. I've accepted the fact that dad has more fangirls in the office than I do."
Maybe it's his dad's quiet but commanding presence or his sense of responsibility... whatever it is, it's clearly affecting the women around him.
Mabuti na nga lamang at sa iisang babae lamang nakatingin ang daddy niya. He has so much love for his mother. His face still lights up whenever he looks at her.
It must so elating to be that in love with someone.
"Buti hindi nagsiselos ang mommy mo," kumento ni Celine.
"E kasi, wala lang naman kay dad 'yon. My mom knows that women can look at him all they want, but they can never have him."
"Kaya siguro mas appealing 'yong mga in a relationship, 'no? Kasi other people could only imagine what it's like to be loved like that. I mean, masayang maging single. Masayang laro-laro lang, walang commitment, ganyan... pero at the end of the day, maghahanap pa rin tayo ng permanente. 'Yong hindi agad mawawala. 'Yong walang expiration date."
Celine held up her hand. "Okay. Di na 'ko maka-relate."
"Don't worry, malapit ka na rin"
Nang ngumiti si Celine, alam na kaagad niya kung sino ang iniisip nito.
"I'll just get more beer." Tumayo siya at tinungo ang kusina.
"Pasama! Kukuha akong ice!"
Celine remained in the living room while he and Janelle went to the kitchen. Agad siya nitong kinumusta nang sila na lamang dalawa ang magkasama.
"Uy, okay ka lang?"
"Yeah."
"Parang labas sa ilong."
He sighed. "Alright. I'm not."
Tinapik siya nito sa braso. "I don't know what else to tell you. Hindi ko naman kasi pwedeng pagsabihan si Celine na ikaw na lang ang gustuhin. May sariling utak kasi 'yon. E kung umamin ka kaya? Para at least, alam nya?"
"I almost did. Kaso naunahan nya 'ko. She told me that Yuan's already courting her."
"Oo nga. Kainis 'yon. Ako ang unang naging best friend pero late akong sinabihan. Well, anyway, nanliligaw pa lang naman. Hindi pa sila. Kaya pa'yan!"
Umiling siya. "She clearly doesn't like me that way. Ayoko namang layuan nya 'ko. I don't think I'll be able to handle it if ever that happens."
Isipin pa lamang niyang iiwasan siya nito dahil doon, nasasaktan na siya.
"Hoy, ba't ang tagal nyo dyan?!" tanong ni Celine mula sa sala.
Kumuha siya ng beers at ice saka sila bumalik doon.
"Ano 'yan, hinintay nyo pang mabuo 'yong yelo?"
"Hindi. Hinintay naming matunaw. Ang tigas kasi e," pabalbal na sagot ni Janelle. "Parang 'yang ulo mo."
Nagsalubong ang mga kilay ni Celine. "O, ako na naman? Ano ba kasing problema mo sa 'kin?"
"Basta! Kung ahas 'yan, matagal ka nang natuklaw. Nako!"
"Nakakatampo na kayo ha. Parang may alam kayong hindi nyo sinasabi sa 'kin. Akala ko ba, best friends tayong tatlo?" himutok nito.
"Need to know basis kasi, 'te. And right now, you don't need to know."
He seconded that remark. It will definitely take time before he could muster up the courage to tell her everything.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro